Chapter Three – The Shocking Guest

1242 Words
Chapter Three – The Shocking Guest --- Mabigat pa rin ang ulo ni Ysa nang magising siya kinabukasan. Parang hindi siya nakatulog kahit pa buong gabi siyang iyak nang iyak. Namumugto ang mga mata niya, at pakiramdam niya ay mabigat pa rin ang dibdib niya, lalo na’t sariwa pa sa isip ang mga salitang binitawan kagabi ni Caelan. She’s not my type. And she’ll never be. Napapikit siya nang mahigpit habang nakahiga pa rin, sabay dantay ng braso sa noo. “Damn it,” mahina niyang bulong. “Bakit pa ba ako umasa?” Nilingon niya ang cellphone sa bedside table. May mga unread messages mula kay Lara, puro check-up at paalala na huwag nang masyadong dibdibin ang narinig niya. Pero wala siyang energy sumagot. Ang kaya lang niyang gawin ay huminga nang malalim at piliting bumangon. Paglabas niya ng kwarto, naamoy niya agad ang aroma ng niluluto sa kusina. Sinabayan iyon ng tunog ng kutsara’t kawali na sumasalubong mula sa dining area. “Anak, gising ka na,” tawag ng kanyang nanay, si Dr. Rina, habang abala sa paghalo ng menudo. Suot nito ang apron na may design ng sunflower, nakataas ang buhok sa messy bun, at kita sa mukha ang saya. Nagulat si Ysa. “Ma, bakit parang todo effort ka ngayon?” Ngumiti ang ina, hindi tumigil sa ginagawa. “May bisita tayo mamaya. Special dinner.” Nagkibit-balikat si Ysa. “Si Tito Ramon?” Tumango si Rina, sabay kindat. “Yes. At may important announcement siya. Kaya gusto kong makilala mo siya nang mas maayos ngayong gabi.” Umupo si Ysa sa dining chair, nakapatong ang siko sa mesa. “Okay. Wala naman akong issue, Ma. Basta kung saan ka masaya, go lang.” Tumigil sandali si Rina, napangiti habang tinitingnan ang anak. “Thank you, anak. Alam kong hindi madali tanggapin na after all these years, may ibang taong darating sa buhay natin. Pero gusto kong malaman mo, seryoso si Ramon. He wants this to work.” Napayuko si Ysa, pilit na ngumiti. “Alam ko, Ma. You deserve to be happy. Single mom ka for so long. Kung siya ang makakapagpasaya sa’yo, okay ako.” --- Lumipas ang maghapon na parang normal. Natulog ulit si Ysa nang sandali, pagkatapos ay tumulong mag-ayos ng mesa. Nilagay niya ang best plates nila, inayos ang mga baso, at naglagay ng maliit na vase na may artificial flowers sa gitna ng lamesa. Habang naglalatag, hindi niya maiwasang mapaisip. So, Ma has someone. Tito Ramon. Naalala niya ang ilang beses na nitong bumisita noon. Maayos naman ang tingin niya rito: gentleman, magalang, mabait sa kanya. Hindi rin ito mukhang mayabang kahit halatang may kaya sa buhay. At least, in her head, walang mali kung tatayuin nitong muli ang pamilya nila. Pero nang maalala niya ang sakit kagabi, muling bumigat ang loob niya. Kung sana hindi ko narinig ‘yon… Bumuntong-hininga siya, pinilit ibalik ang focus sa ginagawa. --- Pagsapit ng gabi, dumating si Ramon. Suot nito ang long-sleeved polo na light blue, may dalang bouquet para kay Rina at isang kahon ng imported chocolates. “Good evening,” masiglang bati nito. “Sorry, medyo traffic kanina.” Ngumiti si Rina at agad tinanggap ang bouquet. “It’s fine. Ang bango nito, thank you.” Nagmano si Ysa at ngumiti nang magalang. “Good evening po, Tito.” “Wow,” tugon ni Ramon. “Mas gumaganda ka yata every time I see you.” Nagpasalamat siya ng mahinhin at umupo muli sa mesa. Napansin niyang abala ang ina sa paglalagay ng ulam, at si Ramon naman ay tila hindi mapakali, halatang may niluluto sa isip. “Regina, Ysa,” panimula ni Ramon, seryoso ang tono, “may gusto sana akong sabihin ngayong gabi.” Nanahimik si Ysa, agad kinabahan. “Matagal na kaming nagsasama ng mama mo. And tonight, I want to make it official. Regina, will you marry me?” Napasinghap si Ysa, napatingin agad sa ina. Nangingilid ang luha sa mata ni Rina habang tumango. “Yes, Ramon. Yes!” Nagpalakpakan silang tatlo. Kahit may bigat pa rin sa dibdib niya, ramdam ni Ysa ang sincerity ng ina. She smiled faintly. “Congrats, Ma. I’m happy for you.” --- Pero hindi pa doon natatapos ang gabi. “By the way,” dagdag ni Ramon, parang biglang naalala. “Gusto ko ring ipakilala sa inyo ang anak ko. Paparating na siya, sabi niya.” Tumango si Rina. “Yes, matagal ko nang gustong makilala ng personal si Caelan.” Nanlaki ang mata ni Ysa. “Caelan?” “Yeah,” sagot ni Ramon, proud ang ngiti. “He’s around your age. Civil engineer. Top student sa batch nila. I think you’ll get along well.” Parang biglang sumikip ang dibdib ni Ysa. Tumaas ang balahibo niya, at bago pa siya makapagtanong, narinig nila ang pagbukas ng pinto. “Dad, sorry I’m late. Traffic was hell.” Tumigil ang oras para kay Ysa. Nakatayo sa may pintuan, nakapolo na itim, hawak ang cellphone at may malamig na ekspresyon—siya. Si Caelan. --- Nanlaki ang mga mata ni Ysa, hindi alam kung tatayo ba siya o tatakbo palabas. Nanlamig ang kanyang mga kamay at halos mabitawan ang baso. Parang wala siyang naririnig kundi ang malakas na t***k ng puso niya. Ngumiti si Ramon, proud na proud. “Cael, come here. Meet Regina… and her daughter, Ysa.” Nagtagpo ang kanilang mga mata. At sa mismong segundo na iyon, bumalik sa isip ni Ysa ang bawat salitang sinambit niya kagabi. She’s not my type. She’ll never be. Pakiramdam niya’y bibigay ang tuhod niya. Halos hindi siya makahinga. “Nice to meet you,” malamig na bati ni Caelan, tumango lang ng kaunti. Hindi makapagsalita si Ysa. Napakagat siya sa labi, pilit ngumiti, pero halatang nanginginig ang baba niya. “N-nice to meet you too.” --- Nagpatuloy ang dinner, pero para kay Ysa, bawat minuto ay torture. Habang abala sina Rina at Ramon sa pag-usap tungkol sa wedding plans nila, si Ysa naman ay parang nakalutang sa ibang mundo. Nakaupo siya roon, nakahawak sa kubyertos pero hindi makuhang kumain. Nakatitig lang siya sa kanin, na para bang iyon na ang pinakaimportanteng bagay sa buong mundo. Stepbrother. Of all people… bakit siya pa? Narinig niya ang halakhak ni Ramon nang magkuwento tungkol sa mga proyekto ng construction firm. Kasunod noon, ang masayang tugon ng kanyang nanay. Parang perpektong eksena ng isang pamilya, maliban na lang sa kanya. Minsan ay napapatingin siya kay Caelan. Hindi niya alam kung siya lang ang nag-iisip, pero ramdam niya ang paminsan-minsang sulyap nito. Mga titig na mabilis ding nawawala, parang walang nangyari. Nagkunwaring busy si Ysa sa pag-inom ng tubig. Pero hindi niya napigilan ang panginginig ng kamay niya, dahilan para mabitawan halos ang baso. Agad siyang tinapik ng kanyang nanay. “Anak, okay ka lang?” tanong ni Rina, may halong pag-aalala. Napangiti siya ng pilit. “Oo, Ma. Medyo pagod lang siguro.” Tumango ang ina at muling bumaling kay Ramon, nagpatuloy sa kwento. Pero si Caelan, nanatiling tahimik sa kabilang dulo ng mesa. Hindi ito gaanong nakikibahagi sa usapan. Naka-upo lang, hawak ang tinidor, at minsan ay naglalaro sa cellphone sa ilalim ng mesa. Parang wala lang, pero alam ni Ysa na ramdam din nito ang bigat ng sitwasyon. At doon lang niya lubos na naunawaan ang cruel twist ng tadhana. Ang lalaking bumasag ng puso niya kagabi… Ngayon ay ipapakilala bilang kanyang stepbrother...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD