PAGKATAPOS ng naging tagpo ni Abella at Nathan nang nagdaang gabi, halos maubos ang luha niya dahil sa kakaiyak. Hindi niya matanggap na nangyari iyon. At naniniwalang panaginip lang ang lahat at gigising rin siya na si Nathan ang bubungad sa kaniya.
"Hindi ko maintindihan ang Nathan na 'yan. Noong nakaraan lamang ay todo habol siya sa 'yo tapos ngayon sasabihin niyang wala na siyang nararamdaman sa iyo? Oh my god! Ano bang trip niya?" nanggigigil na saad ni Julio matapos niyang magkwento rito. Nakapamaywang pa ito na halata ang galit sa mukha dahil sa nalaman nito mula sa kaniya.
"Hindi ko rin maintindihan, Jennifer. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Parang gusto kong paniwalaan lahat ng mga sinabi niya pero umaasa pa rin ako na nagsisinungalin lang siya." Nasaktan man siya pero hindi iyon sapat para sumuko siya.
"My god, Abella! Huwag mong sabihing hahabulin mo pa rin ang mokong na 'yon. Pagkatapos ng ginawa niya, pagkatapos ka niyang saktan. Balak mo pa talagang makisama sa grupo ng mga martyr. Nababaliw ka na ba? Hindi pa ba sapat sa 'yo ang sakit na dinulot niya? Hindi mo siya deserve, Abella," sermon agad nito. Napahimas pa ito sa ulo indikasyon na galit na ito. Tinawag na rin siya nito sa kaniyang pangalan.
Yumuko siya. Nababaliw na nga marahil siya pero wala siyang pakialam. Martyr man siya sa paningin ni Julio o ninuman, wala siyang pakialam. Basta hindi siya susuko hanggat may pinanghahawakan siyang pagmamahal para rito.
"A-alam ko nasaktan niya ako, Jennifer pero sa kabila niyon alam kong mahal pa rin niya ako. Nararamdaman ko iyon."
"Abella, gumising ka nga! Sinampal na niya sa 'yo ang katotohanan. Hindi mo pa ba paniniwalaan iyon, sa kaniya na mismo nanggaling."
"Kahit na, Jennifer. Pakiramdam ko, iba ang sinasabi niya sa nararamdaman niya. Nararamdaman kong parang may mali. May hindi tama," pilit niya sa kaibigan kahit alam niyang hindi na siya nito papakinggan.
"Talagang may mali, Abella. At alam mo kung ano 'yon? Mali na ipagpilitan mo ang sarili mo sa sa taong itinataboy ka na. Mali, Abella, maling-mali. Nakakaloka!" Bumuntong hininga ito, saka saglit na pumikit. Mapinlantik pa ang mga kamay nito na hinimas ang sintido.
"Malakas ang kutob kong may mali. May nangyayaring hindi ko alam...dahil hindi si Nathan ang klase ng tao na basta-basta na lang susuko." Alam niyang kahit ano'ng sabihin ni Julio sa kaniya hindi pa rin niyon mababago ang isip niya.
Lalong puminta ang inis sa mukha ni Julio. "People change, Abella alam mo 'yan." Nakapamaywang ito na halos mamula na ang pisngi dahil sa inis.
Nagsusumamong tiningnan niya ito. "Alam ko 'yon, Jennifer pero hindi si Nathan. Dahil alam kong hindi nagbago ang nararamdaman niya sa akin dahil nararamdaman ko iyon. Alam ko!" malungkot niyang tugon. "May mali lang talaga. May hindi ako maintindihan. Hindi ako naniniwala na sa loob lamang ng mahigit isang linggo, nawala na agad ang nararamdaman niya sa akin." Kunot-noo niyang sabi.
"Ano'ng hindi mo maintindihan doon, Abella? Dahil akong intinding-intindi ko na itinataboy ka na ni Nathan palayo sa kaniya." Lumapit si Julio sa kaniya at pabagsak na umupo sa tabi niya.
Humarap siya rito. "Kahapon pinuntahan ako ni Tita Irene sa restaurant, pinipilit niya akong tigilan na ang pagsunod sa anak niya. May sinabi pa siya sa huli..." Pilit niya iyong inalala. "Sabi niya, alam ko raw ang kaya niyang gawin paghiwalayin lang kami ni Nathan. Hindi ba't kaduda-duda iyon?" pagtatapat niya rito.
"So, sinasabi mo bang may kinalaman ang Irene na iyon sa naging pagbabago ni Nathan?" tila nag-iisip din na tanong ni Julio.
Tumango si Abella. Wala siyang ibang maisip na dahilan kung bakit bigla na lang naging ganoon si Nathan maliban kay Irene. Alam na niya ang takbo ng utak nito. "Kung talagang totoo ang mga sinabi ni Nathan sa akin, bakit kailangan pa akong puntahan ni Tita Irene at sabihing tigilan na ang anak niya?" tanong niya rito. Malaking palaisipan iyon sa kaniya.
Natahimik si Julio sa mga narinig. Marahil nagkaroon na ito ng ideya. "Wait, iniisip mo ba na may ginawa o sinabi si Irene kay Nathan para itaboy ka palayo?"
"Ganoon na nga, Jennifer. Kilala nating pareho si Tita Irene, gagawin niya lahat para lang hindi kami magkatuluyan ni Nathan. Kaya hindi talaga ako naniniwala kay Nathan."
"Pero paano kung totoong wala ng nararamdaman si Nathan para sa 'yo? Paano kung talagang nagsawa na siya at sumuko?" mahinahon na nitong tanong.
Napayuko siya dahil sa sakit at lungkot na naramdaman niya. Iisipin pa lang niya, parang mababaliw na siya. "H-hindi iyon mangyayari, Jennifer." Para lang kalmahin ang sarili kaya sinabi niya iyon dahil alam niya mismo na may posibilidad lahat ng mga sinabi nito.
"Sige ganito na lang, Abella kung talagang kagagawan 'to Irene sige, habulin mo si Nathan pero oras na masaktan ka na ng husto. Oras na madurog na 'yang puso mo, maawa ka naman sa sarili mo tumigil ka na. Dahil kung talagang mahal ka ni Nathan ipaglalaban niya iyon. Babalik at babalik siya para ipaglaban ka."
Ramdam na ramdam ni Abella ang concern sa boses ni Julio. Alam niyang nag-aalala lang ito sa kaniya kaya ganito na lang ito maka-react. Ayaw lang nitong masaktan siya ng husto dahil nangyari na iyon sa kaniya noon.
Tumango siya sa kaibigan para i-aasure ito. Dahil iyon naman marahil ang gagawin niya sakaling mapatunayan niyang hindi na talaga siya mahal ni Nathan. Pero hanggat nararamdaman niya si Nathan, hindi siya titigil. Hindi na siya magiging duwag.
–
"GIRL, hindi nga tayo pwedeng umakyat sa condo ni Nathan dahil hindi iyon pwede hanggat walang pahintulot ng may-ari," saway ni Julio kay Abella dahil sa pagpupumilit niyang umakyat sa ikalimang palapag ng gusali kung nasaan ang condo unit ni Nathan.
Ngumuso siya habang malungkot ang mukha. Nasa ground floor sila ng gusali kung saan malapit sa reception area. Gusto na nga niyang sumibat patungo sa elevator kaya lang pamasid-masid ang guard na iyon na tila alam na may balak siyang tumakbo.
"Kung gusto mo maghintay na lang tayo rito," suhestiyon ni Julio.
Bumungtong-hininga siya. "Ano pa nga ba, wala naman na tayong magagawa," pagpayag niya.
Kahit alam niyang tutol pa rin si Julio sa paghabol niya kay Nathan, napilit pa rin niya itong samahan siya. Alam rin niyang naniniwala ito sa kaniya na baka may kinalaman si Irene sa nangyayari pero hindi rin nito maiwasang isipin na baka talagang sumuko na si Nathan.
Lumapit silang dalawa sa bench na naroon. Naupo sila roon habang busy ang mga mata niya sa kakamasid sa paligid, umaasang makikita roon si Nathan.
"Hindi ko alam kung bakit nandito ako at patuloy ka pa ring sinusuportahan sa kagagahan mo," mahinang reklamo ni Julio. Humalukipkip pa ito.
Bumaling si Abella sa kaibigan. "Alam ko naman kasing may bahagi sa isip mo na naniniwala sa akin," sagot niya.
"Paano mo nasabi? Nakakaloka ka, Abella." Nang-irap pa ito na ikinangiti na lang niya.
"Wait me, Nathan."
Mabilis na gumalaw ang mga mata niya patungo sa babaeng nagsalita at ganoon na lang ang panglalaki ng mga mata niya ng makita si Nathan. Naka-jeans ito habang long-sleeve at nakapamuksa. Habang si Melaine nasa likod at humahabol kay Nathan.
Dahan-dahan siyang napatayo sa kinauupan. Nagwala ang nakakulong niyang puso na tila handa nang kumawala. Napangiti siya kahit kinakabahan siya sa maaring sabihin ni Nathan sa kaniya.
Nag-ipon siya ng lakas ng loob. "N-nathan," sigaw niya.
Parang slow motion sa kaniya ang paglingon nito. Pero parang may humiwa sa kaniyang puso ng makita ang pagkadismaya sa mga mata nito. Hindi rin nagtagal ang tingin nito sa kaniya, umiwas din ito, saka nagpatuloy sa paglalakad. Umirap naman si Melaine sa kaniya at muling hinabol si Nathan. Nang maabutan nito si Nathan kumapit agad ito braso ng binata.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang emosyong nagtutulak sa kaniyang mga luha palabas sa mga mata niya. Pumikit siya saka nagbuga ng hangin. Tiningnan niya muli si Nathan, at nagsimulang habulin ang binata.
"Abella," saway ni Julio sa kaniya na hindi na niya pinansin.
Nakalabas na siya ng gusali. Mabilis niyang iginala ang kaniyang paningin para hagilapin si Nathan pero wala siyang makita. Tumakbo siya patungo sa parking area, nagbabakasakaling nandoon si Nathan.
Nadatnan niya ang ilang mga kotse roon, pero si Nathan lang ang hinahanap ng kaniyang mga mata. Bumukal ang saya sa puso niya nang makita ito sa isang sasakyan doon. Nakasandal ito roon. Napangiti siya.
"Girl, hintayin mo 'ko."
Hindi niya pinansin si Julio. Mamaya na lang niya ito kakausapin kapag nakausap na niya si Nathan. Maiintindihan naman siya nito.
"N-nathan," nagsusumamong tawag niya sa pangalan nito.
Malamlam ang mga matang tiningnan lang siya nito. Hindi niya mabasa ang iniisip nito dahil sa blangko nitong expression.
"Mag-usap tayo, Nathan. Ayusin natin kung ano'ng meron tayo." Lumapit pa siya rito.
"Ayusin ang meron tayo?" Ngumisi ito. "Ano nga bang meron tayo, Abella?" Malamig pa rin ang boses nito na nagdadala ng sandamakmak na kaba sa puso niya.
"Nathan, alam kong naging unfair ako sa 'yo. Nakalimutan kong hindi lang ako ang nasaktan noon pero kung umakto akong parang ako lang ang naging biktima ng nakaraan. Naging madamot ako. Pero ngayon, handa na ako Nathan. Hindi na magulo ang isip ko. Hindi ko na babalikan ang nakaraan...handa na akong bumalik sa 'yo." Kahit nasasaktan siya, ngumiti siya rito umaasang makikinig ito.
Walang expression ang namutawi sa mukha nito. Nanatili iyong blangko. "After what I've said to you last night, you still here asking me to comeback? You're desperate, Abella."
Para iyong patalim na ibinato sa puso niya. Ang sakit niyon lalo na't kay Nathan mismo nanggaling ang mga salitang iyon.
"Desperada na kung desperada, Nathan pero hindi ako titigil hanggat hindi ka bumabalik sa akin. Saktan mo man ako ng paulit-ulit pero hanggat naniniwala akong mahal mo pa rin ako, hindi ako titigil. Magmamakaawa ako kung iyon ang gusto mo. Luluhod ako." Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata na kanina pang nasa gilid ng mga mata niya.
"Damn, Abella! Why you need to make it complicated? Pinapalaya na kita hindi mo ba alam iyon? Inilalayo na kita sa sinasabi mong magulo kong mundo." Ang blangkong mukha nito ay napalitan ng sari-saring emosyon. "Hindi ba't ikaw na rin ang nagsabi na ayaw mo ng magulong mundo. Na ayaw mo sa mundo ko na walang idinulot sa 'yo kung hindi sakit. Then now you're here begging me to comeback. I'm sorry, Abella but I can't back."
Pilit niyang hinahanap ang pagsisisi at sakit sa mga mata nito pero hindi niya iyon makita. Para bang totoo lahat ng mga sinabi nito pero ayaw niyang paniwalaan.
"H-hindi ganoon 'yon, Nathan. Hindi ba't ikaw na rin ang nagsabi na nararamdaman mo na mahal kita? Nandito na ako, Nathan handang pasukin ang mundo mo. Kahit pa gaano 'yon kagulo. Kahit pa saktan ako nito ng paulit-ulit. Nathan, please ayusin natin 'to. A-alam kong...alam kong mahal mo pa ako, at nararamdaman ko iyon, Nathan. Panghahawakan ko iyon." Patuloy sa pag-agos ang luha sa mga mata niya. Gusto niyang sugurin si Nathan at yakapin ito pero alam niyang may pagitan sa kanilang dalawa.
"H-hindi ko alam kung bakit ginagawa mo 'to, Nathan pero anumang dahilan wala akong pakialam. Hindi ako titigil hanggat nararamdaman kong mahal mo pa ako. Hindi ako titigil. Ako naman ang hihingi ng pagkakataon sa 'yo." Desperada man siya sa paningin ng lahat, wala siyang pakialam.
Ayaw na ni Abella na magsisi sa huli. Na pakawalang muli ang taong mahal niya. Gagawin niya lahat para maayos niya ang lahat.
"I'm sorry, Abella."
Blangko na naman ang mukha nito habang hindi makatingin sa mga mata niya.
"What you're doing here? Well, you don't need to answer my question. Ano pa nga bang aasahan ko, 'di ba Abella? Naghahabol ka nga pala na parang asong nawalan ng amo."
Napatingin si Abella kay Melaine na sumulpot na lang ng hindi niya napapansin. Nakangiti ito na tila natutuwa sa nasasaksihan.
Hindi niya ito pinansin at muling tiningnan si Nathan. Nagsusumamo ang mga mata. "N-Nathan, please give me a chance...gagawin ko lahat para baguhin ang isip mo. P-para m-mahalin mo ulit ako." Lumapit pa siya kay Nathan at sa isang iglap lamang ay naghinang ang kanilang mga labi. Napapikit siya kasabay nang pagtulong ng kaniyang mga luha. Ninamnam niya ang halik na iyon dahil alam niyang maaaring iyon na ang huling halik na pagsasaluhan nilang dalawa.
Humiwalay siya sa halik na iyon na halos maubusan na ng hininga. Napangiti siya dahil sa sayang sumulpot sa damdamin niya dahil sa hindi pagtutol ni Nathan na lalong nagpalakas sa t***k ng puso niya. Indikasyon iyon na marahil ngang mahal pa siya nito.
"How dare you to kissed my boyfriend, Abella."
Naramdaman niya ang kamay ni Melaine na humila sa kaniya. Hinarap siya nito na kita sa mga mata ang galit dahil sa ginawa niya pero wala siyang pakialam dahil naniniwala siyang pag-aari pa rin niya si Nathan.
"Hindi ba't ginawa mo rin naman iyon sa kaniya?" balik niya rito. Kusa nang huminto ang mga luha sa kaniyang mga mata na tila naubus na iyon.
Nagpanting ang mga bagang ni Melaine na parang anumang sandali ay tatama sa kaniyang pisngi ang palad nito.
"Are you blind, Abella? Pinagtatabuyan ka na nga ni Nathan but you still here na parang asong naghahabol. You're desperate!" galit na tugon nito na halatang nagpipigil.
Napapikit siya nang mariin dahil sa sakit na dulot niyon. Isinampal nito sa kaniya ang katotohanang pilit niyang sinasalungat.
"Stop it!" Mabilis na lumapit sa kaniya si Nathan at hinawakan ang kaniyang braso. "Itigil mo na 'to, Abella. Sinabi ko na sa'yong wala ng pagkakataon para sa ating dalawa. We're done. Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo. Hindi ka ganiyan, Abella."
Hindi siya makapaniwala sa mga narinig mulay kay Nathan. Sana nga'y panaginip lang ang lahat para kinaumagahan balik na sa normal ang lahat. Para bukas siya na ulit ang mahal ni Nathan.
Muling bumukal ang luha sa kaniyang mga mata. "H-hindi ako naniniwala! Hindi ko paniniwalaan ang sinasabi mo dahil alam kong iba ang sinasabi ng puso mo, Nathan. Nararamdaman kong mahal mo pa rin ako. Nararamdaman ko!" Hinawakan niya ang braso nito.
"Please, Abella huwag mo ng pahirapan ang sarili mo. Huwag mong ibaba ang sarili mo para sa kagaya ko. I'm not deserve you, Abella. We just need to accept that we're not meant to be," malumanay na sabi nito. "I'm so sorry!" Hinawi ni Nathan ang kamay niyang nakakapit sa braso nito na para bang slow motion iyon. Nakisimpatiya sa kaniya ang mga luhang muling nagpapasikat sa pagbagsak. Parang pinipiga ang puso niya dahil sa sakit na bumabalot doon.
"B-bakit ko paniniwalaan ang mga sinasabi mo kung nararamdaman ko pa rin 'yong pagmamahal mo sa akin, Nathan? Hindi ako naniniwala na sa isang iglap lang nagbago na ang nararamdaman mo para sa akin. Hindi ko paniniwalaan iyon!" Muli niyang sinubukang hawakan ang braso ni Nathan pero iniwas nito iyon.
Blangko ang mukha ni Nathan na hindi pa rin magawang tumingin sa mga mata niya ng diretso.
"I can't believe that you're doing this, Abella," pailing-iling na anito.
Kahit naman siya'y hindi inakalang magagawa ang ganitong bagay. Hindi niya inakalang gagawin niya lahat para lang kay Nathan.
"Dahil mahal kita, Nathan. Mahal kita," masuyo niyang sabi. "Nagsisisi ako na nagpakain ako sa takot ng nakaraan. Pinagsisisihan kong hindi kita agad binigyan ng pagkakataon at hindi ko inamin agad ang nararamdaman ko para sa 'yo. Nagkamali ako kaya nandito na ako ngayon dahil ayaw ko nang mawala ka dahil mahal kita, Nathan."
"You're late, Abella," mahinang anito na bahagyang nakakiling ang mukha.
Nanatili ang mga mata niya sa mukha nito, nagsusumamo ang mga iyon.
Muli siyang tiningnan ni Nathan bago ito tumalikod at nagmartsa palayo sa kaniya. Nanghihina siya. Hindi niya kayang habulin si Nathan. Tuluyan na siyang nawalan ng lakas.
Ngiting tagumpay naman ang ibinato sa kaniya ni Melaine bago sumunod kay Nathan. Magkasama silang sumakay sa kotse ni Nathan at tuluyan iyong lumayo.
Pakiramdam ni Abella tinalikuran siya ng mundo dahil sa nangyari. Mabilis na dinaluhan siya ni Julio.
"In sorry, Abella wala akong nagawa," sabi nito na malungkot ang mga tinig.
Hindi siya umimik. Patuloy na nadudurog ang puso niya dahil sa nangyari. Masyado siyang wasak. Kumapit siya sa braso ni Julio at niyakap ito. Kailangan niya ng makakapitan dahil pakiramdam niya wala na siyang lakas. Kumawala na ang mga hikbi sa bibig niya kasabay ng mga luhang walang patid. Sakit na walang humpay.