-MONICA EUNICE- Nagising ako ng marinig ko ang maliit na boses ni Mat-mat. Kumakanta ito ng theme song ng Spongebob. Anong oras na ba? Ganiyan niya ako gising kapag oras na ng palabas ng paborito niyang panoorin. "Spongebob, squre pants, spongebob, squre pants, spongebobbbbbb, squre pantssssss!" Nakangiting minulat ko ang mga mata ko at tumingin sa kaniya. Nang makitang gising na ako ay nagtatatalon siya sa kama. "Yehey! Yehey! Spongebob!" excited na sigaw niya. Nawala ang ngiti ko ng mapansing nandito pa rin ako sa kuwarto ni Vincent. Oh my gosh! Nakatulog na pala ako kagabi at hindi ko na nagawang lumipat pa! Nakakahiya! Dapat ginising man lang niya ako. Nagmamadaling binuhat ko si Mat-mat saka lumabas ng kuwarto. Dumiretso ako sa kuwartong naka-assign sa amin. "Mama, spongebob!"

