TAHIMIK na ang paligid matapos ang dinner. Nakaupo pa rin si Ysa sa mesa kahit tapos na silang kumain. Nakalatag na sa mesa ang mga pinagkainan, may ilang plato pang hindi pa naliligpit. Ang tunog ng mga kubyertos na isa-isang pinupulot ng kanyang nanay at ni Ramon ang tanging musika sa paligid.
Pero para kay Ysa, wala na siyang marinig kundi ang mabilis at walang tigil na t***k ng puso niya.
Stepbrother. Caelan is my stepbrother.
Paulit-ulit na sumisiksik ang katotohanang iyon sa isip niya, parang martilyo na walang tigil sa pagbugbog sa kanyang dibdib.
---
“Anak, tulungan mo nga akong magligpit,” tawag ng kanyang ina.
Agad siyang natauhan. “Ah—opo, Ma.” Tumayo siya, agad kinuha ang ilang baso at dinala sa kusina.
Sinundan siya ng tingin ni Caelan, pero wala siyang naramdamang init o kahit simpleng emosyon mula sa mga mata nito. Malamig. Preskong titig ng isang taong walang pakialam.
Napakagat si Ysa sa labi. Pilit niyang iniwas ang tingin, pero ramdam niyang sinusundan siya nito hanggang mawala siya sa likod ng pader papasok ng kusina.
Sa kusina, mabilis niyang inilapag ang mga baso sa lababo. Nanginginig ang kamay niya, kaya halos mabitawan ang isa. Agad niya itong sinalo, saka napahinga nang malalim.
“Relax, Ysa,” bulong niya sa sarili. “Act normal. Don’t let him see you break.”
Pero paano siya makaka-“act normal” kung bawat kilos niya ay ramdam niya ang presensya nito?
Pagbalik niya sa dining area, nakita niyang nakaupo pa rin si Caelan. Nakapangalumbaba, hawak ang cellphone, at paminsan-minsan ay nagti-type ng mabilis. Hindi siya sigurado kung may kausap ba ito o nagpapanggap lang na busy.
Ang nanay naman niya at si Ramon ay abala pa rin sa pag-uusap tungkol sa wedding. May mga binabanggit na lugar para sa venue at mga pangalan ng mga kaibigang iimbitahan.
Perfect. Everything’s perfect for them. Except for me.
---
Makalipas ang ilang minuto, natapos na rin silang magligpit.
“Ysa, anak, mauna ka na umakyat at magpahinga,” wika ng kanyang ina, kita ang ngiti at saya sa mukha. “Kami na ni Ramon ang magtatapos dito.”
Napilitan siyang ngumiti. “Sige po, Ma. Goodnight.”
Naglakad siya papunta sa hagdan, ramdam ang bigat ng bawat hakbang. Para siyang tinatabunan ng lahat ng emosyon na pilit niyang tinatago mula pa kanina.
Pagdating niya sa dulo ng hallway, saglit siyang lumingon. Nandoon pa rin si Caelan, nakaupo, pero ang mga mata nito, nakatutok sa kanya.
Mabilis niyang iniwas ang tingin, saka nagpatuloy sa pag-akyat.
Pagdating niya sa itaas, tahimik ang buong palapag. Maliban sa malamlam na ilaw mula sa hallway lamp, walang ibang gumagalaw. Dumeretso siya sa pinto ng kanyang kwarto, hawak ang doorknob, handang pumasok.
Pero bago niya ito mabuksan, naramdaman niyang may presensya sa likod niya.
“Ysa.”
Nanigas siya. Unti-unti siyang lumingon.
Nandoon si Caelan, nakatayo ilang hakbang mula sa kanya. Naka-black polo pa rin ito, nakabukas ang dalawang butones sa leeg, at nakaipit ang cellphone sa kamay. Hindi ito ngumiti, hindi rin nagpakita ng emosyon. Basta nakatingin lang, malamig, diretso.
Namilog ang mga mata ni Ysa. “A—ano?”
Lumapit ito ng isang hakbang, sapat para maramdaman niya ang tensyon sa pagitan nila. “What are you gonna do now?” malamig nitong tanong.
“W-what do you mean?” nanginginig ang boses niya.
Tumaas ang isang kilay ni Caelan. “Now that the guy you gave your love letter to… is your stepbrother?”
Parang tinamaan siya ng matalim na bagay sa dibdib.
Napatitig siya kay Caelan, natulala. Hindi siya makapagsalita. Ang mga labi niya ay bumuka pero walang lumabas na salita. Ang utak niya ay parang blangko, pero ang puso niya—nagpapanic, nagwawala.
He knows.
Naalala niya ang sulat. Ang sulat na itinago niya sa bag nito. Paano niya nalaman? Binasa ba niya? Pinagtawanan ba nila ng mga kaibigan niya?
Nanginginig ang mga kamay niya. “H-hindi ko alam ang sinasabi mo,” pilit niyang palusot, pero halatang hindi totoo.
Tumingin lang ito sa kanya nang diretso, parang binabasa ang kaluluwa niya.
Mabilis siyang bumaling sa pinto, binuksan iyon, at halos paslamin ang pagsara. Pagpasok niya, agad siyang napaupo sa kama, hawak ang dibdib niya na parang doon niya itinatago ang lahat ng sakit at kahihiyan.
Bumagsak ang luha niya, mabilis, sunod-sunod. Tinakpan niya ang mukha ng dalawang palad, nanginginig ang katawan habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang tanong ni Caelan.
What are you gonna do now?
Hindi niya alam. Hindi niya alam ang sagot. Ang alam lang niya, mas lalong naging komplikado ang lahat. Hindi lang basta crush. Hindi lang basta rejection. Ngayon, may pamilya nang nakapaloob.
Humiga siya sa kama, yakap ang unan. Pilit niyang pinapakalma ang sarili, pero kahit anong pilit, hindi niya mapigilan ang pag-iyak.
Bakit siya pa? Bakit kailangang siya pa?
---
Sa labas ng kwarto, nanatiling nakatayo si Caelan ng ilang segundo. Hindi ito kumatok, hindi rin nagsalita ulit. Basta nakatingin lang sa pinto, malamig ang ekspresyon.
Pagkatapos, marahan itong lumakad papunta sa kabilang kwarto, binuksan ang pinto, at pumasok. Walang kahit anong tunog, walang iniwang bakas—parang wala lang.
Pero sa isip nito, nanatili ang isang tanong na, “Bakit siya? Bakit si Ysa pa ang anak ng babaeng pinili ng tatay ko?”
---
Magdamag, hindi nakatulog si Ysa. Paulit-ulit siyang nagpaikot-ikot sa kama, hawak ang diary na hindi niya alam kung isusulat ba niya o itatapon.
Sa huli, binuksan niya ito at sinulat ng mabilis.
June 25, 2025.
Tonight, my whole world changed.
I thought rejection was the worst pain I could ever feel. But no—this is worse.
The guy I loved for years is now my stepbrother. And I don’t know how to survive tomorrow, knowing he’s just a wall away from me.
Napahinto siya, tumulo ang luha sa pahina. Mabilis niyang pinahiran iyon, pero naiwan ang bakas.
Isinara niya ang diary, pinikit ang mga mata, at nagdasal na sana paggising niya bukas, magbago ang lahat.
Pero sa puso niya, alam niyang ito pa lang ang simula...