-MONICA EUNICE- Nagising ako nang marinig kong umiiyak si Mat-mat. Napabangon ako ng wala sa oras. Nilapitan ko siya sa crib niya saka inalis ang kulambo. "Maamaa!" umiiyak na wika niya. Nanaginip siguro siya ng masama. Dahan-dahan ko siyang binuhat. "Tahan na. Nandito na si Mama. Huwag ka ng matakot," wika ko habang hinehele at tinatapik ko ang likuran niya. Niyakap niya ako at ibinaon niya ang mukha sa leeg ko. Maya-maya ay tumahan na rin siya. Napatingin ako sa orasan at nakitang alas-tres pa lang ng madaling araw. Nang mapansin kong tulog na siya ay maingat ko siyang binaba sa crib kaya lang ay nagising ulit ito at nag-umpisa na namang umiyak. Wala akong nagawa kung 'di buhatin ulit siya at patulugin. Hindi ko na sinubukan pang ibalik siya sa crib. Dumiretso ako sa kama ko at nagl

