Kabanata 27

2544 Words

MABILIS na niyakap ni Abella ang ina nang makauwi siya galing sa condo ni Natha. Gusto niya ng makakapitan hanggang maaari dahil pakiramdam niya mabubuwal siya sa sobrang sakit at bigat na nararamdaman niya. Hindi niya alam kung paano haharapin ang bawat sakit na iyon. Gusto niyang sumigaw at ilabas iyon dahil pakiramdam niya hindi niya kakayanin. Masyadong masakit na tila ba si Nathan mismo ang pumipiga ng puso niya. Ang lalaking nangako sa kaniya na hindi siya sasaktan at puprotektahan siya. Akala niya'y perpekto na ang relasyon nila ni Nathan at hindi siya nito lolokuhin dahil alam niyang mahal siya nito pero nagkamali siya dahil kahit gaano pala kasaya ang isang relasyon, darating pa rin ang panahong may masasaktan. Sa dami ng mga pinagdaanan nila ni Nathan akala niya kaya na niyang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD