LUMABAS si Abella ng restaurant. Nauna na ang iba niyang mga katrabaho. Si Neith naman, busy at hindi raw siya maihahatid. Nahihiya na nga siya rito dahil pakiramdam niya naabala na niya ito.
Umihip ang malamig na hangin, naramdaman niya ang pagyakap nito sa kaniya na nagpabuhay sa mga balahibo niya sa katawan. Napabuga siya ng hangin at pinagkiskis ang mga palad para maibsan ang bahagyang lamig na nararamdaman.
"Bell."
Napahinto si Abella dahil sa narinig. Bell. Isa lang ang kilala niyang tumatawag ng ganoon sa kaniya. Dahan-dahan siyang lumingon at hindi nga siya nagkamali.
Sumeryoso siya. Blangko ang mukha. Hindi niya gustong makitang muli si Nathan. Hindi na niya gustong malapit sa mundo nito. Hanggat maaari sana gusto niyang iwasan ito. Ayaw na niyang magulong muli ang tahimik na niyang mundo.
Pero sa t'wing nakikita niya at malapit sa kaniya si Nathan, hindi iyon ang sinasabi ng puso niya. Kabaligtaran ng mga iyon.
"Huwag mo akong tawagin sa pangalang 'yan, Nathan. Ni hindi nga tayo magkaibigan, 'di ba?" mahina niyang turan at umiwas ng tingin sa lalaki.
Hindi na niya gustong alalahin ang mga nakaraan pero hindi niya maintindihan kung bakit pinapakita at pinapaalala pa rin iyon sa kaniya ni Nathan.
Bell ang tawag sa kaniya ni Nathan noon at sinabi pa nito na ito lang daw ang maaaring tumawag sa kaniya ng gaanoon. Pahiwatig na siya'y pag-aari nito.
Napakamot sa noo si Nathan. "Pwede ba tayong mag-usap?" seryosong tanong nito.
"Nag-uusap na tayo," pamimilosopo niya.
"Abella, please seryoso ako," tila naiinis na sagot nito.
"Seryoso rin ako," patuloy niya.
Napabuntong-hininga na lang ang binata at bahagyang tumingin sa paligid. "A-abella... sorry!" puno ng senseridad na winika nito.
Kumunot ang noo niya kasabay ng pagsalubong ng kaniyang mga kilay. Hindi niya maunawaan. No'ng nakaraan lang ay iniinsulto siya nito tapos ngayon humihingi na ito ng sorry.
"Sorry? Dapat ba akong maniwala, Nathan. Dapat ko bang paniwalaan na seryoso ka sa paghingi ng sorry?" sarkastiko niyang tugon.
"I know everything, Bel–Abella. And I felt guilty for judging you all this time."
Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nakikita niyang totoo ang bawat salitang binibitawan nito. Nararamdaman niya ang sensiridad.
"Nagi-guilty ka?" Mapakla siyang ngumiti. "I'm sorry, pero tinapakan mo na ako, Nathan. Hinusgahan mo na ako at hindi iyon mabubura ng katotohanang alam mo at ng paghingi mo ng sorry," puno ng hinanakit na sumbat niya.
"Abella, I didn't know everything that was why I've said all those shits to you. If I know...I won't let you go," kunot noong tugon nito.
"Hindi mo alam kasi hindi mo sinubukang alamin, Nathan. Marami kang pagkakataon...pero wala kang ginawa. Wala kang ginawa kung 'di paniwalaan ang kasinungalingan ng Mommy mo. Wala kang gingawa kung 'di insultuhin at tapakan ako. Tapos magso-sorry ka na akala mo'y ganoon lang iyon kadali?" Umismid siya.
Kirot ang bumakas sa mukha ni Nathan. Seryoso lang itong nakatingin sa kaniya na animo'y kinukuha ang simpatiya niya.
"Alam kong hindi ganoon kadali. I've hurt you so much. Ininsulto kita. That's why I'm here saying sorry pero hindi ko hinihingi ang kapatawaraan mo agad agad dahil alam kong hindi ganoon kadali, Abella. I'm just saying sorry for those shits words that I've thrown to you. Because I know that it's not easy to forgive someone and I'm willing to wait."
Hindi siya makahagilap ng sasabihin. Kitang-kita niya sa mga mata nito kung gaano ito kaseryoso. May kung ano sa kaniya na nagsasabing patawarin na ito pero kinokontra iyon ng sarili niya. Hindi pa marahil handa ang damdamin niya para patawarin ito. Isa pa, ayaw na niyang pumasok muli sa magulong mundo ni Nathan. Mas gusto na lang niyang lumayo.
"Pinagsisisihan ko lahat, Abella. I've wasted one year for believing those damn lies. Labis ko 'yong pinagsisisihan. Nagi-guilty ako."
Nag-angat siya ng tingin dito. Iba ang naging dating ng mga sinabi nito sa kaniya. Para bang may higit pa itong sinayang bukod sa isang taong paniniwala nito sa kasinungalingang iyon.
"Mabuti na rin 'yon. At least pareho na tayong nakalaya sa mundong hindi para sa atin," sabi niya. "Pero mahirap makalaya sa sakit, Nathan. Sa sakit na dulot mo at ng pamilya mo."
"How about me, Abella? Did you ever ask me if I get hurt? Nasaktan din ako, Abella. Nahirapan."
Hindi siya nakasagot. Tila nalimutan ata niya na sinaktan niya si Nathan. Iniwan niya ito. Pinilit lumayo. Itinaboy.
"The way you talk, akala mo ako lang 'yong nanakit dito. Abella, I know I hurt you. Nasaktan kita. Nasaktan ko 'yong pagkatao mo. And now I'm saying sorry for those pain that I've caused. Para mawala 'yong guilt ko. 'Yong bigat na nararamdaman ko. Akala mo ba hindi mo ako nasaktan? You did, Abella but you never say sorry," sumbat nito.
Natigilan si Abella. Tila naging unfair siya sa binata. Nakalimutan niyang hindi lang si Nathan ang nanakit, pati siya. Ang pagkakaiba nga lang, pagkatao niya ang sinaktan nito.
"Then, sorry sa p*******t ko. Sorry sa sakit na naidulot ko. Ano, okay na?"
Mapaklang ngumiti si Nathan. "You've changed a lot, Abella," tila dismayadong pahayag nito.
"You and your family changed me, Nathan," seryosong balik niya. "Dahil sa pang-iinsulto ninyo sa pagkatao ko." Pakiramdam niya kaunting sandali na lang ay tutulo na ang mga luha sa kaniyang mga mata. Bumabalik lahat ng mga masasakit na salitang natanggap niya mula sa mga ito.
Muli niyang tinitigan si Nathan bago tuluyang tinalikuran ito. Hindi na niya kaya ang takbo ng usapan at ang tensyong tumataas. Lalo lang silang nagkakasakitan.
Kumawala ang mga luha sa kaniyang mga mata ng tuluyang makalayo sa binata. Hindi niya kayang patawarin si Nathan. Naaalala niya lahat ng mga binato nitong salita sa kaniya na dumurog sa buong pagkatao niya.
"N-nathan, please! Pakinggan mo ako. Mali ang mga nakita mo," pagmamakaawa ni Abella kay Nathan habang pinipigilan itong lumayo.
"I don't want to hear your damn excuses, Abella. I saw everything and that's enough to prove that my mom is right. Your a gold digger," galit na sabi nito.
Hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa braso nito. Nasasaktan man siya sa mga binibitawan nitong salita, alam niyang may kasalanan siya.
"Mali ka ng iniisip, Nathan. Hindi ko tinanggap ang pera. Tinanggihan ko ang Mommy mo!" Patuloy sa pag-agos ang walang sawang mga luha niya.
Tumawa ng mapait si Nathan. "Tama na, Abella huwag mo na akong lokuhin. Oh! Let me guess, maybe the money that my mom gave isn't enough kaya patuloy kang nagmamakaawa sa akin, tama?" Pumiksi ito para alisin ang kamay niya sa braso nito. Natagkal iyon pero mabilis niyang ibinalik.
"Wala akong perang tinanggap, Nathan. Kilala mo ako hindi ako kagaya ng sinasabi ng Mommy mo. Hindi ako gold digger." Umaasa siyang pakikinggan siya nito.
Ngumisi si Nathan. "Do you think I'll believe? Ano'ng gusto mong isipin ko Abella pagkatapos ng mga nasaksihan ko? Nakipaghiwalay ka sa akin para sa perang iyon. Let me ask you, minahal mo ba talaga ako, Abella...o pera ko lang ang minahal mo."
Bumagsak ang mga kamay ni Abella sa pisngi ni Nathan. Napahilig ito dahil sa malakas na impact niyon. Hindi niya napigilan ang sarili. Masyado ng masakit ang mga naririnig niya mula rito.
"Nasaktan ko ba ang peke mong pagkatao, Abella?"
"Kahit kailan hindi ako nagkainteres sa pera mo at ng pamilya mo, Nathan. Oo, mahirap ang pamilya ko pero hindi ako manggagamit. May dignidad ako, Nathan. Hindi ako nagbebenta ng pagmamahal. Hindi ako gold digger," madiin niyang balik. Puno ng hinanakit at galit.
"You're acting like a real innocent, Abella." Pumalakpak pa ito. "Sabihin mo lang sa akin, magkano ka ba, Abella?"
Sunod-sunod na pumatak ang luha sa kaniyang mga mata kasabay ng tila pagpunit sa kaniyang puso. Mas masakit pala kapag kay Nathan mismo nanggaling ang mga salita iyon. Nakakadurog.
Isang sampal muli ang iginawad niya rito. Grabi na ang pagtapak nito sa pagkatao niya. Hindi na niya kaya. Masyado ng masakit.
"Pareho lang kayo ng mommy mo, Nathan akala niyo lahat kaya niyong bilhin. Akala niyo lahat kayang gawin at kunin ng pera niyo. Pero hindi ang dignidad at pagkatao ko, Nathan. Dahil kahit ibigay mo lahat ng pera ng pamilya mo, hindi mo ako mabibili. Walang kapantay na halaga ang dignidad at pagkatao ko."
"Hindi ba't nabili ni Mommy ang pag-ibig at dignidad mo? Kaya huwag kang umarteng akala mo'y may dignidad ka pa. Huwag kang umarteng mabuti, Abella."
Napapikit siya nang hawakan nito ang baba niya at siniil siya ng halik. Mapusok na halik na tila apoy na nag-aalab. Pilit nitong binubuka ang mga labi niya pero hindi niya ito hinayaan. Nag-ipon siya ng lakas at itinulak nito, saka ginawaran ng isang sampal.
"Isipin mo ang gusto mong isipin, Nathan. Pagod na akong ipaliwanag ang sarili ko sa kagaya mong makitid ang utak. Pagod na akong ipakita ang sarili ko sa 'yo, na mali ka, na hindi ako ang babaeng inaakala mo."
Gusto niyang saktan si Nathan hanggang ma-realize nito ang sakit na pinaramdam nito sa kaniya.
"Minahal kita, Nathan at hindi ko iyon pinagbili."
Tumulong muli ang luha sa kaniyang mga mata pero mabilis niya rin iyong pinahid. Matalim niya itong tinitigan bago ito tinalikuran.
Pinahid ni Abella ang sunod-sunod na luhang kumawala sa kaniyang mga mata. Gusto niyang isumbat lahat iyon kay Nathan. Gusto niyang ipaalala rito lahat ng sakit na binigay nito. Lahat ng pahirap. Lahat ng insultong binato nito sa kaniya.
Pero sa kabilang banda may saya lumitaw. Nang sa wakas, malinaw na ang lahat kay Nathan. Alam na nito ang katotohanan. Pero hindi pa rin iyon naging dahilan para mapatawad niya ito. Ngunit sa kabilang banda, nagi-guilty rin siya sa p*******t dito. Dahil alam niyang may kasalanan din siya sa mga nangyari noon.
–
MAGULO ang utak ni Nathan dahil sa nangyari. Nagi-guilty siya. Nagsisisi. Nanghihinayang. Nasasaktan. Nabulag siya ng sariling ina ng mahigit isang taon. Naniwala siya sa kasinungaling nito. Ininsulto at labis niyang natapakan ang pagkatao ni Abella because of that damn lie.
Puno ng galit at inis na pinukpok niya ang manibela ng sasakyan. Hindi niya alam kung paano aayusin ang lahat. Kung paano mawawala ang guilt at bigat na nararamdaman niya. Nasaktan niya si Abella at hindi iyon madaling alisin dahil pagkatao at dignidad nito ang nasaktan.
"Damn!"
Sinayang ni Nathan ang isang taon sa paniniwala sa kasinungalin. Sinayang niya ang pagkakataong ayusin ang lahat. Tuluyan siyang nabulag at hindi nakita ang katotohanan. At labis niya iyong pinagsisisihan.
Mabilis niyang pinaharurot ang sinaksakyang kotse pauwi ng condo. Pakiramdam niya ang daming nangyari sa buong araw na iyon. Ang bigat ng pakiramdam niya na alam niyang mananatili hanggat hindi pa siya napapatawad ni Abella.
Nang marating niya ang condo, naghubad siya ng jacket at basta na lang iyong inihagis. Tinungo niya ang kusina at kumuha ng beer sa refrigerator. Alam niyang iyon lang ang panandaliang papawi sa magulo at mabigat niyang damdamin.
Tulalang tinungga niya ang hawak na bote ng beer na animo'y tubig lamang iyon. Naramdaman niya ang pagguhit niyon sa kaniyang lalamunan hanggang sa bumagsak sa kaniyang tiyan na nagdulot ng init doon.
Hindi niya inakala ang malaking pagbabago ni Abella. Hindi na ito ang Abella na kilala niya noon na alam niyang isa siya sa naging dahilan niyon. Labis na sakit ang pinaramdam niya rito at hindi iyon ganoon kadaling mawala. He deserved those words.
Pero hindi ba niya pwedeng isumbat ang p*******t nito sa kaniya? Nasaktan din siya sa pakikipaghiwalay nito. Sa huli'y mas pinili pa rin nitong iwan siya kaysa sa ayusin ang lahat at tulungan siyang lumaban.
"I won't stop, Abella. I'll make sure that we're gonna be okay. That the pain and hates in your heart will fade away."
–
"HINDI pa ba sapat sa 'yo na alam na niya ang katotohanan at ang paghingi niya ng sorry? Alam nating pareho na nasabi niya lang ang lahat ng mga iyon dahil nabulag na ng matapobre niyang ina ang buo niyang sistema."
Seryosong tiningan ni Abella si Julio na hindi niya mawari kung kaninong parte kumakampi.
"Alam ko 'yon, Jennifer. Alam ko lahat 'yon pero nasaktan pa rin niya ako na hanggang ngayon iniinda ko pa rin. Tapos gusto mong patawarin ko siya ng ganoon-ganoon lang? Hindi kasi ganoon kadaling gamutin 'yong sugat ng pagkatao," tugon niya habang sabay ang mga kamay na gumagalaw.
"Oo nandoon na nga tayo, Girl pero ang sa akin lang bigyan mo siya ng pagkakataon dahil unang-una alam nating pareho na hindi niya masasabi ang mga bagay na 'yon kung hindi siya nabulag sa katotohanan. Pangalawa, malinis na ang pangalan mo sa kaniya. Alam na niya ang totoo at humihingi siya ng kapatawaran sa mga nangyari. And lastly, hindi lang ikaw ang nasaktan dito, Girl. Remember, nakipaghiwalay ka sa kaniya no'ng mga panahong kaya ka niyang ipaglaban. Iniwan mo siya sa ere. Sa tingin mo ba hindi niya deserve ang second chance?"
Natahimik si Abella sa mga narinig. Hindi makahagilap ng mga katagang ibabato sa kaibigan dahil tila naisampal nito sa kaniya ang punto nito.
Alam niyang lahat ng iyon pero hindi pa rin niya maiwasan ang masaktan sa tuwing nakikita si Nathan at naaalala ang mga nangyari sa pagitan nila. Pero sa mga sinabi ni Julio, alam niyang naging unfair siya sa binata. Nadala siya ng galit at sakit.
"Isa pa, isang taon na ang nakaraan, Abella. Siguro naman this is the time that you need to let go those pain for you to set free. Para gumaan naman 'yang dinadala mo ng isang taon. Dahil hanggat nandiyan sa puso mo ang lahat ng galit at pagsisisi you'll never be happy. Ikinukulong mo lang ang sarili mo sa sakit ng nakaraan. Kung hindi mo papalayain ang sarili mo, mananatili kang nakakulong sa nakaraan."
Seryoso lang niyang tinitigan ang kaibigan. Nananatiling tahimik at iniisip ang mga iyon. Maaring tama si Julio sa mga binitiwan nito pero hanggat may sakit siyang nararamdaman marahil hindi niya masusunod ang payo nito.
Tingnan mo ang sarili mo, masaya ka ba ngayon? tanong ng isip niya na alam na niya ang kasagutan.
"Forgiveness is the only key to the cage of anger, pain and hate you made for yourself, Abella."