TILA wala sa sarili si Eleri habang naroon sa sasakyan ni Kenichi. May tatlo pang sasakyan ang nakasunod sa kanila pabalik sa mansiyon nito mula roon sa Tokyo. Hindi niya alam kung paano tatanggapin ng kanyang isipan ang nasaksihan kanina, kung paano nito marahas na tinanggal ang balat ni Sol sa mukha. Sigurado na mag-iiwan ng pilat ang ginawa nito sa babae. “Ayos ka lang?” tanong sa kanya ni Kenichi. Hinawakan nito ang kanyang kamay na naroon sa kanyang gilid at pinisil iyon. Ngumiti si Eleri nang simple sa lalaki. Pinipilit alisin ang kanyang kaba. “M-medyo nabigla lang ako.” Hindi na siya nito inabala pa at nakuntento na lang na hawak ang kanyang kamay. May kahabaan ang kanilang biyahe dahil hindi pa ganoon kaayos ang mga kalsada patungo sa tirahan nito. Inabot sila ng dalawang or

