LIHIM

1115 Words
THIS IS A WORK OF FICTION. NAMES, CHARACTERS, PLACES, AND INCIDENTS EITHER ARE THE PRODUCT OF THE AUTHOR'S IMAGINATION OR ARE USE FICTITIOUSLY, AND A RESEMBLANCE TO ACTUAL PERSONS, LIVING OR DEAD, BUSINESS ESTABLISHMENTS, EVENTS, OR LOCALES, IS ENTIRELY COINCIDENTAL THIS WORK IS A STORY OF TWO PEOPLE OF THE SAME s*x. IF YOU HAVE ISSUES REGARDING THIS KIND OF RELATIONSHIP OR ANYTHING ABOUT IT YOU ARE FREE TO LEAVE SO THAT YOUR BELIEFS ARE NOT DESTROYED. THIS STORY CONTAINS THEMES, LANGUAGE, VIOLENCE, SEXUALITY OR DRUGS THAT ARE NOT APPROPRIATE FOR YOUNG READERS. SO IF YOU ARE JUST A MINOR PLEASE DO NOT TRY OR ATTEMPT TO READ THIS YET. STRONG PARENTAL GUIDANCE IS NECESSARY. CHAPTER 2 ...LI... Hey what happened Li, bungad ni mama sa akin ng makitang duguan ang mukha ko at basag basag. Who did this to you son ang nag aalala niyang tanong sa akin. Wala to ma, napagtripan lang ako, ang sagot ko sa aking mama. Hindi ko sila totoong magulang inampon lang nila ako nung makita nila ako sa lansangan na naghahalungkat ng basura para may makain lang. Sobrang bata ko pa noon at nakayapak, sa tindi ng init ay gumawa lang ako ng tsinelas na gawa sa pinitpit na bote ng mineral. Naawa silang mag asawa sa akin kaya inampon ako. Pero lately ay lumalayo na ang loob ni papa sa akin simula nung mag come out ako sa kanila at aminin ang totoo kong pagkatao. Ewan di naman nagalit si papa pero di na niya ako kinakausap masyado. Ang sabihin mo binastos ka ng mga kalalakihan, bakit may natipuhan kaba sinabi mo at napikon sayo kaya binugbog ka? Yan ang napapala ng mga katulad mo, mahina ka at di mo nagawang ipagtanggol sarili mo kaya ayan bugbog ka ang sabat ni papa na pababa ng hagdan. Greg, Saway ni mama kay papa. Hindi nakakatulong yang mga sinasabi mo sa sitwasyon ng anak natin. Panenermon ni mama kay papa. Ma okey lang po, tama din naman si papa, mahina ako, isa pa nag aalala lang si papa alam ko yon at ramdam ko yon, mahal kaya ako ni papa, ang sabi ko kay mama na nakangiti. Sige po maliligo lang po ako para magamot ko ang mga sugat ko. Tumalikod na ako upang tunguhin ang aking kwarto. Huwag ka kasing lalampa lampa ang pahabol na sabi ni papa sa akin. Ngumiti ako kay papa at bahagyang tumango, pahiwatig na naiintindihan ko siya. Sige po pa, maliligo lang po ako sabi ko at tinungo na ang aking kwarto upang makapaligo na at magamot na ang mga sugat sa aking mukha. Agad akong nagtungo sa aking banyo at naligo, napasarap ako sa aking paliligo kaya naman di ko namalayan na mag iisang oras na pala ako doon. Nagulat nalang ako ng katukin ako ni mama. Anak lumabas kana diyan at gagamutin ko na ang mga sugat mo, huwag kana magbabad pa diyan kaninang kanina ka pa diyan ahh. Napabalikwas pa ako ng marinig ang boses ni mama. Opo ma lalabas na po, tapos na po ako ang sagot ko sa aking ina. Nagpatuyo lang ako ng katawan at buhok saka ibinalabal ang tuwalya paikot sa aking bewang. Pagkalabas ng banyo ay nadatnan ko doon si mama na inaayos ang mga gamot na gagamitin sa akin. Ma sana di kana nag abala pa kaya ko naman na po ang sarili ko, pero salamat ma I Love You ang sabi ko sa aking ina nang makita ko siya sa loob ng aking kwarto. Hay naku anak huwag mo na ako intindihin, halika na dito at ng magamot na kita, kawawa naman ang baby boy ko, ay baby girl na pala hihi ang natatawang sambit ni mama. Mama naman eh, bakla po ako oo pero huwag niyo naman po ako tawaging baby girl ansagwa eh ang maktol ko sa aking ina. Natutuwa lang ako anak, kasi ikaw ang naging sagot ng langit sa pangungulila ko na magkaroon ng anak, alam mo naman na ang kwento ko diba kaya hayaan mo nalang ang mama na ibaby ka ang sagot naman sa akin ni mama. Salamat din ma kasi kahit di niyo ako tunay na anak pero pinaramdam niyo talaga sa akin ang buo niyong pagmamahal kayo ni papa at doon palang sobrang blessed na ako ang sagot ko naman sa aking ina. Pagkatapos lagyan ng gamot ang mga sugat ko ni mama ay niyakap niya ako at hinalikan sa ulo. Nakayakap si mama sa akin ng makita kong sumilip si papa sa may pinto ng aking silid, may pait na ngiti sa kaniyang mga labi at bago umalis ay umiling pa ito at bagsak balikat na naglakad. Oh siya sige na matutulog na ako anak lumalalim na ang gabi, magpahinga ka nadin I Love You anak sabi ni mama. Mahal na mahal ko din po kayo mama kayong dalawa ni papa, good night ma at salamat sa paggamot sa mga sugat ko ang sabi ko at niyakap at hinalikan ko na si mama. Pagkalabas ni mama ay agad kong kinuha ang aking cp. Nagcheck ng mga notifications at saka naisipang istalk ang isang taong matagal ng may puwang sa aking puso. Ang taong lihim kong minamahal at spesyal sa aking buhay. Isang taong nagturo sa akin paano magmahal simula palang nung akoy bata pa. Ang aking kababata, ang nag iisang kuya ko na tagapagtanggol. My hero, my love, and my fantasy. Ang aking kuya Dark Simula nung araw na maisipan ko siyang isearch sa social media at matagpuan nga siya ay inalam ko lahat ang mga nangyayari sa kaniya. Simula noon ay lagi na ako nakamatyag lang sa kaniya sa malayo. Wala pa kasi akong lakas ng loob non na lapitan siya. Nahihiya ako sa kaniya dahil bata palang ako noon nung huli kaming magkita. Matanda ng tatlong taon sa akin si kuya Dark kaya kuya tawag ko sa kaniya. Pero ngayon at nagkalakas na ako ng loob na kausapin siya ay ipaparamdam ko sa kaniya ang pagmamahal na dapat lang na maramdaman niya. Hindi ko na hahayaan na mag isa ulit si kuya. Sasamahan ko siya sa lahat ng hamon niya sa buhay. Ako ang magiging kaibigan, at kasangga niya. Dahil siya lang naman ang tanging lihim kong minamahal simula pa noon. Kaya ngayong may kakayahan na akong tulungan siya ay tutulungan ko siya at pasasayahin. Pangako kuya di kana mag iisa andito na ako ang bulong ko sa picture niya sa kaniyang account sa isang social media platform. At bago ko pa ipikit ang mga mata ko sa gabing iyon, ay hinalikan ko pa ang kaniyang larawan, saka niyakap ang aking cp at saka pumikit upang magpatangay na sa kapayapaan ng gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD