SIMULA
Akihiro’s Point of View
"You're marrying a man you just met months ago? That's unbelievable, Mom," I said, unable to hide my disbelief. I was in the middle of checking my students' workbooks when she broke the news about her plan to marry a man named Arnold Lazaro.
Well, she's old enough to do whatever she wants. Pero ang kaisipang magpapakasal siya sa lalaking ilang buwan pa lamang niyang kilala ay hindi ko yata matatanggap. Dad died many years ago, at alam kong hindi iyon ang rason kung bakit ako nagkakaganto. I’m just worried, lalo pa't hindi ko naman kilala ang lalaking pakakasalan ni Mommy.
"Arnold is a good man, hijo. Ramdam kong mahal niya ako. Ganoon din naman ako sa kaniya, kaya pagbigyan mo na ako," Mommy said while massaging my shoulders.
God, I'm almost twenty-seven, at ngayon pa talaga niya binalak mag-asawang muli?
Malalim akong bumuntong-hininga. I didn't have a choice but to give her my permission. If it's truly love, who am I to stop them? Sino ako para pagbawalang sumaya si Mommy?
"Alright, pero huwag mo akong pipilitin na sumamang tumira sa farm ni Arnold," seryoso kong sabi.
"It's Tito Arnold, Akihiro," pagtatama sa akin ni Mommy. Tumango na lamang ako bago ipinagpatuloy ang aking ginagawa. "Pero hijo, gusto kong naroon ka sa kasal namin. Huwag mong idadahilan ang trabaho mo sa opisina o ang pagtuturo. Hindi kita mapapatawad kapag wala ka sa kasal ko!"
Hindi ko napigilang mapangisi. "Of course, Mom. Hindi ako mawawala sa importanteng event na 'yan. Well, saan ba ang venue ng kasal ninyo?"
"Sa Hacienda Lazaro."
"Hacienda Lazaro?"
"Yup. Hindi naman dukha si Arnold gaya ng inaakala mo. Mabubuhay ako sa piling niya kahit hindi mo pa ako bigyan ng hati sa yamang iniwan ng Daddy mo."
Muli akong napailing. I guess my worries were useless. Ang akala ko kasi ay isang simpleng magsasaka si Arnold—oh well, magsasaka pa rin naman ang Arnold na iyon, iyon nga lang, de-kalibreng magsasaka siya. And that's nice.
-
Mayumi’s Point of View
"You're frowning again, sweetie," narinig kong sabi ni Daddy habang kumakain kami ng hapunan. Dalawa na lamang kami rito sa malaking bahay. Para kaming kumakain sa gitna ng disyerto kung hindi lamang nagsalita si Daddy.
"Because you're sending me away!" salubong ang kilay na sabi ko. Dad decided to send me back to Australia. Halos dalawang taon pa lang ako rito sa Pilipinas, pero heto at pinababalik na naman ako sa bayang gusto ko nang iwan.
I was only eighteen when I moved back here to the Philippines because my Mom died of lung cancer. Nang maranasan ko ang magandang pamumuhay dito, nagdesisyon akong dito na lamang ipagpatuloy ang pag-aaral. I graduated Senior High in Manila, and now I’m planning to enroll in a university here in San Mateo. But my "oh-so-loving" father wants me to go back to Australia. And that's not a good idea!
"Hija, it's for your own good. There are a lot of opportunities in—"
"But I want to study here, Dad! I have friends here, hindi katulad sa Australia. They only liked me because I had money! But here, everyone genuinely cares for me. Wala silang pakialam kahit Lazaro ako. They don't care about my money; they like me because I am me."
"I understand, but—"
"No, you don't! If you did, hindi mo ipipilit na bumalik ako sa Australia."
Isa pa sa mga rason kung bakit ayaw kong bumalik doon ay dahil kay Dustin. He's my ex-boyfriend. He cheated on me, pero nang malaman niyang isa akong heredera, nagkukumahog siyang bumalik at nagmakaawang balikan ko siya. Like, why would I do that? Hindi ako tanga para magpagamit sa mga manloloko!
"Mayumi—"
"Just tell me you already found someone you want to spend the rest of your life with," sabi ko na ikinatigil ni Daddy. Wala namang kaso sa akin ang magkaroon ng stepmother. Pero kung magkakaroon nga ako, siguraduhin lang ni Dad na hindi mala-Cinderella’s stepmother ang pakakasalan niya. Hindi ako katulad ni Cinderella na duwag; oras na gumawa ng masama ang babaeng iyon, tiyak na uuwi siyang luhaan.
"You're right. I'm marrying Elizabeth."
Umawang ang bibig ko. That's why he wants me to go back to Australia? Magpapakasal siya agad-agad? "Elizabeth?"
"Elizabeth Santibañez."
Awtomatikong kumunot ang noo ko. Santibañez? Saan ko ba narinig ang pangalang iyon? It sounded familiar, hindi ko lamang matandaan kung saan o kailan.
"Magpapakasal ka sa babaeng hindi ko man lang kilala?" inis kong tanong.
"Alam kong magagalit ka, kaya nga gusto kitang ipadala sa ibang bansa, Mayumi."
Lalo akong nakaramdam ng galit. "At sa tingin mo hindi ako magagalit kapag nabalitaan kong kasal ka na? I hate you, Daddy!"
"Mayumi..."
Padabog akong tumayo at agad tumalikod dahil nagsisimula na namang pumatak ang aking mga luha. "I'll prepare my things. Bukas na bukas din ay magpapahatid na ako sa airport. I'll leave, katulad ng gusto niyo."
Hindi ko na hinintay na sumagot si Daddy. Masama ang loob ko. Natural lang na makaramdam ako ng ganoon dahil anak niya ako! Nag-aalala rin ako para sa kaniya oras na umalis ako. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Ito ang gusto niya. Basta siguraduhin lang niyang mabuting tao ang Elizabeth Santibañez na iyon. Dahil kapag nalaman kong may plano silang lokohin si Daddy at kamkamin ang ari-arian namin, hindi ako magdadalawang-isip na umuwi at patikimin sila ng galit ko.