Kabanata 14

2710 Words
WALA sa sariling umupo si Nathan sa sofa nang marating niya ang condo unit na tinitirhan. Sapo niya ang labi na kanina lang ay nakalapat sa labi ni Abella. Hindi niya maalis sa isip ang nangyaring iyon. "Damn! I've missed her lips, the taste of it," mahinang sabi niya. Binasa niya nang laway ang sariling labi para muling namnamin ang nangyari kanina lang. Kung siya lang ang masusunod, ayaw na sana niyang tapusin ang tagpong iyon. Nagulat man siya sa mga nagawa rito, pero alam niya sa sarili na iyon ang binubulong ng puso't isipan niya. Tumayo siya sa pagkakaupo sa sofa. Sinumulan niyang hubarin ang suot na polo. Nang mahubad niya iyon, walang pasubaling itinapon niya iyon sa sofa. Nalantad ang katawan niya. Naglakad siya patungo sa bathroom. Hinubad na niya ang pang-ibabang suot bago tuluyang pumasok doon. Agad niyang binuhay ang shower at itinapat doon ang katawan. Si Abella pa rin ang nasa isip niya at ang halik na pinagsaluhan nila. Pagkatapos niyang maligo, binalot niya ang katawan ng tuwalya at dumeretso sa sariling silid at doon nagbihis ng damit. Kumalam ang sikmura niya kaya naisipan niyang magluto ng noodles. Lumabas siya ng kwarto at sa hindi inaasahan, nakita niya si Irene na nakaupo sa sofa na tila kakarating lang. "Ano'ng ginagawa mo rito, 'Ma?" hindi interesadong tanong niya. Hindi naman siya bastos kaya hindi niya ito iniwanan roon. Umupo siya sa bakanteng sofa. "Nathan, are you blind? Bakit pinagpapatuloy mo pa rin ang pakikipagmabutihan sa Abella-ng iyon? She's not the right girl for you. She's nothing but a worthless woman. Walang ipagmamalaki," asik agad nito sa kaniya. Nasapo niya ang noo. Hanggang ngayon hindi pa rin naiintindihan ng kaniya ina ang dahilan niya. "There's a lot of women that suit for you, Nathan. Melaine is here. She's from the known family. Kilala at may class." "'Ma, if you just here to tell me those nonsense things, just leave," malumanay pa rin niyang tugon sa ina. "Hindi mo ba naiintindihan, Nathan? Walang maitutulong sa atin ang pamilya ng Abella na iyon. She was left you behind for the sake of money. Once a gold digger always a gold digger, Nathan." Halos magpantig ang tainga ni Nathan sa narinig mula sa ina. Sa nakikita niya rito, hindi na ito ang inag kilala niya noon. Nagbago na ito at sarili na lang ang iniisip. "Pareho nating alam kung bakit ako iniwan ni Nathan, 'Ma. It was because of you. Because your selfishness. Don't blame her for your own lies, 'Ma. She's not a gold digger and you know that, 'Ma," inis niyang pagtatanggol sa dalaga. Nasasaktan siya para rito lalo na't sa sariling ina niya nanggagaling ang mga iyon. "Tuluyan ka na ngang nabulag ng babaeng iyon. Kung sa bagay, hindi na ako magtataka because that is her talent," patuloy nito sa pang-iinsulto kay Abella. "Hindi na kita kilala 'Ma. You're not the mom I've know. I'm very disappointed, 'Ma." Nakita niya ang pagguhit ng sakit sa mga mata ni Irene. Natigilan ito. "I am your son but it seems like you don't want me to be happy. Mahirap bang tanggapin na iba ang babaeng gusto ko sa babaeng gusto niyo para sa akin. 'Ma, I'm not a kid anymore I am matured enough to decide for myself. Kung sino ang mga taong papapasukin ko sa buhay ko. Bakit kailangan niyo pang pakialamanan pati ang mga bagay na ako dapat ang nagdedesisyon." Tumayo si Nathan sa sofa at bumuntong-hininga. Hindi niya gustong taasan ng boses ang ina pero hindi kiya mapigilan ang sarili. "It's because I'm concern, Nathan. I am your mother at gusto ko lang mapunta ka sa babaeng nababagay sa 'yo." Nagsusumamo ang mga mata nito. "And who will decide if someone suit to me? You? Ako lang naman ang makakapagsabi kung sino ang nababagay sa akin, 'Ma. Ako lang." Yumuko na lang ang kaniyang ina at hindi na mulimg umimik. Narinig na lang niya ang paghikbi nito. Naihimalos niya ang palad sa kaniyang mukha. Sa kabila ng mga nagawa ni Irene sa kaniya nahihirapan pa rin siyang makita itong malungkot at umiiyak. "'Ma, please let me decide for myself," pahabol pa niya sa nagsusumamong boses. Umaasa siyang pagkatapos ng gabing ito ay papakinggan siya nito. Hindi na lang din siya umimik para matapos na ang pagtatalo nilang dalawa. Tama na siguro ang mga nasabi niya rito para pakinggan siya at hayaan na lang na magdesisyon ng para sa kaniya. "I-im sorry, Nathan. Susubukan kong hindi na makialam." Kapagkuwa'y paghingi nito ng tawad. Lumapit ito sa kaniya at niyakap siya. "Don't try, 'Ma just do it." Tumango lang si Irene na mababakas ang lungkot sa mukha. "By the way 'Ma, kumusta si Papa?" tanong niya rito. "He's good, he just need to take some rest." Kita sa mukha nito ang pagtataka sa naging tanong niya dahil sa matagal na panahon ngayon lang niya iyon natanong. Marahil dahil handa na siyang patawarin ang nagkasala ang ama. He's ready to let go those anger and pains. – PABAGSAK na umupo si Abella sa sofa nang matapos niyang linisin ang buong bahay. Hiningal siya dahil ilang linggo na rin niyang hindi nagagawa iyon. Dumipa siya, saka tumingala habang malalim ang paghinga dahil sa pagod. Mayamaya pa'y napalingon siya sa pinto nang tumunog ang doorbell niyon. Nakailang tunog na iyon pero dahil pagod siya hindi niya muna ito binuksan. Napapikit siya ng mariin nang sunod-sunod na tumunog ang doorbell. Padabog siyang tumayo at tinungo ang pinto para buksan iyon. Naririndi na siya sa paulit-ulit na tunog ng doorbell. "Ano ba kasing–Nathan?" gulat niyang bungad sa lalaking pumindot ng doorbell. Sumalubong agad ang ngiti nito na nagpapawi sa inis at pagod na nadama niya. "B-bakit ka narito?" Muli na namang bumalik sa alaala niya ang huling nangyari sa pagitan nila ni Nathan. Ang halik. Umiwas siya rito ng tingin dahil pakiramdam niya namumula na ang kaniyang pisngi dahil sa alaalang iyon. "I'm here to court you, Abella. Can I?" Natigagal siya sa mga narinig mula rito. Halos malaglag ang panga niya sa gulat. Kalma lang, Abella. Gino-good time ka lang niyan, saway agad niya sa sarili. "Ewan sa 'yo, Nathan. Baka mali ka lang ng pintuhang bahay. Hindi dito nakatira 'yong babaeng–" "I'm not mistaken, Abella. The girl I've kissed last night but she was walked out is here...in front of me," nakangiti pero masuyong sabi nito. Umusbong na naman ang kiliti sa kaniyang damdamin. At kusang nagsitakbuhan ang mga kabayo sa kaniyang dibdib. Naghuhurumentado. Ang mga simpleng ngiti nito ay tila nagpapalambot sa kaniyang mga tuhod at nakakapagpatulala sa kaniya. Kaya nahihirapan siyang labanan ang sariling damdamin dahil ito mismo ay nakikisimpatiya kay Nathan. Tuluyan na nga niyang naramdaman ang pag-init ng kaniyang mga pisngi dahil sa pagpapaalala nito sa nangyaring halikan sa kanilang dalawa na pilit niyang tinataboy sa isipan. "K-kalimutan na lang natin ang nangyari nang nagdaang gabi. Alam nating pareho na mali iyon," kunot noo aniya. "I can't, Abella. Isa iyon sa pinakamgandang nangyari sa buhay ko...ang maramdamang muli ang mga labi mo." "Nathan! Hindi tama iyon. Hindi dapat iyon nangyari. Magkaibigan tayo at hindi na dapat humigit pa roon." "Why not, Abella?" walang pasubaling tugon ni Nathan na para bang ang dali lang para rito na sabibin iyon. "N-nathan, hindi iyon ganoon kadali." Bumuntong-hininga siya. Nasapo ang noo dahil naguguluhan siya kay Nathan. Umaasa ang puso niya na baka mahal pa siya nito. Na baka siya pa rin hanggang ngayon pero. "Itigil mo na, Nathan please! Huwag mo nang guluhin kung ano'ng meron tayo ngayon." Ang mga salitang binibitawan niya ay salungat sa nararamdaman niya. Umaasa ang puso niya. Gusto nitong paniwalaan na baka marahil dahil sinasabi iyon ni Nathan dahil mahal siya nito. Pero hindi iyon maaari. "Hindi ko gustong guluhin ang meron tayo ngayon, Abella pero gusto kong...gusto kong baguhin ang meron tayo. 'Yong mas higit pa roon. 'Yong dating tayo." Dating tayo? Iyon ang kinatatakutan ni Abella. Kinatatakutan niyang baka bumaling ang dating sila. Ang dating sila na puno ng sakit. Puno ng hirap na parang against sa kanila ang mundo. At ayaw niyang balikan iyon. "Iba ang presentasyon ko sa dating tayo na sinasabi mo, Nathan. Hindi ko na gustong bumalik sa dating tayo na walang ibang pinaranas sa akin kung 'di sakit." Malumanay pero may sakit sa bawat salitang binitawan niya. Naalala niya ang mga nangyari noon. Mga pagsubok at sakit na hindi na rin nila nakayanan at nauwi sa sakitan. "Pwede nating baguhin ang presentasyon mong iyon, Abella." "Nathan, please! Okay na ako sa ganito lang at ayaw ko na ng mas higit pa." Bumakas ang lungkot sa mga mata nito. Lungkot na nadarama rin niya. "Bukas, I'll pick you up Abella. I'll change your perspective sa dating tayo." Bago pa man siya nakaimik, nakalayo na si Nathan. Naiwan siyang nakatingin lang sa papalayong binata na alam niyang malungkot at masama ang loob. Nang mawala na si Nathan sa paningin niya, mabigat ang katawan na tumungo siya sa sala. Mahirap rin para sa kaniya iyon dahil alam niya sa sarili na may nararamdaman pa siya sa binata, na may lugar pa ito sa puso niya. Natatakot lang siya sa posibilidad na meron. Natatakot siyang bumalik sa nakaraan kung saan hindi naman naging malaya ang pagmamahalan nila Nathan. Hindi siya nito masisisi dahil siya ang higit na nahirapan sa dating sila na sinasabi nito. Pumikit siya. Nagbalikan sa alaala niya ang mga alaalang kasama niya si Nathan. Simula nang makilala niya 'to hanggang sa matapos ang lahat sa kanila. "Ang dali mo naman akong na-miss, Bell," nakangiting bungad ni Nathan nang marating nito ang parkeng kinaroroonan ni Abella. Sumilay ang ngiting pilit lang niyang pinalabas. Kasunod niyon ang mahigpit na pagyakap ni Nathan sa kaniya. Sumikip ang dibdib niya. Paano niya iiwan ang lalaking ito kung sa bawat yakap nito bumibilis ang t***k ng puso niya na parang wala ng bukas. Paano niya iwawaglit ang bawat yakap at halik nito na alam niyang hanggang sa araw na lang na iyon. Naramdaman niya ang malambot na kamay ni Nathan na lumapat sa kaniyang mga palad. Humiwalay ito sa pagkakayakap sa kaniya. "Why you've suddenly text me, Bell? Did you miss me?" pilyo pa itong ngumiti. Napakainosente ng mukha nito sa mga mangyayari. Saglit lang na gumalaw ang labi niya. "Nathan, malayo na ang nalakad nating dalawa ng magkasama. Hindi ko alam kung hanggang saan tayo ang kaya nating marating," aniya habang magkahawak kamay silang naglalakad sa parke. Napakunot-noo si Nathan na nagtataka sa mga sinabi niya. "Is there any problem, Bell? Hindi ba't sabi ko sa 'yo, makakarating tayo sa dulo na magkasama." Bahagya pa nitong pinisil ang kaniyang palad. "Gusto ko ring marating ang dulo na kasama ka, Nathan. Pero paano natin 'yon mararating kung maraming pumuputol sa daang tinatahak natin?" 'Yon ang katotohanang hindi niya maalis sa isip. Maraming humahadlang sa kanilang dalawa at hindi niya alam kung hanggang saan ang kaya niyang isakripisyo. "Ano bang sinasabi mo, Bell? Mararating natin 'yon ng magkasama. Basta kapit lang sa isa't isa. Tayong dalawa ang muling magdudugtong sa pinuputol nilang daan para sa ating dalawa." Nagtataka na si Nathan sa sinasabi niya. Naguguluhan. "Paano ako kakapit kung bawat pagkapit ko sa 'yo, tila tinatalikuran ng mundo ang pagmamahalan natin? Hindi ko na alam kung kaya pa kitang samahan patungo sa dulong sinasabi mo," iwas ang mga matang aniya. Huminto si Nathan sa paglalakad. Iniharap siya nito. Nakapinta sa gwapo nitong mukha ang pagkalito. Ang pagtataka. "We've promised to each other, Bell. We can through this no matter what. Na talikuran naman ng lahat, ng mundo ang pagmamahalan natin, magpapatuloy pa rin tayo na ang mahalaga mahal natin ang isa't isa." Ikinulong ni Nathan sa mga palad nito ang mukha niya, saka inilapit ang mukha nito. Pinagdikit ang mga noo. Yumuko si Abella, saka inilayo ang ulo sa binata. Humugot siya ng lakas ng loob. Inihanda niya ang kaniyang sarili. "Sorry, Nathan. Hindi ko magagawa ang pangakong iyon." Pinigilan niya ang pagpatak ng mga nakahandang luha. "P-pero sa tingin ko...hanggang dito na lang tayo, Nathan. Hanggang dito na lang ang lakad ng pag-ibig natin at magkaiba na nating tatahakin ang daan patungo sa magkaibang landas." Akala niya'y kaya niyang pigilan ang mga luhang iyon pero parang ulan na tumulo iyon. "Don't tell that, Bell please! Hindi ko gustong maghiwalay ang daan nating dalawa. We love each other, right? Magpapatuloy tayo, 'di ba? Why we should let go each other if we can walk together?" Mabilis na hinagilap nito ang kamay niya. Nahihirapan siyang makita si Nathan na nasasaktan. Nadudurog ang puso niya sa sakit. "Nathan, hindi sapat na mahal natin ang isa't isa para ipagpatuloy ang relasyong 'to. May mga bagay dito sa mundo na kahit ano'ng pilit natin, hindi mangyayari kasi hindi nakatadhana." Hindi niya magawang tingnan ang sakit sa mukha ni Nathan. Nadudurog siya. "Huwag na nating ipilit, Nathan magkakasakitan lang tayo. Hindi ito ang pinangarap kong pag-ibig." Ang bawat salita niya ang siyang pumupunit sa puso niya. Alam niyang sinsaktan lang niya ang sarili pero para sa kaniya iyon ang tamang gawin. "I really don't know why you're telling this to me, Bell." Bumuntong-hininga ito. "If loving ecah other isn't enough, I can do everything to fill those missing...to make it enough, Bell. Tell me what happened, aayusin natin 'to." "Sorry, Nathan. Ito ang nararapat nating gawin. Kailangan nating tahakin ang magkaibang daan para sa ikabubuti ng lahat. Ayaw kong maging makasarili. Kung ang pagmamahalan natin ang dahilan ng paggulo ng lahat, handa ko iyong isakripisyo para ibalik ang lahat sa dati." "I love you and I can't lose you, Bell. I can't!" Napapikit siya nang yakapin siya ni Nathan. Ang katawan nito na tila nagsasabing manatili siya rito at huwag ng umalis. Lalo siyang nahihirapan. Nasasaktan. "N-nathan, hindi ko 'to ginagawa dahil hindi na kita mahal. Masyado nang maraming nangyari. May mga nadamay na sa akala nating masayang pag-ibig." Kumalas siya sa pagkakayakap kay Nathan. Habang tumatagal lalong bumibigat ang damdamin niya at kapag nagtagal pa siya, baka hindi na niya kayanin pa. Tumalikod siya kay Nathan kasabay nangg pagbuhos ng mga luha sa kaniyang mga mata na ayaw magpaawat. Napapikit siya ng maraan nang pigilan ni Nathan ang braso niya. "Bella, I'm begging you, please stay," pailing-iling na pagmamakaawa nito. Lalong bumukal ang mga luha niya dahil sa pagmamakaawa ni Nathan. Nahihirapan siya. May mga bahagi sa puso niya na gustong bawiin ang lahat ng sinabi na. Na prank lang ang lahat ng iyon. Niyakap siya nito mula sa likod. Napatingala siya at nakagat ang pang-ibabang labi. Ang bigat ng dibdib niya at tila nahihirapang huminga. Sobrang sakit. Parang pinipiga ang kaniyang puso. "Nathan, please! Huwag mo na akong pahirapan. Makakalimutan din natin ang isa't isa. Tama ang Mama mo, hindi tayo ang para sa isa't isa. Hindi tayo ang nababagay. Huwag na nating pahirapan ang isa't isa." Halos hindi na niya makita ang paligid dahil sa tila bahang luha sa kaniyang mga mata. Parang pinipiga ang puso niya sa sobrang sakit. "G-gagawin ko ang lahat para maging bagay tayo sa paningin nila, Abella. Please, stay," pagmamakaawa nito at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kaniya. "Sorry, Nathan!" Naningkit ang mga mata niya. Hinawakan niya ang braso nito at pinilit iaalis sa baywang niya. "Bell!" Nang maialis niya ang braso nito sa kaniyang baywang, hindi na siya nag-abalang lumingon. Masasaktan lang siya ng labis kung makikita ang pait at sakit sa mukha nito. Binilisan niya ang paglalakad palayo sa binata. Kailangan niyang panindigan ang naging desisyon niya. Mahal niya ito pero iyon ang tamang gawin. Marami nang nangyari. Kahit tila nawawalan na ng lakas ang mga tuhod niya, pinilit niyang tumakbo habang patuloy sa pagluha ang kaniyang mga mata. "Sorry, Nathan," bulong niya. Nasapo niya ang bibig para pigilan ang paghikbi. Pinunas ni Abella ang mga luhang kumawala sa kaniyang mga mata. Muli niyang naramdaman ang sakit. Ang sakit nang nakaraan. Tumingala siya at bahagyang pinilig ang ulo. Sa mga nangyari noon, malaki ang takot ni Abella na pasuking muli ang mundo ni Nathan. Natatakot siya sa posibilidad na mauwi lang ulit sa sakitan ang lahat. Mahirap sumugal. Ayaw na niyang sumugal dahil natalo na siya at wala na siyang lakas ng loob para tumayang muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD