NANG matapos ang trabaho ni Abella sa restaurant ni Neith, dumeretso agad siya sa restaurant na pinagtatrabahuhan ni Nathan dala ang librong ipahihiram niya rito.
Hindi na siya nag-abalang pumasok sa loob dahil alam niyang mag-a-out na rin naman si Nathan doon. Hihintayin na lang niya ito sa labas.
Habang nakatayo siya, may kiliti siyang nadarama. Tila excited na siya sa paglabas ni Nathan. Para bang matagal na niya itong hindi nakakasama kaya ganoon na lang ang pananabik niya.
Isang gabi na rin nitong ginugulo ang isip niya dahil sa mga binitawan nitong salita nang nagdaang gabi. Hindi iyon maalis sa isip niya at habang iniisip iyon may nararamdaman siyang kiliti na hindi niya mawari.
Ilang saglit pa ang lumipas bago niya tuluyang nakita si Nathan. Napatitig siya sa binatang palabas ng restaurant. Seryoso ang mukha. Naka-polo lang ito pero napagwapo nitong tingnan na kahit sino ay magugulat na isa lang itong waiter. Kung gugustuhin nga ni Nathan pwedw itong maging modelo.
Natagpuan na lang niya ang sariling ngumingiti habang pinagmamasdan si Nathan. Pakiramdam niya may napunang kulang sa damdamin niya dahil lamang sa pagtitig niya rito.
Nang malapit na ito sa kaniya, pinigilan na niya ang sarili sa ginagawang pagtitig rito dahil baka kung ipagpapatuloy pa niya iyon ay madala siya ng damdamin.
"A-abella what are you doing here?" nagtatakang tanong ni Nathan nang makita siya nito na nakatayo roon. "Kanina ka pa diyan?"
Ngumiti siya rito. "Kani-kanina lang," tugon niya.
"Dapat sinabihan mo ako para hindi ka naghintay. I don't want you to wait, Abella," anito.
"Okay lang sa akin, Nathan. Saglit lang naman akong naghintay, eh." Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa paper bag na dala.
"Kahit na, Abella. You should've told me." Kumunot pa ang noo nito. "By the way why you're here?"
"May iba pa ba akong pupuntahan rito bukod sa 'yo, Nathan?" seryoso niyang sagot.
Ngumiti ito, saka kumamot sa noo. "So you came here for me? How sweet! Baka umasa ako, Abella."
Alangan siyang ngumiti. Mala ba 'yong sinabi niya? "I mean nandito ako para–"
"Hey, Nathan!"
Kapwa sila napatingin sa nagsalitang babae. Tumambad sa mga mata niy ang pamilyar na mukha. Parang nakita na niya ito.
"Ano'ng ginagawa mo rito, Melaine?" kastigo ni Nathan.
"C'mon, Nathan of course I'm here for you. I've missed you so much." Lumapit ito sa binata at agad ginawaran ng yakap.
"Hindi ka na dapat nag-abala, masyado ng gabi," concern na sabi nito.
"It's okay, Nathan. I've really really missed you. Hindi ako makatulog nang hindi ka nakikita." Halos ipulupot na nito ang katawan kay Nathan.
Kusang yumuko ang ulo ni Abella para hindi makitang ang ginagawa ng dalawa. May kirot na sumulpot. Naiilang siya. Hindi niya kayang tingnan ang ganoong tagpo. Nahihirapan siya sa dahilang hindi niya alam. Basta ayaw niyang makita ang dalawa sa ganoong posisyon.
Hindi mo dapat nararamdaman ang ganoong damdamin, Abella, kastigo niya sa sarili. Bakit nga ba hindi niya naisip na mayroon ng nobya ang binata? Isang taon na nga pala at marahil nakahanap na ito. Pero bakit malungkot siya? Bakit parang hindi niya kayang tanggapin.
"Oh! Who's this girl? Isa ba 'to sa mga naging babae mo na naghahabol?"
Nag-angat siya nang tingin sa babae. Nasa harapan na niya ito at doon niya nalaman kung saan niya ito nakita. Sa restaurant ni Neith.
Nabuhay ang inis niya rito. Ang paraan ng pagtitig nito ay tila nanghahalukay ng pagkatao. Hindi niya iyon gusto. Para bang hinuhusgahan na siya nito.
"No, she's not," sagot ni Nathan. "She was my girl," dagdag pa nito.
Was? Bakit dismayado siya sa naging sagot nito? May kung anong humiwa sa puso niya.
"Oh! Let me guess...you're Abella Santos, am I right? Nathan ex girlfriend. The girl who can do everything just for the sake o money," puno ng panunuya anito.
Napaawang ang bibig niya. Hindi niya inaasahan ang mga katagang iyon mula rito. Sino ba ito para sabihin iyon sa kaniya? Ni hindi nga niya ito kilala. Parang hiniwa niyon ang pagkatao niya.
"Melaine stop it!" madiing pigil ni Nathan sa babae.
Ngumisi siya matapos makabawi sa mga narinig. Hindi na siya papayag na insultuhin pa muli lalo na't galing sa hindi niya kilalang tao.
"Kung ako sa 'yo, hindi na lang ako magsasalita kung hindi ko naman kilala ang isang tao. Hindi lahat alam mo," gigil niyang sabi rito.
Tumawa ito, saka bumaling kay Nathan. "Nathan, you're right she's a good actress," anito.
"Melaine, I said stop it." Hinawakan ni Nathan ang braso nito at bahagyang hinila palayo sa kaniya. "If you just here to make trouble, please leave," anito pa.
Lumutang ang kakaibang saya sa puso niya nang marinig ang sinabi ni Nathan. Mukhang mali siya ng hinala. Kung nobya nito ang babae bakit nito pinapaalis ang huli?
"Why should I leave, Nathan. I'm you're present and She was your past. She's nothing but a gold digger woman."
"If you didn't stop, you'll regret it, Melaine. She's not the Girl that my mom told to you. Hindi siya nababayaran, kagaya mo."
Natigilan ang babae na halatang nagulat sa sinabi ni Nathan.
"What you're talking about, Nathan?" tanong nito.
"Don't act like you're innocent, Melaine." Ngumisi pa si Nathan.
Binitawan nito ang braso ng babae, saka lumapit sa kaniya. "I'm sorry, Abella." Nangungusap ang mga mata nito. "I'm really really sorry. Hindi ko gustong masaktan ka." masuyo nitong sabi. "Damn! I can't take it."
Ngumiti siya. "Okay lang ako, Nathan. Sapat na 'yong mga narinig ko para mapawi 'yong sakit dulot ng mga sinabi niya."
"Oh! Thanks God!" tanging naibulalas nito. Napatingala pa ito habang nakahulma ang relief sa mukha. Bahagya pa siyang natawa. "I thought you're mad at me. I'm nervous."
"Nathan, you're blind. Hindi mo ba nakikita, niloloku ka lang ng babaeng 'yan." Lumapit ito kay Nathan at agad na pinulupot ang kamay sa braso n Nathan. "You're just mine, Nathan and I won't let that girl to stole you from me." Mabilis ang naging kilos ng babae at sa isang iglap lang ay lumapat ang labi nito sa labi ni Nathan.
Nanlaki ang mga mata ni Abella kasabay ng pagbuka ng kaniyang bibig. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig dahil sa nakita. Hindi siya makagalaw na parang may may humihiwa sa dibdib niya. Yumuko siya para hindi na iyon makita pa.
"What's your problem, Melaine?" narinig niyang tanong ni Nathan.
"How was the kiss, Nathan?"
"Abella, I will explain–"
"H-hindi mo kailangang magpaliwanag, Nathan," putol niya sa sasabihin nito. Inilahad niya ang kamay na may hawak na paper bag. "Pumunta lang naman ako rito para ipahiram sa 'yo ang librong ito," aniya.
"Abella." Tinanggap nito ang paper bag.
"Sige, aalis na ako." Ngumiti pa siya na alam niyang pinilit lang iyon.
Humakbang na siya palayo kay Nathan. Naiinis siya. Ang tuwang naramdaman niya dahil sa mga sinabi ni Nathan ay naglahao dahil sa nakita niya. Parang sarap na sarap pa ito sa halik ng babaeng iyon.
Narinig niya ang sigaw ni Nathan na tinatawag ang pangalan niya pero hindi niya iyon pinansin. Naiinis siya.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi dahil sa inis. Ipinagtanggol siya nito pero parang nagustuhan naman nito ang halik ng babaeng iyon.
Nakakainis ka, Nathan. Bakit ginugulo mo ang damdamin ko. Dapat okay na ako, eh.
–
"GOOD morning, Sir Neith," bati ni Abella kay Neith nang bumaba ito sa sinasakyang kotse. Kagaya nito ay kakarating lang din niya sa restaurant.
"Good morning," balik nito na bahagya lang siyang tinapunan nang tingin.
Napasimangot siya dahil sa naging aksyon ni Neith. Hindi na niya kailangang magtanong kung bakit naging cold si Neith sa kaniya. Naiintindihan niya ito. Masakit malaman na hindi ka mahal ng mahal mo at hindi iyon ganoon kadaling tanggapin. Pero hindi siya sanay. Sana hindi na lang niya nalaman ang nararamdaman nito para sa kaniya nang sa ganoon okay pa rin sila kagaya ng dati.
Akmang hahakbang na siya nang biglang may kamay na humila sa mga braso niya patungo sa gilid ng restaurant na may mga halaman.
Nagulat siya nang makita si Nathan. Bumalik ang eksenang nakita niya nang nagdaang gabi at bumalik ang inis niya rito.
Binitawan nito ang kamay niya. "Ano'ng ginagawa mo rito? May trabaho ako Nathan at alam kong meron ka rin," sabi niya. Akmang aalis na siya nang muli na naman siya nitong pigilan.
"About last night, I'm soorry Abella. Hindi ko gusto ang nangyari," paliwanag nito.
"Alin sa mga nangyari ang hindi mo nagustuhan, Nathan? Base sa nakita ko mukhang nagustuhan mo naman 'yong paghalik ng babaeng iyon sa 'yo, ah." Hindi niya maitago ang inis. Napapapikit na nga lang siya ng mariin kapag naaalala iyon.
"Hindi ko kailanman magugustuhan ang halik ni Melaine o halik ng ibang mga babae. Because nothing more sweeter than your kiss, Abella."
Natigilan siya sa narinig at kusang bumagsak ang kaniyang mga mata sa mata ni Nathan na seryoso lang na nakatingin sa kaniya. Bumilis ang t***k ng dibdib niya na tila daig pa ang tambol ng parada.
"Wait, Abella are you jealous? You're acting like a jealous, Girlfriend," dagdag pa nito.
Kumurap siya, saka lumunok ng laway. Umiwas din siya ng tingin sa binata. "A-ako, nagseselos? B-bakit naman ako magseselos?" nauutal niyang tugon.
Nainis siya nang marinig ang pagtawa ni Nathan. Tuwang-tuwa sa pang-aasar sa kaniya.
Humalukipkip siya, saka sumeryoso. Pilit niyang tinataboy ang damdaming nagpapautal sa kaniya. "I-sa pa, hindi mo naman kailangang magpaliwanag na parang may relasyon tayo. Hindi mo ba alam tapos na, matagal ng tapos, Nathan. Kaya bakit nagpapaliwanag ka?" Saglit lang niya itong tiningnan.
"Yeah! Why am I doing this? Bakit nga ba ako nagpapaliwanag?" Mapakla itong ngumiti pero sumimangot din pagkatapos. "Sige, I'll go." Tumalikod na ito at hindi na nag-abala pang lumingon.
Kumunot ang noo niya habang nakanguso. Nainis ba ito sa sinabi niya? Kanina lang ay tumatawa pa ito sa pang-aasar sa kaniya. Naguguluhan talaga siya sa mga inaakto ni Nathan. Nahihirapan siyang hulaan ang mga iyon.
Nagkibit-balikat na lang siya habang pinagmamasdan ang papalayong binata. Napangiti pa siya ng bahagya. Nang mawala na si Nathan sa paningin niya, pumasok na siya sa restaurant na may hindi mawaring saya. Sayang tila naging baon niya sa trabaho.
Ngunit sa kabilang banda hindi pa rin siya sanay sa pagiging malamig ni Neith sa kaniya. Malimit na niyang makita ang ngiti sa mga labi nito. Ni hindi na rin ito malimit lumabas sa opisina nito. Hindi man niya aminin pero nami-miss na niya si Neith at ang samahang meron sila.
Bumuga siya nang hangin bago tuluyang lumabas na sa restaurant ni Neith. Hindi pa rin ito lumalabas sa opisina nito. Gusto niya sana itong makausap.
"Iniisip mo ba ako, Abella?"
"Ay panget!"
Narinig ni Abella ang pagtawa ni Nathan na hindi niya namalayang nasa gilid na niya. Naukupa kasi ni Neith ang isip niya.
"Panget? Seriously, pangit ako sa paningin mo. I can't believe, Abella," natatawang anito.
"Nanggugulat ka kasi. Ano ba kasing ginagawa mo rito? Kanina lang ay nag-walk out ka sa harap ko tapos bigla-bigla ka na lang susulpot," asik niya rito. Inakala pa niyang nagalit ito sa sinabi niya pero wala namang nakakagalit doon.
"Na-miss ata kita, Abella."
Natigilan siya. Sumeryoso ang mukha. Nagugulat na lang siya sa mga sinasabi ni Nathan. Pero bakit sa kabila niyon may saya siyang nakakapa.
"Mali ata ang pinuntahan mo, Nathan," aniya na umiiwas sa mga tingin nito na parang ayaw na siyang hiwatan.
"I'm not. I'm sure about this, Abella. Hindi ako nagkakamali."
Nawalan siya ng mga katagang ibabalik dito. Seryoso ang mukha ni Nathan at gustong maniwala ng puso niya.
"Naguguluhan ako pero sigurado ako, Abella."
Naguluhan siya sa sinabi nito. Hindi niya maintindihan. "N-nathan," tanging salitang lumabas sa bibig niya.
"Abella, you make my heartbeat fast even if I just thinking of you."
Naramdaman niya ang dahan-dahang paglapit ni Nathan sa kaniya. Hindi siya makagalaw dulot ng presensiya nito sa kaniya. Parang nakulong na siya sa roon.
"I don't even understand myself but I know what my heartbeat say. My heartbeat say your name, Abella."
Tuluyan nang naramdaman ni Abella ang katawan ni Nathan.
"Ang mga mata mong nagsasabing tumitig ako sa iyo." Nagtama ang mga mata nila na lalong nagdala ng kakaibang tensyon. Romantikong tensyon. "Your noise." Marahan nitong hinaplos ang kaniyang ilong.
Hindi niya mawari ang damdaming sumalakay sa kaniya sa simpleng pagdaiti ng kanilang mga balat. Nag-iinit ang pisngi niya. Hindi, ang buo niyang katawan. Nagwawala ang nakakulong niyang puso. Hindi niya makontrol.
Nanatili ang mga mata niya sa malapit na mukha ni Nathan. Utay-utay na niyang nagugustuhan ang posisyon nila. At inaabangan ang mga susunod na mangyayari.
"And your lips seem to be attracting me to kiss it."
Naglandas ang marahan nitong kamay sa mukha ko na sa bawat hagod niyon kakaibang damdamin ang dala. Damdaming ayaw niyang matapos pa.
"May I kiss you, Abella?"
Hindi niya alam ang isasagot. Ang alam niya gusto niya ang ideyang iyon ni Nathan. Hindi na marahil siya makakatakas sa sensayong iyon.
"Uhm!" Pumikit siya, saka marahang tumango. Alam niyang mali pero tuluyan na siyang nadala ng damdamin niya.
Samut-saring damdamin ang sumalakay sa puso ni Abella nang maramdaman ang malambot na labi ni Nathan sa kaniyang labi. Bumalik sa alaala niya ang mga panahong magkahinang ang mga labi nila. Aaminin niya pero nanabik siya sa labi nito at sa kakaibang sensayong dala niyon.
Naramdaman niya ang paggalaw ng mga labi ni Nathan. Walang pasubali siyang gumanti sa bawat halik na iginagawad nito. Napakapit pa siya nang mahigpit sa kaniyang damit habang sapo ni Nathan ang kaniyang mukha at magkahinang ang kanilang mga labi.
Tumagal ng ilang minuto ang paghihinang ng kanilang mga labi. At utay-utay luminaw ang isip niya.
Mabilis na umiwas ng tingin si Abella kay Nathan. Nahihiya siya sa pagpayag sa halik nito. Mali iyon.
"M-mali 'to, Nathan." Pagkasabi niyon, mabilis siyang naglakad palayo kay Nathan.
Habang lumalayo rito, naalala niya ang mga paalala ng ina. Mukhang tama nga si Marla dahil utay-utay nang nangyayari ang mga sinabi nito. At natatakot siya. Natatakot siyang dumating ang panahong tuluyan nang mahulog muli ang damdamin niya rito. At pagnagkataon, gugulong muli ang tahimik na niyang mundo.
Pinangako niyang hindi na muling papasok sa mundo ni Nathan pero mukhang mahihirapan siya dahil alam niya sa sarili na nahuhulog na muli siya rito.
Mali 'to, Abella. Maling mahalin mo ulit si Nathan. Maling pasuking muli ang mundo niya.