Kabanata 15

3184 Words
NAPAPIKIT si Abella nang tumama sa kaniyang mga mata ang sikat ng araw na nagmumula sa bintana. Kinusot niya ang mata, saka tumayo na sa kama. Halos hindi siya nakatulog nang nagdaang gabi dahil sa kaiisip kay Nathan at sa mga sinabi nito. Hanggang sa panaginip nga ay ginulo siya nang binata. Pasalamat siya dahil wala siyang pasok sa restaurant kung 'di, tiyak na late na siya. Nagpasiya siyang maligo na para tuluyang layuan ng antok. Gusto pa nga sana niyang umidlip kaya lang, mataas na ang sikat ng araw indikasyon na tanghali na. Matapos niya maligo, lumabas siya nang bathroom at tumungo sa kusina para uminom ng tubig. Tiningnan na rin niya ang almusal na inihanda ng ina. Lumabas siya ng kusina at tumungo sa sala dahil alam niyang naroon ang ina na malamang ay naglilinis doon. Pero ganoon na lang ang gulat niya nang iba ang madatnan doon. Nagsimula na namang maging abnormal ang t***k ng puso niya. May tila mainit na tubig ang ibinuhos sa sikmura niya. Bukas, I'll pick you up Abella. I'll change your perspective sa dating tayo. Gusto niyang talikuran si Nathan. Hindi pa siya handang harapin ulit ito. Hindi malinaw ang lahat sa kaniya. Naguguluhan pa rin siya sa mga sitwasyon. "A-anong ginawa mo rito, Nathan?" tanong niya kahit alam naman niya ang dahilan. "Oh, anak gising kana pala. Ikaw na muna ang mag-asikaso kay, Nathan may bibilhan lang ako diyan sa labas," sabi ni Marla sa kaniya, bago lumabas na nang bahay. Kapwa napatingin sila ni Nathan sa umalis na ina. Nabuo agad ang kakaibang tensyon sa pagitan nila ni Nathan nang tuluyang makaalis si Marla. Awkwardness. "Abella, I'm here to ask your permission," masuyong anito makalipas ang ilang minutong katahimikan. Umupo si Abella sa isahang sofa. Iwas ang mga tingin kay Nathan. "Give me another chance...chance para maipakita ko sa 'yo ang nararamdaman ko," diretsong sabi nito na animo'y walang nangyari kagabi. Hindi siya nakaimik. Lalong nagwala ang nakakulong niyang puso. Humihingi si Nathan ng pagkakataon para sa nararamdaman nito? Mahal siya nito? Walang mapagsidlan ang sayang nadarama niya. Pero sa tuwing naiisip niya ang mga posibilidad, natatakot siya. Natatakot siya dahil alam niyang mahal niya rin ito. "Nathan, nag-usap na tayo tungkol dito, 'di ba? Kuntento na ako sa meron tayo ngayon. Tama na iyon," kunot noo niyang paliwanag. "Pero ako hindi, Abella. I want more that what we have now. I want you, Abella." Parang ganoon lang kadali para kay Nathan na sabihin ang mga katagang iyon. Walang pasubali. Pero takot ang hatid niyon sa kaniya. Napapikit siya. Isinasantabi ang nagwawalang puso. Ang saya. "Sa tingin mo sa kabila ng mga nangyari sa atin noon, gugustuhin ko pang bumalik sa mundo mo? Nathan, hindi iyon ganoon kadali. Mahirap." Yumuko si Nathan. Magkasalikop ang mga kamay nito. "Para sa 'yo madali lang ang lahat, pero sa akin hindi. Tahimik na ang buhay ko at ayaw kong pumasok sa magulong sitwasyon. Sa magulo mong mundo na para lang sa katulad mo." Iyon ang ipinaintindi ni Irene sa kaniya noon. Na hindi siya nababagay sa mundo ni Nathan dahil hindi siya mayaman katulad mg mga ito. Nagsusumamo ang mga mata ni Nathan nang mag-angat ito ng tingin. "Give me another chance, Abella at ipapakita ko sa 'yo ang mundong para sa atin. Walang gulo. Walang iba kung 'di tayo lang. Ikaw at ako." Gusto niyang matawa. "Walang mundo para sa atin, Nathan. Ito lang ang meron tayo at hanggang dito lang 'yon. Nathan, please huwag mo naman akong pahirapan. Huwag mo ng guluhin ang nararamdamam ko. Ang mundo ko," pagmamakaawa niya. Pero iba ang binubulong ng naghuhurumentado niyang damdamin. Binubulong nitong bigyan ng pagkakataon ang binata. Gumuhit ang pait at lungkot sa mukha ni Nathan. "I know you're just afraid, Abella. Natatakot ka lang na aminin sa sarili mo na may nararamdaman ka rin sa akin. Natatakot ka na baka...na baka mauwi lang sa dati ang lahat," tila siguradong anito. Inamin na niya sa sarili ang nararamdaman para rito. Mahal niya pa rin si Nathan pero mas nangunguna ang takot sa kaniya. Ang takot na baka kapag tinanggap niya ang pagmamahal ni Nathan maulit lang ang nakaraan. Hindi siya nakaimik dahil alam niyang totoo ang mga sinabi nito. Umiwas siya rito ng tingin dahil alam niyang mababasa nito ang nararamdaman niya. "Kahit ngayon lang Abella, pwede mo ba akong samahan?" seryosong tanong nito. Kumunot ang noo niya. Nag-isip. "I have something to show you, Abella," nagsusumamong anito. Hindi siya umimik. Mayamaya'y kusang tumango ang ulo niya bilang pagpayag sa gusto nito. Ewan niya pero kinakabahan siya na excited sa kung ano ang ipapakita ni Nathan sa kaniya. Hinintay muna nila ang kaniyang ina. Nagpaalam sila rito bago umalis. Nakakabinging katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan ni Nathan. Walang gustong magsalita. Tensyon ang nararamdaman nila. Panaka-naka lang niyang tinatapunan ng tingin ang binata. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyaryari. Na sa kabila ng lahat nandito si Nathan at humihingi ng pagkakataon para ipakita ang nararamdaman sa kaniya. Ang katotohan nga'y lumulundag ang puso niya sa saya. "We're here, Abella," anunsyo ni Nathan makalipas ang mahigit isang oras na byahe. Nauna itong bumaba at pinagbuksan siya ng pinto. Bumaba siya at nagtaka sa tumambad sa kaniya. Isang on going na bahay ang nasa harap niya. Halos matatapos na iyon. Napatitig siya rito. Pamilyar ang desinyo ng bahay at ang lugar na pinagtitirikan nito. "Gusto kong tumira sa hindi malaking bahay, Nathan. 'Yon bang kasya lang ang pamilyang bubuoin natin." Ngumiti siya. "Ano'ng style ba ang gusto mo, Bell?" tanong ni Nathan. "Iyong simple lang pero mararamdaman ko 'yong ginhawa. 'Yong malayo sa kabihasnan. May terrace kung saan makikita natin ang paglubong ng araw." Bumaling siya sa paligid ng dagat kung saan sila nandoon. Pumikit siya nang madama ang malamig na hangin. Lalong humigpit ang pagkakayakap ni Nathan sa kaniya mula sa likod. Nakapatong ang baba nito sa balikat niya. "You're the simplest woman I've ever know, Bell and that's the reason why I'm still fallin' for you." Kinitilan siya nito ng halik sa labi na kumiliti sa damdamin niya. "That was your dream home, Abella." Doon bumalik siya sa kasalukuyan. Nananatili ang kaniyang mga mata sa bahay na iyon. Hindi niya alam pero may luhang kumawala sa mga mata niya. Pinahid niya iyon bago bumaling kay Nathan. "B-bakit nakatayo ang bahay na 'yan dito, Nathan?" nagtataka niyang tanong. "Iyan sana ang sorpresa ko sa 'yo sa ikatlong taon natin noon. But you broke up with me. Nawalan ako ng dahilan para ipakita pa sa iyo 'yan," paliwanag nito. "Nathan," tanging nasabi niya. Parang hinaplos ng malamig na kamay ang puso niya. Nagtakbuhan palapit doon ang saya. "Even we were split already pinagpatuloy ko pa rin ang paggawa ng dream house mo. Umaasa pa kasi ako noon na magiging okay ang lahat sa atin." Nakatitig lang siya sa malungkot na mukha ni Nathan na sa kabila niyon bakas pa rin ang taglay nitong gwapo. Wala siyang masabi. Patuloy na nagagalak ang puso niya sa nalaman. Na sa kabila pala nang nangyari noon, umaasa pa rin si Nathan na magiging okay ang lahat sa kanila. Hindi niya alam ang sasabihin. Ang gagawin. Ang alam niya masaya siya. Lumulundag ang puso niya sa saya. Subalit hindi pa rin niyon natabunan ang takot na meron siya. Nagsimula na naman siyang maguluhan. Bakit ang hirap sa kaniyang bigyan ng pagkakataon ang sariling hindi matakot? Hindi iyon maalis sa sistema niya. Kaakibat ng saya ang takot. Iyon marahil ang naging resulta ng mapait niyang nakaraan kasama si Nathan. Kusang humakbang ang mga paa niya palayo kay Nathan. Kung magtatagal siya roon baka bumigay na siya na labis niyang kinatatakutan. Natatakot siya dahil ang harang na ginawa niya para sa pag-ibig ni Nathan, dahan-dahan ng natitibag. - "OMG, Girl I'm shocked! Ibig bang sabihin nito, gusto niyang balikan ang nakaraan ninyo?" gulat na naibulalas ni Julio nang sabihin ni Abella ang mga nangyari sa pagitan nila ni Nathan. Tumango siya. "Gusto niya ng second chance para sa naudlot naming pagmamahalan noon. Na akala mo'y ganoon lang kadali. Na parang walang nangyaring sakitan noon," naiinis niyang tugon. "Ginugulo niya ang isip at damdamin ko, Julio." Nasapo niya ang noo. Dumating si Julio sa bahay niyang makalipas ang ilang oras simula nang iwan niya si Nathan sa bahay na iyon. Ngumuso si Julio. "Alam kong naguguluhan ka, Girl pero Jennifer ang name ko not Julio, okay?" taas kilay na pagtatama nito. Kumunot lang ang noo niya rito. "Hindi ka maguguluhan kung wala kang nararamdaman sa kaniya, Girl. Don't deny it, may nararamdaman ka Nathan 'no?" nangigiting tanong niya. Hindi siya nakasagot. Itatanggi pa ba niya iyon sa kaibigan. Tumango siya. Pinagsalpok ni Julio ang dalawang palad. "Ayon naman pala, eh. Kaya pala ganiyan na lang ang reaction mo sa second chance na hinihingi niya. Dume-kwatro ito habang nakaupo sa isahang sofa. "Ano ba kasing dahilan kung bakit hindi mo mabigyan ng second chance si Nathan? Kung mahal mo naman pala, eh, bakit 'di mo subukan. Malay mo this time mag-work na," suhestiyon nito. Napabuga siya nang hangin. Laylay ang mga balikat dahil sa mga iniisip. "Natatakot ako, Jennifer. Natatakot ako na kapag binigay ko 'yong chance na hinihingi niya, muling magulo...magulo ang lahat. Natatakot akong itaya 'yong pagmamahal ko at sa huli...matatalo lang ulit," malungkot niyang pagtatapat sa kaibigan. Mukhang naintindihan naman siya ni Julio. "Naiintindihan kita, Girl dahil alam ko kung ano'ng pinagdaanan mo noon pero hindi palaging ganoon ang mangyayari. Hindi ba't pinapahirapan mo lang din ang sarili mo sa pagtakbo sa tunay mong nararamdaman? Ikaw na rin ang nagsabi kung gaano ka-effort si Nathan na makumbinsi ka na ibigay ang hinihingi niyang pagkakataon. Hindi pa ba sapat iyon, Girl?" Tumayo ito mula sa pagkakaupo at umupo sa gilid ng sofa-ng inuupuan niya. "Isa pa, Girl hindi ka sana matatalo sa sugal mo noon kung hindi mo hinayaang matalo ka. Ikaw ang nagdesisyong magpatalo noon." Kumurap siya. Iniintindi ang mga sinabi ni Julio sa kaniya. Kung ang puso niya ang tatanungin, sapat na sapat na ang ginagawa ni Nathan pero para sa kaniya natatakot siya. "Hindi ko alam kung paano siya bibigyan ng pagkakataon kung natatakot ako sa mga posibilidad. Hindi ko maiwasang isipin na baka pagkatapos ko siyang papasukin sa puso ko, masaktan lang ulit ako o magkasakitan lang ulit kami." "Palayain mo ang puso mo sa takot at pangibabawin mo ang pagmamahal mo sa kaniya. Hindi ko 'to sinasabi dahil boto ako kay Nathan, sinasabi ko 'to dahil alam kong mahal mo siya at mahal ka niya. Mahigit isang taon ka nang nagtiis at nakalimutang sumaya. Ito na 'yong panahon, Girl. Kay Nathan ka sasaya kasi mahal siya." Bahagya nitong hinimas-himas ang balikat niya para pagaanin ang nahihirapan niyang kalooban. "Hindi ako sigurado na kay Nathan ako sasaya, Jennifer. Sasaya ba ako sa kaniya kung sa tuwing kasama ko siya natatakot ako?" Lalong bumibigat ang kalooban niya. Nagtatalo na ang damdamin at isip niya. Hindi alam ang susundin. "Natatakot ka sa mommy ni Nathan at sa maaaring niyang gawin? Iyon ba, Girl? Jusko! 'Yong matapobreng iyon ang sarap ipatapon sa labas ng earth. Pakialamera sa love life ng may love life," inis na usal ni Julio habang kunot ang mga noo. Doon nga ba siya natatakot? Iyon lang naman ang naging dahilan ng paghihirap at pagbitaw niya noon kay Nathan. "Huwag kang matakot kay Irene, Girl dahil alam na ni Nathan kung ano'ng ugali meron ang mommy niya. Hindi na 'yon maniniwala sa kasinungalin niya." "Paano kung siya? Paano kung paniwalaan pa rin ni Nathan ang mommy niya?" Bumuntong-hininga si Julio. "Naku, Girl masyado ka ng napa-paranoid sa kakaisip sa takot na iyan. Baka bukas mabalitaan ko na lang nasa mental hospital ka na. Alisin mo ang takot, saka ka magdesisyon." Seryoso lang niyang tiningan si Julio. Gulong-gulo na ang utak at puso niya sa pagtatalo. Paano niya aalisin ang takot? Hindi niya alam kung paano. Bigyan mo ng pagkakataon si Nathan, sabi ng bahagi ng isip niya. Naramdaman na lang niya ang pagyakap ni Julio sa kaniya. "Pasayahin mo naman ang sarili mo, Girl. Tama na 'yong isang taon kitang nakitang malungkot, huwag mo ng dagdagan pa. Huwag mo na rin dagdagan ang mga bagay na pagsisisihan mo bandang gitna–bandang huli pala." Natawa ito. – BALIK sa normal ang araw-araw na buhay ni Abella. Gigising nang maaga at papasok sa trabaho na labis niyang ipinagpasalamat dahil sa pamamagitan niyon panandalian niyang nalilimutan si Nathan. Pero sa bawat araw na lumilipas lalo siyang nananabik rito. Umaasang susulpot ito sa harapan niya sa tuwing iniisip niya ito. Ilang araw na rin kasi itong hindi nagpapakita sa kaniya. "Abella, kumusta are you okay?" nag-aalalang tanong ni Neith nang makarating ito sa locker room. Malamang na nabalitaan na nito ang nangyari. "O-okay lang po ako, Sir," hindi makalingong sagot niya. Hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik ang dating Neith na nakilala niya. Iwas pa rin ito sa kaniya. Nami-miss na nga niya ang kaibigan at amo. Nagi-guilty rin siya sa p*******t na ginawa niya rito. Hindi kasi iyon deserve ng binata. "What happened, Abella?" Lumapit pa si Neith sa kaniya dala ang first aid kit. Lumuhod ito dahil nakaupo siya sa isang bench. Nabalitaan kasi nito ang nangyari. Habang nagse-serve kasi siya nabunggo siya nang isang customers. Natapunan siya ng mainit na pagkain. "Huwag na po kayong mag-alala, okay na ako. Nagamot na po ni Carla," pigil niya. Nakahinga ito ng maluwang. "Thanks God." Bakas ang labis na pag-aalala nito sa kaniya. "Salamat po sa pag-aalala, Sir Neith. At...sorry po," sabi niya. Umiwas nang tingin si Neith. "No, you don't need to say sorry, Abella." Tumayo na ito mula sa pagkakaluhod. "Mag-iingat ka." Pagkasabi niyon, mabilis itong lumabas sa locker. Nalulungkot siya para kay Neith. Sana'y matagpuan na rin nito ang babaeng para rito. Lalo siyang nagi-guilty dahil sa kabila nang pag-busted niya rito, kabutihan pa rin ang pinapakita nito. Matapos niyang magbihis at maging okay, lumabas na rin siya ng locker at nagsimula na muli sa trabaho. Mas lalo siyang naging maingat dahil sa nangyari. Matapos ang trabaho niya, lumabas na rin siya ng restaurant. Pakiramdam niya pagod na pagod siya dahil sa nangyari sa buong araw. Hindi niya mawari ang sarili. Natigilan siya. Umaasa siyang nandoon si Nathan at kukulitin siya. Napasimangot siya. Masyado ma siyang napa-paranoid. Nagpatuloy siya sa paglalakad. "Abella Santos." Napalingon siya sa babaeng nagsalita. Tumambad sa kaniya ang babaeng humalik noon kay Nathan. Kung hindi siya nagkakamali ay tinatawag itong Melaine ni Nathan. "Ako nga, bakit?" "Can we talk?" tanong nito habang nakatitig sa kaniya. Noon pa lang hindi na niya gusto ang paraan nito ng pagtitig. Para bang nanghuhusga. Mapostura ang babae at ipokrita siya kung hindi niya aamining maganda ito. Pumayag siya sa gusto nito. Naghatid iyon ng excitement dahil siguradong si Nathan ang pag-uusapan nila. Dinala siya nito sa isang café malapit lang sa restaurant ni Neith. Um-order siya ng macchiato na lagi niyang in-order sa tuwing nasa café siya. "I'll direct to my point, Abella. Alam mo naman siguro na may relasyon kami ni Nathan, right?" panimula nito. Gusto niyang matawa pero hindi niya ginawa. Alam niyang hindi totoo ang sinasabi nito dahil alam niya kung sino si Melaine sa buhay ni Nathan. Naikwento na ito ng binata sa kaniya. "Okay," pagsang-ayon niya. "Then?" Sumimsim siya sa kape. "My point is, layuan mo na si Nathan dahil sinisira mo lang ang relasyon namin. Tapos na kayo, 'di ba? Why do you still keep on seeing Nathan?" Insecure ang nakikita niya sa mga mata nito. "You're desperate," maikling sagot niya. Tila umusok ang ilong ni Melaine nang marinig iyon. Nagpagting ang mga panga nito. "How dare you, Abella. I'm not desperate like you. Ako ang mahal ni Nathan pero humahabol-habol ka pa rin sa kaniya," madiing anito. "Sorry pero hindi ko ata alam na ikaw ang mahal ni Nathan? You're just imagining things,"chill lang na balik niya. "You're b***h! You, you're the one who imagining things, not me. I'm sure, someday Nathan will choose me over you," nanggagalaiti nang tugon nito na parang kaunting kembot na lang ay sasabog na ito. Kalma lang na humigop siya sa kape. "Sige, tingnan na lang natin," kaswal niyang pakli. "Just wait my turn, Abella. Ako ang mas malapit kay Nathan at ako ay may karapatan. Did you know that I'm living with him? Yes, tama ang narinig mo, I'm living with Nathan." Ngumisi ito na akala mo'y siya na ang nanalo. Tumayo na si Melaine. Kumuha ito ng pera at inilapag sa lamesa. "I'll pay your coffee." Saka, nag-martsa na ito palayo. Naiwan siyang tigagal. Hindi niya alam na nakatira pala si Melaine kay Nathan? Alam niyang may sarili ng condo si Nathan at maaaring magkasam nga doon ang dalawa. Kumirot ang puso niya. Iniisip palang niya na magkasama si Melaine at Nathan sa iisang bubong nadudurog na agad ang puso niya. Parang may pumipiga roon. – HINDI mawala-wala sa isip ni Abella ang mga sinabi ni Melaine sa kaniya. Naiinis siya na nalaman. Nadudurog ang puso niya sa tuwing iniisip na magkasama ang dalawa sa iisang bahay araw at gabi. Kasalanan mo rin naman, eh, anito ng isang bahagi ng isip niya. Bumuga siya nang hangin, saka humarap sa kalsada para maghintay ng taxi patungo sa restaurant ni Neith. Medyo sumisikat na ang araw indikasyon na late na siya. Bakit kasi di mo pa siya bigyan ng pagkakataon, muling bulong ng isip niya. Kumunot ang noo niya. Hindi alam ni Abella kung paano dahil natatakot pa rin siya. Hindi iyon maalis gustuhin man niya. Mayamaya'y huminto ang isang pamilyar na kotse sa harapan niya. Nanliit ang kaniyang mga mata habang kinikilala iyon. Bumukas ang bintana nito at tumambad sa kaniya si Nathan. Lumundag ang puso niya sa saya. Ilang araw itong hindi nagpakita sa kaniya at labis na niya itong nami-miss. "Ihahatid na kita, Abella," presinta nito. Naalala niya ang sinabi ni Melaine. Umusbong ang inis niya dahil bakit hinayaan ni Nathan na tumira ang babaeng iyon sa condo nito kung sinasabi nitong mahal siya nito. "H-hindi na kailangan, Nathan kaya kong mag-isa...kaya ko ng mag-isa." Umiwas siya ng tingin dito. Gusto man niyang lundagin ang binata at yakapin ito para mapunan ang pananabik niya rito, hindi niya magawa dahil pinipigilan siya ng inis at takot. "Why do you need to be alone kung pwede naman kitang samahan? Hindi mo alam kung paano ako nagtiis na hindi ka makita dahil alam kong naguguluhan ka pa, Abella. Nandito ako umaasang malinaw na sa 'yo ang lahat." Nangungusap ang mga mata nito. "Lalong gumulo, Nathan. Lalong gumulo ang lahat para sa akin." Ngumisi siya. "Nagawa mo akong tiisin dahil may nagpaparamdam sa 'yo ng mga bagay na hindi ko maiparamdam sa 'yo," puno ng hinanakit na sabi niya rito. "Umalis ka na, Nathan." Mabilis siyang tumalikod kay Nathan at nagmartsa palayo rito. Naiinis siya kay Nathan at sa sarili niya. Bakit kailangan nitong makisama kay Melaine kung siya ang mahal nito? Naiinis siya sa sarili dahil patuloy siyang natatakot. At hindi alam kung paano makakatakas doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD