MATAPOS iwan ni Abella si Nathan sa kotse nito, hindi na siya nag-abalang pumasok sa trabaho dahil sa gulo ng isip niya. Sigurado siyang mawawala lang ang pokus niya roon. Gusto niya munang mag-isip. Malinawan.
Masyado ng nagiging komplikado ang lahat dahil sa kaduwagan niya. Siya lang naman ang nagpapahiram sa sitwasyon. Alam niyang mahal niya si Nathan pero dahil sa takot hindi niya mabigyan ang sarili ng pagkakataong para ipahayag ang damdamin para sa binata.
Saglit siyang naglalad-lakad sa parkeng nadaanan niya. Gusto niyang maramdaman ang sariwang hangin at madama ang saglit na katahimikan. Kailangan niyang ikondisyon ang sarili para sa gagawing desisyon.
Matapos makalma ang sarili, nagpasiya na siyang umuwi at magpahinga. Doon na lang niya ite-text si Neith na hindi muna siya papasok.
"Oh! Bakit umuwi ka agad, 'nak? Wala ka bang trabaho?" nagtatakang salubong ng kaniyang ina.
Hindi siya rito makatingin dahil kilala niya si Marla, nababasa nito ang nararamdaman niya.
"Ah, o-opo, 'Ma," pagsisinungalin niya.
Sinuri siya ng ina. Pilit hinuhuli ang kaniyang tingin. "Hmm! Kilala kita, 'anak. Ina mo ako at alam ko kung okay ka o hindi. Ano'ng nangyari?" anito sa malumanay na tono.
Wala na siyang dahilan para itago sa ina ang nangyayari sa kaniya. Wala na rin siyang maisip na alibi na maaaring paniwalaan nito.
Daglian niyang niyakap ang ina na ikinagulat nito. Kusang nagbagsakan ang mga luha sa kaniyang mga mata.
"A-ang hirap, 'Ma. A-ang hirap maipit sa pagmamahal at takot. Hindi ko po alam ang gagawin ko," parang batang pagsumbong niya habang humihikbi. Akala niya'y tapos na ang mga luhang iyon.
Iginiya siya ni Marla sa sofa. Mababakas rito ang pagtataka at pag-aalala sa kaniya.
"Sabihin mo sa akin, 'nak ano bang nangyari? Tungkol ba ito sa iyo at kay Nathan?"
Marahan siyang tumango para ikumpirma iyon. Napapikit ng marahan ang kaniyang ina.
"Hindi na ako nagtataka na nangyayari ito. Inasahan ko na ito pero hindi sa ganitong sitwasyon. Sinaktan ka ba niya ulit?"
Tila ba kapag sinabi niyang oo ay hindi ito mag-aatubiling sugurin si Nathan.
Umiling siya. "A-ako po ulit ang nanakit sa kaniya, 'Ma."
Kumunot lang ang noo ni Marla. Nagtataka sa mga sinabi niya.
"H-humihingi po siya ng pagkakataon para sa pagmamahalan namin pero hindi ko maibigay, 'Ma. Hindi ko maibigay kahit alam kong mahal ko rin siya. Ang hirap!" umiiyak niyang tugon.
Hinaplos nito ang kaniyang likod habang hawak ng isa nitong kamay ang kaniyang palad at bahagya iyong pinipisil.
"'Ma, ano'ng gagawin ko? Nahihirapan na ako. Naiipit ako sa takot at pagmamahal sa kaniya at hindi ko alam kung saan ako papanig. Mahal ko siya pero natatakot ako, 'Ma na baka...na baka maulit lang ulit kami sa dati. Nagkasakitan." Pinahid niya ang mga luha at pilit iyong pinigilan para makapagsalita siya ng maayos. "'Ma, anong gagawin ko? Nahihirapan ako, 'Ma."
Bumuntong-hininga ang kaniyang ina, saka malamalam ang mga matang tiningnan siya. "Naiintindihan ko, 'nak kung bakit natatakot kang sundin ang puso mo. Pero kung iyon ang dahilan kung bakit nahihirapan ka, labanan mo ang takot para sa huli puso mo pa rin ang masunod. Alam ko 'yong sakit na dinanas mo noon kaya ka nahihirapan ngayon pero iba ang noon at ngayon, anak. Hindi mo na pwedeng balikan pa ang nakaraan kung sakit at takot lang ang pinaparamdam nito sa 'yo." Bahagya pa itong lumapit sa kaniya at hinawakan ang nga kamay niya na nakapatong sa kaniyang kandungan.
"Hindi pwedeng bumase tayo parati sa nakaraan. Kung pagbabasehan natin iyon hindi natin makikita ang pagkakaiba ng mga bagay-bagay. Anak, hindi ko gustong nahihirapan ka. Nasasaktan ako. Alam mo sa sarili mo kung dapat mong tanggapin si Nathan. Labanan mo ang takot. Lumayo ka sa nakaraan. Pagkatapos, saka ka magdesisyon."
Niyakap siya ni Marla habang hinahagod ang kaniyang likod na nagiging dahilan ng bahagyang paggaan ng kaniyang damdamin.
"Pero malalabanan mo lang ang takot kung susubukan mo ulit, 'nak. Kapag pinapasok mo na si Nathan diyan sa puso mo."
Bumagsak muli ang luha sa mga mata niya. Tama ang kaniyang ina. Nagiging hadlang sa kaniya ang nakaraan at takot na nadarama para makabuo ng pasiya. Masyado niyang ikinukulong ang sarili sa mga iyon na dapat parte na lang ng alaala niya.
–
NGUMITI si Abella habang nakasakay sa isang kotse papunta sa isang restaurant kung saan naghihintay sa kaniya ang ama ni Nathan. Si Manny.
Nagulat siya sa pagdating ng kotseng iyon para sunduin siya. Gusto raw kasi siyang makausap ni Manny tungkol kay Nathan. Kinakabahan man siya pero pinili niyang sumama.
Utay-utay nang nagiging malinaw sa kaniya ang lahat. Naiintindihan na niya ng sitwasyong meron siya at handa nang bumuo ng desisyon. Napapagod na rin siya sa mga nangyayari at sa sarili niyang paniniwala tungkol sa pagmamahal kay Nathan.
"Nandito na po tayo, Ma'am," anunsiyo ng driver nang pagbuksan siya nito.
Ngumiti siya, saka bumaba roon. "Salamat po," aniya pa.
"Nasa loob na po si, Sir Manny pumasok na lang po kayo," magalang na tugon nito na nginitian lang niya.
Kumakabog ang dibdib niya dahil sa kaba. Hindi niya alam kung bakit gusto siya nitong makausap tungkol kay Nathan. Pero kahit kinakabahan, panatag ang loob niya dahil ang ama ni Nathan ang nasa loob. Kilala niyang mabait at maunawain ang ginoo. Hindi ito tumitingin sa estado ng isang tao para matanggap nito.
Tuluyan siyang nakapasok sa loob ng restaurant. Hinanap ng kaniyang mga mata ama ni Nathan na agad niyang nakita sa bahaging gilid ng restaurant. Hindi kasi marami ang tao roon kaya agad niya itong nakita.
Huminga siya ng malalim bago nilandas ang daan patungo rito. Kinakabahan siya. Matagal na rin kasi simula nang huli niya itong makita't makausap.
"Good morning po," bati agad niya rito.
Ngumiti ito. "Good morning din, hija have a sit."
Umupo siya sa kaharap nitong upuan. Naiilang siya ng bahagya sa kaharap. Hindi niya alam ang dapat na iaakto sa harap nito. Kinakabahan siya.
"Long time no see, Abella. It's been a year since our last talked. How are you, hija?"
Ganoon pa rin si Manny. Palaging nakangiti at hindi nakaka-intimidate kung tumingin at magsalita. Malumanay at kaswal lamang. Pero kinakabahan pa rin siya kahit ganoon.
"Oo nga po, eh. Isang taon na rin pala mahigit. Maayos naman po ako. Kayo po, kumusta?" Hinahagod ng mga palad niya ang kaniyang mga hita para makabawas sa kaba.
"I'm good, hija still the same." Ngumiti pa ito. "Kain, hija," anito, saka binalingan ang pagkain sa mesa.
Ngumiti siya at sinimulan ang pagkain. Nakakahiya naman kasi kung tatanggi siya rito.
"Nabalitaan ko na ang nangyari sa inyo ng anak ko and I understand you, hija. Saksi ako sa hirap at sakit na dinanas mo noon kaya alam kong mahirap para sa 'yo na tanggapin muli ang pag-ibig ni Nathan," mayamaya'y sabi nito habang kasalukuyan na silang kumakain.
Nag-angat siya rito nang tingin at napahinto sa pagnguya. Kaya ba siya nito pinapunta roon ay dahil kukimbinsihin siya nitong balikan si Nathan? Naghintay siya sa sunod nitong sasabihin.
"Alam mo naman ang relasyong meron kami ni Nathan, 'di ba? We're not okay untill now. He still mad at me. Gusto ko sanang bumawi sa kaniya sa pamamagitan nito, Abella. Alam kong may nararamdaman ka pa para sa anak ko but you're just afraid to admit it because of what happened in the past," malumanay nitong pagpapaliwanag.
Hanggang ngayon pala ay hindi pa okay ang dalawa. Nakadama siya ng lungkot para kay Manny. Alam niya ang kasalan nito sa anak pero para sa kaniya deserve nito ang kapatawaran galing sa anak. Ginawa naman kasi nito ang lahat para patunayang nagsisisi ito.
"Kung ang prinoproblema mo ay si Irene, don't worry, hija I won't let him do those things against you. I can handle her, hija."
Seryoso lang ang mukha niya. Nakikinig sa mga sinasabi ni Manny. Nakokonsensiya siya dahil alam niyang isa iyon sa paraan para magkaroon ng puwang ang pagpapatawad kay Nathan.
"Malungkot po akong malaman na hanggang ngayon hindi pa rin kayo okay ni Nathan. Pasasaan po ba't mapapatawad rin niya kayo," pagbabago niya sa usapan.
"Sana, hija dahil matagal ko na iyong pinagdarasal. Mahirap para sa isang ama na kamuhian ng anak pero hindi ko naman siya masisisi." Ngumiti pa ito sa kabila ng sakit na nadarama.
"Huwag po kayong mawalan ng pag-asa, sigurado akong nagmamatigas lang iyon si Nathan," natatawa niyang sabi.
Hindi pa roon natapos ang usapan nila. Marami pa silang pinag-usapan. Mga nangyari sa nagdaang taon. Mga kwento ni Manny tungkol kay Nathan. At marami pang iba.
–
ILANG ARAW na ang lumipas pero ni anino ni Nathan hindi na muling nakita ni Abella. Sa bawat araw na nagdaan, hinihintay niyang lumitaw ito sa tabi niya. Umaasang pagbukas ng pinto ay bubungad ito. Na sa paglabas niya ng restaurant ay naghihintay ito habang nakangiti at ihahatid siya sa pag-uwi. Pero ang lahat ng iyon ay hanggang sa isip na lang niya.
Pakiramdam niya napagod na ito sa kaniya. Sa mga dahilan at kaduwagan niya. Pakiramdam niya sinukuan na siya nito. Subalit nananatili ang pag-asa sa puso niya dahil nararamdaman pa rin niya ang pagmamahal nito.
"Bakit 'di mo puntahan sa condo niya kung nami-miss mo na? Ano man lang ba 'yong ikaw naman 'yong mag-effort sa kaniya," nakahalukipkip na suhestiyon ni Julio habang magkasabay silang naglalakad pauwi. Halos magkalapit lang kasi ang mga bahay nila.
"Paano, eh, hindi ko naman alam kung saang lugar iyon. Hindi naman niya sa akin nasabi." Ipinasok niya ang dalawang kamay sa bulsa ng jacket na suot niya. Masyado na kasing gabi at bahagya ng lumalamig ang hangin.
"Itanong mo sa Daddy niya. Hindi ba nga may number ka naman noon."
Napaisip siya. Bakit nga ba hindi niya itanong? May number siya nito dahil ibinigay nito iyon sa kaniya nang mag-usap sila nito.
"Sige, susubukan ko," aniya.
"Ano namang sasabihin mo sa kaniya kung sakaling puntahan mo siya roon? Yayakapin mo siya o kaya...hahalikan?" Natawa ito sa huling sinabi.
"Sira! Kakausapin ko lang si Nathan," natatawa niyang depensa.
"Kakausapin lang hindi mo yayakapin? Syempre, 'di ba na-miss mo si Nathan," patuloy nito.
"Bahala na," sabi na lang niya.
Hindi niya alam ang gagawin sakaling puntahan man niya ito. Bahala na ang kaniyang damdamin na magdikta kung ano ang dapat niyang gawin at sabihin.
–
NANG i-text ni Abella si Manny para hingin ang adress ni Nathan agad din nito iyong ibinigay.
Pinag-isipan muna niya kung itutuloy ang suhestiyon ni Julio hindi. Kinakabahan kasi siya at isa pa hindi niya alam ang gagawin sakaling makita ang binata roon. Wala siyang ideya. Ang alam lang kasi niya gusto niyang puntahan si Nathan dahil nami-miss niya ito.
"Kinakabahan ako, Jennifer," pag-amin niya kay Julio nang marating nila ang building kung saan naroon ang condo unit ni Nathan.
Kumiling ng bahagya ang ulo ni Julio. "Ngayon pa? Nandito na tayo, Girl. Sige, gusto mo umuwi na lang tayo? Tara na," pagbibiro nito.
Nang akmang tatalikod na ito, pinigilan niya ang braso nito. "Kinakabahan lang ako pero hindi ako aatras. Sira ka talaga," asik niya rito.
"Okay," ngumuso pa ito. "Kung ganoon tara na." Humakbang na ito papasok ng building.
Dirediretso lang si Julio sa paglalakad habang siya ay nakasunod lang dito habang palinga-linga. Nagmamasid sa paligid.
"Ahm! Good afternoon pwede pong magtanong? Saan po ang condo unit ni Nathan Madera?" tanong ni Julio sa receptionist nang marating nila ang reception area.
"Oh! Look who's here, Abella Santos."
Kapwa sila napalingon sa nagsalita mula sa kanilang likuran. Tumambad sa kaniya si Melaine na walang kurap na nakatingin sa kanila. Animo'y ano mang galaw niya ay kaya siya nitong sakmalin.
"What are you doing here, Abella? Akala ko ba'y ayaw mo na kay Nathan?" mataray na tanong nito. Nakasakbit sa braso nito ang isang kulay brown bag. Lumapit pa ito sa kaniya.
"We're here for Nathan hindi para sa 'yo," sabat ni Julio.
Lumipat ang mga mata ni Melaine sa kaibigan niya. Tumaas ang kilay nito. "Did I ask you?"
"H-hindi, gusto ko lang sumagot, paki mo?" balik ni Julio na nanggigigil na.
Naikwento na niya si Melaine sa kaibigan at alam niya kung gaano kainis si Julio sa babaeng iyon. Kinukwento pa nga lang niya ang babae rito ay tila sasabog na ito sa galit ngayon pa kaya na kaharap na nito iyon.
"Yes, nandito kami para kay Nathan," agaw niya sa atensyon nito.
"Oh! Mukhang nagbago na ata ang ihip ng hangin, ah. Parang kahapon lang si Nathan pa ang naghahabol sa'yo pero ngayon mukhang ikaw naman ang naghahabol na parang aso," nakangiting anito.
"Oh? Parang mali ka, ate Girl kasi ang alam ko you're the one who is desperate here s***h humahabol na aso. Hindi ba nga hindi ka naman mahal ni Nathan but you keeping chasing him," balik ni Julio habang umiirap rito. Lumalabas na naman ang pagiging mataray nito.
Napayuko siya para itago ang pagtawa dahil sa sinabi ni Julio. Mayamaya pa'y lumingon siya rito at ngumiti. Kumindat naman ito sa kaniya.
"How dare you–"
"Truth hurts, right?" putol ni Julio.
Nagsisimula ng mapawi ang kalmado nitong aura dahil sa sobrang inis. Para ngang sasabog na ito at hindi na kakayanin ang mga sinasabi ni Julio.
"Mapapahiya lang kayong dalawa sa katotohanang ako na ang gustong makasama ni Nathan. We're living together don't you see?" Bumaling ito sa kaniya.
Napawi ang saya sa mukha niya dahil sa narinig mula rito. Maaring tama nga ito si Melaine na nakatira ito kasama si Nathan.
"Oh! Namutla ka ata, Abella? Are you shocked? Well, that's the reality, ayaw na niya sa 'yo at ako na ang gusto niya. Masyado ka raw kasing pabebe." Tila nakakuha na naman ito ng balang ibabato sa kaniya at tumalab iyon sa kaniya.
Nagsimula na ring mag-alala si Julio. Lumapit pa ito sa kaniya at hinawakan siya braso. Bahagya pa nito iyong pinisil.
"You're living in your illusion, ate Girl. Well, maybe you're just libangan to him. Magkasama nga kayo pero si Abella pa rin ang nasa isip at puso ni Nathan. Don't assumed, it's hurts," mataray na pang-iinis ni Julio rito.
Ngumisi si Melaine. "It's not matter for me as long as we're together. Malay natin, 'di ba na baka bukas paggising niya ako na ang mahal niya. There's always a possibility."
"Well, sana paggising niya hindi ka na maggising," banat ni Julio.
"Let's go, Jennifer." Mabilis niyang hinila ang braso ni Julio palayo roon. Kita pa niya ang ngiti ni Melaine dahil sa tagumpay nitong saktan siya at paalisin.
Kusang bumagsak ang mga luha niya. Nasasaktan siya dahil baka nga totoo si Melaine na hindi na siya mahal ni Nathan. Na nagsawa na ito sa kaartehan niya. Iniisip pa lang niya ang mga iyon nawawasak na ang puso niya. Nawawalan ng pag-asa na magiging okay sila ni Nathan.
"Girl, paano si Nathan? Hindi naman natin sure kung talagang totoo ang sinasabi ng babaeng iyon, eh," sabi ni Julio nang tuluyan silang makalabas ng condo.
Humarap siya rito pagkatapos niyang pahirin ang mga luha. "Iyon ang totoo, Jennifer. Na nagsawa na si Nathan sa akin." Napataas na ang boses niya.
"Girl, ganoon ka na lang kadaling susuko at magpapatalo sa bruhang iyon? Huwag tayong maniwala sa kaniya hanggat hindi si Nathan ang nagsasabi. Alam nating pareho na ikaw ang mahal ni Nathan at asungot lang ang bruhang yon," pagpapalakas nito sa loob niya.
Pero hindi niya alam kung siya pa ba ang mahal ni Nathan. Paano kung hindi na? Nasaan na nga ba ito? Hindi ba't hindi na muling nagpakita sa kaniya.
"Kung ganoon, bakit wala pa si Nathan? Bakit bigla na lang siyang nawala at hindi na nagpakita? Nagsasawa na siya sa akin, Jennifer at iyon ang katotohanan." Kumawala na naman ang mga luha sa kaniyang mga mata dahil sa isiping iyon.
"Girl, naalala mo pa ba 'yong huli niyong pagkikita? He's giving you a space para mag-isip at magdesisyon. Itigil mo na ang pag-iyak dahil napangit ka lalo paano na tayo niyan makakalaban sa bruhang iyon?" Ngumuso ito habang pinagmamasdan siya. Niyakap siya ni Julio. "Fighting, Girl. This time huwag mong hayaang matalo ka, ipaglaban mo ang iyo."
Humiwalay sila sa isa't isa. Pinahid niya ang mga luha sa kaniyang mga mata't pisngi.
"Tama, natalo na ako noon at hindi ko na dapat hayaang matalong muli. Ipaglalaban ko na ang pag-ibig ko para sa kaniya at hindi na magiging duwag."