"ANONG ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Abella kay Melaine nang madatnan niya ito sa labas ng restaurant. Katatapos lang ng trabaho niya. "Well, gusto lang kitang kumustahin ngayon, Abella. Mukhang ang saya-saya mo kasi, eh," nakangiting sabi nito. Hindi niya alam pero hindi siya mapalagay. May kakaiba siyang nararamdaman sa babaeng iyon. Kinakabahan siya. "Kilala na kita, Melaine at alam kong hindi iyon ang pakay mo," pagtatapat niya rito dahil ayaw niyang makipagplastikan. Bahagya lumapit si Melaine sa kaniya. Kalmado lang ito. "Ano ka ba, Abella I'm serious. Gusto talaga kitang kamustahin at makita kung gaano ka kasaya habang na sa 'yo si Nathan." Gusto niyang paniwalaan na totoo ang sinasabi nito pero nahihirapan siya dahil kilala na niya si Melaine. Ito ang tipo ng taong hind

