Pinasingkit ko ang aking mga mata nang mamataan ko si Akihiro na abala sa pagpapastol sa mga baka. Alas kuwatro na ng hapon kaya dapat lang na ipasok na ang mga hayop sa kulungan. But what the hell is he doing? Hindi siya trabahador! Nagpapa-good shot ba siya dahil sa nalaman ko na ang mga plano niya?
Kahapon nang magkasagutan kami'y hindi na ako kailanman lumabas ng aking kuwarto. Naiirita ako. Nangingilabot, dahil hindi ko maatim na ang lalaking siyang dahilan ng pagkamatay ni Daddy ay kasama ko ngayon sa iisang bubong. Hindi lamang iyon, ito pa ang tila nakatataas sa akin. Tila mas may karapatan ito kumpara sa akin na siyang tunay na nagmamay-ari ng lahat ng narito.
"Yumi, may tawag ka sa telepono." Pukaw sa akin ni Manang Susan. Mula sa matalim na pagkakatitig ko kay Akihiro ay nabaling ang tingin ko kay Manang. Huminga ako ng malalim bago tumayo mula sa duyan na nakakabit sa katawan ng dalawang punong manga. Tahimik na naglakad ako pabalik sa malaking bahay. I can feel Manang Susan's stares. I ignored it. Pagkarating sa bahay ay kaagad na tinungo ko ang telepono na nasa tabi ng hagdan.
"Mayumi Lazaro?" Tanong mula sa kabilang linya.
"Ako nga..."
"Ma'am, ipinapaalam ko po na tanggap na po kayo. Maaari na po kayong magsimula bukas." Sabi ng babaeng kausap ko. I can hear the excitement in her voice. Para bang magandang balita na nag-apply ako sa kanila at ngayon nga'y maaari nang magsimula sa trabaho bukas.
Marahan akong tumango. "Okay, I'll be there tomorrow morning. Thank you."
Bago ako umuwi galing sa Australia ay nagpasa ako ng resume sa isang hindi kalakihang kompaniya. Nagtapos ako ng kursong Business Administration. Kung tutuusi'y maaari akong magtrabaho na lang sa Hacienda o 'di kaya ay sa LGC. Kaya lamang ay ayaw ko namang madagdagan pa ang pagkikita namin ng hudas na si Akihiro. Alam kong siya ang namamahala sa mga negosyong naiwan ni Daddy. Sa ngayon ay kailangan kong magtrabaho at magsimula sa ibaba. Kapag may napatunayan na ako sa aking sarili, babawiin ko ang lahat kay Akihiro. At kailangan din niyang makulong!
I went to my room and prepared my things. Dalawang maleta ang dadalhin ko at isang backpack. I already booked a room in one of the hotels in Manila. I also found a condominium near the hotel. It was for sale, when I found it online. Pwede naman akong dumiretso roon. But I want it renovated. Kaya isang linggo akong mananatili sa hotel bago tumuloy sa condo.
"Where are you going?" Tanong ng kararating lang na si Akihiro. Napansin yata nito ang mga maletang inilagay ko sa tapat ng pinto. Ipabababa ko na kasi iyon sa mga kawaksi para kapag umalis ako kinabukasa'y hindi na ito maging sagabal. Mahirap ang magpanhik-panaog.
"Pupunta sa presinto para ipakulong ka." Walang gana kong sabi na ikinatiim ng kaniyang mga bagang. He's mad. I can see it, I can feel it.
"You're unbelievable, Mayumi. Ibang-iba ka kay Tito Arnold. Sigurado ka bang totoo ka niyang anak?"
Uminit bigla ang ulo ko. Matalim ang tinging ipinukol ko sa kaniya bago ko siya nilagpasan. Bahagyang nangunot ang aking noo nang pumasok sa aking ilong ang pinaghalong pabango at pawis ni Akihiro. I tried not to close my eyes. But, s**t—kinurot ko na lamang ang sarili ko para matauhan.
Bumaba ako ng hagdan at tumungo sa komedor. It's already dinner time. Medyo gutom na rin ako. I sat on my chair, kasunod niyon ay ang pag-upo naman ni Akihiro sa katapat na silya. He gave me a smirked. Asshole.
"Nag-apply ka ng trabaho?"
"None of your business." I said. Inis na sinubo ko ang hiniwang karne ng manok.
"You're not leaving, Mayumi."
"Who are you, my father?"
"I'm your...step-brother."
"Wow! Wala akong maalala na tinanggap kita bilang kapatid ko. I hate you, at iyon ang pinakahuli kong gagawin." Sarkastiko kong sabi. Mabilis na tinapos ko ang pagkain. Nawalan na ako ng gana. Baka isuka ko lamang ang mga kinain ko dahil sa lalaking kaharap. Kaagad akong tumayo at akma na sanang maglalakad paalis nang marinig ko ang boses ni Akihiro.
"They knew you're a Lazaro, Mayumi. Your life is in da—."
"I know."
"They want you dead."
Malakas na halakhak ang pinakawalan ko. Pinilit kong tanggalin sa isipan ang nakitang pag-aalala sa mga mata ni Akihiro. "More like, you want me dead."
"What made think that I'm capable of..." He paused. He heaved a sigh before continuing. "... hurting you?"
I ignored the hint of sadness in his eyes. Hindi ako madadaya ng mga iyon...hindi na kahit kailan. Kung nauto niya si Dad, puwes, hindi ako! "You killed my Dad. Hindi pa ba iyon sapat na dahilan para isipin kong ganoon din ang gusto mong gawin sa akin? You can easily kill me, Akihiro. Put poison in my food. Choke me while I'm asleep. Or even—."
"My mom died with your dad, Mayumi. Pareho tayong nawalan." Cold as an ice. I shivered. I can't read the expressions lingering on his face—nah, I could, I'm just afraid to name them. For what reason? I don't know. "Sa ating dalawa, ako dapat ang nag-iisip na pakana mo ang lahat ng iyon. You never liked the idea of your father marrying my mom. You hated her. But I tried to put myself on your shoes. At naiintindihan ko kung bakit ayaw mo sa kaniya."
"She used my dad—."
"Your dad approached her! Goddamnit! Maayos kami ni mommy, Mayumi! But your dad came into her life. They fell in love! Sometimes I wished they never met! Because that stupid love took her away from me...forever."
Hindi ako nakapagsalita. Gusto kong ipaglaban ang katuwiran ko. But, do I have any proofs? Nothing. Walang saysay kung makikipagtaasan ako ng boses kay Akihiro. I'd let him win, for now. Maghahanap ako ng mga ebidensiya. Sa ganoong paraan mapapatunayan kong siya nga ang may kasalanan sa nangyari.
"I'm still leaving tomorrow morning." Mariin kong sabi bago tuluyang umalis ng dining hall.
I went outside. Sa swing na nasa garden ko piniling magpalamig ng ulo. Maraming bagay ang tumatakbo sa aking isipan. Like the thing Akihiro said a while ago.
What made you think that I'm capable of hurting you? Anong ibig niyang sabihin? That he'd never hurt me? He's gonna protect me? For whom? From what?
As if on cue, his voice rang on my mind, again. They want you dead! Who wants me dead? Wala akong maisip na kaaway ng pamilya namin. Unless si Emily at Tito Manuel ang tinutukoy niya.
Sa naisip ay bigla akong kinabahan. It was Emily who told me about what happened. She told me that Akihiro planned to keep everything for himself. Dahilan para isipin kong si Akihiro ang dahilan kung bakit namatay si Dad. Right, his mom—Aunt Elizabeth died too. Oh why. I'm so stupid.
Saglit akong tumingala sa kalangitan. My eyes widened when a shooting star appeared. It was fast, but I managed to whispered a wish. Help me please...
Isang maliit na ngiti ang aking pinakawalan. I shivered from the cold, wild wind of the farm. Dahil doon ay nagdesisyon na akong tumayo para sana pumasok sa loob ng bahay. Nahagip ng mga mata ko ang papalabas na si Akihiro. He's holding some folders. Both hands were occupied. Kaya hindi na ako nagtaka kung bakit nakaipit ang cellphone niya sa pagitan ng balikat at tainga.
I examined his face. Walang pinagbago. Except sa buhok niyang medyo mahaba, he need a haircut. His thick, black eyebrows furrowed. His eyes were glowing like the stars of the night. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang mga braso. Veiny and strong—I don't know if it's really strong, I guess they are, they should be. Malapad ang kaniyang dibdib. Kita iyon sa suot niyang white shirt na humahakab sa kaniyang katawan. Oh I want that damn shirt off. I want to see what's behind it. If he has a hard rock abs or hot—what the hell am I thinking?! Crushing on my ex-profe—no, he's my step-brother. f**k.
Muli akong napaupo sa swing. I admit I had a crush on him when I was still a teenager. He's handsome. He could pass as an international model or something. Everyone likes him. Love him. Lust for him. Pero hindi ako. Wait, then what about my stupid confession and him riding on it?
Mariin akong napapikit. I let myself drifted back to the Akihiro I once knew.
-
"I'll give you five minutes to prepare your things." Seryosong sabi ni Sir Akihiro na siyang nakatayo ngayon sa harapan. Today's the last day of our final examination. Huling araw na papasok si Sir Akihiro sa klase namin. I still remember that time na nagkaaway kami. Pagkatapos ng nangyaring iyon ay hindi na namin pinansin ang isa't isa. Well, not that we had something between us and we have to broke apart. Siguro ay iyon lang ang tamang gawin, dahil alam naming kahit kailan ay hindi kami magkakaayos o magkakaintindihan.
Minutes later, he handed our test papers. Nang nasa harap ko na siya ay isang tikhim ang kaniyang pinakawalan. Mahina lang iyon, kaya walang sino man ang nakarinig maliban sa akin. Inis ko siyang tiningala. "Yes?"
"Absent ka last week sa klase ko. Hindi mo narinig ang mga huling lesson na—."
"I can answer them." Malamig kong turan na ikinabuntong-hininga niya. Sinadya kong hindi pumasok last week. I was sorry at kinakain ng guilt ang buo kong pagkatao dahil sa mga sinabi ko kay Barbie, kaya nagdesisyon akong huwag pumasok ng ilang araw. Mabuti na ring hindi ako pumasok para wala akong maisagot sa exam. Sa ganoong paraan hindi na ako paparatangang nandadaya.
"Of course you can, I believe in you—."
"They're waiting for the test papers, Sir." I said, trying to avoid his gaze. Muli, isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan bago umalis sa harapan ko. I bit my lips, bumuga ako ng hangin para pakawalan ang kabang nararamdaman. What's happening to me? I do have a crush on him. But...oh God, don't make it hard for me. I'm not falling in love! Not with my Professor!
Mabilis kong sinagutan ang mga tanong. Nasa huling pahina na ako, kailangang gumawa ng essay about computer games, tungkol sa epekto niyon sa mga kabataan. I know what to answer. I was ready to write my answer nang biglang kunin ni Sir Akihiro ang atensiyon ng lahat. He stood in front with full of authority.
"Pasensiya na sa istorbo, but I have an announcement." Panimula ni Sir Akihiro. I put down my pen, letting him to take a little of my time, the essay can wait. Our eyes met, I shifted my gaze, his eyes remained on me. "I know some of you decided to continue studying here, I mean, college level. Gusto kong makita ang pag-usbong pa ng bawat isa. But sadly, I won't be able to do that. Lilipat ako ng school, malapit sa negosyo ng mother ko. I'm sorry kids, I guess ito na ang huli nating pagkikita."
"Si Sir naman! Kaya nga dito ako magkokolehiyo kasi nandito ka!" Naiiyak na sabi ng isa kong kaklase. Sinundan pa iyon ng iba pang reklamo. Mostly mga babae ang nagsasalita. The guys remained silent, but I know for sure they're sad.
I raised my hand. Kaagad naman akong tinawag ni Sir Aki, kaya hindi na ako nag-atubili pang magtanong. "How about graduation?"
"I...I don't know." He said.
Hindi ako kuntento sa isinagot ni Sir, ganoon pa man, hindi na ako nagtanong pa. Yumuko na lamang ako't inumpisang basahin ulit ang instruction na nasa papel. May idea na ako para sa gagawing essay. Pero hindi ko magawang isulat ang unang salita. Then once again, I glanced on Sir Aki. I was surprised. Kahit na pinapalibutan siya ng mga kaklase ko'y nagawa niya pa ring hulihin ang mga mata ko. Minutes later I found myself writing the four words—including his name—on my test paper. Pagkatapos niyo'y kaagad na akong tumayo't iniabot iyon sa kaniya. Without saying anything I walked out of the room.
Kinabukasan niyon ay halos malaglag ang panga ko. Slyvia, my classmate, distributed our exam results. I still got the highest score—but that's not the reason I was surprised. Kundi ang reply ni Sir Akihiro sa sagot ko na nasa huling pahina.
"I love you, Aki."
"Oh I love you too. But, you didn't write an essay. Minus 10, Ms Lazaro." He replied with a small heart on top of my name.