Nang sumunod na araw ay laking pasasalamat ni Siovhan nang nagpakita pa rin si Ruki sa kanya. Nagpunta sila sa isang restaurant at doon ipinagpatuloy ang pag-uusap. "This is the contract I made with Violetta ." Inilabas niya ang isang papel mula sa brown envelop at ibinigay kay Ruki. "Bakit kayo may kontratang ganito?" nakakunot ang noo ng binatilyo habang pinapasadahan ng basa ang nakasulat. "Violet's my childhood friend. Noong pakiramdam niya na nanganganib na ang career niya as a model, she wanted to do something. Two years ago, when I visited the Philippines for Allures' anniversary, I met Phoebe, sa hotel kung saan dumalo kaming pareho sa party. You know...uhm, I fell so attracted to your sister, kaya umuwi ako. I wanted to be closer to her and requested a position in the company

