Kinapa ko ang alarm clock na patuloy sa ginagawa nitong pagtunog upang patayin. Tila nasanay na talaga akong matulog katulad sa normal na tao. Tuluyan na akong bumangon nang mapatay ang pagtunog ng alarm clock sa aking bedside table. Nag-inat lang ako saglit at diretso na sa sariling banyo. Siniguro kong malinis at magiging mabango ako ngayong araw kaya naman medyo natagalan ako sa ginawang pagligo. Kailangan kong maging asset iyon dahil hindi ko alam kung sino ang posible kong makilala sa bago kong trabaho. Syempre kailangan kong piliin kung sino ang aking magiging kakilala sa lugar. Iyong tao na tiyak malaki ang maitutulong sa ginagawa kong imbestigasyon. Kung sino man siya ay sisiguraduhin kung tatanggapin ko ng buo. Gayunpaman ay hiling ko na sana makasunod ko ng mabuti kung sino m

