TAGPO

1036 Words
THIS IS A WORK OF FICTION. NAMES, CHARACTERS, PLACES, AND INCIDENTS EITHER ARE THE PRODUCT OF THE AUTHOR'S IMAGINATION OR ARE USE FICTITIOUSLY, AND A RESEMBLANCE TO ACTUAL PERSONS, LIVING OR DEAD, BUSINESS ESTABLISHMENTS, EVENTS, OR LOCALES, IS ENTIRELY COINCIDENTAL THIS WORK IS A STORY OF TWO PEOPLE OF THE SAME s*x. IF YOU HAVE ISSUES REGARDING THIS KIND OF RELATIONSHIP OR ANYTHING ABOUT IT YOU ARE FREE TO LEAVE SO THAT YOUR BELIEFS ARE NOT DESTROYED. THIS STORY CONTAINS THEMES, LANGUAGE, VIOLENCE, SEXUALITY OR DRUGS THAT ARE NOT APPROPRIATE FOR YOUNG READERS. SO IF YOU ARE JUST A MINOR PLEASE DO NOT TRY OR ATTEMPT TO READ THIS YET. STRONG PARENTAL GUIDANCE IS NECESSARY. CHAPTER 1 ...DARK... Pumapatol ka ba sa bakla? tanong na gumulat sa akin habang nasa isang madilim na sulok ako ng park na yon. Park na sumaksi sa lahat ng aking tuwa, lungkot, tagumpay, pagkabigo, pagmamahalan at pagkasawi. Ito ang sulok ng park na nakakaalam ng mga hinaing ko sa buhay. Lalo na sa silong ng matayog na puno ng balete. Gusto mong sapukin kita, ang agad kong sagot ng makabawi sa pagkabigla. Walang patumpik tumpik na tanungin ba naman ako ng ganon. Pumunta lang naman ako doon para makahinga dahil napupuno na naman ako ng kabigatan sa aking dibdib. Muling bumabalik sa aking alaala ang paglayo niya at pag iwan sa akin. Kalma, masyado ka namang hot agad, nagtanong lang ako huwag agad init ulo okey, ang pangungulit niya sa akin. Gusto ko lang naman kausapin ka kasi nakikita ko ang lungkot sa mga mata mo. Matagal na akong nakamasid sayo mula sa malayo, at alam kong may mabigat kang dinadala diyan sa dibdib mo Dark. Nabigla ako ulit sa sinabi niya dahil alam niya ang pangalan ko. Anong ibig mong sabihin na nakamasid sa malayo at paano mo nalaman ang pangalan ko? ang nagtataka kong tanong sa kaniya. Kiss mo muna ako sasabihin ko sayo lahat lahat ng nalalaman ko tungkol sayo at ng baleteng ito, ang sabi niya sa mapang asar na tono at may kasama pang pagngisi na lalong nakadagdag sa asar ko. Baka gusto mong gripuhan kita ngayon dito ang pagbabanta ko naman sa kaniya. Kapal naman ng mukha niyang magbiro eh ni hindi nga kami close at lalong di kami magkakilala. Masyado kang seryoso Dark, loosen up, kinukulong mo masyado ang sarili mo sa kadiliman. Huwag mo masyadong dibdibin ang mga nangyayari sa paligid mo. Everything happen for a reason, ang matalinghaga niyang sagot sa akin. Wala kang paki sa buhay ko o sa kung ano man ang gagawin ko ang naiinis kong turan sa kaniya. Anakan mo nalang kaya ako, gawa tayo ng maraning anak, para naman maging masaya ang buhay mo ang patuloy na pagbibiro niya sa akin. Kaya naman umabot na ako sa sukdulan kong pagtitimpi at inundayan ko siya ng suntok, tatlo apat lima di ko na alam, di ko na mabilang basta pinaulanan ko siya ng suntok, tumigil lang ako nung mahalatang di man lang siya pumalag o nanlaban. Alam kong basag ang mukha niya dahil narin nabasa ang kamao ko ng dugo niya. Di ko man siya makita pero alam kong bugbog sarado siya sa akin at parang bigla akong nilukuban ng pagkakonsensiya. Inalog alog ko pa siya at kinakausap pero walang imik mula sa kanya, tanging pagdaing lang ang maririnig mo kaya naman lalo akong nabalot ng takot. Takot na baka napuruhan ko siya, takot na baka may mangyari sa kaniyang masama, at higit sa lahat, takot na baka napaslang ko siya. Sa isipin palang na napatay ko siya ay muling nanariwa sa aking balintataw ang mga pangyayaring pilit kong kinakalimutan at itinatago sa dilim ng lugar na to kasama ang mayabong na puno ng balete na siyang naging karamay at sandalan ko simula noon hanggang ngayon. Malalalim na paghinga ang ginawa ko dahil tila ako hinahapo. Daig ko pa ang tumakbo sa isang marathon. Naalimpungatan lang ako ng marinig kong umuubo ubo siya. Agad ko siyang inalalayan saka iuupo sana pero tinabig niya ang kamay ko at saka pilit na ipinatayo ang kaniyang sarili. Umayos siya ng tayo kahit na halatang nahihilo hilo pa ito. Sana nakabawas sa bigat diyan sa dibdib mo sabay turo sa aking dibdib ang ginawa mo sa akin. Pero sana tulungan mo din ang sarili mo para makaalis sa dilim ng rehas na ginawa mo para sayo. Hirap man pero tumalikod na siya. Nakailang hakbang na siya noon at tumama na ang kaniyang mukha sa liwanag na dala ng ilaw sa poste sa di kalayuan. Huminto siya sandali sa paglakad saka muling humarapa sa akin. Hindi ako kaaway, hindi ako kung sino lang, at lalong hindi ako nagpakita sayo para guluhin ka, andito ako para tulungan at alalayan ka. Huwag mong itaboy ang mga taong gusto kang tulungan at alalayan. Sa bawat salitang binibitawan niya ay ang pagpatak din ng dugo sa mga natamong sugat dahil sa pagsuntok ko sa kaniya. Sana makita mong muli ang liwanag upang makapagsimulang muli mula sa pagkalugmok KUYA DARK, ang huli niyang sinabi saka tuluyan nang tumalikod. Ganon pa man ay di nakaligtas sa aking paningin ang paglandas ng masagana niyang luha bago siya tuluyang makatalikod sa akin. Saka lang ako natauhan nung di ko na siya makita at di na alam kung saan siya nagtungo. Gumugulo na naman sa isip ko ang huli niyang sinabi. Kuya Dark, isang tao lang ang tumatawag sa akin ng ganon. at saka ko lang din naisip na may hawig nga sa boses niya ang taong yon. Agad akong nanakbo at sinundan ang daan na pinuntahan niya subalit hindi ko na siya nakita pa. Sino siya?, posible kayang siya yon?, kung siya nga yon, paano at bakit?. Mga tanong na bumabagabag sa akin ngayon. Umuwi ako ng bahay na bagsak ang balikat. Humiga ako sa sofa at pabagsak na inihiga ang sarili dahil sa panghihina. Iniisip ko parin ang lalaki sa park. Sa sobrang kakaisip ay di ko namalayang nag uunahan na palang maglandas ang mga luha ko sa aking mga mata. At bago ako lamunin ng kadiliman sa aking pagtulog ay nagawa ko pang sambitin ang pangalan ng isang taong kailanman ay di ko makakalimutan Light Gabriel Gabut Delgado.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD