Kabanata 11

2494 Words
"HEY, bro are you okay?" pukaw ni Koki kay Nathan nang mapansin nitong nakatingin lang siya sa kawalan. Walang kurap. Humarap siya rito at pilit na ngumiti. "Yah, I'm okay," sagot niya para hindi na ito mag-usisa sa kung anong iniisip niya. Wala siya sa mood para magkwento rito. "You're still thinking Abella? Bro, c'mon don't think too much baka pumutok na ang mga brain cells mo niyan. Okay na kayong dalawa kaya huwag ka nang mag-alala," natatawang anito. "O baka naman you just miss her that's why you're out of this world," patuloy nito sa pambubuska. Walang ganang ngumiti siya. "Bro, I didn't miss her I just thinking some matters," paliwanag niya. You didn't miss her, huh? tudyo ng isip niya na hindi na lang niya pinansin. "Really? I can't believe, bro ngayong pang okay na kayo?" "Pareho na kaming naka-move on. We're just friends," patuloy niya. "That's the beginning, believe me, bro," natatawang anito. "Diyan din kayo nagsimula dati, eh." "Well, let's see," aniya na lang at kumibit-balikat pa. Ayaw na niyang pahabain pa ang usapang alam na niya ang punta. Tumayo ito sa pagkakaupo sa swivel chair habang tumatawa. Nagsimula na rin itong ayusin ang mga gamit sa ibabaw ng lamesa nito. "My instinct never fail." Humarap ito sa kaniya. Seryoso na ang mukha. "I'll go, Nathan ikaw na muna ang bahala rito. I'll be back around five pm," paalam na nito. Ngumiti lang siya rito at tumango. Naiwan siyang pailing-iling dahil sa naging usapan nila ni Koki. Naniniwala pa rin ito na may part two ang pagmamahalan nila ni Abella. Pero sa 'di malamang dahilan tila na-excite siya sa mga mangyayari sa kanila ni Abella. Hindi niya mawari pero hindi niya tinututulan ang posibilidad na magkaroon ng ikalawang bahagi ang pagmamahalan nila. Natahimik siya at napatulala nang bumalik muli sa isip niya ang kaninang iniisip. Lahat ng mga narinig niya kay Abella nang nagdaang araw ay hindi na maalis sa isip niya. May bahaging nagsasabing dapat niyang sundin ang mga iyon at may bahaging tumututol roon. Hindi niya maintindihan ang sarili. Ang alam lang niya naapektuhan ang damdamin niya sa mga sinabi ni Abella tungkol sa pagpapatawad at pagmamahal sa isang ama. Ilang minuto pa siyang nag-isip bago nagpasiyang lumabas ng opisina ni Koki para magtrabaho. Kailangan niya munag libangin ang sarili para hindi isipin ang gumugulo sa kaniyang isip. Dahil sa dumadagsang customers, natuon doon ang atensyon niya at napayapa ang kaniyang isipan. – "NATHAN ano'ng ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Abella nang madatnan niya si Nathan sa labas ng restaurant na pinagtatrabahuhan niya. Nakasandal ito sa kotse niya habang nakahalukipkip. Lumayo ito sa kotse at humakbang palapit sa kaniya. "I'm here to treat you some coffe kung papayag ka?" Ngumuso pa ito at luminga sa paligid na tila may hinahanap. "But if you don't want, it's okay," dagdag pa nito. Nag-isip siya. "Sure," pagpayag niya. Medyo lumalamig na rin kasi ang simoy ng hangin at mukhang masarap ring mag-coffee. Lumapad ang ngiti ni Nathan. "Then let's go," aya nito. Nagulat siya sa sumunod na aksyon ni Nathan. Hindi agad siya nakahuma sa ginawa nito. Hinawakan nito ang braso niya at marahan siyang hinila palapit sa kotseng nakaparada. Pinagbuksan siya nito ng pinto na tila hindi alintana ang ginawa. Kapagkuwa'y natigilan si Nathan nang mapansin ang ginawa. Mabilis nitong binitawan ang braso niya at umiwas nang tingin. Ibinulsa nito ang mga kamay. Naiilang na ngumiti. "T-tara na," anito na halatang nagulat sa ginawa nito. Ngumiti lang siya bago pumasok sa sasakyan nito. Bumuga pa siya ng hangin nang makapasok sa kotse. Parang may kung anong naiwan sa braso niya. Parang kakaibang pakiramdam na noon niya lang nararamdaman para kay Nathan. Pumasok na si Nathan sa driver's seat at marahang pinaandar ang kotse. Katahimikan lang ang namayani sa pagitan nila hanggang marating ang coffee shop na destinasyon nila. "Ano'ng coffee mo, Abella?" tanong ni Nathan sa kaniya nang makaupo na sila sa gitnang bahagi ng café. Tila nawala ang pagkailang nito. "Macchiato sa akin," sagot niya na pinipilit alisin ang ilang na nadama niya. Si Nathan na ang um-order ng kape nilang dalawa. "How was your day, Abella?" pagbubukas usapan ni Nathan. "Ganoon pa rin walang nagbabago. Gigising sa umaga, papasok sa trabaho, 'tapos uuwi. Paulit-ulit lang na ganoon, ikaw?" Mayamaya pa'y dumating na ang in-order ni Nathan na kape. Napangiti siya at nakadama ng excitement na inumin ang kapeng paborito. Agad niyang sinimsim ang kape. "As usual, nothing change," maikling tugon nito, saka uminom sa kape. "Untill now macchiato pa rin pala ang paborito mo," komento nito. Nag-angat siya nang tingin kay Nathan. "Mahirap kasi iwan 'yong mga paborito kong pagkain." Natawa siya sa sinabi. Ngumiti si Nathan. "I thought you were already change. Pagkatapos ng mahigit isang taon, inasahan ko na ang pagbabago mo," seryosong pahayag nito. "May mga bagay na nagbago sa akin, pero may mga nanatili rin. Wala naman kasing dahilan para tuluyan kong baguhin ang sarili ko. Binago ng sitwasyon noon ang tibay at lakas ng loob ko pero hindi ang buong pagkatao ko." Humigop siya sa kape at magkadikit ang mga labing ngumiti kay Nathan. "Abella, sorry for everything that my mom done to you," seryosong anito. "Sorry." Sumeryoso ang mukha niya. "Okay na 'yon, Nathan. Nakalipas na 'yon at dapat na nating kalimutan." Pero hindi niya sigurado kung kaya niyang pakitunguhan ang ina ni Nathan lalo na't alam niyang hanggang ngayon ayaw pa rin nito sa kaniya. "There are things in the past that I don't want to forget, Abella. The moments that we've shared together." – "ANAK, mukhang tuluyan na nga kayong nagkamabutihan ni Nathan, ah?" Lumingon si Abella sa ina dahil sa makahulugang tinuran nito. Kararating lang niya galing sa coffee shop kasama si Nathan. Hinatid pa siya nito pauwi. "Napatawad ko na po kasi siguro si Nathan, 'Ma." "Napatawad mo na? Eh, 'yong puso mo ano'ng sinasabi? Nakalimot na ba?" usisa nito. Ngumuso siya. "Oo naman, 'Ma nakalimot na ang puso ko sa nararamdaman kay Nathan. Magkaibigan na lang po kami," depensa niya. Pero hindi ka sigurado na naka-move on ka na talaga, asik ng isip niya. Hindi niya mawari kung bakit sa tuwing sinasabi niyang naka-move on na siya, kinokontra iyon ng kaniyang isip. "Hindi ka ba nababahala, 'nak na baka muling mahulog ang loob mo sa kaniya?" seryosong tanong ni Marla. Umupo siya sa sofa. "Hindi na po mangyayari iyon, 'Ma. Ayaw ko nang pumasok muli sa mundo ni Nathan." "Pero nakapasok ka, 'nak. Nasa mundo ka na ni Nathan at hindi malayong baka bukas makalawa, ma-realize mong mahal mo na uli siya." Natahimik siya. Tama ang ina niya. Nakapasok na siya sa mundo ni Nathan. Ang pakikipag-ayos niya rito ang naging daan para muli siyang makapasok sa buhay nito na kahit kailan hindi na niya pinangarap. "Hindi ko sinasabing lumayo ka kay Nathan, 'nak pero pag-isipan mo ang sitwasyong meron kayo ngayon. Nagsimula kayo noon sa magkaibigan, nagkagustuhan at nagkasakitan. Alam mo naman na noon pa man boto na ako kay Nathan pero natatakot ako anak na baka muli ka na namang masaktan. Alam mo na ang mundong meron si Nathan. Lahat gagawin ng Mama niya para magkalayo kayo." Ramdam niya ang concern at takot sa boses nito. Kahit siya'y nag-aalala sa mga posibildad. Pero hindi niya alam kung bakit patuloy pa rin siyang nakikipagmabutihan kay Nathan. Marahil dahil kampante na siya at alam niyang masaya siya sa company nito. "Pero palagi kong sinasabi sa 'yo, 'nak doon ka palagi sa masaya ka. Doon ka lagi sa mga bagay na alam mong magpapasaya sa 'yo." Lumapit sa kaniya ang ina at hinaplos ang kaniyang balikat. "Susuportahan kita sa mga magiging desisyon mo." – "SIR Neith?" gulat na bulalas ni Abella nang madatnan niya ang binata sa sala. Nakaupo ito sa sofa habang kaharap si Mama. "Anak, bilisan mo na, kanina pang naghihintay rito ang boss mo," paalala ng kaniyang ina. Bumaling siya kay Neith at nginitian lang siya nito. "Bakit po kayo narito, Sir Neith? nagtataka niyang tanong dito. Lumapit pa siya sa dalawa. "I'm here to pick you up, Bella," kaswal na sabi nito at matamis na ngumiti. Bahagyang napaawang ang bibig niya dahil doon. Naguguluhan siya. Ilang buwan na siyang nagtatrabaho sa restaurant nito at ngayon lang siya nito sinundo. Maliban na lang kung niyayaya siya nito sa mga okasyon o kakain sa labas. "Hindi na po sana kayo nag-abala, Sir Neith. Papasok na rin naman po ako, eh," nahihiya niyang katuwiran. "I just want to do it, Abella." Umiwas siya rito ng tingin. Hindi niya ito maintindihan. Naninibago siya sa inaasal nito. Hindi naman kasi ito ganito sa kaniya nang mga nagdaang araw. Hindi niya alam kung bakit. Nakaramdam tuloy siya ng pagkailang sa binata. Nagpaalam muna siya sa dalawa na mag-aayos lamang ng sarili. Pagkatapos niyang ayusin ang buhok at maglagay ng kaunting make up, bumalik na rin siya sa saka. "Are you ready, Abella?" tanong nito nang makarating siya sa mga ito. Tumango siya, saka bumaling sa ina. "'Ma, aalis na po kami," paalam niya. "Sige, ingat kayong dalawa hu?" paalala ni Marla. "I will take care of your daughter, Tita," masuyong anito. Kakaiba ang naging dating niyon sa kaniya. Hindi niya alam pero may naaamoy siyang kakaiba pero ayaw niyang isipin iyon. Lumabas na sila ng bahay ni Neith. Masuyo ang bawat galaw nito. Inalalayan pa siya nitong makapasok sa kotse. Nawe-weird-uhan siya. May kakaiba. "Salamat," aniya at ngumiti. Ngumiti lang din si Neith, saka umikot para sumakay sa driver's seat. Hindi na umimik su Abella hanggang sa umandar na ang kotse. Nararamdaman niya ang tensyong nabubuo sa pagitan nila. Napapansin pa niya ang panaka-nakang pagsulyap aa kaniya ni Neith. "Sir, bakit po nandito tayo?" nagtataka niyang tanong nang huminto ang sasakyan sa isang pamilyar na restaurant. "We will eat breakfast, Bella. I know hindi ka nag-almusal," anito. Bumaba na ito ng kotse at pinagbuksan siya. Hindi na niya alam ang iisipin sa mga aksyon ni Neith. May kakaiba pero ayaw niyang bigyan ng malisya ang mga ginagawa nito. Knock knock restaurant Napakunot-noo siya. Alam niya kung kanino ang restaurant na ito. Kinabahan siya. "Sir bakit dito pa po tayo kakain, pwede namang sa restaurant niyo na lang," protest niya. "Para maiba naman, Bella. Gusto kong idala ka sa iba't ibang lugar. 'Yong tayo lang dalawa," makahulugang anito. Hindi siya nakaimik. Wala na siyang mahagilap na salitang ibabalik dito. Wala na siyang nagawa kung 'di ang samahan si Neith na pumasok sa restaurant ni Koki. Pumwesto sila sa bahaging gilid ng restaurant. Sa glass wall kung saan makikita ang labas ng lugar kung saan dumadaan ang iba't ibang sasakyan. Narinig niyang tumawag si Neith ng waiter. Mayamaya'y may lumapit sa kanila at halos malaglaga ang panga niya nang si Nathan ang naroon. Inaasahan na niya iyon pero hindi pa rin niya maiwasang magulat at kabahan. Hindi niya alam pero ayaw niyang makita ni Nathan ang ganoong tagpo. Kinakabahan siya na hindi mawari. Lumingon si Nathan sa kaniya na mababakasan ng pagkagulat. Saglit niya ring nabasa ang pagkadismaya at inis sa mga mata nito na agad ring nawala. Hindi niya alam pero parang nagi-guilty siya. Si Neith na ang um-order ng pagkain nila. Panaka-naka lang niyang pinagmamasdan si Nathan at alam niyang ganoon rin ito. "Hindi ko alam na kay Koki pala nagtatrabaho si Nathan," panimula ni Neith nang makalayo na si Nathan. Pasimple pa niya itong nilingon pero patuloy lang ito. Ngumiti siya. "Ayaw niya kasing magtrabaho sa kompanya ng Daddy niya," paliwanag niya. "Mukha ngang close na ulit kayo sa isa't isa, ah." May pait siyang nadama sa narinig. Ewan niya ba o baka naman iniisip lang niya iyon. "Nakakapagod din kasing magdala ng sakit at galit," simple niyang sagot. "Iyon lang ba, Bella?" Kumunot ang noo niya. Hindi agad siga nakasagot pero kung tutuusin kaya naman niyang sagutin. Pasalamat siya at dumating na ang order nilang pagkain. Nalayo ang usapan nila at napunta iyon sa pagkain. Amoy pa lang kasi ng mga iyon ay mukha ng masarap. Lalo tuloy siyang nagutom. Ngumiti siya kay Neith nang lagyan nito ng pagkain ang pinggan niya. Para siyang prinsesa kung ituring mula sa pagsundo sa kaniya hanggang sa restaurant. "I know you're wondering, Bella," basag ni Neith sa katahimikan habang kumakain siya. "Alam ko ring hindi ka manhid. I want to make a move hanggat maaga pa." Nagsalubong ang mga kilay niya. Naguguluhan siya kahit alam na niya ang tinutumbok ni Neith. "Gusto kong subukan kahit alam kong maliit lang 'yong tyansa na magtagumpay ako. Itataya ko ang maliit na tyansang iyon, Bella." Nangungusap ang mga mata nito. Hindi niya mahagilap ang itutugon. Nagulat siya sa rebelasyon nito at hindi pa siya nakakabawi. Hindi niya alam ang magiging reaction. "S-sir," tanging lumabas sa bibig niya. "I know Nathan has still a place in your heart pero umaasa akong baka may lugar pa para sa akin." Nawala ang atensyon niya sa pagkain. Parang nawala lahat ng iyon sa sistema niya. Hindi siya makagalaw. Makaimik. "Sir–" "Hindi ko naman sinasabing mahalin mo ako, gusto ko lang ng pagkakataon, Bella," putol nito sa sasabihin niya. "N-naguguluhan ako, Sir Neith," pagtatapat niya. "H-hindi ko alam ang sasabihin." "You don't need to speak, Bella just listen to my confession," anito. "Matagal ko ng gustong i-confess ang nararamdaman ko pero I'm scared that you might reject me. Nang malaman kong okay na kayo ni Nathan, doon ako nagkalakas ng loob na umamin," patuloy niya. Nanatili siyang nakikinig kahit halos malaglag na ang panga niya sa mga narinig mula rito. Hindi niya inaasahan na maririnig niya ang mga katagang iyon muka kay Neith. Manhind ba siya para ngayon lang mapansin ang kakaibang pagtrato nito sa kaniya noon pa man? Matapos mag-confess ni Neith, nagpaalam siya magre-rest room lang para kalmahin ang sarili sa nalaman. Hindi siya mahuma. Nagulat siya. Humarap siya sa malaking salamin ng rest room. Bumuga siya ng hangin at inayos ang sarili. Hindi niya inakala na ang katulad ni Neith ay magkakagusto sa kaniya. Gwapo, mayaman, at mabait ito kaya wala siyang maisip na dahilan para i-reject ito ng isang babae. Pero sa ngayon hindi niya pa alam ang desisyon, naguguluhan pa siya. Pagkatapos niyang ayusin ang sarili lumabas na siya ng rest room pero nagulat siya nang may humila sa mga braso niya at dinala siya sa gilid ng rest room. "Nathan? Ano'ng ginagawa mo?" gulat niyang sabi ng makilala si Nathan. Hindi niya alam pero mukhang bad trip ito. May inis sa mga mata. "I don't know, Abella pero naiinis ako," mariin nitong sabi na pinagtaka niya. "Bakit magkasama kayo ni Neith?" Nangunot ang noo niya. Naiinis ba ito dahil doon? Parang may kiliti siyang nadama. "N-niyaya niya akong kumain dito," paliwanag niya. "Damn! Why I'm acting like this." Napamura na ito na lalo niyang pinagtaka. "Gusto kitang bakuran, Abella pero hindi ko magawa. Damn! Nakakainis!" Binitawan nito ang kamay niya. Naiwan siyang tulala habang nakatingin sa papalayong si Nathan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD