Pangalawa

2324 Words
Nahihilo at nilalamig iyon ang nararamdaman ko ng magising ako. Umikot ang mata ko sa paligid at tumigil ito sa lalaking nakaupo sa couch di kalayoan sa hinihigaan ko. Anong nangyari? Iyon agad ang bungad na tanong ng isip ko. “Kuya…” tawag ko sa lalaking nakatingala habang nakapikit. “Abba… ayos ka lang? May masakit ba sayo? May gusto ka ba?” Sunod-sunod nitong tanong sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatingin dito. Ilang taon na din simula ng magkita kami at magkaharap ng ganito kalapit. “I miss you!” I whispered. He smiled and pull me towards him. I don’t know why but I just keep on crying while hugging my brother. “I miss you too, Fabby. So stop crying na.” Ilang minuto din yata ako iyak ng iyak siguro naghalo-halo na ang pagod ko at ang nangyaring pagpapatapon sa akin dito nila Mommy. Kahit naman kasi anong tanong ko sa kanila kung bakit ako nandito ay hindi nila ako sinasagot. Basta magpakabait daw ako at malalaman ko rin ang rason kung bakit ako binalik dito sa Pinas. “Ano palang ginagawa ko dito Kuya? Tsaka paano mo nalaman kung nasaan ako?” Naguguluhan kung tanong sa kanya. “Hinimatay ka daw sabi ni Diego. Nagpatawag naman na sila ng Doctor. Nilagnat ka lang daw dahil sa ipis. Hindi ko alam na hindi parin nawawala ang Phobia mo sa ipis,” natatawa niyang tukso sa akin. Napanguso ako sa sinabi ni Kuya. “Kaibigan mo ba talaga ang lalaking ´yon? Napakayabang bukod pa doon nuknukan ng sungit.” Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ni Kuya. Mataman itong tumitig sa akin bago nito ginulo ang buhok ko. I smiled at him happily at least I still have him even our parents already throw me out. “Mabait ´yon. Masungit lang talaga. Ayos na ba ang pakiramdam mo?” “Luh! Mabait? Sobrang sungit nga. Uuwi na ba tayo?” Excited kung tanong dito kaya agad akong napabangon. “Yup. Kakausapin ko lang si Diego.” Speaking of Diego. Kumusta na kaya ´yon? Bahala siya, talaga namang masungit naman talaga siya. Ilang beses niya kaya pinamukha sa akin kung gaano ako kawalang kwenta sa mga sinasabi niya. Nag-ayos lang ako ng sarili ko bago ako lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Diego na kausap si Kuya at mukhang magkasundo naman sila. Gusto ko sanang lapitan sila pero malayo palang dinig ko na ang boses ni Diego. “Just bring her home, Santi. Ayoko ng magkaproblema pa one of this days” Napanguso ako sa narinig mula kay Diego. Ganoon niya ba ka ayaw sa akin para talagang ipagtulakan akong makaalis dito? Sana hindi siya pumayag na siya ang susunod sa akin kung ayaw niya talaga sa akin. Hindi iyong kung kailan nandito na ako saka naman sila magiging ganyan ka attitude. Alam ko namang hindi ako mabait pero sadyang nakakainis lang na maririnig ko pa ´yon mula sa kanya na parang pinagpipilitan ko ang sarili ko na mag-stay dito. “You knew I can’t bring her home. Can’t she stay her for a moment?” “Why don’t you just toll her so she wouldn’t be surprised pag nakita o nalaman niya? Kahit kailan sakit kayo sa ulo ko.” “Don’t be too harsh on me, Dieg´s. I know you understand me. Besides Its just a week or two pag naayos ko na ang problema ko.” Hindi ko kinakaya ang naririnig ko. Hindi ako sigurado kung ako pa ba ang pinag-usapan nila o iba na. Dahil sa totoo lang wala na akong maiintindihan sa mga pinagsasabi nila. “Miss Abba, ano pong ginagawa niyo dito? Ayos na po ba kayo?” Kalabit sa akin ni Teo na nasa tabi ko na pala. “Ayos na ako, Teo. Meron ka ba diyang gamot para sa sakit ng ulo?” Agad siyang naalarma sa tanong ko at agad na hinawakan ang noo ko. Pero bago pa lumapat ang kamay niya doon ay nahawakan na ni Diego ang kamay nito. “Anong ginagawa mo Teo?” Tanong niya sa baritone ng boses at seryosong mukha. “Masakit daw ang ulo niya gusto ko lang malaman kung may lagnat pa siya.” Saad ni Teo. Gulat akong napaatras ng biglang lumapit si Diego sa akin at walang sabi-sabi nitong nilagay ang kamay sa noo ko. Hindi ko na nagawa pang makapagtanong pa dito. Para akong naipasa ng lumapat ang kamay niya sa noo ko kaya agad akong napaatras palayo dito. “Sorry. Teo, ipatawag mo si Dr. Agustin. Kailangan mo pang magpahinga kaya wag ka muna lumabas ng kwarto,” utos nito bago tumalikod at iwan kami ni Teo. Kahit si Kuya Santi ay nawala na din. Tinanong ko si Teo kung saan sila nagpunta hindi rin daw niya alam at ayaw niya na daw alamin. Kaya wala akong nagawa ng itulak na ako ni Teo pabalik sa kwarto ng tinutuluyan ko at muling pahigain sa kama. “Pero sabi ng kapatid ko ay uuwi na daw kami.” “Si Kuya Diego at ang doctor po ang magsasabi kung pwede na kayong umalis o makabyahe dahil baka mabinat po kayo.” Paliwanag ni Teo sa akin. Pero kahit ganon ay wala parin akong maintindihan. Bakit si Diego ang nakakaalam Doctor ba siya? At ang gusto ko nalang mangyari ay ang makauwi sa bahay ni Kuya ng hindi ako a nakaka-abala sa lalaking masungit na ito. Dahil habang tumatagal ako dito ay mas lalong hindi ko kinakaya ang kasungitan nito akala mo laging may regla. Nahiga na lang ulit ako ang balak ko ay maidlip lang pero ng muli akong magising ay hapon na at pababa na ang araw. Inayos ko lang ang sarili ko bago ako lumabas ng kwarto. Siniguro ko munang may suot akong bra dahil baka bulyawan na naman ako ng lalaking ´yon. Hindi ko alam kung over protective lang ito o sadyang masungit lang talaga. “Ate Abba, gising ka na pala. Dadalhan sana kita ng pagkain pero mukhang pababa ka naman na. Tara na sabay kana sa amin.” Napilitan akong sumunod kay Paloma kahit hindi pa naman ako masyadong nakakaramdam ng gutom. Nasa hagdan palang ay naririnig ko na ang ingay ng mga lalaki sa baba. Nandoon din kaya si Kuya? Kanina ko pa siya hindi makita hindi rin naman ako sigurado kung kilala nila ang kapatid ko. “Oi yong englishera.” Natawa ako sa tawag sa akin ni Berto. “Tanga nakakaintindi daw yan ng Tagalog diba, Teo?” Baling ni Cardo kay Teo na napapakamot nalang sa ulo dahil sa kakulitan ng mga kasama. “Paupoin niyo si Ate Abba,” utos sa kanila ni Paloma na agad din naman silang tumalima. “Nalinis na naman ang buong bahay at siguradong wala ka ng ipis na makikita.” Mayabang na bungad sa akin ni Berto. “Salamat, Berto. Pero uuwi na rin ako mamaya. Nandito kanina ang kuya ko sabi niya susunduin niya daw ako,” nakangiti ko pang sagot sa kanila pero agad din yong nawala sa sunod na sinabi ni Cardo. “Hala, diba umalis na yong—” naputol ang mga sasabihin niya pa ng sikohin siya ni Teo at pandilatan ng mata. Dali-dali akong tumayo at hinanap si Diego pero wala ito sa loob ng bahay. Narinig ko pa ngang tinawag ako ng tatlo ngunit iba ang nasa isip ko ngayon. Ang gusto ko lang ay mahanap si Diego at maliwanagan sa sinabi nito. Inikot ko ang buong talyer nila at nakita ko itong nakaupo sa gilid ng sasakyan at naninigarilyo. Mabilis akong humakbang palapit sa kanya alintana kung magalit ito sa akin basta kailangan kung malaman ang totoo. “Nasaan si Kuya?” Tinapon nito ang hawak na ang sigarilyo na mukhang kakasundo niya lang. Tumalikod at pinulot ang isang gamit na parang pa ekis napaatras pa ako sa pag-akalang baka ihampas nito ito sa akin. “Tinatanong kita, nasaan ang kapatid ko? Wag mo ako basta ng talikuran,” muling kung bulyaw dito. Pero parang wala lang itong narinig sa sinabi ko dahil patuloy lang ito sa pag ungkat sa lintik na sa sasakyang ´yon. Napa-padyak ako bago muling umikot sa kabilang gilid nito at muling nagtanong. Pero gaya ng una ay binalewala lang din ako nito. “Ang sabi ni Kuya kanina ay uuwi na kami. Sabi niya sinusundo niya na ako. Pero bakit wala na siya dito? Pinaalis mo ba siya? Sumagot ka anong ginawa mo sa kanya ba’t umalis na siya?” Naiiyak kung untag dito. “Wala akong ginawa sa kapatid mo. Kusa siyang umalis at wala akong magagawa doon.” “But he told me that were leaving that i´ll be going home with him.” Sa sobrang prustrasyong nararamdaman ko ay napaupo nalang ako doon habang umiiyak sa nalaman ko. “Pwede ba wag mo akong iyakan. Kung tapos ka ng kumain magpahinga ka na sa kwarto mo dahil wala ako mood mang-alo sa pag-inarte mo,” pagak akong natawa sa sinabi niya. Para bang kating-kati siya laging paalisin ako. Kung ayaw niya pala akong makasama sana unang araw palang hinatid niya na ako kay Kuya. “Ano bang ginawa ko para ayawan mo ako? Ganoon mo ba ako kaayaw para maging ganyan ang ugali mo sa akin? Bakit? Bakit paulit-ulit mong pinapamukha sa akin na sakit ako sa ulo at ayaw ng lahat sa akin?” Hindi ko mapigilang singhal dito. Halos mapa talon ako sa gulat ng marinig kung ihagis niya ang bagay na hawak niya dahilan para lumikha iyon ng malakas na tunog sa buong talyer. “Kung may pagpipilian lang ako ng araw palang na sabihin ng kapatid mo ang pangalan mo ay gusto ko ng tumanggi. Pero wala akong magawa dahil kailangan ng kaibigan ko ng tulong. Kung sana kasi magpapakabait sa kasama ang magulang mo sa ibang bansa. Baka sakali pang hindi ka nila ipatapon dito na parang isang basura. Ngayon pati kapatid mo ay inaayawan ka at dito ka sinisiksik ka dito sa lugar kung saan hindi ka rin naman bagay.” Nakaugat ko ang labi ko at dahan-dalang napaatras palayo sa kanya. Naikuyom ko ang kamao ko at unti-unti iyong pinisil dahil baka sakaling mali lang ako ng dinig. Baka sakaling hindi mabingi lang ako at namali ng intindi pero kahit anong gawin ko ay iyon talaga ang mga salitang sinabi niya. Iniwan ako ni Kuya… Inayawan niya din ako gaya ni Mommy at Daddy. Nagpatakbo ako palabas sa auto shop nila. Tumakbo ako palayo doon dahil baka sakaling nananaginip lang ako. Ang malamang inayawan ka rin ng kaisa-isang taong inaasahan mo ay parang isang bangungot sa akin. Isang panaginip na mahirap takasan at pinagdarasal kung sana´y hindi totoo. Hindi ko alam kung saan ako nakarating habang tumatakbo at hilam sa luha ang pisngi ko. Pagod akong naupo sa isang semento ng upuan san akita ko. Doona ko magmukmok at iniyakan lahat ng sakit na nararamdaman ko. Para akong namatayan at ngayong gabi ay paulit-ulit kung pinagluksa ang mga nalaman ko. “Balooot.. balooot kayo diyan. Miss bili ka ng balot.” Lapit ng lalaking may hawak na basket ng balot pero ilang lang ang sagot ko dito. Akala ko pa ay aalis na din ito agad pero yumukod pa ito at sinilip ako. “Ano ba? Ayoko sabi ng balot! Hindi ako gutom,” asik ko dito pero tumawa lang ito ng marinig na tumunog ang tiyan ko. “Miss masama ang nagpapagutom. Tsaka gabi na bakit nandito ka pa? Delikado dito sa gabi tapos mag-isa ka pa. May umayaw ba sayo? Mukhang galing k asa iyak eh!” Napaikot nalang ang mata ko sa inis ko dito. “Ba’t ba ang kulit mo? Wala kong pera pambili ng balot mo at higit sa lahat wala kang pakialam kung umiyak man ako o hindi.” Ang gusto ko lang ngayon ay makauwi kaso wala pala akong bahay kaya wala akong uuwian. At higit sa lahat wala ding may pakialam sa akin kaya kahit saan ako magpunta pwede. Nagulat ako ng umupo ito sa tabi ko kaya agad akong nagpausod. “Ang sungit mo naman. Alam mo Miss sa panahon ngayon gustong-gusto ng mga lalaki ang masungit. Eto kainin mo pampalakasan ´yan para kapag may nambastos o pumik-ap sayo dito ay makakalaban ka kung ayaw mo.” Agad akong napabaling sa kanya. Akala ko ay nagbibiro lang ito kanina pero bigla tuloy ako nakaramdam ng takot sa sinabi niya. Napa singhap ako ng kunin niya ang kamay ko at ilagay doon ang balot na mainit-init pa. “Kainin mo ´yan. Makakatulong ´yan sayo wag ka din magpapagutom wag mong pag-alalahanin ang mga taong nagmamahal sayo,” malungkot akong napangiti sa sinabi niya. “Wala ako noon. Kahit pamilya ko ay wala ako, inabandona na rin ako,” isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago nakatingala sa langit. “Pwede ba ´yon pamilya mo iiwanan ka?” “Yup. My family they left me and kick me out of their like.” I said bitterly. “Naku, siguro ganoon ang pananaw mo. Pero lahat ng nangyayari sa buhay natin may rason. Kahit ang mga taong dumarating sa buhay natin may rason.” “Gaya mo sa akin. You have reason´s why you’re here with me.” Napakamot siya sa ulo alanganing ngumiti. “Siguro nga. Pero sana itong pagkakataon na binibigay sa akin para makatulong ay makatulong din sa iba. Ayan na pala ang sundo mo,” saad niya sabay tingin sa kalsadang wala liwanag lang ng ilaw sa poste ang nakikita ko. Maya-maya pa ay isang humaharurot na motorsiklo ang papunta sa gawi namin. Isang itim na motorsiklo na wala kang maririnig na malakas na ingay mula sa motor nito isang swabeng tunog na hindi masakit sa tenga. Agad akong napaurong palapit kay Kuyang nagbabalot ng huminto sa harap namin ang motor dahilan para malakas na tumawa ang nagtitinda ng balot. “Okay lang yan Miss ganda, hindi ´yan nangangain ng tao,” ngiti nito na parang siguradong-sigurado sa sinasabi niya. Bumaling ako sa itim na Ducati na pumarada sa harap namin. Halos malaglag ang panga ko ng tanggalin nito ang helmet niya at walang ngiting bumaling sa akin. “Oras na para umuwi, mahal na Princesa.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD