Kabanata 13

1981 Words
"You want me to marry you?" Marahang tanong ko kay Mayumi. Hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon. Nang banggitin ni Atty. Dela Vega ang tungkol sa huling testamento ni Tito Arnold, alam kong hindi sangayon doon si Mayumi. I was disappointed at first. Pero kaagad ko ring naipagsawalang bahala ang bagay na iyon. Kung ayaw niyang matuloy ang kasal, mabuti. Mapapadali ang pag-alis ko rito sa hacienda. Mapagtutuonan ko na ng pansin ang kompaniyang naiwan ni Mommy. But I think that won't happen anymore. "Why?" Tanong ko pa. "I like you." Sagot niyang napapaiwas ng tingin. Tila napakabilis ng pag-amin ni Mayumi. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. Totoo ba iyon? "Hindi ka magsisisi?" "Hindi pa nga tayo ikinakasal, magsisisi kaagad ako? Malalaman ko lang iyon kapag nagsama na tayo bilang mag-asawa." She said while smiling. Pinilit kong huwag ipahalata kay Mayumi ang bahagyang pagtiim ng mga bagang ko. Inaway niya si Shane dahil sa pang-aalaska nito. At tungkol sa pagiging asawa ko kunó kung bakit galit na galit si Mayumi. Kaya ngayon, ayaw ko man ay unti-unting nararamdaman ko ang inis sa aking dibdib. Ano bang iniisip ni Mayumi? May pinaplano ba siyang hindi ko alam? Don't get me wrong. I love her. And I've been waiting for this day to come. Iyong tatanggapin niya ang kasal. Pero ang isiping tila may kabaliwan siyang pinaplano—kinakabahan ako ngayon pa lamang. Well, kung ako naman ang palaging masusunod, wala naman sigurong mangyayari sa pagsasama namin. Alam ko at ramdam kong natakot ko siya kanina. Kaya may posibilidad na hindi ako mapapasailalim ni Mayumi. Isang marahas na buntong-hininga ang aking pinakawalan. Inayos ko ang pagkakasandal ko sa cabinet na nasa walk-in closet ni Mayumi. Bahagya ko siyang inilayo sa akin. "Hindi ka pa ba aalis? May meeting kang dadaluhan, hindi ba?" Tanong niya habang ibinabalik ang pantalon na kinuha kanina. Bumalik siya sa part kung saan naroon ang kaniyang mga t-shirt. She reached for the white v-neck shirt. Napailing na lamang ako. Palihim akong napamura kanina nang mapasukan ko siyang tanging panloob ang suot. Tigas ang pagpigil ko sa sariling lapitan siya't damhin ang malambot niyang katawan. Kung anu-ano na ang tumatakbo sa isipan ko kanina. Kung gaano ba kakinis ang kaniyang balat? Kung ano ba ang pakiramdam na muli ko siyang maipaloob sa aking mga bisig? I wanted to hold her in my loving arms. Kiss her all over her body. I imagined myself, cupping her breasts—I know for sure that they have the right sizes to fit in my hands, perfectly. I couldn't stop myself from asking—what does it feel inside her? What does it feel moving in and out of her wetness? Unti-unting nilalamon ako ng init habang naglalaro ang mga bagay na iyon sa aking isipan. Hindi ako magkamayaw kanina kung paano pahuhupain ang pagnanasang bumubuhay sa aking p*********i. I wanted to touch her right there and then. But all I could do was uttered a curse between clenched teeth. Damn it! "Hindi ka pa ba lalabas? Magpapalit ako ng damit." Malamyos na boses ni Mayumi ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Iniwas ko ang aking tingin. Oh s**t! Her eyes were inviting me to do what I was just thinking a while ago. I almost let out a curse when she stepped closer. Kumukulo ang dugo ko sa init na nararamdaman. "I'll wait you outside, Mayumi." Pigil ang hiningang sabi ko bago nagmamadaling lumabas ng kaniyang walk-in closet. Napapikit na lamang ako ng mariin. What is wrong with me? Hindi naman ako ganito sa mga babaeng dumaan sa buhay ko. But Mayumi—f**k! I'm still hard down there! "I'm done!" Malakas na sabi ni Mayumi na hindi ko napansing nakalabas na pala. I heaved a sigh. Pasimpleng naikuyom ko ang aking mga kamao bago pinilit na alisin sa isip ang nakakahiyang pagnanasa. "Kumusta ang pakiramdam mo?" I asked. Kumunot ang noo ni Mayumi. "You? How's your feeling? Kanina pa kita napapansing parang may iniinda? May problema ba?" "f**k," madilim ang ekspresiyong sabi ko. Hindi ko napigilan ang mapamura nang malakas. "Huh?" Marahas akong nagpakawala ng buntong-hininga. "Hindi na ako dadalo sa meeting. Isasama na lang kita sa bayan para sa pagpapakabit ng internet." "Pero ayos ka lang ba?" "I am not okay! Okay?" Mariin kong sagot bago tumalikod. "I'll just take a quick shower." — Nang makaalis si Akihiro ay lalong lumalim ang kunot sa aking noo. Alam kong may iniinda siya. Hindi ko nga lang alam kung ano iyon. Inayos ko na lamang ang sarili. Pinunasan ko ang aking ilong na namumula pa rin. Sinunod ko naman ang aking buhok. Maingat ko iyong sinuklay at pagkatapos ay kaagad na akong bumaba. Naabutan ko sa sala na nagkukuwentuhan si Kuya Vince at Emily. Hindi ko masyadong narinig kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa. Huminto na kasi ang mga ito nang tuluyan na akong makalapit. "Kumusta?" Tanong sa akin ni Kuya Vince pagkaupo ko pa lang sa pang-isahang sofa. "Masakit pa ba iyang ulo at ilong mo? Napapangiwing tumango ako. "Medyo masakit pa rin." "Iyan ang napapala ng pagiging maldita mo." Pagsusungit ni Emily. Napakagat na lamang ako sa aking ibabang labi. Bahagya kong inilibot ang aking tingin. Nagbabakasakaling makita ko si Shane. Naiinis pa rin ako sa lalaking iyon. Pero kailangan kong humingi ng tawad. Hindi man sinabi ni Akihiro, alam kong gusto niyang gawin ko iyon. Nakakainis. "Kung hinahanap mo si Shane, nasa kuwadra. Magpapaturo yatang mangabayo." Sabi ni Emily na ikinangiwi ko ulit. Hindi ko napansing pinapanood pala nila ang paghahanap ko sa bwisit na si Shane. "Mahulog sana siya sa kabayo." Bulong lamang iyon. Pero mukhang matalas talaga ang tainga ng pinsan ko. Hindi ko napaghandaan ang pagbato nito sa akin ng unan. Akma akong gaganti nang may biglang tumikhim sa likuran ko. Bagong ligong si Akihiro ng aking nalingunan. "Wow! Mukhang may date yata ang dalawa." Nakangising turan ni Emily na alam kong ikinapula ng aking mga pisngi. "Couple shirt pa. Ano 'to? Pampalubag-loob sa brat na prinsesa?" Kung wala lamang si Akihiro baka napadugo ko na ang nguso ni Emily. Masyadong talakera ang gaga. Kulang na lang ipagsigawan nitong napakamaldita ko. "Kukuha kami ng taong magkakabit ng internet." Seryosong sabi ni Akihiro bago ako hinawakan sa braso at hinila patayo. "Well, you can still call it a date. Pero, hindi ito pampalubag-loob. Itong batang ito ang nagpupumilit kahapon pa na isama ko sa bayan." "Bata?!" Malakas kong sabi na ikinahagalpak ng tawa ni Kuya Vince at ni Emily. "And wait, nagpupumilit ba akong sumama sa'yo?" "Bakit hindi ba?" Nakangising sabi niya na lalong ikinapula ng mga pisngi ko. "Don't blush." "I'm not blushing!" Katuwiran ko habang hinihila ako ni Akihiro palabas ng bahay. "Okay, sabi mo eh." Sabi niya bago kumindat. "We're leaving guys! Pakisabi kay Manang na gagabihin kami ni Mayumi." "Alright! Enjoy!" Pahabol na sabi ni Emily na ikinairap ko. Sa kotse ni Akihiro kami sumakay. Nasa casa pa rin kasi ang sasakyan ko. Sa isang araw pa kasi iyon matatapos sabi ni Tatang Ben. Oh, speaking of Tatang Ben. Hindi ko siya nakikita nitong mga nakaraang araw. Ganoon ba talaga sila kaabala sa kabilang hacienda? Eh bakit si Kuya Vince nandito sa bahay? Hindi ba dapat kasama si Kuya Vince sa pagpapaanak ng mga kabayo sa kabila? "Ang lalim ng iniisip mo." Malakas akong napasinghap nang marinig ko ang boses ni Akihiro. Nang lingunin ko siya'y salubong ang mga kilay niya habang nagmamaneho. Saglit muna akong tumikhim bago sumagot. "Iniisip ko kung sino ba talaga sa tatlong taong iyon ang nasa likod ng pagkamatay ni Dad at Tita Eliza." "Kalimutan mo muna iyon. Basta ang mahalaga may lead na tayo." "Pero Akihiro, baka kapag isinantabi ko ang tungkol sa kasong iyon, hindi kaya lalo lang lumala? Hindi ba't muntik na rin akong mapahamak? Paano kung maulit iyon?" Nagsisimula na naman akong matakot. Kanina lamang ay pansamantalang nakalimutan ko ang tungkol sa bagay na iyon. Thanks to Shane for entertaining me. But reality slaps me real hard, now that I'm alone with Akihiro. Napagsolo kami kanina sa kuwarto, pero dahil sa mataas na emosiyon sa katatapos na pag-aaway namin ni Shane, panandaliang nawala ang isipin ko patungkol roon. "They won't hurt you, Princess. Hangga't nasa tabi mo ako, hindi ako papayag na mapahamak ka." Seryosong sabi ni Akihiro bago inihinto ang sasakyan sa isang tabi. "Dito binangga ang sasakyan mo, hindi ba?" Mabilis na inilibot ko ang tingin sa paligid. Kaagad akong tumango nang makita ang nakahawi pa ring mga halaman dahil sa pagtakbo sa parteng iyon. "Dito nga iyon." "Ano'ng kulay ng sasakyan na bumangga sa'yo?" "It was raining hard that time. I don't think I—." Natigil ako sa pagsasalita nang mamataan ko ang papalapit na sasakyan. "A black NP300 Navara." "What?" Humigpit ang hawak ko sa seatbelt na suot. Alam kong madilim noon at umuulan. Pero siguradong tama ako. Ang itim na sasakyang palapit ang siyang sasakyang bumangga sa akin noong gabing iyon. "Let's go, Akihiro." May nginig sa boses na sabi ko. "Umalis na tayo." "No, Mayumi. Let me talk to the driver first." "What? Are you crazy?! Hindi ako papayag!" Nanlalaki ang mga matang sabi ko. Mabilis na hinawakan ko ang braso ni Akihiro nang akma siyang bababa ng sasakyan. Natatakot ako na baka mapahamak siya kapag kinumpronta niya ang drive ng Navara. "It'll be quick, Mayumi." Tumulo na ang luha ko dahil sa takot. "No, please." "Mayumi..." "Ayaw ko nga! Bakit ba hindi ka nakikinig sa akin? Hindi ka nga pwedeng bumaba!" Sumigaw na ako. Wala na akong pakialam kung magalit man sa akin si Akihiro. Mas okay iyon kaysa bumaba pa siya para kausapin ang driver ng sasakyan na paparating. "Alright, hindi na. Tumahan ka na riyan." Mababa ang boses na sabi niya bago inabot sa akin ang tissue. Kung hindi pa pala ako umiyak, hindi siya papapigil? Abala ako sa pagpupunas ng luha nang may biglang kumatok sa bintanang nasa side ni Akihiro. Kumabog nang malakas ang aking dibdib. Nang tingnan ko si Akihiro ay napansin ko ang pagtagis ng kaniyang mga bagang. Saglit siyang huminga nang marahas. Hinawakan niya rin ang mga kamay ko bago ibinaba ang bintana. "Sir, nasiraan po ba kayo?" Tanong ng isang may edad na lalaki. "Wala namang problema sa sasakyan. Bigla lang nahilo itong girlfriend ko kaya inihinto ko saglit." Pilit ang ngiting sagot ni Akihiro. "Naku, baka naman po may laman na iyang tiyan ni Ma'am." Humalakhak pa ang lalaki na siyang ikinatalim ang tingin ko rito. "Sana nga," pagsakay ni Akihiro sa sinabi ng lalaki. "By the way, sasakyan mo ba iyan?" Obviously, hindi kilala ni Akihiro ang lalaki. Hindi ito trabahador sa hacienda. "Ay, hindi Sir. Pinahiram lang iyan sa akin ng amo ko." Napapakamot sa noong sagot nito. "Bakit pala Sir?" "Ano pala ang kailangan mo rito sa Hacienda Lazaro?" Tanong ulit ni Akihiro. "Ah, bibisitahin ko lang iyong kumpare kong si Ben. Inimbita niya akong mag-inuman kasama ng anak niya. Nagkita kasi kami sa bayan noong isang linggo." "Ganoon," walang ganang sabi pa ni Akihiro bago sumulyap sa akin. Bahagya niyang pinisil ang aking kamay. Pagkatapos ay muli niyang binalingan ang lalaki. "Sino iyong amo mo?" "Ay naku Sir, hindi po pwedeng sabihin. Pribadong tao kasi si boss. Kung gusto niyo po siyang makilala, kausapin niyo na lang po iyong secretary niya. May negosyo silang itinatayo sa bayan. Pihadong naroon si Madam." Tumango na lamang si Akihiro. Pagkasara niya ng bintana ay kaagad na rin niyang pinatakbo ang sasakyan. Mahigpit ang hawak niya sa manibela. Alam kong galit siya. Pero nagtataka ako, bakit nagagawa pa rin niyang ngumisi? "Anong gagawin natin ngayon?" Tanong ko. "Ano ba'ng dapat nating gawin?" "Hanapin iyong amo nung lalaki?" Hindi siguradong sagot ko. "Nope. We're not gonna waste our time for that, honey." Nakangising sabi niya na ikinakagat ko sa labi. "Siya ang lalapit sa atin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD