Kabanata 4

1782 Words
"We hate you Mayumi! Isa kang brat! Lahat na lang nakukuha mo! Siguro kaya lagi kang first honor ay dahil binabayaran ng Daddy mo ang school. Yuck! You're so desperate!" Malakas na sabi ni Barbie habang nasa gitna kami ng soccer field. Inis na tiningnan ko ito ng matalim. "And so?! We have money. Kung gusto niyo ring manguna sa honor roll, bayaran niyo ang school." I choose to lie. Wala rin namang maniniwala kapag sinabi kong matalino talaga ako kaya lagi akong nangunguna. Kaakibat na yata ng pangalan ko ang mga panghuhusga ng mga ito. I'm the only child of Arnold Lazaro. My father's one of the richest businessmen in Asia. Nasa ika-apat na puwesto ito. "You heard that?! Mandaraya ang babaeng ito! Malandi rin! Kahit si Sir Aki nilalandi!" Sabi pa ni Barbie. Bigla'y parang gusto kong maiyak. I'm not seducing anyone. I admit I had a crush on Sir Aki. Pero hanggang doon lang iyon! He's a freaking professor! Nasa katinuan pa naman ako para gawin ang malalaswang paratang ng mga inggitera kong kaklase! "Bakit hindi ka na lang bumalik sa Australia at doon mo pairalin iyang kalandian mo?! Tutal doon walang papansin sayo dahil pinalaki kang malandi ng Nanay mo! Oh maybe your Mom is a slut who seduced your rich father-." Isang malakas na sampal ang ipinagkaloob ko kay Barbie. Napikon na ako nang tuluyan. Hindi ko na yata ma-mi-maintain ang pagiging mabuting estudyante. Tutal laking Australia ako at akala yata ng mga ito'y pinalaki akong liberated. Then, ngayon pa lang humihingi na ako ng sorry. I'll show them my true colors. Hindi ko yata mapapalagpas ang paglapastangan niya sa namamahinga ko nang ina! "You b***h! Who the f****d do you think you are to bad-mouthed my Mom?" "Excuse-." "You filthy peasant! Kung ganoon ang Mommy ko, ano pa kaya ang Nanay mo? Desperadang pokpok na nagpapagamit sa kung sinu-sino? At least my Dad loved my Mom! Eh ang Nanay mong pinarausan ng iba't ibang foreigners? I wonder kung isa man sa kanila'y pagmamahal ang dahilan kung bakit sumiping sa Nanay mo. How many are you in the family again? Ten? Eleven? Oh, twelve. Yes, twelve, at lahat kayo iba-iba ang ama. Amazing right? Mabubuo na ang mapa ng mundo sa pamilya niyo pa lang." Hagulgol na tumakbo palayo si Barbie kasama ang mga alipores nito. Wala naman talaga akong balak na sabihin ang mga nalalaman ko. Kaya lamang ay ito rin naman ang may kasalanan. Kung hindi nito pinagsalitaan ng ganoon si Mommy, hindi ko rin pagsasalitaan ng ganoon ang Nanay nito. Her mom's a good mother. And I am sorry for what I've said earlier. Gusto ko lang ipagtanggol si Mommy kaya nasabi ko iyon. Anyway, kaya alam ko ang tungkol sa buhay ni Barbie ay dahil sa mga information na nakalagay sa folder na ibinigay sa akin ng bodyguard ko bago pa lang ako pumasok dito sa school. Utos daw iyon ni Dad para kilala ko raw kung sino ang dapat pagkatiwalaan at kaibiganin. Well, nabibilang lang sa kamay ang alam kong mapagkakatiwalaan. Obviously, hindi kasama roon si Barbie. "Miss Lazaro!" Mariin akong napapikit nang marinig ang galit na boses ni Sir Aki. Napapangiwing humarap ako sa kaniya. "Sir..." "Detention office!" Napabuntong-hininga na lamang ako. Ilang beses na akong napunta sa detention office. O 'di kaya'y sa opisina niya. Palagi niya kasi akong nahuhuling inaaway ang mga kaklase ko. Gustuhin ko mang magpaliwanag ay hindi ko na lang itinutuloy. Sarado yata ang isipan ni Sir pagdating sa paliwanag ko. Kaya kapag sinabi niyang pumunta ako sa detention office o sa mismong office niya ay tahimik na sumusunod na lang ako. Ah, siguro iyon ang dahil kung bakit pinaparatangan akong malandi ng mga kaklase kong babae. Hay, buhay nga naman. Huwag nila akong awayin nang hindi ako mapalapit sa prince charming nilang laging aburido. "It's official, hindi na kita crush." Sabi ko bago nilagpasan si Sir Aki. "What did you say, Miss Lazaro?" "I said, mauuna na ako sa detention office." Sabi ko na lang bago tuluyang naglakad palayo. "I'll call your Dad's secretary. Sasabihin kong-." "Don't you dare!" "Did you just shout-." "I am!" Sigaw ko pa. Mabuti na lang at nasa field pa rin kami at kaunti na lamang ang mga estudyante. "What?! You-." "Hindi mo tatawagan si Aira! Wala kang sasabihin sa kanila, naiintindihan mo ba?" Magagalit si Daddy. Tiyak na grounded ako kapag nalaman nito ang ginawa ko kay Barbie. Napansin ko ang iritasyon sa mga mata ni Sir Aki. Tiim ang mga bagang na hinaklot niya ang aking braso. Mahigpit iyon na siyang ikinangiwi ko. "You brat-I don't know what to do with you! Matalino ka nga, nuknukan naman ng gaspang iyang ugali mo! Napakadumi rin ng dila mong bata ka!" "What?! Hello! I'm already nineteen! Hindi na ako bata!" Inis kong sabi. "Eh ikaw, gwapo ka nga, lagi namang salubong ang mga kilay mo!" Alright, that was nonsense. Wala lang talaga akong masabi. Lalo lamang nagsalubong ang mga kilay ni Sir Aki. Inis na hinila niya na lang ako papunta sa detention office. Nang dalhin niya ako roo'y saglit niya lang akong sinulyapan bago siya tuluyang umalis. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay hindi ko na siya kailanman nakasalamuha. Maliban na lang sa isang subject na siya ang teacher namin. Hindi niya naman ako pinapansin kaya hindi ko na rin siya pinagtuonan ng oras ko. Hanggang sa sumapit ang graduation. - "Oh f****d!" Mariin kong sabi nang gumuhit ang sakit sa aking ulo. Parang pinupokpok iyon ng martilyo sa sobrang sakit. Pinilit kong kalmahin ang sarili bago sinulyapan ang orasan na nakasabit sa dingding ng aking kuwarto. It's already twelve in the afternoon. Ang haba ng itinulog ko. Kahapon ng hapon ako natulog. Sobrang pagod siguro kaya hindi na ako nagising kagabi para maghapunan. Isa siguro iyon sa dahilan kung bakit nananakit ang ulo ko. Mahihinang katok sa pinto ang naulinigan ko. I haven't given my permission to someone outside when the door opened. Pumasok si Manang Susan na may suot na kulay itim na apron. She's smiling. "Mabuti naman at gising ka na. Nakahanda na ang tanghalian. Bumaba ka na lang pagkatapos mong mag-ayos ng sarili." Sabi nito bago umalis. I heaved a sigh. Saglit na inalala ko ang naging panaginip. Pagkatapos ay tumungo na ako sa banyo para maligo. Isang spaghetti strapped top na kulay pula ang isinuot ko katerno ng isang maong shorts na umabot lang sa gitna ng aking mga hita. Nagsuot din ako ng manipis na black cardigan. Malamig kasi dahil sa hanging pumapasok sa mga bintanang nakabukas. Maraming pagkain na nakahanda sa lamesa ang siyang sumalubong sa akin pagpasok ko pa lang sa dining hall. Lahat ay pawang paborito ko. Mga pagkaing minsan ko lang matikman sa Australia dahil palaging sa labas ako kumakain kasama si Ava. "Maupo ka na, Mayumi. Parating na rin siguro si Hiro. Tiyak na didiretso iyon dito sa komedor." Sumama bigla ang timpla ko. Ang Hiro siguro na iyon ang siyang anak ng napangasawa ni Dad. "My step-brother?" "Is there a problem with that, Princess?" Am I imagining things? O sadyang kaboses lamang ni Hiro ang dati kong propesor? "Nothing-." Natigil ako sa pagsasalita nang malingunan ko ang seryosong mukha ng Hiro na binanggit ni Manang Susan. Eksaherada akong tumayo mula sa kinauupuan ko. s**t! "Nice to meet you again, my bratty former student-ah no-my step-sister. Welcome home." Parang may kung anong nag-utos sa akin na dapat ay burahin ko ang nakakalokong ngisi sa mga labi ni Sir Aki! I can't believe this! That's why he's familiar! Iyon naman pala'y siya iyong teacher ko noon! I'm so stupid for realising it just now! Noon pa ako nag-iisip kung saan ko ba narinig ang pangalang Santibañez. Iyon pala'y ang propesor ko lang pala iyon?! Tumiim ang aking mga bagang. Then, he's also the reason why Dad died. Hindi ko alam na sakim pala ang dati ko propesor. Wala sa hitsura niya ang pagiging gahaman sa salapi! "Maupo ka na, Yumi. Lalamig ang mga nakahain." Nagpupuyos man sa galit ay naupo na rin ako. Uunahin ko na lang muna ang mga galit na bulate sa aking tiyan. May araw rin sa akin ang demonyong lalaking nakatingin sa akin ngayon habang nakakunot ang noo. "Titigil ka sa kakatingin o tutusukin ko ng tinidor iyang mata mo?" I darted my eyes on him. Kanina ko pang napapansin na tinititigan niya ako. Marahil ay nagpaplano na kung paano ako maididispatsa. God! I can't believe I had a crush on him many years ago! Nangingilabot ako sa bagay na iyon. At pinagpantasyahan ko pa siya kahapon? Goodness! Isinusuka ko na ang sinabi kong masarap siya! "Ang laki mo na, Yumi. Pero magaspang pa rin ang bibig mo." Ikaw rin, tumanda ka na pero guwapo-aburido ka pa rin! Gusto ko sanang isagot pero kinimkim ko na lang. Baka hindi ko mapigilan ang bibig ko't mapaulanan ko siya ng masasakit na salita. "How are you, Yumi?" "Ito, buhay pa rin." Mariin kong sabi bago tinusok ang natitirang adobong manok sa aking plato. "Sa tingin ko malapit na rin akong mamatay." Makahulugan kong dagdag bago malamig na sinulyapan si Akihiro. Oh yes, that's his name. Akihiro Santibañez. "Bakit, may sakit ka ba?" Stupid! "Wala naman. I just feel like someone's after me. You know, trying to take away everything that my dad left behind." Nawala ang kunot sa noo ni Akihiro. Napalitan iyon ng pagkabigla. Nagulat yata sa isiping natumbok ko ang pakay niya. "Alam mo ang nagyari?" Tanong niya sa akin. Pinilit kong umirap kahit na gustong-gusto nang kumawala ng mga luha ko. Naalala ko na naman kasi si Dad. "Hindi ako tanga, Akihiro. Alam kong wala kang balak na ipaalam sa akin ang tungkol sa pagkamatay ni Daddy. At dahil iyon sa pag-aakala mong sagabal ako sa mga plano mo!" "What? Wait, who told you about-." "Wala ka nang pakialam kung sino ang nagsabi sa akin! Ngayong alam ko na ang plano mo, hindi ako papayag na mapunta sayo ang lahat ng pinaghirapan ni Daddy!" Galit kong sabi bago tumayo. Hindi ko na nagawang uminom ng tubig. Kaagad na akong tumalikod at naglakad paalis. Pero nasa unang baitang pa lang ako ng hagdan ay may humila na kaagad sa akin. "Anong plano ang pinagsasasabi mo, Mayumi?!" "Nagmamaang-maangan ka pa?! Ikaw ang dahilan kung bakit namatay si Dad! You and your mother! You planned everything! Pera lang naman talaga ni Dad ang gusto niyo!" Sigaw kong hindi na napigilan ang mapaiyak. I feel sorry for my Dad. Nagmahal ito ng taong hayok sa kayamanan. "Hindi mo alam ang sinasabi mo, Mayumi!" "Huwag mo nang ikaila iyon, Akihiro. Ipapakulong kita!" Sigaw ko bago patakbong umakyat sa aking kuwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD