Kabanta 1

1795 Words
"What is this for? Celebrating your promotion? CEO ka na ba sa bigasan ninyo?" Nakangising tanong sa akin ni Cace. Himalang good mood yata ito ngayon. Nitong nga nakaraang araw ay palagi itong galit. Marahil ay sinagot na ng nililigawan. "No pare..." sagot ko bago inisang lagok ang alak sa aking baso. "Kasal ni Mommy bukas." Last month lang nang sabihin sa akin ni Mommy ang tungkol sa plano nila ni Tito Arnold. At bukas na nga ang nakatakdang araw ng kasal. Nasa Hacienda Lazaro na ngayon si Mommy. Bukas naman ng umaga ang biyahe ko papunta roon. Narinig ko ang biglang pag-ubo ni Cace. Dahilan para mapalingon ako sa kaniya. "Ikakasal si Tita Eliza? Sinong lalaki naman ang pakakasalan niya? Mapagkakatiwalaan naman ba?" "He's Arnold Lazaro." Sagot kong ikinatigil ni Cace. What? Kilala niya ba si Tito Arnold? "Arnold Lazaro? One of the most richest men in Asia?" Salubong ang kilay na tanong sa akin ni Cace. Hindi ako sumagot dahil wala naman akong alam sa kung sino ba talaga si Tito Arnold. Isang beses pa lamang kaming nagkikita. That was the night when he and my mom decided to live together in San Mateo. Wala pa nga yatang isang oras ang pag-uusap namin. Nagmamadali kasi si Tito Arnold lalo pa't paalis ang nag-iisa nitong anak. Gusto raw nitong makausap ang unica hija bago man lang ito umalis. Nalulungkot daw itong aalis ang anak nang may sama ng loob. Well I guess, his daughter doesn't want our parents to get married. Naiintindihan ko ito sa bagay na iyon. She's only twenty at two years pa lang ang nakakalipas nang mamatay ang asawa ni Tito Arnold. Maybe she's still not ready to accept someone as her second mother. "Ganoon siya kayaman?" Tila walang gana kong tanong. Actually wala naman akong pakialam kung kabilang man si Tito Arnold sa mga listahan ng mayayaman sa buong mundo. Ang gusto ko lang ay maging masaya at maayos si Mommy. Her happiness is also my happiness. "Uh, yeah? We're actually partners. Isa sa mga negosyo ni Dad ay kasosyo si Mr. Lazaro. Mayroon din siyang malawak na lupain hindi lamang sa San Mateo, kundi maging sa Australia. He also have shipping lines at may ilang jewelry company na naiwan ang namayapa niyang asawa. His net—." "Okay, okay, I got it." Pagpapahinto ko kay Cace. Mukhang wala kasi itong balak na tumigil sa pagsasabi isa-isa ng mga ari-arian ni Tito Arnold. "Have you met his daughter?" Tanong ni Cace pagkalipas ng ilang minuto. Kumunot ang noo ko. "Hindi pa, bakit?" Malakas na tumawa si Cace na ikinalalim pang lalo ng kunot sa aking noo. Ano bang problema niya? Hindi naman siguro siya gumagamit ng drugs para maging ganiyan ka-hyper. O baka talagang sinagot na siya ni Dalha? "You know what pare, siguro dapat ka nang gumawa ng social media accounts. She's kinda popular. A lot of guy follows her on i********:. Laman din siya ng f*******: at Twitter. Perks of being the only daughter of Arnold Lazaro. Everyone wants to get close to Mayumi." "And you're one of them? Ano kayang mararamdaman ni Dalha—." "She's not my type." Mabilis na sabi ni Cace na ikinangisi ko. "Maldita ang anak ni Arnold. Lahat nakukuha niya. Even those famous local actors and interna—." "I don't care, she's still a kid for me. By the way, when did you have time for gossiping online?" Taka kong tanong dahil sa pagkakatanda ko'y wala naman itong interes sa social media. Boring ang cellphone niya. At least ang akin may online games. "A kid? Pare, she's already twenty. Two years older than my Dalha. And I'm telling you, she's so damned hot. Kung hindi ko lang mahal si Dalha, baka isa nga ako sa mga followers ng Prinsesang iyon. And oh, pinuna kasi ni Dal ang cellphone ko. Napilitan akong mag-install ng mga kung anu-ano." Hindi na ako sumagot. Hindi ko naman kasi alam kung anong gustong ipunto ni Cace. Nilunod ko na lamang ang sarili sa pag-inom ng alak na nasa harapan namin. - "Shut the f****d up, Dustin! You cheated on me, we broke up, now get the f****d out of my life!" I shouted at Dustin nang bigla na lamang itong pumasok sa bahay. Iniisip yatang bibigyan ko siya ng isa pang pagkakaton! "Ayumi, we can still work this out. I have so many plans for—." "Well, I don't care. Kahit pa marami kang plano para sa future nating dalawa, ako ay wala! You're disgusting! Magsama kayo ng Cindy mo!" Ilang beses pang nagmakaawa si Dustin. Pero tanga na lang ako kung babalikan ko pa siya. Pare-pareho lamang ito at ang iba kong naging nobyo. They cheated on me, hurt me and do things na talagang hindi maganda. Pagkatapos ay malalaman nilang anak ako ni Arnold Lazaro at parang mga asong babalik sa akin na para bang may mamahalin akong dog food. Hindi ko ipinangangalandakan na isa akong Lazaro. Kung maaari ngang gamitin ko na lang ang last name ni Mommy noong dalaga pa siya'y ginawa ko na. But Dad won't let me do it. Mahal na mahal ako ni Dad na kapag raw may nanakit sa akin at nalamang isa akong Lazaro ay hindi na uulitin ng mga ito ang ginawa. How ironic, dahil ganoon nga ang ginawa ng mga naging nobyo ko. And they also want more. "Ayumi..." "Mr. Lim, kick him out of my house." Mariin kong utos sa isa sa dalawa kong butler. "But Ma'am Mayumi, he's the son of Mr. and Mrs. Smith. We can't—." "Wala akong pakialam kung anak man siya ng isa sa mga mahahalagang kliyente ni Daddy! Do what I've told you to do! Kapag hindi mo napaalis ang lalaking iyan dito, pati ikaw madadamay!" Inis kong sabi na ikinayuko ni Mr. Lim. Wala itong magagawa kundi ang sundin ako. Para saan pa't binabayaran sila ng malaki? Kung susuwayin lang din naman nila ako, mabuti pang magsibalik na sila sa kung saan man sila nararapat. Minutes later, my friend Ava arrived. May dala itong milk tea at isang box ng cupcakes. She's also a Filipina. Nakabase sila rito sa Australia dahil may ilang negosyong naitayo ang Mommy at Daddy niya rito. "I saw Dustin outside." Komento ni Ava habang nilalantakan namin ang dala niyang pagkain. Inis na nilingon ko siya. "Stop mentioning his name. Lalo lang sumasama ang araw ko." Kanina lamang ay nakatanggap ako ng tawag mula sa Pilipinas. Wala naman sana akong balak na sagutin iyon. Kaya lamang ay mapilit si Mr. Hans—he's also one of my bodyguards. Si Daddy ang tumawag. Asking if I can video call him on his wedding day. Napilitan akong sumagot ng oo kahit na wala naman talaga akong balak. Masama pa rin ang loob ko. Lalo na nang marinig ko ang boses ng Elizabeth na iyon. Her voice was so sweet na parang nanghehele. But I still don't like her. Hindi lahat ng may malamyos na tinig ay mabait. "Ikakasal na ang Daddy mo, wala ka bang balak umuwi sa Pilipinas?" Pagdaka'y tanong ni Ava. Bahagya akong umismid bago sumimsim sa aking milk tea. "Siya ang may gustong umalis ako. Hinding-hindi ako uuwi sa kaniya, unless humingi siya ng sorry sa akin." Yup, I'm a brat. The Lazaro's Bratty Princess nga ang bansag sa akin ng mga naging kaaway ko noon sa high school. Inaamin kong maldita ako, maarte at prangka. Madali ring uminit ang ulo ko at magalit. Pero palagi naman akong nasa katwiran. Lumalaban lang ako kapag alam akong wala akong ginawang kasalanan! Nang-aaway ako ng tao, pero hindi ako ang nauuna. Hindi rin ako sinungaling. So when I say I don't like you, totoo iyon. And also when I say that you're ugly, you're ugly. "Papa mo pa rin naman siya Mayumi." "Whatever." Sabi ko na lamang. Hindi ko mapigilang mapaisip. All I want is for him to say he's sorry. Pero kahit naman hindi na siya magsabi niyon ay ayos lang sa akin. Ang pinakagusto ko lang talaga ay suyuin niya ako. Like what he always do when Mom was still here. - Napapabuntong-hiningang nahiga ako sa malawak at malambot na kama ng isa sa mga guest room ng mansyon ng mga Lazaro. Mariin akong pumikit at hinayaang manumbalik ang lakas. Napagod ako sa buong event na ito. Halos hindi ako pakawalan ni Mommy at ni Tito Arnold. Ibinida nila ako sa mga naglalakihang businessmen sa bansa. Kaya ko namang makipagsabayan, but I'm too exhausted to entertain every person they want me to meet. Mararahang katok ang nagpamulat sa akin. Saglit akong huminga nang malalim bago bumangon. Hindi ko na nabigyan ng permiso ang taong nasa labas. Kusa na itong pumasok na may ngiti sa mga labi. "Tito Arnold?" "How are you Hiro?" Nakangiti niyang tanong bago lumapit sa akin. "Great..." maiksi kong sagot. "Again, congratulations Tito for—." "I know, I know." Marahan akong tumikhim. Dahilan para tapikin ni Tito Arnold ang aking balikat. "Do you have any problem, Tito?" "Well, naikwento sa akin ng Mommy mo ang tungkol sa maayos mong pamamalakad sa The Eliza Company. I'm thinking of giving you my position in—." "I'm sorry, but I think your daughter is—." "She's still studying. Wala pa rin siyang gaanong alam sa pamamalakad ng negosyo. Ikaw lang ang naiisip kong maaaring makatulong sa akin." "Pero Tito—." "I know you're a busy person. But I am still waiting Mayumi to finish her studies. Pagkatapos niya'y siya pa rin naman ang hahawak sa lahat. Sa ngayon, kailangan ko ng pansamantalang pupuno sa maiiwan kong posisyon. Because your Mom and I are planning to have our honeymoon in Paradise." Paradise? Is it the private island he bought as a gift for my Mom? Naulinigan ko kasi iyon kanina habang nasa table kami at kumakain. Muli akong napabuntong-hininga. "Alright, just give me a month Tito. Tatapusin ko lang ang school year na ito." "Alright, thank you, hijo." Nakangiting sabi nito bago ako muling tinapik. "But, ah...hindi po ba magagalit si Mayumi kapag nalaman niyang—." "Mabait na bata si Mayumi. Spoiled, prangka at palaging may katwiran. Pero malambing na bata iyon." Sagot nitong napapangisi. "I can't wait to introduce you to her." "What?" "Anyway, Hiro. I remembered na nagkaroon siya ng teacher na Santibañez last year. Sa school na pinagtuturuan mo siya nag-aral noon. Mukhang ikaw yata iyon, Hiro." Sa sinabing iyon ni Tito Arnold ay tila kidlat na dumaan sa isipan ko ang mukha ng mga naging estudyante kong babae last year. Ang totoo'y puro college students ang tinuturuan ko. Pero bigla akong nabigyan ng isang subject para sa Senior High. So, I'm thinking that his daughter Mayumi was my bratty student in highschool.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD