Kabanata 3

1934 Words
"EXCUSE me Ma'am here's your order," ani Abella at inilapag sa table ang dalang tray at isa-isang inalis roon ang pagkain na naamoy niya at base roon, alam niyang masarap iyon. Bumaling siya sa nag-iisang babae. "Enjoy your meals." Ngumiti siya rito na sa tantiya niya ay ka-edad lamang niya. Tumalikod na siya rito at bumalik sa kitchen para kumuha muli ng orders. "Mukhang marami atang customers sa labas, ah?" tanong ni Marlon, ang chef ng restaurant na pag-aari ni Neith. Nakilala niya noon si Neith Suarez sa isang parke at nagpakita agad ng kabaitan ang binata. Mabait naman talaga ito. Ito pa nga ang tumulong sa kaniya para kahit paano ay sumaya siya noon. Matagal na niyang kakilala ang huli at ito pa ang nagpasok sa kaniya sa sarili nitong restaurant. "Medyo nga, e, palibhasa linggo na naman," aniya. Tuwing linggo kasi dumadagsa ang customers dahil weekend at karamihan ng mga tao, naka-off sa kani-kanilang mga trabago. Kapag ganito ang sitwasyon, doon sila mas napapagod dahil sa halos hindi na sila makapagpahinga. Dalawa silang waitress at dalawang waiter, pero kapag maraming customers nahihirapan pa rin silang apat. "Ito, sa table 3." Ibinigay ni Marlon ang tray na naglalaman ng mga pagkaing in-orders ng nasabing table. Ngumiti siya sa binata at tumalikod na agad. Maingat niyang dinala ang tray sa table 3. Hindi niya alam kung ngingiti o maiinis sa nadatnan. Kailangan dito maglandian sa public place? inis niyang sabi sa isip at pasimpleng umirap habang nilalapag ang mga pagkain sa lamesa. Hindi niya alam pero dahil sa nangyari sa love life niya, naging bitter siya. Paano siyang hindi magiging bitter, e, masaklap ang kinahantungan ng pag-ibig niya noon. "Enjoy your meals, Ma'am, Sir." Ngumiti siya sa abot ng kaniyang makakaya. Hindi pa rin siya pwedeng sumimangot sa customers dahil baka hindi na ito bumalik pa, kasalanan pa niya iyon. Nakangusong naglakad siya palayo sa table na 'yon. Minsan talaga hindi maiwasang may mga customers na doon na inaabutan nang kaharutan. Hindi niya alam kung inis o inggit ba ang nararamdaman niya. "O, byernes santo ba, Abella?" Napalingon si Abella sa nagsalita at tumambad sa kaniya si Neith na nakangiti. Biglang sumeryoso ang mukha niya. "Hello po, Sir," bati niya sa binata at bahagya pang tumungo. Napakamot naman ito sa batok. Hindi kasi ito komportable sa gawain niyang iyon. "Nag-bow ka na naman sa akin," nangingiting kompronta ni Neith. Alangan siyang ngumiti sa kaharap at umiwas nang tingin. Ilang ulit na kasing sinabi ng binata sa kaniya na huwag nang mag-bow dahil masyadong pormal. "Hindi ko kasi matiis na hindi mag-bow. Kahit naman magkaibigan tayo, eh, amo pa rin kita at dapat pa rin akong gumala sa iyo," paliwanag niya nang may kapormalan. "Sige, sige, payag." Tinaas pa ni Neith ang dalawang kamay, tanda ng pagsuko nito Alam kasi ng binata na hindi ito mananalo sa kaniya. "Sige po, Sir, may gagawin pa ako," paalam niya at nag-bow muli sa kaharap. Napangiti lang si Neith at napailing pa. Habol nitong tiningnan ang paglayo niya. Nagpatuloy si Abella sa pagtatrabaho at halos hindi na siya makapagpahinga dahil sa sunod-sunod na pasok ng mga customers. Hindi naman na nakakapagtaka 'yon dahil sadya namang masasarap ang pagkain sa restaurant na kaniyang pinagtatrabahuhan. Nagsisimula na rin kasing makilala ang Neithen Restaurant. Pasado alas-diyes na ng magpasyang magsara si Neith. Humupa na rin kasi ang customers at para makapagpahinga na rin ang lahat dahil napagod sila sa trabaho. Agad nag-abang si Abella ng taxi sa gilid ng highway, malapit sa restaurant ni Neith. Pasalamat siya sapagkat may humintong taxi sa harap niya. Sumakay siya roon at sinabi ang destinasyon niya. Tahimik lang siya habang pinagmamasdan ang matatayog at nagliliwanag na mga gusali. Nang huminto na ang taxi, agad siyang nagbayad at bumaba roon. Nagsimula na siyang maglakad patungo sa iskinitang daan para marating ang bahay niya. Hindi naman iyon madilim dahil sa mga street lights na nakatayo sa lugar. Tahimik na ang paligid at mangilan-ngilan na lang ang mga taong nakikita niya. Humawak siya sa lace ng sling bag na suot niya. Tahimik lang siya. Umihip ang malamig na hangin na nanunuot sa kaniyang katawan. Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa lace ng bag. Naagaw ng mga tawanan ang atensyon niya. Lumingon siya sa tatlong binatang nagtatawanan. Narinig niya ang masasayang tawanan ng mga ito na halatang nag-e-enjoy sa company ng bawat isa. "Baka naman gusto mo talaga iyon, Nathan." Napahinto siya sa paglalakad at napawi ang ngiti sa mga labi. Sunod-sunod na nagbalikan ang mga alaalang sinusubukan pa rin niyang kalimutan. Napatulala siya sa mga lalaking naglalakad. May kung anong lumitaw na damdamin sa kaniya na kahit kailan ayaw na niyang maramdaman. Ang sakit. Pinaglalaruan ba siya ng tadhana o nagkataon lang na kapangalan ng binatang iyon, ang lalaking pilit niyang itinataboy sa puso't isipan niya. Umiling-iling siya para mabura ang isiping nabubuong muli sa kaniyang isipan. Kailangan niyang kumbinsihin ang sarili na tuluyang kalimutan ang lalaki. Nagpasiya siyang ipagpatuloy ang paglalakad kahit tila may mabigat na bagay sa kaniyang mga paa't dibdib. Hanggang ngayon ganoon pa rin ang epekto ng lalaki sa kaniya. Pumikit siya ng saglit para pilit ilayo sa kaniyang isip ang lalaki. Hindi na niya dapat pang isipin ang nakaraang 'yon. Heto na siya at maayos na nabubuhay kaya bakit pa niya iisipin ang lalaking iniwan na niya at hinusgahan siya? - KINAUMAGAHAN, maagang nagising si Abella. Maaga rin siyang pumasok sa trabaho. "Abella, can we talk?" Lumingon siya kay Neith at nagtataka itong tiningnan. Kalalabas lang niya sa locker room kung saan nandoon ang uniporme niya. White t-shirt lang 'yon na may logo ng restaurant. "Sige po sir," sang-ayon niya. Tumalikod si Neith at naglakad patungo sa opisina nito. Nagtataka naman siyang sumunod. Dumeretso si Neith sa swivel chair nang makapasok sila sa opisina nito. Umupo naman siya sa isang sofa na nasa harap ng table. "Bakit po 'yon, sir?" curious niyang tanong at nag-abang sa isasagot ng kaharap. "Maaari mo ba akong samahan?" seryosong tanong ng binata at naghintay ng magiging reaksiyon niya. Nagtaka siya. "Samahan saan po, sir?" "Sa isang party, next week," sagot nito at pinagsalikop ang mga palad. "Party po, Sir? Seryoso po ba kayo sa sinasabi niyo? Hindi po ako sanay sa ganoong mga event," protesta niya. Paano nama'y hindi siya mahilig um-attend sa ganoong pagdiriwang. Pakiramdam niya'y hindi siya belong dahil ang mga ganoong event para sa kaniya ay para lang sa mayayaman. Tumango si Neith. "Birthday party kasi ng isa sa mga kaibigan ko at kailangan kong um-attend. I don't want to go there alone so, I decided na isama ka," paliwanag nito habang ginagalaw-galaw ang upuan. "Pero sir, ano kasi...baka ma-OP lang ako roon dahil hindi ako katulad ng inaakala ninyo. Hindi ako magaling makipag-socialize. Mas gustong kong mag-isa sa tabi kaysa makisalamuha sa ibang tao," pagtatapat niya rito. "I don't care, Abella. Hindi mo kailangang pakisamahan ang lahat ng tao doon. Ngumiti ka lang sa kanila, okay na." "Saka, hindi naman po ako bagay sa ganoong party. Baka mapahiya ka lang sa party na 'yon, Sir dahil nagsama ka ng kagaya ko," natatakot pa rin niyang sabi. Tinitigan siya nito na blangko ang mukha. "I won't let that happen, Abella. Trust me." Hindi siya agad nakasagot. Hindi niya na alam ang sasabihin dito. Bakit kasi siya pa ang gusto nitong isama, eh, ang dami namang iba. "You're the one I want to go with, Abella. No one else." Hindi nito inaalis ang tingin sa kaniya habang nakapaskil sa mga mata nito ang tila pagmamakaawa. Pero aminin man niya, nakaramdam siya ng tuwa sa narinig mula rito. Nag-isip siya. Pero nananatili sa kaniya ang kaba at takot sa maaring maganap kung sakaling sumama siya rito. Hindi siya elegante tingnan kagaya ng iba. Simple lang siya at hindi rin ganoon kaganda. "S-sige po, Sir. Sasama na po ako," pagpayag niya kahit may kaunti pa ring pagtutol na natitira sa kaniya. Naisip niya kasi na marami nang naitulong si Neith sa kaniya at maliit lang ito kumpara sa mga iyon. Biglang nagliwanag ang mukhang ni Neith at puminta ang matamis na ngiti sa mga labi nito na animo'y sinagot ng manliligaw. "Really, Abella?" Tumango siya, saka ngumiti para i-assure ito. "Thank you, Abella. You made me happy." - "GIRL, nandito ako." Napalingon si Abella sa pinanggalingan ng malambot na boses na 'yon. Nakita niya si Julio na nakatayo sa gilid ng hagdan paakyat sa restaurant. "O, bakit nandito ka?" gulat niyang pakli sa baklang kaibigan. Ngumiti ito sa kaniya at kumindat pa. "Kain tayo, treat ko," alok pa nito sa kaniya. Kinunutan niya ng noo ang kaibigan. Malamang na sahod na naman nito kaya nang-aalok kumain. Ganito kasi ito kapag araw ng sahod. "Saan?" Puminta ang excitement sa mukha niya. Parang gutom na rin kasi siya e. "Basta, tara!" Hinawakan ni Julio ang kaniyang braso at marahang hinila patungo sa gilid ng kalsada para mag-abang ng masasakyan. Nagpatianod na lang siya dahil si Julio naman ang manlilibre. Dinala siya ni Julio sa isang restaurant na may pangalang 'Knock Knock Restaurant'. "Kakatok ba tayo para makapasok?" tanong niya kay Julio na tinaasan siya ng kilay. "Sira, girl pangalan lang 'yan. Trip nila e, pakialam mo ba?" pambabara ng bakla niyang kaibigan. Napangiti siya sa sinabi nito. Naglakad sila papasok sa restaurant, na kung titingnan ay napaka-elagante at hindi niya afford. Nang makapasok silang dalawa, napalingon si Abella sa paligid. Kung sa labas ay napakaganda na nito't napaka-elegante, lalo na sa loob. Ang interior design ng lugar ay talagang pinagplanuhang maayos dahil sa napakagandang resulta niyon. "Seryoso ka ba na dito tayo kakain? Baka nabibigla ka lang? Baka 'di ka aware sa presyo ng mga pagkain dito." Tiningnan pa niya si Julio at pinanliitan ng mga mata. "Of course. Huwag ka na nga lang magtanong. Hindi naman ikaw ang magbabayad, eh," anito. Sumunod siya sa kaibigan na tinungo ang table sa bahaging gitna. Umupo siya roon at hindi maiwasang pagmasdan ang buong lugar. "Waiter," tawag ni Julio. Lumapit sa kanila ang isang lalaki. Napangiti siya nang makita kung paano magpa-cute si Julio sa gwapong waiter. Tinitigan ni Julio ang lalaki at prenteng ngumiti. Nakaramdam naman ng pagkailang ang lalaki at bahagyang umiwas nang tingin. Mahinang sinitsitan niya ang kaibigan at natatawang tiningnan. "Landidi," sabi pa niya at bumaling sa lalaki. Kinuha niya ang menu at napailing na lang na binuklat 'yon. Hindi na siya nagulat sa presyo ng mga pagkain sa restaurant na 'yon. Naghanap na lang siya ng mura. "Pasta na lang sa akin, Kuya," sabi niya sa waiter at ngumiti ito sa kaniya. "Ganoon na lang din sa akin, Kuya, tsaka dalawang orange juice," pa-cute na segunda ni Julio na halatang natipuhan ang waiter. Napakunot ang noo ni Abella, habang tinitingnan ang kaibigan na habol ang tingin sa lalaking palayo. "Hoy! 'Yong laway mo tumutulo." Humarap sa kaniya si Julio at seryosong tiningnan. "Huwag ka ngang panira diyan, girl," protesta nito at inirapan siya. "Kahit kailan ang hilig mo sa gwapo e, hindi ka naman nila pinapansin." Natawa siya sa mga sinabi at agad napahinto ng tingnan siya ni Julio ng matalim. "Palibhasa ikaw bitter," banat naman ng kaniyang kaibigan. Hindi siya umimik at nagkibit-balikat na lang. Ilang saglit pa at dumating na ang order nilang dalawa. Nagpa-cute muli si Julio sa lalaki na ikinailing na lang niya. Nakaramdam na siya ng pagkalam ng kaniyang sikmura. Hindi na sila nagpaligoy-ligoy pa at nagsimula na silang kumain. Habang kumakain, napabaling ang atensyon niya sa lalaking nahagip nang gilid ng kaniyang mata. Pamilyar sa kaniya ang dalawang lalaking naka-side view. Napa-isip siya at sa huli ay napakibit-balikat na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD