Tiim ang mga bagang na lumabas ako ng study room. Hindi ako makapaniwalang iyon ang nakasaad sa huling habilin ni Mommy at ni Tito Arnold. Gustuhin ko mang magreklamo dahil alam kong wala naman talaga akong karapatan sa yaman nito'y hindi ko magawa. Masyado pang bata si Mayumi para mamahala ng mga iniwan ni Tito Arnold. Isa pa'y nakasalalay din dito ang mana ko! Kung bakit ba naman kasi naisip ni Mommy ang kondisyon na iyon!
"Ouch!"
Mabilis akong napalingon sa pinagmulan ng impit na sigaw na iyon. Kumunot ang aking noo nang makita ang pamangkin ni Tito Arnold. Nakaupo ito sa sahig habang hawak-hawak ang paa.
"What happened?" Tanong ko.
"I think, I sprained my ankle." Naiiyak nitong sabi kaya kaagad ko itong dinaluhan.
Akma ko itong bubuhatin nang mabilis itong tumanggi. Bahagya ako nitong itinulak na lalong ikinakunot ng noo ko. What's her name again? Emily?
"It's fine, Emily. Kailangang matingnan iyang paa mo. Baka may naipit na ugat." Kaswal kong sabi.
"You know me?" Gulat nitong tanong.
I don't know kung talagang hindi nito alam na kilala ko ito o nagpapanggap lamang ito. Isang paraan para makuha ang aking atensiyon. Hindi na ako bago sa mga ganitong pangyayari. May iba pa ngang hayagang nagpapakita ng interes nila sa akin.
"Wala pang tatlong oras nang ipakilala tayo sa isa't isa ni Atty. Dela Vega. Hindi ka naman siguro ulyanin." Saad ko bago ko ito muling sinubukan na buhatin. This time, hindi na ito pumalag. Hinayaan na lamang ako ni Emily na dalhin ito sa couch na nasa living room. "I'll go get something to—."
"No it's fine, kaunting hilot lang naman siguro ay ayos na ako."
Pasimple akong napaismid. She obviously wanted to seduce me. "Alright..."
Marahan akong lumuhod at hinawakan ang paa nito upang hilutin. Ayaw nitong ipakuha ang medicine kit, kaya dapat tiisin nito ang kapalit ng pagiging maarte nito. Ilang sandali lamang ay isang ungol ang pinakawalan ni Emily. Ungol na siyang ikinataas ng mga balahibo ko. She sounded like we're having s*x and that she's almost at the pedestal. f****d!
"Señorito, may tawag ho kayo sa telepono. Ako na ho ang bahala kay Ma'am Emily." Singit ng isa sa isang katerbang kawaksi ni Tito Arnold.
Bigla akong nakahinga ng maluwag nang dumating ito. Kaagad akong tumayo na siyang ikinasimangot ni Emily. Hindi na ako nagpaalam. Kaagad na akong umalis at tinungo ang kinaroroonan ang awditibo.
"Ma'am Emily, ako—."
"Ano ba? Panira kang matanda ka! Tabi nga riyan!" Naulinigan kong sabi ni Emily bago tumayo. Napailing na lamang ako. Diyata't nagpapanggap lamang itong na-sprain ang paa.
Tawag mula sa opisina ang natanggap ko. Pinaalalahanan lamang ako ng aking sekretarya patungkol sa mga bigas na ibibiyahe patungong Thailand. Saglit lamang kaming nagkausap nito. Pagkatapos ay kaagad ring nagpaalam dahil may mga aasikasuhin pa.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Sinalubong ako ng mabangong amoy ng nilulutong agahan sa kusina. I let out a smile before entering the dining hall. Naroon na si Emily. And oh holy God! She's wearing a lingerie! Hindi man lang nahiya sa mga taong kasama.
"Good morning, handsome."
"Morning..." Tila pumakla ang umaga ko. Guwapo ako sa paningin nito dahil may pera ako. Kung nagkataong isa lamang akong trabahador sa Hacienda na ito, pagtutuonan naman ba ako nito ng pansin?
"Ay Señorito, tumawag ho kanina si Señorita Mayumi. Hinahanap ang Daddy niya." Nag-aalalang sabi ni Aling Susan.
Natigil ako sa akmang paghigop ng mainit na kape. Now here comes the trouble. Paano ko mapagtatakpan ang kawalan ni Tito Arnold sa nag-iisa nitong anak? Hindi naman pwedeng idahilan na nasa business ito outside the country. Magtataka si Mayumi kapag iyon nang iyon ang sasabihin ko. And also, I'm not good in lying. Natitiyak kong madudulas lang ang dila ko.
"Tell her Tito Arnold died. Pasasaan ba't malalaman niya rin ang totoo. It's just a matter of time." Nakaismid na sabi ni Emily na siyang ikinasalubomg ng mga kilay ko. She's right, malalaman din naman ni Mayumi ang totoo. But, that's not the reason why I feel uncomfortable right now. I need to talk to Atty. Dela Vega.
"I'll call her tomorrow. Don't say anything when she asked about her Dad. Ako na ang bahalang magpaliwanag." Sabi ko na lang bago mabilis na humigop sa kape. Pagkatapos niyo'y kaagad na akong tumayo.
"Where are you going? Hindi ka pa tapos kumain, Aki." Malamyos ang tinig na sabi ni Emily.
"Aki?" Kunot ang noong sabi ko. "Uh nevermind, aalis na ako. Marami pa akong aasikasuhin sa Manila."
"Huh?! Sasama ako kung ganoon! Boring dito sa farm. Gusto ko na ring umuwi. Baka hinahanap na ako ni Dad." Sabi nito bago niyakap ang aking braso. The f****d?! Hindi ba marunong dumistansiya ang babaeng ito?
"Oh I doubt that." Matabang kong sabi bago tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin. "You seemed to enjoy your time here, Emily."
Pansin ko ang pagkagulat nito. Saglit itong tumahimik. Sandali lamang iyon bago ito tumikhim. "Alright, dito lang ako. Maglilibot na lang ako sa buong Hacienda para hindi ako mabagot."
I smirked. Para hindi mabagot? Now, I'm starting to like the idea of staying here. Mukhang mag-e-enjoy ako. Especially when Emily's around.
-
"Congratulations, Ma'am Ayumi!" Malakas na bati sa akin ng mga kasambahay at mga bodyguard ko. Kauuwi lang namin galing sa graduation ko. I should be happy dahil makakauwi na ako sa Pilipinas pagkatapos ng limang taon. Pero hindi iyon ang nararamdaman ko. Naninibugho ako ngayon. For what reason? They're lying to me.
"I'm tired. Mauuna na akong magpahinga." Walang gana kong sabi bago tinungo ang aking kuwarto.
Hinayaan kong tumulo ang aking mga luha. I know I'm happy. But my tears betrayed me. Naaalala ko pa rin hanggang ngayon ang balitang gumimbal sa akin five years ago. Dad died together with his wife. Ang sabi sa akin ni Emily ay walang planong sabihin sa akin ng step-brother ko ang tungkol doon. Obviously, ang lalaking iyon ang dahilan kung bakit namatay si Daddy. He wants our money!
Nagpanggap akong walang alam. Sa loob ng limang taon ay sinarili ko ang lungkot at pangungulila kay Daddy. Gustuhin ko mang umuwi ay hindi pa pwede. Kailangan na may titulong kaakibat ang pangalan ko para kapag umuwi ako'y may maihaharap ako sa lalaking iyon. Wala pa rin akong karapatan na kunin ang mana ko. Emily also told me na kinausap daw ni Dad ang step-brother ko noong gabi ng kasal nito. Maybe he already knew what will going to happen kaya napilitan itong ibigay sa lalaking iyon ang pamamahala sa LGC at sa Hacienda Lazaro. But that damned man deceived my Dad! Marahil ay hindi ito nakuntento sa ibinigay ni Dad kaya gumawa ito ng masama! Now, my Dad's gone and so his mother! Dapat lang na madamay ang Mommy niya! Dahil hindi ako papayag na ako lang ang nawalan.
"Magbabayad ka sa akin, kung sino ka mang diyablo na nagmula sa kung saang impyerno!" Inis kong sabi bago ibinalibag ang hawak na diploma sa sahig.
-
"Welcome back, Señorita Mayu—."
"Mayumi, Manang Susan. Ang baduy ng Señorita." Pagsasaway ko rito nang batiin ako nito pagkalabas ko pa lang ng airport. "By the way, bakit kayo ang sumundo sa akin? Matanda na kayo Manang, dapat ay nasa bahay lang kayo at nagpapahinga."
Ang bilin ko bago ako umuwi ay huwag na akong sunduin sa airport sa San Mateo. Pero mapilit sila at sinabing ipapasundo ako kay Tatang Ben na asawa ni Manang Susan. Hindi ko naman in-expect na pati si Manang ay sasama.
"Ang sabi kasi ni Señorito—."
"Ugh, I don't want to hear anything about that man." Inis kong sabi bago sumakay sa loob ng kotse. Damn! Sino ang lalaking iyon sa akala niya?! Talagang siya pa itong nag-utos kay Manang Susan na salubungin ako?! Eh kung ipasalubong ko siya sa eroplano?
Ilang oras din ang naging biyahe namin mula sa airport hanggang sa Hacienda. Tulad ng dati'y ganoon pa rin naman ang hitsura. Mas lalo nga lang gumanda ngayon dahil sa mga makukulay na bulaklak sa bungad ng Hacienda. Thirty minutes ang biyahe. Dinaanan namin ang malawak na taniman ng iba't ibang bulaklak bago kami nakarating sa malaking bahay. Ganoon pa rin ang kulay niyon. May nadagdag nga lang. Marahil ay pinaayos dahil may balita rin naman akong ilang bagyo ang dumaan dito sa San Mateo.
"Ipinag-utos ni Sir, na ipaghanda ka ng maraming pagkain. Tiyak daw na kakain ka oras na—."
"Pagod ako, Tatang Ben. Mamaya na lang ako kakain pagkagising ko." Sansala ko sa sinasabi nito. Naiirita ako sa isiping ang lalaking iyon ang nagpahanda ng mga pagkain. I don't trust that man. Baka mamaya ay bumulagta na lang ako kapag sinubukan kong kainin ang mga ipinahanda niya. I'll eat my own food, marunong naman akong magluto kahit noodles.
Pagkahinto ng kotse ay kaagad akong bumaba. Malakas ang hangin kaya hindi maiwasang ilipad niyon ang floral dress na suot ko. Maging ang blonde kong buhok ay kumawala sa pagkakaipit sa maluwang na scrunchie.
Akmang pupulutin ko ang pang-ipit ko sa buhok nang mahagip ng aking tingin ang isang lalaking nakasakay sa kabayo. He's wearing a plain white shirt at isang faded jeans. May bota rin itong suot. I gulped. Ngayon lamang ako nakakita ng gwapong trabahador sa Hacienda Lazaro. Kahit puno ng putik ang damit nito ay hindi nakabawas iyon sa kaguwapuhang taglay. It actually highlighted his beautiful face and his muscular body. Damned, he's yummy. Kung hindi lamang ito trabahador baka patusin ko ito. Oh well, why not?
Nawala ang paghanga sa mga mata ko nang mapansin ang madilim na ekspresiyon sa mukha ng lalaki. Salubong ang mga kilay nito. Kumunot ang aking noo. He looks familiar. I think I've seen him before! But where? When?
"Mayumi, halika na. Kanina pang nadala ni Ben ang mga gamit mo sa loob." Pagtawag sa akin ni Manang Susan. Muli akong napasulyap sa kinaroroonan ng lalaki. Ngunit wala na ito roon. Bumuntong-hininga na lamang ako bago pumasok sa loob.