"ARE YOU okay, Abella? Mukhang malalim ang iniisip mo, ah," pukaw ni Neith kay Abella.
Kumurap siya, saka humarap rito. Hindi niya namalayan ang sarili na nakatulala na pala siya habang ginugulo ni Nathan ang kaniyang isipan. Nananabik na siya sa binata habang natatakot na baka tama ang lahat nang sinabi ni Melaine sa kaniya.
"O-okay lang po, Sir my gumugulo lang ng konti sa isip ko," sagot niya. Ngumiti pa siya rito.
"Let me guess, Abella it's Nathan, right? Hindi pa ba kayo okay hanggang ngayon?" tanong nito.
Malungkot siyang umiling. Umupo si Neith sa tabi niya. Lunch break niya pero dahil wala siyang gana nanatili siya sa locker room.
"It seems like I was wrong for letting you go, mukhang hindi pa kayo okay at pagkakataon ko na sana ito to make a move," anito.
Lumingon siya rito na hindi inaasahan ang mga iyon. Nagulat siya. Mayamaya naman ay natawa ito.
"Don't be so serious, Abella I was just joking," natatawa nitong pagbawi. "Pinapatawa lang kita pero mukhang hindi effective. Parang mas lalo ka lang namroblema," dagdag pa nito.
Ngumiti siya kahit hindi iyon umabot sa kaniyang mga tainga. "Salamat, Sir Neith," nasabi na lang niya.
"Then tell me what is the problem, Abella." Sumeryoso na si Neith.
Bigla siyang nailang magkwento rito. Baka kasi hindi pa ito nakakalimot sa kaniya at masasaktan lang ito sa mga sasabihin niya.
"Sigurado kayo, Sir pakikinggan niyo ako?" tanong niya.
"Uhm!" Tumango pa ito. "I'm willing, Abella we're friends, right?"
Ngumiti siya dahil sa naging sagot nito. Kahit kailangan walang ipinakitang iba si Neith sa kaniya kung 'di kabutihan kaya nakunsensiya siya nang hindi tanggapin ang pag-ibig nito para sa kaniya.
Nagkwento siya kay Neith habang bumabalik sa isip niya ang mga panahong kinukulit pa siya ni Nathan. 'Yong mga sandaling nandiyan pa ito hanggang sa nawala na ito nang tuluyan na hindi niya alam kung babalik pa o kung siya pa rin ang mahal nito.
"Don't think too much, Abella maybe he just giving you a time to think. Hindi ba't sinabi mo sa kaniya na magulo pa ang lahat para sa 'yo. I'm sure he'll comback," ani Neith matapos niyang magkwento rito.
Yumuko lang siya. Hindi kasi niya maiwasang hindi mag-isip ng kung anu-ano. Hindi man lang kasi nagpaalam si Nathan.
"Paano kung bumalik nga siya pero...h-hindi na ako?" Iisipin pa lang niya iyon sobrang nawawasak na ang puso niya.
"Magtiwala kay Nathan," tanging anito. "Don't think so much, okay? I have an appointment so I need go, Abella." Paalam nito. Ginulo pa nito ang kaniyang ulo habang nakangiti.
"Salamat, Sir Neith. Ingat po," balik niya rito at pilit na ngumiti rito.
Malaki ang pasasalamat ni Abella kay Neith dahil kahit ni-reject na niya ito, nandito pa rin ang binata at hindi siya iniiwan. Handa pa rin itong maging kaibigan niya. Alam niyang darating ang panahon na makikita rin nito ang babaeng para rito na susuklian ang pagmamahal nito.
Matapos ang oras nang lunch break, bumalik na muli si Abella sa trabaho. Pinilit niya ang sarili na maging okay sa kabila ng mga iniisip siya. Kailangan niyang magpanggap sa harap ng mga tao na wala siyang problema at totoo ang mga ngiting ipinapakita niya sa mga ito.
"Sino raw, Carla?" tanong niya sa katrabaho nang sabihin nitong may naghahanap sa kaniya at kasalukuyan itong nasa opisina ni Neith.
"Hindi ko rin kilala pero pamilyar siya sa akin, eh. Puntahan mo na lang kaya, Abella."
Nagtataka man siya sa kung sino iyon pero umaasa ang puso niya na si Nathan ang taong iyon. Na sana handa na itong kulitin muli siya. Pilitin siyang ibigay ang pagkakataong hinihingi nito.
Iniwan niya si Carla at tinungo niya ang opisina ni Neith. Kinakabahan siya nang marating ang pinto niyon. Hindi niya alam ang gagawin at sasabihin kung si Nathan man ang nasa loob.
Kumatok siya sa pinto. Agad naman niyang narinig ang pahintulot ni Neith. Pinihit niya ang seradura habang kumakabog ang kaniyang dibdib. Tuluyan siyang nakapasok sa loob at ganoon na lang ang pagkadismaya niya sa nadatnan roon. Hindi iyon si Nathan.
"Maiwan ko na muna kayong dalawa."
Naramdaman na lang ni Abella ang mga palad ni Neith na tumapik sa kaniyang balikat. Alam niya ang ibig sabihin niyon. Si Irene ang nasa harap niya at sigurado siyang hindi ito naroon para makipag-ayos sa kaniya. Kilala na niya ito at hindi na siya magtataka sa mga sasabihin nito sa kaniya.
Bigla niyang naalala ang mga pasakit at pahirap na ginawa nito sa kaniya. Sa relasyon nila ni Nathan. Noon pa lang nagpakita na ito ng pagkadisgusto sa kaniya. Nang ipakilala siya rito ni Nathan, insulto agad ang tamo nito. Ginawa nito ang lahat para paghiwalayin sila ni Nathan sa paraang siya ang masasaktan. Siniraan siya nito kay Nathan.
"Do you miss me, Abella?"
Bumalik sa kasalukuyan ang isipan niya nang marinig iyon mula sa ginang.
"Diretsuhin niyo na po ako. Anong kailangan niyo sa akin?" walang paligoy-ligoy na tanong niya.
"Mukhang kilalang-kilala mo na nga ako, Abella. Well, that's good para hindi na ako gumawa pa ng pasakalye," anito na kalmado lang. "Have a sit, hija," dagdag pa nito na akala mo'y tunay na mabait.
Sinunod niya ito. Umupo siya sa isang sofa at humarap kay Irene. Hindi niya magawang ngumiti rito para ipakitang nagagalak siya sa pagdating nito dahil hindi naman iyon totoo. Pero dahil may galang naman siya, kailangan niyang harapin ito kahit hindi naman siya interesado sa kung anong sasabihin nito.
"How are you, Abella?" tanong nito nang makaupo siya.
"Sabihin mo na po ang kailangan mong sabihin dahil may trabaho pa po ako," saad niya na hindi maitago ang inis. Kinukumusta niya nito na animo'y concern kung okay lang siya o hindi.
"Hindi ka na siguro magugulat kung alam ko ang lahat ng mga nangyayari sa inyo ng anak ko. I know everything, Abella. I just want to tell you that stop chasing Nathan, he's done with you." Diresto lang ang tingin nito sa kaniya na tila inaabangan ang sakit na guguhit sa mga mata niya.
"At bakit ko po kailangang gawin ang mga sinabi niyo? Hindi niyo po ako robot na susunod sa mga sasabihin ninyo," balik niya na pilit pinapatatag ang sarili.
Ngumiti ito. "Are you numb, Abella? Sawa na siya sa 'yo. Nagising na siya sa malaki mong ilusyon. And thanks for that, Abella for pushing Nathan away from you. Panindigan mo na lang sana ang pagiinarte mo."
"Magpapakita po sa akin si Nathan," nasabi na lang niya kahit ang totoo nawawalan na siya ng pangdepensa sa sarili. Utay-utay na siyang natatamaan ng mga sinasabi nito.
"Oh? Do you still believe that? People change, Abella maybe now he's chasing you but tomorrow he will walk away from you. Kaya huwag kang umasang babalik pa si Nathan sa 'yo. Nagsisimula na siyang kalimutan ka. Handa na siyang maging masaya sa iba, Abella. Kay Melaine."
Para bang siguradong-sigurado ito sa mga iyon. Parang totoo. Aminin man niya o hindi naaapektuhan siya sa mga sinasabi nito. Nasasaktan siya. May bahagi sa puso niya ang naniniwala sa mga iyon pero pilit niyang iwinawaksi iyon. Gusto niyang magtiwala kay Nathan.
"H-hindi ako naniniwala. Kilala ko na po kayo, gagawin niyo lahat para paglayuin kami ni Nathan. Natakot ako noon pero ngayon hindi na." Sa kabila ng takot, lakas loob niyang isinatinig ang mga iyon.
Ngumisi lamang si Irene. "That's me, Abella I can do everything just for my son. Gagawin ko lahat para sa ikabubuti niya," anito.
Gusto niya itong tawanan pero ngumisi na lang din siya. "Ikabubuti? Tinanong niyo man lang po ba siya kung ikinakabuti niya ang mga ginagawa niyo? Kahit kailan hindi niya po ikabubuti ang pagpigil niyo sa kasiyahan niya. Ni hindi niyo nga po ata alam ang salitang mabuti at saya," balik niya rito na tila siya si Nathan na nagsasalita.
"How dare you to questions my way of caring to my son, Abella!" Gumuhit ang galit at inis sa mukha nito na kahit may edad ay hindi iyon makikita roon. "Alam ko kung ano ang ikabubuti ni Nathan, Abella at iyon ay ang mawala ka sa buhay niya. He never deserve you."
"Si Nathan lang po ang makapagsasabi kong deserve o hindi niya ako deserve," matapang niyang tugon
Napasinghap si Irene. Nagpanting ang mga panga nito na tila anumang sandali ay sasabog na. "Huwag mo ng hintayin pang kay Nathan manggaling ang mga salitang iyon, Abella. Alam mo ang kaya kong gawin iwan ka lang ni Nathan, kaya huwag kang magtaka na isang araw siya na mismo ang sumuko at magtaboy sa 'yo palayo." Tumayo ito bitbit ang purse nito at walang pasubaling lumabas ng silid.
Naiwan siyang tulala. Hindi niya alam ang iisipin. Lalo lang siyang naguguluhan sa mga narinig. Natatakot siyang baka maniwala na ang puso niya na nagsawa na talaga si Nathan sa kaniya. Natatakot siyang baka masaya na ito kay Melaine at wala na lang siya rito.
Kumawala ang luha sa kaniyang mga mata na agad na niyang pinahid. Bahagya pa siyang tumingala para kahit pa paano hindi iyon pumatak. Ayaw niyang maniwala sa mga posibilidad na iyon. Gusto niyang paniwalaan ang sarili. Na siya pa rin ang mahal ni Nathan.
Magtitiwala ako sa 'yo, Nathan.
–
MABILIS na bumaba ng taxi si Abella nang huminto ito sa restaurant ni Koki. Hindi pa tapos ang trabaho niya sa restaurant ni Neith pero hindi na niya napigilan ang sarili na puntahan si Nathan sa restaurant na iyon. Nagbabakasakaling makikita roon si Nathan.
Mabilis niyang tinakbo ang hagdan paakyat ng restaurant. Hindi siya mapapakali hanggat hindi niya nakakausap si Nathan. Masyado ng magulo ang isip niya at ito lang ang makakapag-ayos niyon.
Mabilis na hinanap ng kaniyang mga mata ang bulto ni Nathan sa loob ng restaurant at hindi niya alintana ang maraming taong naroon.
Pumwesto muna siya sa bakanteng mesa roon para magmasid at hanapin si Nathan na hindi pa nahahagip ng kaniyang mga mata.
Mayamaya pa'y may lumapit na sa kaniyang waiter. Magsasalita na sana ito pero naunahan niya. "Nandito ba ngayon si Nathan Madera?" mahinang tanong niya.
"Bakit po iyon, Ma'am?" tanong ng lalaki.
"G-gusto ko lang sana siyang kausapin. Kaibigan niya ito," sabi niya.
"Pasensiya na po kayo Ma'am pero umalis po si Nathan kani-kanina lang kasama 'yong isang babae."
Parang binagsakan ng malaking bato ang puso ni Abella sa narinig. Napatulala siya at patuloy na pinoproseso ang mga narinig.
"A-abella is that you?"
Dahil sa boses na iyon natauhan siya. Lumingon siya sa nagsalita at nakita niya si Koki na nakatingin lang sa kaniya. Hindi makapaniwalang naligaw siya roon.
"Iwanan mo na kami rito, tapos magdala ka ng dalawang orange juice," baling nito sa waiter na agad namang tumalima sa utos ni Koki.
Umupo ito sa harap niya at ipinatong ang mga braso sa lamesa, pinagsalikop ang mga kamay.
"K-koki, ikaw pala," aniya na hindi niya mawari kung anong dating niyon kay Koki.
Kumunot ang noo nito. "Kanina pa ako rito, Abella. I can't believe you here." Ngumiti ito. "By the way why are you here? Hindi ko ito inasahan."
Hindi siya rito makatingin. Hindi pa siya nakakarecover sa mga narinig mula sa waiter na iyon.
"If you're here because of Nathan, I'm sad to say but he left a few minutes ago. Mukhang nagkasalisihan kayong dalawa," anito na tila nabasa ang hitsura niya.
"A-ah! H-hindi si Nathan ang pinunta ko rito. Napadaan lang ako at naisipan kong kumain dito sa restaurant mo," pagsisinungalin niya, saka nag-aalangang ngumiti.
Tumaas ang kilay ni Koki sa narinig pero mayamaya'y napangiti ito. "C'mon, Abella don't deny it. I'm not naïve at base sa mga mata mo, nandito ka para kay Nathan. Pilit mo mang itago pero sorry magaling akong mambasa ng mga mata lalo na't umiiwas ang mga iyon sa mga mata ko."
Bahagya siyang yumuko dahil tama ito. Wala nga palang kwenta 'yong alibi niya. Si Koki nga pala ang nasa harap niya at kilala na niya ito sa ganoong katangian.
Nag-angat siya ng tingin. "Pero mukhang huli na ang lahat, Koki," malungkot niyang sabi at mapait na ngumiti. "Mukhang nahuli na ako ng dating. Nandoon na siya, 'di ba kasama si Melaine?" Gumuguhit ang sakit sa puso niya. Masyadong masakit na sa mga panahong iyon hindi siya ang kasama nito.
Saglit na yumuko si Koki habang seryoso ang mukha dahil alam nitong alam na niya kung sino ang kasama ni Nathan.
"So, are you giving up? Ipapaubaya mo na lang si Nathan kay Melaine?" seryosong tanong nito habang nakatingin sa mga mata niya.
Umiwas siya ng tingin. Bahagyang kumiling. "Ayaw ko siyang ipaubaya, Koki pero paano kung...paano kung siya na mismo ang magpaubaya sa sarili niya kay Melaine?" malungkot niyang tugon.
Gusto niyang magtiwala kay Nathan pero dahil sa mga nalalaman niya naapektuhan siya. Nasasaktan siya at natatakot na baka huli na ang lahat. Na baka hindi na siya.
"Do you believe that he truly like Melaine? Kung ayaw mo siyang ipaubaya, then fight for him. Hindi pa huli ang lahat sa inyo hanggat nagtitiwala ka kay Nathan. Sinabi niyang mahal ka niya at kilala mo si Nathan hindi madaling mabura kung ano ang sinabi niya." Ngumuso pa ito.
Nagkaroon ng malaking puwang ang pag-asa sa puso niya. Si Koki na ang nagsalita, kilala na nito si Nathan ng higit sa kaniya.
"Sir, here's the juice."
Naagaw ng waiter ang atensyon nilang dalawa. Inilapag nito ang juice sa harapan nila ni Koki.
"Thanks," sabi ni Koki. Umalis na rin ang waiter.
"Salamat, Koki dahil sa mga sinabi mo lalong tumibay ang pagtitiwala ko kay Nathan. Magkalayo man kami pero nararamdaman ko pa rin na mahal niya ako at panghahawakan ko iyon," matapang niyang turan.
Ngumiti si Koki, saka tumango. Noon pa man kasi ay nasa panig na nila ni Nathan ang binata. Marami rin itong naitulong sa kanila noon na ipinagpapasalamat niya.
Naapektuhan si Abella sa mga nalalaman pero magtitiwala siya kay Nathan dahil iyon ang sinasabi ng puso niya. Siya naman marahil ang kailangang gumawa ng efforts para sa kanilang dalawa.
–
"NAIINTINDIHAN ko, Abella huwag kang mag-alala," nakangiting sabi ni Neith kay Abella nang pumasok siya sa trabaho kinaumagahan. Agad niya itong kinausap para humingi ng tawad sa nagawa niyang pag-walk out nang nagdaang araw.
"Salamat po, Sir Neith sa pag-unawa kahit nagpakita ako ng pagka-unprofessional," malungkot pa rin niyang paghingi ng tawad.
"It's okay, I understand. Basta umaasa akong hindi na iyon mauulit, Abella. Sige na bumalik ka na sa trabaho," malumanay na sabi ni Neith.
Ngumiti siya at muling nagpasalamat sa kabutihan nito. Ipinangako niyang hindi na iyon mauulit. Masyadong mabait si Neith sa kaniya at ayaw niya iyong abusuhin.
Bumalik siya sa trabaho. Inayos niya ang sarili bago humarap sa mga customers. Pinipilit niyang maging approachable sa harap ng mga ito. Iparamdam na malugod ang pagtanggap ng restaurant sa mga ito.
Matapos ang trabaho niya sa restaurant ni Neith, mabilis siyang nagpalit ng damit at lumabas ng restaurant. Kailangan niyang maabutan si Nathan sa restaurant. Gusto niya itong makausap. Hindi siya susuko hanggat hindi niya ito nakakausap.
Halos talunin ni Abella ang taxi nang huminto ito sa harap niya. Gusto pa niyang sabihin sa driver na paliparin na iyon kung maaari para mabilis na makarating sa restaurant ni Neith. Halos hindi na nga siya makahinga dahil sa kaba at excitement. Tapos ang bagal pa ng taxi-ng nasakyan niya.
Agad na inabot ni Abella ang bayad sa driver at hindi na nag-abalang kunin ang sukli. Tinakbo niya ang distansiya niya at ng restaurant. Pero ganoon na lang ang paglaylay ng mga balikat niya nang madatnang wala na roong tao. Tanging ilang staff na lang ang naroon na naglilinis.
Parang binagsakan ng langit at lupa ang hitsura niya. Huli na naman siya. Wala na si Nathan. Pumihit siya pabalik at walang ganang umupo sa hagdan. Kailangan ba niya matatagpuan si Nathan? Kailan niya ito makakausap? Nananabik na siya rito.
"Ano'ng ginagawa mo rito?"
Malamig na boses ang narinig niya mula sa kaniyang gilid. Nagwala agad ang puso niya dahil kahit kailan hindi niya malilimutan ang boses ni Nathan. Lumingon siya rito. Nagliwanag ang mukha niya nang bumungad sa kaniya si Nathan. Nakapamulsa ito. Blangko ang mukha.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo. "N-nathan, mag-usap tayo please," agad niyang sabi. Kung kailangan niyang magmakaawa, gagawin niya.
"Umuwi ka na, Abella wala tayong pag-uusapan," diretsong anito.
Bakit ganoon? Bakit ang lamig ng boses nito na para bang hindi ito natutuwang makita siya.
"N-nathan, please kahit saglit lang," patuloy niya kahit dahan-dahan nang napupunit ang puso niya. "Bakit bigla ka na lang nawala? Nagsawa ka na ba?"
Yumuko ito ng bahagya. Kumiling ang ulo. "Hindi ba't ito naman ang gusto mo. I just did what you wanted, Abella. Isn't enough?"
Natatakot na siya sa mga susunod na maririnig mula rito. Parang hindi na niya kakayanin ang mga iyon.
"H-hindi ko sinabing umalis ka, Nathan at kahit kailan hindi ko gustong iwan mo ako. Naguguluhan lang ako ng mga panahon iyon pero hindi ko hiniling na sumuko ka. N-nathan, naduwag lang ako noon." Hinawakan niya ang braso nito.
"Then, you're late, Abella. Sumuko na ako dahil pagod na akong ipaintindi sa 'yo kung ano ang nararamdaman ko."
Parang sinasaksak ng paulit-ulit ang puso niya dahil sa mga sinabi nito. Hindi niya maintindihan. Bakit ngayon pa kung kailan handa na siya.
"Hindi totoo 'yan, Nathan." Hindi na niya napigilan ang sarili. Kumawala ang mga luha sa kaniyang mga mata na tila sabik na sabik. "H-hindi ako naniniwala, Nathan. A-alam kong nagsisinungalin ka lang...nagsisinungalin ka lang, Nathan," pagpupumilit niya. Mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak dito.
"No, I'm not lying, Abella. Tanggapin mo na lang na lahat nagbabago at kasama roon ang nararamdaman ko." Pinalis nito ang kamay niyang nakakapit sa braso nito.
Parang paulit-ulit na binagsakan ng mabigat na bagay ang puso niya dahil sa ginawa nito.
"H-hindi ko tatanggapin, Nathan. Kung ginagawa mo 'to para saktan ako at ma-realize kong mahal kita, hindi na kailangan, Nathan. Nandito na ako, handa na akong mahalin ka. Handa na akong bumalik sa mundo mo kahit na ano'ng mangyari. Nathan, payag na ako. Binibigyan ko na ng pagkakataon ang pagmamahalan natin. Nathan!" Patuloy sa pagbagsak ang mga luha niya. Kung panaginip iyon, sana'y magising na siya.
"Nagkakamali ka, Abella. I'm not doing this for you to realized that you love me, I am doing this because I'm done with you."
Lalong lumakas ang pagbuhos ng kaniyang mga luha. Walang mapagsidlan ang sakit na nadarama niya.
"H-hindi...hindi ako naniniwala, Nathan. Alam ko...nararamdaman kong mahal mo pa ako. B-bakit kailangan mo 'tong gawin? Nandito na ako at handa nang sumugal." Pinaniniwala niya ang sarili na nagsisinungalin lang si Nathan. Na mahal pa siya ito.
"Stop this, Abella. Hindi ko gustong saktan ka kaya itigil mo na 'to. I'm sorry." malunamay na sabi nito. "Ako ang totoong duwag." Pagkasabi niyon, nag-martsa na ito palayo.
Naiwan siyang luhaan. Sugatan. Umaasang panaginip lang ang lahat ng iyon at bukas paggising niya babalik sa normal ang lahat. Babalik si Nathan sa kaniya at sabay nilang haharapin ang bagong buhay na magkasama.
"H-hindi ako naniniwala, Nathan. M-mahal mo ako...alam ko." Napaupo na lang siya sa hagdan. Wala siyang lakas para habulin si Nathan. Nadudurog ang puso niya kasabay ng pagtakas ng kaniyang lakas.
Bakit parang ang bilis? Parang kahapon lang ito ang naghahabol sa kaniya tapos ngayon hindi na siya nito mahal? Hindi niya iyon paniniwalaan. Tama ang sinabi nu Koki, hindi madaling maglaho kung ano ang sinabi ni Nathan at panghahawakan niya iyon.
Hindi niya susukuan si Nathan hanggat hindi niya sigurado na wala na talaga itong nararamdaman sa kaniya. Ipaglalaban niya ang nararamdaman sa binata at ang pinanghahawakang paniniwalang mahal pa siya nito.