NATIGILAN si Abella nang makita si Irene na pumasok sa restaurant ni Neith. Mabilis na kumabog ang dibdib niya dahil sa kaba. Malakas kasi ang kutob niya na siya ang pakay nito kung bakit ito naroon. Inilibot nito ang paningin na tila may hinahanap, bago naglakad patungo sa bakanteng table at tinawag si Carla. Nagtago siya para hindi nito makita. Humigpit ang pagkakawak niya sa tray na dala. Kinakabahan siya sa maaring mangyari kung sakaling siya man ang pakay nito. Natatakot siya. Umayos siya ng tayo nang makita niyang papalapit sa kaniya si Carla. "Abella, gusto ka raw makausap ng customers na iyon." Tinuro nito si Irene na nasa gilid na bahagi ng restaurant. Inaasahan na niya iyon pero sinalakay pa rin siya ng sandamakmak na kaba. Parang nanghihina siya. Wala siyang sapat na lakas n

