-MONICA EUNICE- Kapaparada ko lang ng kotse ko at nakita ko na nakaparada na rin ang kotse ni Tita. Pagkapasok ko ay bumungad agad sa akin ang ngiting-ngiting si Mat-mat. Napangiti naman agad ako. "Mat-mat!" Dahan-dahan naman siyang naglakad papunta sa akin. Hinawakan ko siya agad ng makitang kong matutumba na siya. "Ma! Ma... ma!" "Na-miss mo agad ako?" Nagulat ako ng halikan niya ako sa pisngi pagkatapos ay tumawa siya. "You're so cute! I miss you too!" wika ko bago ko siya yakapin ng mahigpit. "Kung hindi ko lang alam na ampon ninyo siya ay aakalain kong mag-ina talaga kayo," nakangiting wika ni Tita Allyson. Naglakad ako papunta sa sala habang buhat ko si Mat-mat. Ibinaba ko siya at hinayaang maglaro. "Soon! Magiging legal na niya akong ina," proud na wika ko. "Alam kong m

