Chapter Two – The Harsh Words
---
Mas lalo pang lumalakas ang tugtog sa event hall habang patuloy ang kasiyahan ng mga graduates. May sumasayaw na sa dance floor, may nagchi-cheers ng shot glasses, at may ilan nang tipsy habang tumatawa ng malakas.
Pero si Ysa, nakaupo pa rin sa gilid kasama si Lara at Mira. Hawak niya ang malamig na baso ng orange juice, ngunit hindi na niya halos nauubos. Hindi mawala ang kaba sa dibdib niya matapos niyang ilagay ang love letter sa bag ni Caelan.
Minsan ay napapatingin siya sa direksyon ng binata. Doon niya nakikita si Caelan na nakatayo kasama ang barkada niyang sina Gio at Marco. Tumatawa ito, relaxed na relaxed, parang walang problema sa mundo. Ang ngiti niya, ang kumpiyansa niya, lahat ng iyon ay parang isang paalala kung bakit siya nahulog mula pa noong freshman year.
“Bes, okay ka lang?” tanong ni Lara, nakatingin sa kanya habang iniikot-ikot ang straw sa coke float niya.
“Oo… siguro,” mahina niyang sagot. Pilit na ngumiti pero alam niyang halata sa boses niya ang kaba.
“Hindi mo na siya titigilan, no?” dagdag ni Lara, nakataas ang kilay pero may halong lambing ang tono.
Napayuko na lang si Ysa, pinisil ang malamig na baso. “Ito na ‘yung huli, Lara. Pagkatapos nito, tapos na.”
---
Maya-maya, napansin niyang naglakad palayo si Caelan papunta sa mas tahimik na bahagi ng hall. Sumama ang barkada niya, bitbit ang mga baso ng beer.
Hindi niya alam kung anong nagtulak sa kanya, pero para bang may kuryenteng dumaloy sa katawan niya at tumayo siya mula sa mesa.
“Bes? Saan ka pupunta?” tanong ni Mira, nag-aalala.
“Mag—mag-refill lang ng juice,” mabilis na palusot niya.
Pero ang totoo, parang may sariling isip ang mga paa niya. Sinundan niya ang grupo nina Caelan, hanggang sa mapunta siya sa corridor na malapit sa veranda ng event hall. Doon kasi madalas pumupunta ang mga lalaki kapag gusto nilang magpahangin at umiwas sa ingay.
Hindi siya lumapit ng direkta. Sa halip, nanatili siya sa may sulok, kalahating nakatago sa likod ng kurtina at pader. Rinig na rinig niya ang tawanan at usapan ng mga lalaki.
“Pare, congrats ulit,” sabi ni Marco, sabay abot ng baso kay Caelan. “Ikaw na talaga ang bida ngayong araw. Top student, varsity star, tapos pogi pa. Sino bang hindi magkakagusto sa’yo?”
Tumawa si Gio, halos mabitawan ang hawak na beer. “Oo nga! Lahat ng babae may crush sayo, Cael. Kahit ‘yung mga taga-MassComm, halos magkandarapa sa'yo.”
Narinig ni Ysa ang pangalan ng course niya, at doon nagsimulang bumilis ang t***k ng puso niya. Nanlalamig ang mga kamay niya, pero pinilit niyang manatili sa kinatatayuan.
“Pati nga si Ysa, ‘diba?” dagdag pa ni Marco, pabiro pero malakas ang boses. “’Yung probinsyana na tahimik lang palagi. Narinig ko, dati pa raw may gusto sa'yo 'yun eh.”
Parang biglang tumigil ang mundo ni Ysa nang marinig niya ang pangalan niya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang umalis o manatili. Pero parang may nagtutulak sa kan'ya na makinig pa, naghihintay ng isasagot ni Caelan.
“Si Ysa?” natatawang ulit ni Caelan, halatang nagulat. “Come on, guys. Paano ko naman s’ya magugustuhan?”
Tahimik lang si Ysa, pero pakiramdam niya nang mga sandaling iyin ay hindi siya makahinga.
“Eh kasi…” tuloy ni Gio, medyo lasing na, “maganda naman siya in fairness. Maputi, chinita, mabait din. Hindi ba attractive ‘yon?”
Humigop si Caelan ng beer, bahagyang umiling. “Hindi sa gano'n. Pero real talk lang, okay? Masyado siyang baduy pumorma. Laging naka-pants or long skirt. She's not my type, and she’ll never be."
Parang nabingi ang tenga ni Ysa sa narinig. Ramdam niya ang bigat ng bawat salitang lumabas sa bibig ng lalaking matagal na niyang lihim na minamahal.
“She's not my type, and she’ll never be."
Paulit-ulit na umuukit sa isip niya ang salitang iyon. Nanginginig ang mga labi niya. Pilit niyang pinipigilan ang luha pero kusa itong pumatak. Nakatago siya sa dilim, at kahit walang nakakakita, pakiramdam niya lantad na lantad ang sugat sa puso niya.
---
“Bes?” mahinang untag ni Lara mula sa likuran. Hindi niya namalayang sinundan pala siya ng kaibigan.
Agad pinunasan ni Ysa ng palad ang kanyang mga mata, pero huli na. Halatang-halata ang pamumula at pagpatak ng luha.
“Bes, ano’ng nangyari? Narinig mo ba—”
Tumango siya, mabilis, halos hindi makapagsalita.
“Let’s go,” mahinang aya ni Lara, agad siyang hinawakan sa braso. “Wala ka nang kailangan pang marinig.”
Tahimik silang naglakad pabalik sa mesa, ngunit hindi na muling bumalik si Ysa sa dati niyang upuan. Kinuha niya ang bag niya, at sabay silang lumabas ng event hall. Hindi na niya kayang manatili doon, hindi na niya kayang makita pang muli ang mukha ni Caelan ngayong gabi.
Sa labas, malamig ang hangin pero hindi sapat para pakalmahin ang dibdib niya na parang sasabog na sakit sa sobrang sakit.
“Bes, I’m sorry,” sabi ni Lara, hawak pa rin siya sa braso. “You don’t deserve that.”
Umiling si Ysa, pilit na ngumiti kahit nanginginig ang baba. “Siguro tama lang. At least alam ko na kung ano’ng tingin niya sa’kin. Hindi na ako maghihintay ng wala.”
---
Habang tinatahak nila ang daan pauwi, ramdam ni Ysa ang bawat patak ng luha na hindi niya mapigilan. Ang high heels na suot niya ay masakit na sa paa, pero wala siyang pakialam. Ang puting dress na kanina’y simbolo ng saya ay para na ring naging mabiga na nagpapahirap sa kanya.
Nakatingin siya sa madilim na kalsada, pilit iniwas ang isip sa lahat ng narinig niya. Pero hindi niya maiwasang magbalik-balik ang boses ni Caelan sa ulo niya.
“She's not my type, and she’ll never be.”
---
Pagdating nila sa bahay, sinalubong siya ng kanyang nanay na abala sa pagtanggal ng make-up matapos ang event.
“Anak, bakit ang aga niyo?” tanong ni Dr. Rina, nagtataka. “Hindi ba’t dapat medyo nag-enjoy pa kayo?”
Ngumiti si Ysa ng pilit. “Medyo boring na rin po kasi, Ma, kaya umuwi na 'ko.«
“Ah gano'n ba? Okay, pahinga ka na anak. Goodnight,” nakangiting wika pa ng kanyang ina.
“Goodnight, Ma.”
Matapos niyon ay mabilis na umakyat si Ysa sa kanyang kwarto. Pagpasok niya, isinara niya ang pinto at agad na bumagsak sa kama. Hinigpitan niya ang yakap sa unan, pinipigilan ang hagulgol pero wala na siyang nagawa.
Napaupo siya sa kama, pinahid ang luha gamit ang likod ng kamay. Sumilip siya sa salamin sa tapat ng kanyang mesa. Namumugto ang mga mata niya, pulang-pula ang ilong, at magulo ang buhok. Halos hindi niya makilala ang sarili.
“Ganito ba talaga ako sa kapangit sa paningin nila?” mahina niyang bulong. “Ganito rin ba ako sa paningin niya?”
Pinulot niya ang extra copy ng love letter na nakalagay sa ibabaw ng mesa. Binuklat niya ito, binasa muli ang bawat salitang isinulat niya nang puno ng pag-asa.
Caelan,
“I can’t bring myself to say this to you directly, not yet. But from the very first day of orientation, it’s always been you—the reason behind my letters, my dreams, and every secret smile I’ve ever had. Even if you don’t know me, even if you’ve never noticed me, I’ve loved you already—with a love that’s real, and all mine to bear.”
Umiling siya, at mabilis na tinupi muli ang papel. Para saan pa ito? Para saan pa kung gano'n naman ang tingin nito sa kanya?
Tumagilid siya sa kama at muling niyakap ang unan. Pinilit niyang pumikit, pero ramdam niya ang kirot hanggang sa dibdib. At bago tuluyang madala ng antok, isang realization ang paulit-ulit na naglalaro sa isip niya.
“Not every secret love needs to be confessed. Sometimes, it’s better for them to remain as memories.”
Buong gabi, nanatiling gising si Ysa. Umiiyak, nagmumuni-muni, at unti-unting tinatanggap sa sarili na hindi lahat ng crush ay nagiging love story.
Minsan, sila pa ang pinakaunang magbabasag ng puso mo...