Matamis na ngiti ang sumilay sa aking mga labi habang pinagmamasdan ang pagtatampisaw ng mga bata sa mababaw na parte ng dagat. Kasama ng mga ito si Nanay Isabel at si Emily. Wala si Akihiro. Nasa villa ito, nagpapahinga. Katatapos lamang kasi nitong makipaglaro kay Maki at Zandro. Nagyaya kasi ang dalawang bata na mahabulan sa dalampasigan. Nakakatawa lang dahil imbes na ang mga bata ang mapagod, si Akihiro ngayon ang bagsak sa kaniyang kuwarto. "You're smiling," sabi ng boses mula sa aking likuran. Hindi na ako lumingon pa dahil kilala ko naman na ang boses na iyon. "I heard you gave him another chance." I cleared my throat. Naramdaman ko ang pag-upo ni Vier sa aking tabi. I looked up to him. "I did. I gave him another chance. I'm giving our love another chance." Nakakabinging katahi

