MULI

1077 Words
THIS IS A WORK OF FICTION. NAMES, CHARACTERS, PLACES, AND INCIDENTS EITHER ARE THE PRODUCT OF THE AUTHOR'S IMAGINATION OR ARE USE FICTITIOUSLY, AND A RESEMBLANCE TO ACTUAL PERSONS, LIVING OR DEAD, BUSINESS ESTABLISHMENTS, EVENTS, OR LOCALES, IS ENTIRELY COINCIDENTAL THIS WORK IS A STORY OF TWO PEOPLE OF THE SAME s*x. IF YOU HAVE ISSUES REGARDING THIS KIND OF RELATIONSHIP OR ANYTHING ABOUT IT YOU ARE FREE TO LEAVE SO THAT YOUR BELIEFS ARE NOT DESTROYED. THIS STORY CONTAINS THEMES, LANGUAGE, VIOLENCE, SEXUALITY OR DRUGS THAT ARE NOT APPROPRIATE FOR YOUNG READERS. SO IF YOU ARE JUST A MINOR PLEASE DO NOT TRY OR ATTEMPT TO READ THIS YET. STRONG PARENTAL GUIDANCE IS NECESSARY. CHAPTER 3 ...DARK... Di ako dalawin ng antok sa kakaisip kung sino ba yung lalaki nayon. Bakit parang andami niyang alam tungkol sa akin. Bakit parang antagal ko na siyang kakilala. Di ko na alam sobrang gulong gulo ako. Dahil sa di ako mapakali ay kumuha ako ng beer sa kusina sa may ref. Pagkatapos kumuha ng apat na boteng beer ay bumalik ako ng kwarto at doon uminom. Nasa kalagitnaan ako ng paginom ko ng biglang tumunog ang phone ko. Unregistered number, nagtext sa akin. Nang buksan ko ang mensahe ay nagulat ako sa aking nabasa. "Malapit na birthday mo anong plano, advance happy birthday. Li" Yan ang eksaktong nakalagay sa text sa akin. Sinong Li naman ang magtitext sa akin? At bakit alam niya na malapit na birthday ko? Dahil sa kakaisip ay nagreply ako at tinanong kung sino siya. Sino kaba? ano ba paki mo sa akin? huwag mo nga akong ginugulo kung sino ka man na poncho pilato ka, ang sagot ko sa kaniya sa text. Maya maya lang ay sumagot siya sa aking mensahe. Ako ang iyong anghel dela guwardia, ako ang kaligayahan mo, ako ang kailangan mo, ako ang tutulong sayo, at ako ang taong nagmamahal sayo ng matagal ng panahon, ang sagot niya sa akin. Wala akong panahon para makipaglokohan sayo, ang simple kong sagot sa kaniya. Hindi kita niloloko, kaya nga kahit malayo ka ay mi amahal kita, huwag kang mag alala malapit mo na akong makilala Mr. Darklien Angelo Papuri Bautista. At sa pangalawang pagkakataon ay natulala na naman ako. Bakit niya ako kilala, buong pangalan ko ay alam niya. Sino ba talaga siya. Mabilis akong nagtipa sa keyboard ng aking cp. Kung di ka magpapakilala huwag ka nang magtext pa, I really don't talk to strangers ang sabi ko sa kaniya. Edi wala ng moment of surprise kung magpapakilala na ako sayo. Basta sa birthday mo, pupuntahan kita sa inyo, sabay tayong magsisimba sa ayaw at sa gusto mo. Tapos tatambay tayo sa park sa favorite hang out mo. Pasasayahin kita sa araw ng birthday mo. Ikaw pa ba eh mahal kaya kita. Sobrang espesyal ka sa buhay ko. Ang mahaba niyang paliwanag at text sa akin. Kahit initial lang wala ba? ang sagot ko naman sa kaniya. Basta ako ang hinihintay mong pag ibig ang mabilis niyang sagot sa akin. Saan mo nakuha number ko at paano mo ako nakilala ang tanong ko sa kaniya. Pag gusto maraming paraan eh gusto kita kaya paraparaan lang diba, ang sagot niya sa tanong ko. Ano ka ba, babae ok lalaki? tanong ko sa kaniya ulit. In between ang mabilis niyang sagot. So bakla ka ang paglilinaw ko. Matagal ng nababakla ako sayo ang sagot niya. Matagal mo na ba akong kakilala sunod na tanong ko sa kaniya. Matagal na panahon na, at simula makilala kita ay minahal na kita. Lul huwag ako iba nalang ang pambabara ko sa kaniya. Pwede rin naman pero ikaw lang sapat na kaya di ko na kailangan pa ng iba ang patuloy parin niyang banat. Alam mo sa tinagal ng panahon na di ako umibig, ikaw lang pala ang yayanig sa aking dibdib ang pagsakay ko naman sa kaniyang biro. Aba aba aba, bumabanat ka huh, pero wala akong balak yanigin ang mundo mo, tanging hangad ko lamang ay maangkin ang iyong puso, ang di papatalong banat niya. Pano pa ako makakahinga kung aangkinin mo ang puso ko, bobo naman nito ang biro ko sa kaniya. Ay napansin mo, nabobobo na kasi ako sa pagmamahal sayo, ang di parin matigil na banat niya. Okey lang na bobo ka tanggap naman kita kahit sino kapa ang sagot ko sa kaniya. Madami pa kaming mga kalokohan sa text. Di ko na nga napansin na alas tres na pala ng madling araw at naka walong bote na ako ng beer. Unang beses na nakipagpuyatan at nakipag usap ng matagal sa isang tao lalo at di ko pa kilala. Unang pagkakataong na nakipag textan ako ng ganto katagal. at unang beses kong pinalaya pansamantala ang aking sarili sa bigat na aking dinadala. Sa tagal ng panahon na ikinulong ko ang sarili ko sa bahay na nagmistulang preso sa akin at sa pagkulong ko sa sarili ko sa dilim ng nakaraan ay ngayon lang ako ulit nakipagkwentuhan sa isang tao. Siguro ay alam kong di ako ijujudge nito dahil di naman kami magkakilala talaga. Unang pagkakataon rin na nakahinga ako ng panandalian mula sa malalim na pagkalunod sa dami ng pagsubok na dumating sa buhay ko. I died several times in my life time pero ngyon lang ulit ako nakaramdam ng kahit na konting ginhawa ng paghinga. Yung tipong parang lahat ng problema ay nasolusyunan ng sabay sabay sa isang bagsakanblang kaya sobrang lumuwang ang dibdib at tila nawala ang lahat ng kinikimkim na bigat nito. Ganon ang pakiramdam ko habang nakikipag palitan ng mensahe sa isang tao na di ko naman talaga kilala. Tila ba ang pagdating niya ay isang liwanag upang tanglawan ang madilim kong mundo. Para siyang anghel na hulog ng langit upang iligtas ako sa napakaraming kalungkutan. Habang nakahiga ay biglang sumagi sa isip ko ang dati kong kababata. Ang nagiisa kong kaibigan, ang bunso bunsuan ko, at taong nilaan ko ng lihim na pagtingin kahit na kami ay musmos pa noon. Napahinga ako ng malalim sabay nasambit ang mga katagang. "Kailan kaya tayo magkikitang muli Light. Sana ay muli tayong magtagpo. Sana ay muli tayong magkita. Miss na miss na kita. Sana kung magkikita tayong muli ay maalala mo pa ako. At sa pagkakataong iyon kung malaya ka pa ay di na ako magpapatumpik tumpik pa at sasabihin ko na sayo ang nararamdaman ko. Sana lang ay mangyari na sa lalong madaling panahon ang MULI na inaasam ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD