NAGSISIMULA nang sumibol ang mga bulaklak ng cherry blossoms na nagkalat sa labas ng isang villa para sa huling linggo ng buwan ng Marso. It’s almost April. Babalutin na naman ng mapusyaw na kulay ng pink ang siyudad partikular sa tahanan na iyon kung saan naroon si Eleri. Masarap sa pakiramdam at sa balat ang kobre-kama na gawa sa satin. Umikot si Eleri. Iyon ang pinakamalambot na kama kung saan siya nahiga sa kabuuan ng kanyang buhay. Halos ayaw ng kanyang katawan na bumangon. Pinagagaan ito ang kanyang pakiramdam. Sa kabila ng init ng katawan na kanyang nararamdaman, dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mata. Sadyang malabo pa ang kanyang paningin, ngunit sapat iyon para malaman niya na naroon siya sa hindi pamilyar na silid. Bumalikwas siya ng bangon, ngunit ganoon na lang din

