Kabanata 12

2213 Words
HABANG nasa trabaho si Abella, hindi siya mapakali. Parang may mabigat sa kaniyang damdamin. Nagi-guilty siya. Panaka-naka niyang pinagmamasdam si Neith sa tuwing lumalabas ito ng opisina. Hindi siya nito pinapansin na lalong nagpapabigat sa damdamin niya. Pakiramdam niya may nagawa siyang mali. May nasabi. Pero kahit ano'ng isip wala siyang maisip. Kahapon naman ay okay silang dalawa. Kahit naiilang siya rito matapos nitong umamin sa kaniya, pinipilit niya ang sariling maging normal sa harap nito. Sa kabila nang nalaman niyang damdamin nito, mananatili siyang malapit dito at hindi ilalayo ang sarii. Matapos nilang kumain sa restaurant ni Koki agad din silang tumungo sa restaurant nito. Pinapansin pa siya. Pero kanina pagpasok niya, ni ngiti nito hindi niya nakita. Parang wala siya roon. Ni hindi siya nito tinitingnan. Hindi siya sanay. "Okay lang ba talaga kayo ni Sir Neith, Abella? Kahapon lang ay mukhang ang saya-saya niyang si Sir Neith, eh. May nangyari ba?" usisa ni Carla ang isa sa nga katrabaho niya na napansin ang malungkot niyang mukha habang nakatingin sa opisina ni Neith. Bumuntong-hininga siya, saka ngumuso. "Hindi ko rin alam, Carla. Kahapon naman ay okay kami," pagtatapat niya. "Oo nga, eh, kitang-kita ko pa nga ang saya sa mukha ni Sir Neith nang dumating kayo rito," anito. Sumimangot lang siya. Hindi siya mapakali. At alam niyang hindi siya makukuntento hanggat hindi nalalaman ang dahilan ni Neith. Bumalik na muli sila ni Carla sa trabaho dahil sa mga bagong pasok na customers. Kahit ganoon, hindi pa rin mawala si Neith sa isip niya. Nababahala siya. Gusto niya itong kausapin at tanungin. Nang matapos ang oras nang trabaho, doon siya nagkaroon ng pagkakataong kausapin si Neith dahil hindi siya papayag na uuwing hindi malinaw ang lahat. Matagal na niyang kilala si Neith at ngayon lang ito nagkaganito. Iniisip niya na baka dahil iyon sa pag-amin nito. Baka naiilang na sa kaniya. Pero gusto niyang dito mismo manggaling ang dahilan nito. Kumatok siya sa maliit na opisina ni Neith. Agad naman niyang narinig ang pahintulot nito. Binuksan niya ang pinto at pumasok roon. "B-bella?" Tila hindi nito inaasahan ang pagdating niya. "Sir Neith hindi po kasi ako mapakali. Okay lang po ba tayo?" tanong niya na bahagya pang naiilang. Saglit siya nitong pinagmasda kapagkuwa'y ngumiti rin. "Of course we're okay, Bella," anito. "Naninibago ako, Sir Neith parang nagkaroon ng pader sa pagitan natin. Pakiramdam ko hindi tayo okay. Hindi mo kasi ako pinapansin, Sir Neith at hindi ako sanay," pag-amin niya. "Baka umasa ako Bella na may pagtingin ka rin sa akin," nakangiting anito na ramdam niyang pilit lang nitong gingawang normal ang sarili. Natahimik siya sa narinig. Iyon ba ang dating niyon sa binata? Pero iyon ang nararamdaman niya kahit alam niya sa sarili na wala siyang malalalim na nararamdaman para rito. "I'm sorry, Sir Neith," paghingi niya ng paumanhin. Bahagyang kumiling si Neith. "Parang pakiramdam ko sinusubukan ko pa lang talo na ako. Huwag kang mag-alala, Bella I won't assume. Alam ko na ang lugar ko para sa iyo. Hindi mo man sabihin pero nararamdaman ko." Kahit na sumisilay ang ngiti sa labi nito alam niya nasasaktan ito. "Sorr–" "You don't need to say sorry, Bella hindi mo naman sinabing mahalin kita. This is my choice. I've choose to love you kahit na alam kung malabo 'yong para sa atin." Kumibit-balikat pa ito. Nasasaktan siya para kay Neith. Mabuti itong tao at hindi nito deserve ang ma-reject. "Nagi-guilty ako, Sir Neith. I'm really really sorry. Tanggapin mo ang sorry ko para kahit pa paano gumaan 'yong pakiramdam ko. Ayaw kitang saktan, Sir Neith. Mabuti kang tao at hindi mo deserve ang masaktan...pero...hindi ko kayang pilitin 'yong sarili ko ma suklian 'yong pagmamahal mo." "Hindi mo kailangang ma-guilty, Bella. Wala kang kasalanan. Choose ko 'to at hindi mo kailangang pilitin 'yong sarili mo to love me back. I've tried, that was enough." Siya ang nasasaktan para kay Neith. Sa dami ng naitulong niya rito iyon lang ang igaganti niya. Ang saktan ito. Pero hindi naman niya masisisi ang sarili. Mahirap pilitin ang puso na mahalin ang isang taong hindi naman ito ang tinitibok niyon. "Loving you was the best experienced I've ever had, Bella at hindi ko pinagsisisihan iyon." Masakit rin para sa kaniya na wasakin ang puso niya. Alam niya ang pakiramdam niyon pero wala siyang magawa. Pinag-isipan niya rin ang pag-amin nito. Sinuri ang tunay niyang nararamdaman pero wala siyang makapang damdamin na mas malalim pa sa pakikipagkaibigan. "I'm sorry, Sir Neith." – KINAUMAGAHAN, maagang nagising si Abella na may bigat na nararamdaman. Hanggang ngayon hindi pa rin maalis ang lungkot at guilt niya sa pag-busted kay Neith. Nahihirapan siyang tanggapin na nasaktan niya ito. "Ang aga mo atang nagising, 'nak, a," salubong ni Marla sa kaniya nang tumungo siya sa kusina para mag-almusal. "Hindi po kasi ako makatulog ng maayos kaya siguro maaga akong nagising," paliwanag niya. Hinagilap niya ang monoblock chair at umupo roon. Pinagtimpla naman siya ni Marla ng kape. Nagsimula na rin itong maghain ng almusalan. "Ma, may umamin na ba sa 'yo noon na gusto ka niya?" biglang tanong niya sa ina. Tiningan niya ang kape. Inihipan niya ito at dahan-dahang ininom. "Oo, ang papa mo," sagot nito habang nilalagay sa lamesa ang dalawang pinggan. "E, 'di ba po gusto niyo naman si Papa noon?" Tumango si Marla bilang tugon sa tanong niya. "E, 'yong umamin po sa 'yo na hindi mo gusto?" Napaisip ang kaniyang ina. "Mayroon naman pero dahil hindi ko sila gusto, sinabi ko ang totoo. Ayaw ko naman silang umasa, 'di ba?" ani ng kaniyang ina. Napalabi siya at tumango-tango, saka sumimsim sa kapeng gawa ng kaniyang ina. "Bakit ka ba nagtatanong, 'nak? May umamin ba sa 'yo?" interesanteng anito. "W-wala po, 'Ma, natanong ko lang." Humigop siya ng kape at umiwas ng tingin sa ina. Samantalang pinagpatuloy na nito ang paghahanda ng almusal. Matapos maghain ng kaniyang ina, sabay na silang kumaing dalawa. Hindi na rin ito nag-usisa sa naging tanong niya kanina. – "GOOD morning, Abella," bati sa kaniya ni Carla nang makarating siya sa counter na kinaroronan nito. Kakalabas lang niya ng locker room dahil bahagya siyang na-late. Ngumiti lang siya rito bilang tugon. Agad hinanap ng mga mata niya si Neith. Nag-aalala siya rito. "Abella, pwedeng ikaw muna ang magdala ng orders sa table 4? Magbabanyo lang ako," pakiusap ni Carla sa kaniya. "Sige, ako ng bahala," pagpayag niya. Tinapik siya ni Carla sa balikat at nagpasalamat bago siya iniwan roon. Matapos i-prepare ang orders na sinasabi ni Carla kinuha na niya iyon at nilandas ang daan patungo sa table 4. "Good morning, Ma'am here's your orders," magalang niyang bungad. Ibinaba niya ang mga orders nito sa lamesa at humarap muli rito. "Enjoy your foods, Ma'am." Nanatiling nakatingin lang sa kaniya ang babae na animo'y sinusuri siya mula ulo hanggang paa. Para bang may kasalanan siya rito kung makatingin. "Bakit po 'yon, Ma'am may problema po ba?" nagtataka niyang tanong. Nagsisimula na kasi siyang mailang dito. "Nothing. You just look so familiar," anito na nanliliit pa ang mga mata. Ngumiti lang siya rito at nagpaalam na. Hindi naman kasi niya maalala kung saan niya ito nakita. Kahit nakatalikod na siya rito, ramdam pa rin niya ang mga titig nito na isinawalang bahala na lang niya. Ilang oras na ang lumipas pero hindi pa rin niya mahagilap si Neith. Kanina pa siyang Hindi mapakali sa kakahintay rito. Nag-aalala siya sa binata. Hanggang sa natapos ang oras ng trabaho, walang Neith na dumating na lalong nagpabahala sa kaniya. Iniisip niya na baka iniiwasan siya nito kaya hindi muna pumasok. At ayaw niya noon. Mabigat ang mga paa ni Abella nang lumabas sa restaurant. Hindi niya kasi maiwasang hindi mag-alala sa binata. "Are you okay?" Napapiksi siya nang marinig ang pamilyar na boses. Kasalukuyan na siyang nasa labas ng restaurant at nag-aabang na ng sasakyan. Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses at tumambad sa kaniya si Nathan. Nakatingin lang ito sa kaniya habang nakapamulsa. "Bakit ka narito?" nagtataka niyang tanong. "I'm here for you, Abella," agad na tugon nito. Kumunot ang noo niya. Biglang bumalik sa isipan niya ang huli nilang pagkikita sa restaurant ni Koki. Gusto kitang bakuran, Abella pero hindi ko magawa. Damn! Nakakainis! Iwinaksi niya ang alaalang iyon dahil nagsisimula na namang sumalakay ang kakaibang damdamin sa kaniya. Kinakabahan siya na hindi mawari. "How was your date with Neith?" walang ganang tanong nito habang nakatingin lang sa kalsada. "Date? Hindi iyon date, Nathan. He was just treat me," aniya. "Hindi raw," mahinang anito. Gusto niyang matawa sa naging reaksiyon nito. "Mukha ngang ang saya niyo noon," habol pa nito. "Ibig sabihin pinagmamasdan mo kami noon?" tanong niya na pinipigilan lang ang mangiti. "Of course not. N-nakikita ko lang," iwas na tugon nito. "Tara na nga, hatid na kita pauwi," tila inis na anito. "Hindi na kai–" Naputol ang sasabihin niya nang hawakan nito ang kamay niya at iginiya siya papunta sa kotse nito na nakaparada 'di kalayuan sa kinaroroonan niya. Gusto niyang tanungin si Nathan tungkol sa mga sinabi nito sa kaniya nang hilahin siya nito sa may rest room. Ayaw niyang isiping nagseselos ito dahil alam niyang naka-move on na ito. "Pero kapag si Neith ang nagpepresinta maghatid sa 'yo hindi ka tumatanggi," tila nagtatampong ani Nathan nang makasakay silang pareho sa kotse nito. Humarap siya rito. Naalala na naman niya si Neith. Kamusta na kaya ito? Okay lang kaya ito? "Hindi mo lang alam kung paanong pagtanggi na ang nagawa ko sa kaniya," seryoso niyang turan. Pinaandar na nito ang sasakyan at hindi na umimik. Tumahimik na lang din siya at itinuon ang tingin sa madilim na paligid. "Iyong mga sinabi ko sa 'yo sa rest room, I'm serious about it, Abella." Naagaw nito ang atensyon niya kaya humarap siya rito. Nagsalubong ang mga mata nila na sa 'di malamang dahilan kumabog ang dibdib niya na tila naghuhurumentado. Mabilis siyang umiwas nang tingin. "A-alin sa mga sinabi mo ang seryoso ka?" Hindi niya mawari ang nararamdaman. Para may ibinuhos sa sikmura niya na naghatid ng damdaming nagpahurumentado sa puso niya. "Lahat, Abella. I don't know why pero naiinis ako sa tuwing kasama mo si Neith. Gusto kong bakuran ka pero wala akong karapatan." – "WHAT are you doing here?" gulat na tanong niya kay Manny nang madatan niya ang ama sa kaniyang condo na tila kanina pa siyang hinihintay. "I came here to talk to you, Nathan," anito. "May dapat pa ba tayong pag-usapan?" malamig niyang tanong. "Hindi ko alam kung paano sisimulan, Nathan. Marami na akong kasalanang nagawa sa 'yo at hindi ko alam kung paano iyon mababayaran. I'm sorry Nathan for not telling you the truth. Abella is a nice woman. Alam kong hindi niya kayang gawin ang mga ibinibintang ng mommy mo sa kaniya. But I was blind. Pinigilan ako ng mommy mo na sabihin ang totoo sa 'yo. I feel guilty, Nathan," mahabang paliwanag ng ama niya. Malungkot ang mga mata nito. "Then? Why you telling this to me?" "Alam kong huli na pero gusto ko pa ring humingi ng tawad para mabawasan ang bigat na nararamdaman ko. Ayaw kong tuluyang malubog sa kasalanan ko sa 'yo, Nathan." "Do you think that if you tell me everything mababawasan ang kasalanan mo sa akin? Hindi iyon ganoon kadali," madiin niyang sabi. Naisuklay niya ang mga daliri sa buhok at tumayo sa pagkakaupo. Habang nakikita niya ang pagsisisi at lungkot sa mga mata ni Manny parang may kirot siyang nadarama dahil nasasaktan ito. "Alam kong hindi na iyon mabubura, Nathan pero sa pamamagitan nito gusto kong makabawi sa 'yo." Tila kaunting sandali na lang ay papatak na ang luha nito. Ngumisi siya. "Makabawi? Tell me, paano?" "Si Melaine, inutusan siya ng mommy mo. Anak siya ng kaibigan ni Irene na taga-Cebu at binayaran para sumulpot sa buhay mo sa Cebu. Lahat gagawin ni Irene para kontrolin ka niya. Alam kong hindi ito sapat para mabayaran ang mga kasalanan ko pero gusto kong maging masaya ka. I can do everything to stop your mom. To make you happy." Yumuko si Manny para itago ang malungkot na mga mukha. Hindi siya nakaimik. Tama ang hinala niya kay Melaine. May koneksyon ito sa kaniyang ina. Kaya pala bigla nalang itong sumulpot sa Cebu ng paulit-ulit. Plinano pala ang lahat ng iyon. Kaya pala ganoon na lang kung makadikit sa kaniya ang dalaga. "Salamat sa pakikinig...anak, aalis na rin ako." Tumayo na si Manny habang nakatingin lang siya sa kaniyang ama. Bakas na rito ang indikasyon ng pagtanda. Mabilis niya itong dinaluhan ng bahagya itong sumiring. Nasapo pa nito ang sintido. "Are you okay?" nag-aalala niyang tanong. "I'm okay, Nathan don't mind me." "I'll drive you car." Biglang pumasok sa isip niya ang mga sinabi ni Abella noon tungkol sa sitwasyon niya at ng ama. Hindi man niya aminin pero alam niya sa sarili na natatakot siyang mawala ang ama. Oo, malaki ang kasalanan nito sa kaniya pero ama pa rin niya ito. Pero sa tuwing naiisip niya ang mga kasalanang nito, nasasaktan siya. Sinubukan mo na bang magpatawad, Nathan? tanong ng isip niya. Sinubukan na nga ba niyang patawarin ang ama? Sinubukan na ba niyang palayain ang galit at bigyan ng pagkakataon ang sariling ama? Hindi pa niya nasusubukan. I'll try.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD