"He asked for a second chance?" Gulat na tanong sa akin ni Emily matapos kong sabihin sa kaniya ang mga nangyari habang magkasama kami ni Akihiro. Marahan akong tumango bilang sagot. Tama naman siguro na ipaalam ko sa kaniya ang mga nangyari kanina. Kung wala kasi akong pagsasabihan tiyak na mapupuno na naman ang dibdib ko. Hindi ko kakayanin. Kanina nang sabihin ni Akihiro na siya pa rin ang nagmamay-ari sa akin tila ilang libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan. Hindi kaagad ako nakaimik. Hindi ako nakakilos. Para bang isang baldeng malamig na tubig ang ibinuhos sa buo kong katawan. Kung hindi lamang dumating si Emily baka inumaga na ako sa kinatatayuan ko. "Well, I kinda understand why he wanted to be with you again. Sa mga nasaksihan kong pangyayari, alam kong dap

