Kabanata 10

3549 Words
SA MGA nangyari lalo lamang bumibigat ang nararamdaman ni Abella. Naiipit siya sa sitwasyon. May parteng gusto niyang ayusin ang lahat at may parteng nangunguna ang sakit. Hindi niya alam ang gagawin. Naguguluhan siya. Forgiveness is the only key to the cage of anger and pain you made for yourself, Abella. Bumuga siya nang hangin ng maalala ang mga sinabi ni Julio sa kaniya. Tama naman ito pero parang muling sumariwa ang lahat ng sakit. Parang mahihirapan siyang i-let go ang mga iyon. Pero alam niyang Nathan deserve second chance dahil nasaktan din niya ito. At ngayong alam na nito ang totoo at humihingi ng tawad, marahil deserve nga niya iyon. Napasigaw si Abella nang maramdamang may humila sa kaniya patungo sa di niya alam na bahagi ng kalsada. Hindi niya ito makilala dahil naka-mask ito. "S-sino ka? Bitawan mo ako," singhal niya nang huminto ito sa medyo madilim na bahagi ng kalsada. Sinubukan niyang hilahin ang kamay para mabawi iyon pero hindi nito iyon hinayaan. "Ano ba? Nasasaktan ako. Ano bang kailangan mo?" Kinakabahan na siya sa maaaring mangyari. "Abella, please mag-usap tayo." Tinanggal nito ang mask. Nahirapan pa siyang makilala ito dahil bahagyang madilim ang lugar pero dahil sa boses at amoy nito nakilala niya kung sino ang lalaki. "Wala na tayong pag-uusapan, Nathan magkakasakitan lang tayo," seryoso niyang sabi. "Bitawan mo na ako." Binitawan nito ang kamay niya. "Hindi tayo magkakasakitan kung pareho nating bibigyan ng chance ang isa't isa. Abella, I'm really sorry. I'm really really sorry for what I've done to you. Alam kong kasalanan ko, tanggap ko 'yon pero sana naman bigyan mo ako ng pagkakataon. Pinagsisisihan ko lahat ng kasalanan ko." Naalala na naman niya lahat ng payo ni Julio na nagpapakalma sa kaniya ngayon. "Nathan hindi madaling kalimutan 'yong sakit sa pagkatao ko. Hindi ganoon kadaling gamutin. Mahirap," pagtatapat niya sa malungkot na boses. "I know just a chance, Abella. Gusto kong bumawi sa lahat ng nagawa ko. I want to heal your pain, Abella." Tumingin siya rito. "Paano mo gagamutin ang sakit, Nathan kung ikaw mismo ang nagpapa-trigger sa sakit na mayroon ako." "I don't know how, Abella but I'm willing to bet. Handa akong tumaya para lang magamot ang sakit na ginawa ko," sensirong anito. Halos nagmakaawa na. "Hindi ako marunong sumugal, Nathan. Hindi ko alam kung ano'ng makakagamot sa sakit na dinulot mo." "Forgiveness, Abella. Hindi ko sinasabing patawarin mo na ako dahil alam kung hindi madali. But the medicine for the pain is forgiveness and I'm willing to wait untill you can take that medicine." Hindi siya nakaimik. Pinagdikit niya ang mga kamay at pinaglaruan ang bawat isa. Tama lahat ng sinabi ni Julio, Nathan deserve second chance pero hindi ko alam kung paano iyon ibibigay. Nakapag-isip na si Abella. Naisip na niya ang sitwasyon, naging unfair siya kay Nathan na animo'y wala siyang nagawang kasalanan. Hindi niya ito inintindi, ang sitwasyon nila noon. But the pain is still there. Huminga siya ng malalim. "Alam kong may kasalanan din ako sa nangyari noon. Kung hindi ako nakipagkita sa Mommy mo hindi mo sana iisiping pinagbili ko ang pagmamahal ko sa 'yo. Kasalanan ko kung bakit lalo kang nagalit sa akin, nasaktan kita. Sinubukan kong linisin ang pagkatao ko sa 'yo pero hindi mo ako pinaniwalaan. Sinaktan mo ang pagkatao ko. Masakit iyon, Nathan...mas masakit pa sa pakikipaghiwalay ko sa 'yo," malungkot niyang litanya at naalala ang lahat na parang kahapon lang iyon nangyari. "Galit ako sa 'yo noon dahil nakipaghiwalay ka sa akin nang mga panahong kaya ko nang isuko ang lahat para sa atin. Hindi ko alam ang gagawin. Napangunahan ako ng galit kaya mas pinili kong paniwalaan ang kasinungaling iyon. That's why I'm here, Abella I will fix everything between us. May mabigat sa dibdib ko na hindi maalis hanggat hindi mo ako napapatawad." Napabuntong-hininga siya, saka seryosong tiningnan si Nathan. May lungkot sa mga mata nito. May sakit. Isang taon niyang iniinda ang sakit at galit. Nahirapan siyang palayain ang sarili nang mga panahong hindi pa nagtatagpong muli ang mga landas nila. Hindi niya alam kung paano magmo-move on. Napapagod din siya na dalhin ang sakit at galit. Gusto niyang maging magaan muli ang damdamin. Maging masaya. "Siguro ito na ang tamang panahon para utay-utay kong pakawalan lahat ng sakit at galit sa pagkatao ko. Masyado na nating nasaktan ang isa't isa. Tama na siguro iyon. Nakakapagod rin." Maayos na ang isip niya. Naglaho na ang ang kaguluhan doon. "Pero hindi ko sinasabing mapapatawad kita ngayon rin, mahirap pero handa na akong pakawalan iyon." Lumiwanag ang mukha ni Nathan. Naglaho ang lungkot at kaba roon. Nagliwanag ito na animo'y ilaw na nasindihan. "It means you're giving me a second chance?" Hindi naitago ang saya sa boses nito. "Second chance for us to be okay. Closure kumbaga," agad niyang paliwanag dahil baka ibang chance ang isipin nito. "Yah, closure," tatango-tangong anito. Alangan pa itong ngumiti at umiwas nang tingin sa kaniya. Tama nga na kapag sinimulan mong palayin ang sarili mo sa sakit at galit, utay-utay mong matatanggap ang lahat ng mga nangyari. Makakaya mong bigyan ng pagkakataon ang mga taong naging dahilan ng mga iyon. Gagaan ang pakiramdam mo. Pero may katotohanang nandoon pa rin sa puso ang ukit at marka ng sakit na kumikirot pa rin. – PAGKATAPOS bigyan ni Abella ng pangalawang pagkakataon si Nathan, parang ang dami agad nagbago. Parang gumaan ang lahat sa kaniya. Guminhawa. Nang malaman ng Mama niyang si Marla na nagkaayos na sila ni Nathan, natuwa ito sa kaniya dahil sa wakas raw ay utay-utay na niyang natatanggap ang nakaraan at handa nang umabante. Masaya ito dahil sa ginawa niya. "Mabuti naman at sa wakas pinalaya mo na ang sarili mo sa sakit at galit mo kay, Nathan. Masaya ako para sa 'yo, Girl. You did a great job," puri ni Julio sa kaniya na halatang masaya sa nagawa niya. Tinaas pa nito ang kanang kamay at nakipag-high five sa kaniya. "Salamat, Jennifer huh? Nalinawan ako sa mga payo mo. Dahil sa mga iyon naisip kong ako lang din naman 'yong mahihirapan kung hindi ko papalayain 'yong sarili ko. Isa pa, naisip kong deserve naman niya ang second chance dahil sinaktan ko rin siya. Nasaktan din siya, hindi lang ako. Naiintindihan ko na siya ngayon." Ngumiti siya. "Pero sa totoo lang hindi madali ang pagpapatawad, it takes time para masabing pinatawad mo na ang tao dahil hanggat nararamdaman mo pa ang sakit, nararamdaman mo pa ang galit." "Hindi madali, pero kinakaya. Masyado ka na kasing nahihirapan, Girl. Isang taon mong dinala ang sakit at galit, tama na siguro iyon at panahon na para palayain ang mga iyon sa sistema mo. At sa wakas, nasimulan mo na. At alam kong darating ang panahon na tuluyan na silang mawawala sa puso mo." "Salamat talaga, Jennifer." Tinapik lang ni Julio ang balikat niya, saka ngumiti na nagsasabing 'welcome'. Sumimsim ito sa kapeng in-order. "By the way, Girl ano'ng naging reaction ni papi Nathan?" tila interesadong tanong nito. Ngumuso siya at iniisip ang nangyari nang nagdaang gabi. "Hindi ko alam. Ang nakita ko lang lumiwanag ang mukha niya. Masaya siya." Siya naman ang sumimsin sa kape niya Tumango-tango si Julio. "Wala na ba talaga, Girl?" kunot-noong tanong nito. "Anong walang na?" painosenteng tanong niya. "I mean, talaga bang naka-move on ka na?" Tila nahihiya pa nitong itanong iyon. "Oo naman. Isang taon na ang nakalipas, Jennifer. Naka-move on na kaming pareho," mabilis niyang sagot. Talaga ba? 'Yong totoo? kontra naman ng bahagi ng kaniyang isip. "Oo nga pala, pakilinaw nga 'yong second chance na binigay mo sa kaniya," makahulugang anito. Kumunot ang noo niya. Nangalumbaba si Julio habang hinihintay ang sagot niya. "Closure lang ang hinihingi namin sa isa't isa para pareho na kaming makalaya sa nakaraan." "Closure ba talaga? Para doon ba talaga o baka naman sabi ng puso mo para sa kaniya ang chance na 'yon?" pang-aalaska nito. "Ano ka ba, Jennifer. Seryoso ako, tapos na ako sa pagmamahal ko sa kaniya," seryoso na niyang sabi. Hindi ko n agugustuhing bumalik sa magulong buhay. "Eh, paano kung hindi pa siya nakaka-move on tapos hingin niya ang second chance sa puso mo?" Kinikilig pa ito bago sumimsim ng kape. "Imposible 'yon. Galit siya sa akin ng lumayo siya. Malamang na nakapag-move on na 'yon." "Paano nga kung hindi pa? Malay mo bumalik matapos mo siyang bigyan ng pagkakataon." "Ewan ko. Hindi ko alam. Ang alam ko lang ayaw ko ng balikan ang damdamin ko sa kaniya. Ayaw ko nang magulo muli ang buhay ko." Biglang lumungkot ang boses niya nang sabihin iyon. "Kung sa bagay." Kumibit-balikat pa si Julio. "Mahirap kasing pumasok sa mundo ni Nathan. May gwardiya kasi na daig pa ang sekyu sa bangko kung makapagbantay sa anak niya," inis na anito na ang tinutukoy ang ang ina ni Nathan. Natawa na lang siya sa narinig na talaga namang totoo. Si Irene ang tipo ng ina na hindi hahayaang mapunta sa kung sino lang ang anak. Mas gusto nito sa babaeng ka-level ni Nathan at hindi sa gaya niyang nasa mababa level. Naka-move on na ba talaga ako sa nararamdaman ko kay Nathan? – HINDI pa rin makapaniwala si Nathan na utay-utay ng nagiging maayos ang lahat sa kanila ni Abella. Hindi niya maitago ang saya. Gumagaan na ang bigat na nararamdaman niya. Nawawala na ang guilt na lumalamon sa kaniya. Dahil sa second chance na binigay ni Abella, naramdaman niyang nabunutan na siya ng tinik ng nakaraan. At hindi niya iyon sasayangin. Gagawin niya ang lahat para tuluyawang mapatawad ni Abella. Nawala ang isip niya kay Abella nang makarinig ng sunod-sunod na katok mula sa pinto. Kumunot ang noo niya bago nagpasyang buksan iyon. "Melaine!" gulat na bulalas ni Nathan nang pagbukas niya ng pinto ay tumambad sa kaniya ang dalaga. Hindi niya inaasahang makikita ito sa condo-ng tinitirhan niya. "Yes, ako nga," nakangiti nitong sambit. Mababakasan ng pananabik sa mukha nito na alam niyang para sa kaniya. "W-why you're here?" tanong niya. Kumurap ito at inayos ang buhok na humaharang sa mukha nito. Bahagya pa itong tumawa. "Ano ba namang tanong 'yan Nathan? Of course I'm here for you." Nagulat na lang si Nathan sa sumunod nitong aksyon. Niyakap siya nito ng walang pakundangan. Hindi na lang siya pumalag at hinayaan na lang ito. "I miss you so much, Nathan," bulong nito habang yakap siya. Hindi siya umimik. Hindi niya alam pero hindi man lang siya nanabik sa dalaga. Wala siyang makapang pananabik kahit ito ang naging sandalan niya sa Davao. Humiwalay ito sa pagkakayakap at walang pasabing pumasok sa loob. Nilibot nito ang paningin habang nakasakbit sa balikat ang isang brown bag. "Hmm! This is good," komento nito sa nakitang lugar. Patango-tango pa ito. Bumaling ito sa sofa, saka umupo roon. "Did you miss me, Nathan?" tanong nito. "Kailan ka pa dumating?" balik niya tanong para ilihis ang tanong nito. Hindi niya kasi alam kung ano ang isasagot roon kahit ang totoo'y hindi naman talaga niya ito na-miss. "Kanina lang." "Paano mo nalamang nandito ako?" nagtatakang tanong ni Nathan. Hindi naman kasi niya nabanggit dito na lumipat na siya ng bahay. "Tinanong ko si Tita Irene," diretsong sagot nito. Napakunot-noo siya. Hindi niya alam na magkakilala pala ang dalawa. "You know my Mom?" "Yes of course," anito, saka ngumiti sa kaniya at muling bumaling sa paligid. Hindi niya maialis ang pagtataka. Paanong makikilala ni Melaine ang ina niya, eh hindi pa naman niya ito naipapakilala rito kahit minsan. Hindi rin niya naipakita ni litrato nito. Ang nababanggit lang niya noon ay pangalan ng ina niya. "Hindi mo man lang sa akin binanggit na lumipat ka na pala sa condo," may tampo sa tinig na binitawan nito. "Naging busy lang ako nitong mga nakaraan kaya hindi ko nasabi sa 'yo," dahilan niya kahit ang totoo'y nawala sa isip niya si Melaine. Hindi naman kasi niya inaasahan na susunod ito sa Maynila. "Busy saan? Kay Abella? Ang alam ko nagkakamabutihan na ulit kayong dalawa," angil nito. Lalong kumunot ang noo niya. Paano nito nalalaman ang mga information na iyon? Hindi kaya may konektado ito sa ina niya? Umiling siya. "Tell me, Melaine did my mom told you everything about me?" kompronta niya. "How long did you know my mom?" Umiwas ito nang tingin. "I asked her about you, Nathan. She just answered me." "Answer me, Melaine how long did you know my mom?" Hindi agad ito nakasagot. "I-I do some research, Nathan kaya nakilala ko ang mommy mo. Nilapitan ko siya para tanungin tungkol sa 'yo. She like me that's why she told me everything." "That's it? Tell me everything, Melaine," pamimilit niya rito. "That's it, Nathan. I've told you everything." Hindi pa rin siya nakuntento sa sagot nito. Alam niyang may malaking koneksyon ang ina niya at si Melaine. May kutob siyang baka kasama ang dalaga sa bagong plano ni Irene. Ngayon pa ba? Hindi na niya hahayaang masirang muli ang nabubuo nilang samahan ni Abella. Hindi na siya magtitiwala kay Irene. Nabulag na siya ng sarili ina noon at hindi na niya iyon hahayaang mangyari. I'll do everything to protect our new beginning. – NAPANGITI si Abella nang tuluyang makapasok sa isang bookstore. Nagbabakasakaling baka mayroon ng stock ng librong matagal na niyang gustong bilhin. Dumeretso agad siya sa fiction area ng bookstore. Lalo siyang napangiti sa mga nakikitang mga libro na gusto man niyang bilhing lahat pero hindi kaya ng budget niya. Sinuri niya ang bawat madaanang libro sa bookshelf. At halos mapalundag siya sa saya nang sa wakas ay nakita na niya ang matagal nang hinahanap na libro. Mabilis niyang nilapitan ang aklat. "Gotcha!" masaya niyang winika ng sa wakas ay nahawakan na niya ang librong nais niya noon pa. "Aw!" Napalingon siya nang marinig ang pamilyar na boses. At nagulat siya nang tumambad sa mga mata niya si Nathan. Gulat din ito na makita siya. Kumamot ito sa batok. "Nathan? Ano'ng ginagawa mo rito?" nagtataka niyang tanong. Wala na siyang makapang inis kay Nathan. Tila ba naglaho iyon na parang bola. Ni hindi na umaakyat sa utak niya ang kaniyang dugo. Magaan na ang pakiramdam niya rito. Ngumuso ito. Kumunot ang noo niya."Ohm!" "Ano'ng ohm?" Napanguso na rin siya. "'Yong libro, naunahan mo ako, eh." Tiningnan niya ang libro, kapagkuwa'y bumaling muli kay Nathan. Biglang sumulpot sa isip niya ang alaalang hindi niya makalimutan. Ang araw kung saan una niyang nakilala si Nathan dahil sa librong gusto niyang bilhin pero naunahan siya nito. Pilit niyang itinaboy ang alaala. "Sorry," nahihiya niyang sabi. "Sa 'yo na 'to, Nathan mag-aabang na lang ako ng bagong copy," pagpapaubaya niya. Inilahad pa niya ito rito. "No, Abella. You can take that." Natatawa ito. "Ikaw naman ang nauna diyan, eh," anito pa. "Pero okay lang sa akin." "Hindi na, Abella. Saka, naunahan na rin naman kita before." Ngumiti ito na ikinakunot ng noo niya. Hindi na lang siya umimik dahil naisip niya kung ano ang sinabi nito. Ayaw niya munang pag-usapan ang naging nakaraan nila ni Nathan. Okay na sa kaniya na nagsisimula na silang magkapatawaran. "May hinahanap ka pa bang ibang libro?" kapagkuwa'y tanong nito. Umiling siya. "Wala na, ikaw? Baka may libro ka pang hinahanap. Pwede kitang tulungan," presinta niya. Seryoso itong tumingin sa kaniya. "No need, Abella. I've already found it," makahulugang anito. "Okay. So, saan ka na pupunta?" "I'll go with you." "Sasama ka sa akin?" Tumango ito. "Uuwi na rin kasi ako pagkabili ko ng libro," aniya. Nagsimula na silang maglakad patungo sa counter. Nakapamulsa si Nathan habang kaswal lang siyang naglalakad. "I'll treat you, Abella." "Hindi na kailangan, Nathan. Okay na ako," tanggi niya. "Naunahan na nga kita sa librong ito tapos ililibre mo pa ako." Kumamot ito sa noo. "Then, treat me instead," anito. Ngumiwi siya. "Hindi kita kayang i-treat sa restaurant. Pang-turo-turo lang ang pera ko," nahihiya niyang pagtatapat. Nang makarating sila sa counter agad niyang binayaran ang libro. Ngumiti siya sa cashier bago lumayo roon. "Hindi ko naman sinabing sa restaurant mo ako i-treat. Kahit diyan lang sa street food like what we've doing before." Napalingon siya rito. Hindi niya alam kung bakit kumabog ang dibdib niya dulot ng hindi mawaring damdaming lumitaw sa kaniya. Nagsimulang mabuo ang pagkailang sa pagitan nila. Umiwas naman si Nathan sa kaniya na tila nagulat din sa binitawang salita. "I-ipapahiram ko na lang 'tong libro sa 'yo kapag natapos ko na," pagbabago niya sa usapan. Laking pasasalamat niya sa libro dahil nailayo niya ang usapan. "R-really? I'll wait, Abella," anito na pilit ngumiti. Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa. Kapwa sila nakikiramdam sa isa't isa. Hindi niya alam kung bakit sa simpleng alaala ay nagkakaganoon siya. Nauutal siya na kinakabahan. "Let's go to the food court, Abella. Treat me some street foods," aya nito sa kaniya. Nauna na itong maglakad. Wala na siyang nagawa kung 'di sundan ito. Hindi pa rin maalis ang pagkailang at kaba niya. Ewan ba niya kung bakit hanggang ngayon apektado pa rin siya sa mga alaala nila ni Nathan. Naglakad lang sila ni Nathan ng mahigit labing-dalawang minuto at narating na nila ang malapit na food court. Napangiti siya ng matamis nang makita ang iba't ibang street foods na noon pa man ay paborito na niyang kainin. "You look like you really miss street foods." Lumingon siya kay Nathan. "Matagal na rin kasi simula nang huling kumain ako nito. Nami-miss ko na ngang kumain ng street foods, eh," nakangiti niyang pagtatapat. Inayos pa niya ang ilang hibla ng buhok na kumakawala sa karamihan niyon. Pasalamat si Abella dahil nawala na ng tuluyan ang pagkailang niya at ang kakaibang tensyong nabuo. Ngumiti si Nathan. "I'm sure street foods miss you too," anito. Hindi niya mawari pero parang may kakaibang kahulugan iyon. Pero binalewala na lang niya iyon. "Tara, let's eat," masaya niyang sabi. Inabot muna niya sa tindera ang isang daang pesong bayad. Bumaling siya kay Nathan bago kumuha ng isang buong kwek-kwek. Inamoy niya pa muna iyon bago sinubo. Napangiti siya nang tuluyan iyong malasahan. Nanabik siya sa masarap niyong lasa kaya ninamnam niya iyon. "It's obvious, you really miss street foods," komento nito. Nag-angat siya nang tingin kay Nathan na fish ball naman ang kinakain "Ikaw ba hindi mo ba na-miss ang mga street foods?" tanong niya, saka sumubo uli ng kwek-kwek. "When I was in Davao I often ate street food. Kahit siguro saan ako magpunta, hahanap-hanapin ko ang pagkaing ito," masayang pagkikwento nito. Alam niyang pumunta sa Davao si Nathan para lumayo sa kaniya. Para kalimutan siya. Si Koki ang nagsabi niyon sa kaniya. Hindi niya alam pero gumuhit ang lungkot sa mga mata niya. "Kumusta naman ang pananatili mo sa Davao?" "It was good. Pinaramdam sa akin ng Davao ang saglit na ligaya. Ang saglit na kapayapaan," malungkot at makahulugang anito. Natahimik siya. Hindi makahagilap ng sasabihin. Alam niyang ang mga sinasabi nito ay konektado siya. Ayaw na niya ungkatin ang mga nangyari kaya minabuti niyang tumahimik na lang. Binalingan niya ang kinakain at muling sumubo. Halos punuin na niya ang kaniyang bibig. Narinig niya ang pagtawa ni Nathan. "You're still like a kid when you eating kwek-kwek, Abella." Nagulat siya at natigilan nang maramdaman ang balat ni Nathan na marahanag dumaiti sa gilid ng kaniyang labi. Katumbas niyon ang isang alaala ng nakaraan. "S-salamat, N-nathan," nauutal niyang sabi nang makabawi. Yumuko siya at nilinis ang gilid ng kaniyang bibig. Para siyang nakuryente sa pagdait ng mga balat nila. Tumango lang si Nathan, saka bumaling sa kinakaing fish ball. Hindi na rin ito umimik. Nagpatuloy lang sila sa pagkain. "Ano pa lang pinagkakaabalahan mo ngayon, Nathan?" basag niya sa katahimikan ng makahuma na siya sa nangyari. "I'm a waiter sa restaurant ni Koki," pakli nito. Nagulat siya sa nalaman. "Waiter? Hindi ba't may kompanya ang pamilya mo?" nagtataka niyang tanong. "Yes, but I don't want to work on our company, in my dad company," anito. Nawala ang sigla sa mukha nito. Nahawa siya rito. "Ibig sabihin hindi pa rin kayo okay ng Daddy mo?" walang pag-aalinlangang tanong niya. Hindi umimik si Nathan, sapat para masagot ang tanong niya. "Ikaw na rin ang nagsabi Nathan na ang gamot sa sakit at galit ay pagpapatawad. Pero mukha hindi mo pa ata nagagamit ang gamot na iyon para sa sarili mo." Nanatili ang nga mata nito sa kinakaing fish ball na tila walang balak magsalita. "Maswerte ka nga Nathan, eh, kasi may ama ka pang nandiyan. May ama ka pang kayang iparamdam ang pagmamahal niya sa 'yo. Kaya mo pang iparamdam ang pagmamahal mo. Kasi ako wala na, eh, hindi ko na kayang iparamdam kung gaano ko kamahal ang papa ko. Nang mga panahong nabubuhay siya hindi ko masyadong naiparamdam kung gaano ko siya kamahal at pinagsisihan ko iyon. Sana noon pa lang pinaramdam ko na iyon sa kaniya. Araw-araw," malungkot niyang litanya habang inaalala ang mga sandali na kasama pa niya ang yumaong ama. Binalot ng lungkot at pananabik ang puso niya. "Hindi sa nanghihimasok ako, Nathan huh? Alam kong wala na akong karapatan pero huwag mong hayaang may pagsisihan ka sa huli. Dahil mahirap mabuhay ng may pagsisisi." Blangko ang mukhang humarap ito sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito. Pero sa kabila niyon, may lungkot siyang nabanaag sa mga mata nito. "May karapatan ka sa akin, Abella."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD