Kabanata 2

1984 Words
PAPUNGUS-PUNGUS na bumaba ng hagdan si Nathan Madera. Kararating lang ng binata nang nagdaang gabi galing sa Davao. Pilit kasi siyang pinauwi ni Irene ang kaniyang ina. Pero hindi iyon ang tunay niyang dahilan sa pagbabalik sa Manila. May bagay siyang babalikan na akala niya'y kaya niyang kalimutan. Lumayo nga siya para sana kalimutan ang mapait na nangyari sa nakaraan pero hindi pala iyon ganoon kadali. Hina-hunting pa rin siya ng alaala niyon. "O, Anak, ang aga mo atang nagising?" bungad ng ina niya. Lumapit siya rito at hinalikan ito sa pisngi. "Hindi ko rin alam, Ma, e," sagot niya at umupo sa bakanteng upuan sa tapat ni Irene. Nagsimula siyang kumain. Hindi na siya nag-abala pa ng segundo para lingunin ang ama na nasa dulo ng mesa. "Mabuti naman at naisipan mo pang bumalik dito sa Manila? Nagsawa ka na ba sa pagliliwaliw mo roon sa Davao?" seryosong kastigo ni Manny ang ama ni Nathan. Lumingon siya sa ama. "Inisip mo ba na dapat 'di na lang ako bumalik?" sarkastiko niyang tanong at bumaling muli sa pagkain. Nagsalubong ang kilay ng kaniyang ama at tiningnan si Nathan na tila hindi man lang apektado sa naging asal niya. Hindi siya makadama ng kahit kaunting pananabik sa Ama. Paano nga naman siyang mananabik dito e, sobrang laki ng galit niya rito na hindi na niya alam kung kaya pa niyang alisin. "Hindi ka na ba talaga magbabago, Nathan? Hindi ka na bata para maglakwatsa pa," sermon pa nito. "You supposed to be in our company." "I know I'm not a kid anymore kaya hindi ko na kailangan ang mga payo't sermon mo," balik niya na punong-puno ng hinanakit. Sa tuwing nakikita ni Nathan ang ama, hindi niya maiwasang isipin ang kasalanan nito sa kaniya. Narinig na lang niya ang pagbuntong-hininga ni Manny na pinipilit ang sarili na maging kalmado sa kabila ng pagiging walang modo niya rito. "Anak, ano ba 'yang pinagsasasabi mo?" Tiningnan lang ni Nathan ang ina na mababakas ang tensyon sa mukha. Hindi siya umimik. Sumubo siya ng pagkain at tumayo na sa pagkakaupo. Tumalikod siya sa mga magulang at nag-martsa palayo sa hapag. "Nathan!" tawag ng ina niya pero hindi siya huminto at nagpatuloy sa paglayo. Dumeretso si Nathan sa kwarto niya. Nawalan na siya ng ganang kumain. Hindi pa rin pala niya kayang pigilan ang sarili na bastusin ang ama. Akala niya sa isang taong paglayo niya, may mababago rin sa pakikitungo niya sa ama, pero hindi pa rin pala. Hinubad niya ang suot na damit at pajama. Hinagis niya 'yon sa kama at pumasok sa bathroom para maligo. Gusto niyang makalma ang sarili. Napapikit siya nang dumaiti sa kaniyang katawan ang malamig na tubig. Ginhawa ang naging hatid niyon sa kaniya. Nawala ng bahagya ang init ng kaniyang ulo at kumalma rin ang damdamin niya. Pagkatapos niyang maligo't magbihis, lumabas siya ng bahay at sumakay ng kotse. Noon pa man ay 'di na talaga niya gusto ang ama. Sino ba naman ang gugustuhin ang amang nais ipamigay ang anak? Hindi niya matanggap iyon at tumatak na sa isip niya na marahil hindi naman siya mahal ni Manny. Mabilis niyang pinaharurot ang kotse patungo sa restaurant ng kaibigang si Koki. Ito lang ang naisip niyang puntahan dahil ito lang naman ang malapit niyang kaibigan. Kahit pa paano na-miss niya rin ang Manila. Na-miss niya ang ambiance ng lungsod. Pero wala pa rin siyang nakitang pagbabago rito, maraming sasakyan, traffic, at sobrang init. Inihinto ni Nathan ang kotse sa tapat ng isang malaking restaurant. Napangiti siya dahil sa nakitang paglago niyon. Dati kasi ay hindi 'yon ganoon kaganda't kalaki, pero ngayon napaka-elegante na nito. Pumasok siya sa lugar at tumambad sa kaniya ang maraming bilang ng mga customers. Tunay ngang nagbunga na ang pagpupursige ng kaibigan niya. Napansin din ni Nathan ang pagbabago sa disenyo ng restaurant. Mula sa medyo lame at simpleng design noon pero ngayon, isa na iyong maganda at eleganteng restaurant. Nakita niya ang isang waitress sa 'di kalayuan sa kinaroroonan niya. Nilapitan niya ito at tinanong kung nasaan si Koki. Ang sabi naman ng waitress ay nasa opisina nito. Tinuro pa nito ang daan sa kaliwa patungo sa isang puting pinto. Tinahak niya ang daang sinabi ng babae. Kumatok siya roon at nang marinig niya ang pahintulot nito, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. "Masyado ka atang abala sa pagpapayaman, a," sabi ni Nathan ng makapasok siya sa loob ng opisina. Nagulat naman si Koki sa pagdating niya. Bahagya pa itong napatitig kay Nathan na hindi makapaniwalang nasa harap nito siya. "Kailan ka pa dumating?" tanong ni Koki na hindi pa rin makapaniwala sa biglaang pagdalaw niya. "Kumusta?" Tumayo si Koki sa pagkakaupo at nilapitan siya. Nagkamayan sila at nagyakap saglit. "I'm good. Ikaw kumusta na? Mukhang yumayaman ka pa lalo, a," nakangiting sabi niya. Tinapik pa niya ang balikat ng kaharap. "Nayaman ka riyan," ngingiti-ngiting sagot ni Koki. "Kailan ka pa bumalik?" "Kagabi lang, Bro." Umupo siya sa bakanteng upuan at nilibot ang paningin sa lugar. "Ayos ang opisina mo a," puri niya sa magandang lugar. Maaliwalas 'yon at hindi nakakapanglaw tingnan "Long time no see, Bro. Maigi naman at naisipan mo nang bumalik sa Manila. Parang biglaan ata, Nathan. May babalikan ka ba?" makahulugang tanong nito. "Babalikan? Marami akong gustong balikan, Koki," seryosong aniya. "By the way, may bakante bang trabaho sa restaurant mo?" pagbabago ni Nathan sa usapan. "Bakante ba kamo? Bakit dito ka sa akin naghahanap ng trabaho? Bakit 'di ka sa kompanya ninyo magtrabaho?" nagtatakang tanong nito. "You already know my answer, Koki," walang emosyong sagot niya sa kausap. "Okay. Sige, kailangan namin ng isang waiter," ani Koki at sumandal sa swivel chair. Bahagya pa niya 'yong ginalaw-galaw habang nakatingin sa kaniya. Naghihintay kung ano ang reaksiyon niya sa trabahong inaalok nito. "That's good. Kailan ako magsisimula?" seryosong tanong ni Nathan. Mas gugustuhin niyang maging isang waiter kaysa ang magtrabaho sa kompanya ng pamilya niya. Sigurado kasi siyang hindi sila magkakasundo ng ama at baka mas lalo lang lumala ang alitan nilang mag-ama. "Sa isang araw," pakli nito, sabay ngumiti. Hindi nito inaasahang ganoon siya kadaling papayag. "Okay," tatango-tango niyang tugon. "Welcome to my restaurant, Nathan. Huwag kang umasang malaki ang sahod mo, ha?" natatawang anito. "I don't mind the money. I just need a job to entertain myself nang sa gayon, magkaroon ako ng dahilan para umalis ng bahay," sagot niya sa seryosong tono. Kung pera lang kasi ang pag-uusapan, meron siya noon. Pero gusto muna niyang i-distansiya ang sarili sa ama. "Sige, sabi mo, e," kibit-balikat na sagot ni Koki. Ilang saglit pang nanatili si Nathan sa opisina ng kaibigan bago nagpasiyang umalis. Gusto niyang magliwaliw sa Maynila. Nagpasiya siyang dumaan muna sa Bookstore para bumili ng libro. Noon pa man ay mahilig na siya sa mga libro. Nagbibigay ito ng panandaliang kaginhawahan sa kaniya at nililibang niyon ang isip niya. Pumasok siya sa isang bookstore. Hindi niya alam kung bakit sa dami ng bookstore, dito niya pa rin gustong bumili. Tumungo siya sa mga bookshelves. Nakahilira doon ang maraming fiction books na hilig niyang basahin. Napansin ni Nathan ang nag-iisang libro sa isang bookshelf. Tinungo niya 'yon at bahagyang napangiti. Biglang bumalik sa kaniyang balintataw ang alaala ng nakaraan. Alaalang nililimot niya pero 'di niya magawa. Kinuha niya ang librong may pamagat na "Broken Hearts". Tinitigan niya muna ito bago tumungo sa counter para bayaran ang libro. Nakangiti siyang lumabas ng store bitbit ang librong binili. Pagkagaling niya sa bookstore, tumungo naman siya sa isang Bar. Nakaramdam kasi siya ng pagkauhaw sa alak. Gusto niya ring ikondisyon muna ang sarili. Pumasok siya sa isang Bar. Sinalubong siya ng maingay at ng mga sumasayaw na ilaw. May nag-iinom, may sumasayaw, at may naghahalikan pa sa gilid ng lugar. Sanay naman na siya sa ganoong tanawin lalo na sa ganoong mga lugar. Umupo siya sa isa sa nga stole sa harap ng bartender. "Beer nga," aniya habang nakatingin sa lalaking bartender. Binigyan siya nito ng isang bote ng beer. Tinungga niya 'yon at parang wala lang sa kaniya ang mapait na lasa niyon. Hindi pa siya nagtatagal sa Bar nang may lumapit sa kaniyang isang babae. Hinimas-himas nito ang kanyang balikat na tila inaakit siya. Sanay na rin siya sa ganitong mga pangyayari. Hinayaan na lang niya ang babae. "Anong pangalan mo?" mahinhin na tanong ng babae. "Nathan," maikling sagot niya at ngumiti lang. "Joan," ani naman ng babae habang patuloy sa paghimas sa kaniyang balikat at bumaba pa 'yon sa kaniyang dibdib. Nagulat na lang siya ng biglang hawakan ng babae ang masilang bahagi ng kaniyang katawan. Inilapit pa ng babae ang mukha sa kaniyang tainga at bumulong. "Gotcha!" aniya na nagpataas ng kaniyang balahibo. Inalis nito ang kamay sa ibaba niya at kumagat labi. Nag-martsa na palayo ang babae at tumungo sa grupo ng mga lalaki sa gawing gitna ng bar. Napangiwi siya dahil sa ginawa ng babae. Hindi niya inaasahan iyon pero pakiramdam niya medyong nagalit ang nakatago sa loob ng pantalong niya. s**t! Mura niya sa isip. Hindi niya maitatangging medyo nag-init siya sa ginawa ng babae. Kahit lumayo na sa kaniya ang babae, panay sulyap pa rin ito sa kaniya. Habang siya naman ay nagpatuloy sa pag-inom at pilit umiiwas sa tuksong ginawa ng babae. Nakaapat na boteng beer siya bago nagpasiyang huminto sa pag-inom at umalis ng bar. Medyo may tama na rin siya dulot ng ininom na alak. Hindi naman siya maaaring magpakalasing dahil magmamaneho pa siya pauwi. Kasalukuyang nagmamaneho si Nathan ng maramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone na nasa bulsa niya. Kinuha niya 'yon at bahagyang tiningnan. Text message iyon galing kay Melaine. Ang babaeng nakilala niya sa Davao na alam niyang gusto siya. Hindi naman kasi siya tanga para hindi niya mapansin 'yon. Maganda naman si Melaine, at siya ang tipo ng maraming lalaki, pero hindi niya makuhang gustuhin ang dalaga kahit anong pilit niyang gawin. Si Melaine ang kasama niyang malimit sa Davao. Pasalamat naman siya sa dalaga sapagkat, nakatulong ito upang panandaliang makalimot siya sa nakaraan. Ang dalaga kasi ang kasama niya noong mga oras na malungkot siya at kailangan niya ng kausap. Pinaranas din sa kaniya ng dalaga ang mga bagay na 'di pa niya nararanasan. Dahil nagmamaneho siya, hindi niya ni-reply-an ang text ni Melaine. Ibinalik niya sa bulsa ang cellphone at binilisan pa ang takbo ng sasakyan. Narating niya ang bahay pasado alas-nuebe ng gabi. Ipinarada niya ang kotse at agad na pumasok sa loob ng malaking bahay. "Anak." Lumingon siya sa pinanggalingan ng bose. Tumambad sa kaniya ang ina na sadyang hinihintay ang pag-uwi niya. Lumapit pa ito sa kaniya at kita niyang may gustong sabihin ang ina. "Why you still awake, 'Ma?" tanong ni Nathan at umiwas nang tingin. "Can we talk?" Iginiya siya nito sa sofa. "Kung tungkol kay Papa ang pag-uusapan natin, huwag na lang, Ma," agad niyang tutol. Gumuhit ang lungkot kay Irene. "Anak, hindi mo ba kayang patawarin ang 'yong ama? Alam mo naman kung paano siya nagsisisi sa ginawa niya noon. Gusto niyang bumawi sa 'yo pero hindi mo siya binibigyan ng pagkakataon," paliwanag pa nito at hinawakan ang kamay niya. "Patawarin?" Bahagya siyang tumawa na may pagkasarkastiko. "Ma, I'm sorry but I think I'm not ready to forgive. Hindi ganoon kadaling kalimutan ang ginawa niya sa akin. Nakatatak na 'yon dito," at tinuro niya ang sintido. "Naiintindihan kita, anak. Pero huwag mo naman sanang isarado ang puso mo sa iyong ama. Ama mo pa rin siya anumang mangyari." Bumuntong-hininga ito. "Baka kailangan mo pa ng oras para mapatawad mo ang 'yong ama." Binitawan nito ang kamay niya at tumayo. Naglakad na ito papasok sa kwarto nito. Naiwan si Nathan na nakakuyom ang mga kamao. Buo pa sa isip niya ang nangyari noon at buo pa ang desisyon niya na hindi patawarin ang ama. Galit na galit siya rito at siya mismo hindi alam kung paano mapapatawad ang amang nagkasala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD