ELERI’s heart was in a total mess after Kenichi left her room. Para itong anak ng dilim na basta na lang naglaho sa kanyang silid. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. May kung ano sa kanyang pagkatao ang hindi mapalagay. Her heart was all over the place. Para itong ipinadala ng Panginoon para saglit na makalimutan ang kanyang problema. Niyakap niya ang kanyang unan habang namumula pa rin ang kanyang pisngi. Inalala ang mga sinabi nito. “I want you to be my woman. I like to see your beautiful face every morning, to hold you like this… To kiss you whenever I want to, and I’d like you to carry my child.” Kaya lang, anak lang ang nais nito at ni Master Takayama. Nakahanda ba talaga siya na magkaroon ng anak sa lalaki? *** TANGHALI na rin nagising si Eleri. Nakabalik na ang mga kasama

