"I need you to report now!" Mariing nagkiskisan ang mga ngipin ni Siovhan habang binabato ang mga salitang iyon sa lalaking kausap sa telepono. "Pero, Sir, hindi pa po tapos ang pangangalap ko ng impormasyon--" "I don't care! Just give me what you got there." Narinig ni Siovhan ang pagbuntong-hininga ng kausap bago nagsalita, "Okay, sige, Sir. Ibibigay ko sa iyo ang partial information na nakalap ko bukas. Gagawan ko lang ng maayos na report." "I'll be waiting." Naikuyom ni Siovhan ang mga kamay na nakapatong sa lamesang kahoy. Nasa loob siya ng sariling opisina ng Allures. He needs to do something! A month had past at wala pa ring nangyayari. Sa bawat araw na dumadaan ay mas lalong bumibigat ang loob niya. Marami nang bumubuo na mga haka-haka ang kanyang isipan. Baka kung ano na an

