PAKIRAMDAM ni Abella may sampung kabayong nagtatakbuhan sa dibdib niya dahil sa kabang namumutawi roon. Kahit na ramdam niya ang presensiya ni Nathan sa kaniyang tabi hindi pa rin niyang maiwasang ang hindi kabahan. Sa totoo nga'y nilalamon na siya ng kaba simula pa nang nagdaang gabi. "Are you okay, Abella?" pukaw sa kaniya ni Nathan. "We're here," anunsiyo pa nito. Napansin marahil ni Nathan na kinakabahan siya dahil sa pagiging tahimik niya simula nang sunduin siya nito kanina. Pilit siyang ngumiti kahit parang nahihirapan siya. "N-nathan," nag-aalangang tawag niya sa pangalan nito. Nagtatanong na tumingin ito. "Kinakabahan ako," pagtatapat niya. Napangiti si Nathan dahil sa sinabi niya. Nananatili pa rin sila sa loob ng kotse nito. "It's obvious, Abella." Kinuha nito ang mga kamay

