Kabanata 2

1737 Words
Pagkatapos naming mag-almusal ay niyaya ako ni Tito Arnold na tingnan ang mga lumang litrato ni Mayumi. Kanina ko lamang napatunayang si Mayumi nga ang spoiled brat kong estudyante. Kanina ko lang rin kasi napansin ang napakalaki nitong picture sa malaking wall malapit sa sala. Tito Arnold told me it was taken last year after she graduated highschool. And, I think Cace was right. Mayumi's hot like hell. Napapangising binuklat ko ang isang photo album. Lahat ng naroon ay purong mga litrato ni Mayumi. From the day she was born hanggang sa makapagtapos siya. Some were taken in Australia, Japan, US at kung saan-saan pang bansa. Natigil ako sa akmang paglipat ng pahina nang maagaw ng isang litrato ang aking pansin. Mayumi was playing in the rain, wearing a white night gown. Nahahakab sa suot nito ang perpektong pagkakahubog ng katawan. Now I understand why almost all of her female classmates doesn't like her. She's way too hot than them. Marahil ay isa rin iyon sa dahilan kung bakit nabansagan itong Lazaro's Bratty Princess. "She's pretty, right?" Nakangiting sabi ni Tito nang mapansin ang pagkatulala ko. Mabilis kong isinara ang photo album. Saglit akong tumikhim bago inilibot ang tingin. "Bakit mo siya pinilit na pumunta sa ibang bansa, Tito?" Panandaliang natigil si Tito Arnold sa ginagawa. Marahang lumingon sa akin bago ngumiti nang masuyo. "Ang akala ko kasi'y magagalit siya kapag sinabi ko sa kaniyang magpapakasal kami ni Elizabeth. But, it's the other way around. The idea of sending her back to Australia makes her so mad. Ayos lang naman daw kung magkakaroon siya ng step-mom. Nagalit lang siya dahil mas pinili ko raw na pabalikin siya sa Australia kaysa ipakilala nang maayos ang Mommy mo." Saglit na umawang ang aking bibig. Ibig sabihin ay walang kaso kay Mayumi kung magpakasal man ang Daddy nito. Pumunta lang talaga sa ibang bansa dahil sa pagtatampo sa ama. "Bakit hindi niyo siya suyuin, Tito? Maybe that's the only thing she wants." "I already did, hijo. Tumawag ako sa kaniya kahapon bago magsimula ang kasal. She congratulated me. Ipapadala niya raw ang kaniyang regalo bukas." Bakas ang saya sa mga mata ni Tito Arnold. Mukhang ang anak lang talaga nito ang inaalala. Hindi ko rin naman masisisi si Mayumi. Baka maging ako'y magtampo kung gagawin ni Mommy ang ginawa ni Tito Arnold. "Ibig bang sabihin ay babalik na siya rito?" Bigla akong napaiwas nang tingin. Bakit ko ba naitanong iyon? At bakit para akong tangang hindi mapakali sa isiping baka bumalik ng Pilipinas ang nag-iisang Prinsesa ni Arnold Lazaro? Marahang umiling si Tito Arnold na ikinahinga ko nang maluwag. "Tatapusin na lang daw niya roon ang pag-aaral. Babalik na lang daw siya kapag kailangan ko siya sa kompaniya o kapag may problema sa negosyo ng Mommy niya." Hindi ko napigilan ang mapatango. Pero ewan ko ba, nakakaramdam ako ng dismaya sa isiping hindi ko makikita ng personal si Mayumi bilang step-sister ko. Damn! Step-sister? Iyon ba talaga ang dahilan ko? Then what the f****d is wrong with me? Sa isang simpleng litrato'y para akong sinisilaban. And I'm imagining nasty things! Like some scenes of me going back home from the office. And Mayumi's waiting for me in our own room, laying on our bed, naked. Damn it! "Anyway Hiro, sana ay hindi magbago ang isip mo. I changed my last will and testament, in case na may mangyari mang masama." "Tito..." Malaki ang ngiting tinapik ako ni Tito Arnold sa balikat. "We're leaving tonight. Baka gusto mong magstay pa rito ng-." "I'm okay, Tito. Marami rin akong naiwang gagawin sa Manila. I think, mauuna akong umalis." "Oh, okay..." - "You're spacing out Hiro." Mababa ang boses na sabi sa akin ni Cace. Niyaya niya akong uminom dahil masama raw ang pakiramdam niya. His father died from drowning because he tried to save Dalha. Ngayon nama'y may kumalat daw na pictures sa kanilang school. It was Cace and Dalha kissing. But Cace told me it was an accident. Marami ding nakakita but no one stepped out para panigan sila. "Nagkausap na ba kayo ni Dalha?" "She's in coma. Nawawalan na ako ng oras. Bukas ay pupunta ako sa US. May emergency sa isang negosyo ni Daddy. Kailangan kong ayusin. Isa iyon sa pinoproblema ko." Mahabang sagot ni Cace na ikinabuntong-hininga ko. Inisang lagok ko ang alak sa aking baso bago muling sinilip ang cellphone. Kanina pang hindi tumatawag si Mommy. Ang sabi ng mga ito sa akin ay kaagad silang tatawag oras na lumapag ang chopper na dala nila sa Paradise. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap. "You keep on checking your phone. May hinihintay ka bang tawag?" "Yeah, kanina pa dapat tumawag sa akin si Mommy. Pero hanggang ngayon ay wala akong natatanggap. It's making me nervous." "Oh c'mon Hiro, you're just-." Hindi na natapos ni Cace ang sasabihin nang biglang umilaw ang aking cellphone. A call from Hacienda Lazaro. Kaagad ko iyong sinagot. "Señorito Akihiro?" "What is it?" Tanong ko sa kasambahay na nagsimula nang pumalahaw. Damn it! What the f****d is happening?! "Señorito, kailangan niyo pong bumalik dito sa San Mateo ngayon din." Umiiyak na ulit ng kasambahay. "Why?" I asked, almost clenching my fists. "Sumabog po ang sinasakyang chopper ni Don Arnold at Donya Elizabeth. Nasa hospital po ngayon ang mag-asawa. Pero..." "Ano?!" "Nag-aagaw buhay po si Don Arnold at w-wala na po ang M-Mommy ninyo." Tila binuhusan ako ng malamig na tubig. Anong wala na si Mommy? Kaninang umaga lamang ay masayang inihatid nila ako sa airport. Wala sa sariling lumabas ako ng bar. Hindi ko na pinansin pa ang pagtawag sa akin ni Cace. Pagkasakay ko sa aking kotse'y kaagad ko iyong pinasibad. Hindi na ako dumaan sa bahay. Kaagad ko nang tinahak ang daan papuntang San Mateo. Malayo man kung kotse ang gagamitin ay wala akong pakialam. Mas matatagalan ako kapag pinili kong sumakay ng eroplano. After eight hours of driving ay nakarating na rin ako sa San Mateo. Madaling araw na pero wala akong balak na magpahinga. Tumuloy ako sa pribadong hospital na pagmamay-ari ni Tito Arnold. Kaagad naman akong pinayagan na makausap si Tito Arnold. Utos din kasi nitong makausap ako oras na dumating ako sa hospital. "Hiro, I'm s-sorry..." "No, Tito, it was an accident. You don't need to say your sorry." Sabi kong pinipilit na huwag mabuwal. Nanghihina ako dahil sa pagod sa pagmamaneho. Samahan pa ng sakit ng kalooban sa balitang wala na si Mommy. "Where's Mom?" Unti-unting umiyak si Tito Arnold. Noon ko lang napansin na may malaki itong pinsala sa ulo at ilang bahagi ng katawan. "Hiro anak, take care of my Princess. Ikaw na lang ang mayroon siya. Please, don't tell her what happened. Kapag kaya niya na, kapag matatag na siya saka mo sabihin ang lahat." "What are you talking about?! You're not going to-." "P-Please...I love your Mom, I really do. Anak na rin kita, now, I want you to take care of Mayumi." "Tito..." Masuyong ngiti ang pinakawalan ni Tito Arnold bago ako hinawakan nang mahigpit sa kamay. Pagkatapos niyo'y unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya roon. Hanggang sa tuluyan na ngang mawalan ito ng buhay. Wala akong nagawa kundi ang mapapikit nang mariin. Now what should I do? "Mr. Akihiro Santibañez?" Tanong ng isang lalaki mula sa aking likuran. I remember talking to him noong isang araw. "Atty. Dela Vega..." Marahan itong tumango. "Babasahin ko ang huling testamento ni Don Lazaro pagkatapos ng libing nila." "Tatawagan ko si Mayumi para mabasa ninyo ang last will and testament ni Tito Arnold sa harap niya. Wala akong karapatan sa yaman-." "I'm sorry, but I am only following his last order." Seryosong sabi ni Atty. Dela Vega. Kuyom ang kamaong napatitig na lamang ako sa kawalan. Isang linggo matapos na mangyari ang aksidente ay inilibing si Tito Arnold at si Mommy. Gaya ng huling habilin ni Tito ay walang nakalabas na balita patungkol sa nangyari. Marahil ay ayaw talaga nitong malaman ng nag-iisang anak ang nangyari dito. Hanggang sa huli'y ang kapakanan pa rin talaga ni Mayumi ang iniisip nito. "Akihiro?" Pagtawag sa akin ni Atty. Saglit akong pumikit nang mariin. Mabilis na sinulyapan ko sa huling sandali ang magkatabing puntod ni Tito at ni Mommy. Kasama ang pamangkin ni Tito Arnold na si Emily. Ang mayordoma at isang driver. Maging ang secretary ni Tito Arnold. Tinipon kami ni Atty. Dela Vega sa study room ng mansion. "Base sa nakasaad sa kasulatang ito, si Akihiro Santibañez, isang Propesor at CEO ng TECo. ang siyang binibigyang karapatan upang pamahalaan ang ano mang pagmamay-ari ng namayapang si Don Arnold Lazaro. Kapag naging maayos ang pamamalakad ni Akihiro sa loob ng limang taon ay tuluyang mapapasakaniya ang kalahati ng ari-arian ni Don Lazaro. Ang mga-." "Wait, isn't it unfair for Mayumi? She's the heir of-." Hindi ako pinatapos ni Atty. Seryosong binasa nito ang sunod na kasulatan. "Makukuha lamang ni Mayumi ang kaniyang mana kung papakitaan niya ng kabutihan si Akihiro Santibañez. Pero kung may balak siyang kunin ang lahat ng mana, isang kondisyon ang dapat niyang gawin." "What condition?" "Kailangan ka niyang pakasalan." Awang ang bibig na tiningnan ko si Atty. "You're impossible! Yes, she's pretty and...hot. But I won't marry a child!" "Wala namang nakasulat kung ilang taon siya bago mo pakasalan. Pakakasalan mo lamang si Mayumi kung may balak siyang makuha ang buong kayamanan ng kaniyang ama. At kung magmamatigas siya at magiging pasaway. Ni singkong duling ay walang mapupunta sa kaniya. At ikaw bilang anak ng second wife ni Don Lazaro ay magkakaroon ng access sa ano mang bank account na hawak ni Mayumi." "That's crazy. Iyon ang pinakahuli sa mahabang listahan ng gusto kong gawin." Inis kong sabi sabay tayo. This whole thing is bullshit! "You can't say no, Akihiro. Oras na tumanggi ka sa ano mang nakasaad sa kasulatang ito, magiging kapalit ay ang mga ari-arian mo. Your mother also left her last will and testament. At nakasaad dito na kung tatanggi ka sa mga habilin ni Don Lazaro ay walang matitira sa iyo. Lahat ay mapupunta sa pangalan ni Mayumi." Fucked! Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa kinauupuan. Galit man ay pinilit kong maging kalmado. "What do you want me to do first, then?" "You need to quit teaching." "Consider it done, now what else do you want me to do?" Inis ko pa ring tanong. "Stay here in Hacienda Lazaro and wait for Mayumi to come back home."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD