MATAPOS ihatid ni Nathan si Abella nang nagdaang gabi, halos hindi na rin siya nakatulog dahil sa mga nangyari. Hindi siya makapaniwalang nangyayari ang lahat ng iyon. Na ayos na sila ni Nathan at hindi na kailangang magtaguan at magsakitan. Walang mapagsidlan ang sayang bumabalot sa puso niya na siyang nagbura ng mga sakit at sugat na naroon. Ilang linggo niyang hinabol si Nathan at tiniis ang lahat ng sakit at ngayo'y tila nagbunga ang lahat ng iyon. Ang pagtitiis at pagiging martyr niya. Masaya siya na hindi niya sinukuan si Nathan. Na ipinaglaban niya ang paniniwala't nararamdaman niya para rito. "Nathan?" gulat niyang banggit sa pangalan ni Nathan nang madatnan niya ito sa sala kaharap ang kaniyang ina. Hindi niya inasahan na ganoon ito kaagang pupunta roon. "Kanina pa rito si Nath

