CHAPTER 5

2089 Words
-MONICA EUNICE- Saturday ngayon at kailangan kong pumunta sa shop para sa meeting. Biglaan ang meeting na magaganap at wala silang alam. Pagbaba ko ay nakita ko sina Mat-mat at Liezel na naglalaro. Nagluluto siguro si Nanay ng pagkain namin. Lumapit ako kina Liezel at Mat-mat. "Mat-mat!" Lumingon naman siya sa akin. Sanay na siyang Mat-mat ang tawag sa kaniya. Tumayo siya at lumapit sa akin. "Ma... ma!" wika niya bago inilahad ang dalawang braso. Nakangiting binuhat ko siya. "Ang guwapo naman talaga ng Mat-mat namin!" wika ko bago ko ito kiniliti. Tawa naman siya ng tawa. Tinigil ko rin agad dahil baka mahulog. "Aalis ka?" tanong ni Liezel. Tumingin ako sa kaniya. "Oo. Ia-assign ko na si Dan na manager para hindi na ako magkaproblema sa Monday. May mga bagong schedule rin akong sasabihin." "Nice! Hands-on masyado! Mukha ka na talagang boss!" natatawang wika ni Liezel. "Ikaw talaga! Kailangan ko lang talagang asikasuhin ang naiwan sa akin. Saka para naman sa kinabukasan ng lahat iyon." "Taray! Nanay na nanay na ang dating!" pang-aasar ni Liezel. "Abnoy ka talaga! After five months pa bago ako maging official na nanay ni Mat-mat! Magandang nanay naman ako!" "Oo naman! Maganda talaga tayo! By the way, paano kung malaman ng iba ang pagkakaroon mo ng anak?" "Sasabihin kong anak ko siya! Wala akong pakialam sa kanila. As long as hindi nila sasaktan si Mat-mat." "You are really brave! Akong bahala sa'yo! Makikipagsabunutan ako kapag may nang-insulto sa'yo!" maangas na wika niya. "Thanks pero hindi dapat tayo nakikipag-away o gumagawa ng gulo. Bilin sa akin 'yon ni Mommy." "Hindi ko maipapangako, Bestfriend!" Natatawang napailing na lang ako sa kaniya. Lumabas si Nanay Karen sa kusina. "Nanay, aalis po ako. May meeting po kami. Doon na po ako kakain," paalam ko kay Nanay Karen. "Sige, huwag magpapalipas ng gutom. Mag-ingat ka sa pagmamaneho. Kami na ang bahala kay Mat-mat." "Okay po!" wika ko bago lumapit sa kaniya. Humalik ako sa pisngi niya. Pagkatapos ay humalik din ako sa pisngi ni Liezel at Mat-mat. "Mat-mat, aalis lang ako saglit. Babalik din ako agad. Bibilhan kita ng pasalubong," nakangiting wika ko sa kaniya. Yumakap naman siya sa akin. Niyakap ko rin siya bago hinalikang muli sa pisngi. "Alis na po ako!" "Ingat!" sabay na wika nila. Natutuwa naman ako dahil hindi umiiyak si Mat-mat kapag umaalis ako. Feeling ko nga ay naiintindihan niya ang sinasabi ko sa kaniya. Matalinong bata! Mana sa akin! Napangiti na lang ako sa naisip. Sumakay ako sa kotse ko at nagmaneho papunta sa coffee shop. Pagkarating ko ay pumarada lang ako saglit bago bumaba. Mukhang maaga pa dahil wala masyadong tao. Pagbukas ko ng pinto ay sabay-sabay silang tumingin sa akin. "Eunice! / Ate Eunice!" sabay-sabay na tawag nila sa akin. Napangiti naman ako. Lumapit ako sa kanila. "Kumusta ka na, Eunice?" nag-aalalang tanong ni Dan. "I'm fine. Paunti-unti ay natatanggap ko na. By the way, may meeting tayo mamayang lunch!" wika ko na ikinalaki ng mata nila. "Ikaw na po ang bagong mamamahala rito?" excited na tanong ni Mhel. "Yeah! Mapapadalas na rin ang punta ko rito dahil diyan lang ang school ko." "Lumipat na po kayo sa Jemarey University?" gulat pang tanong ni Liza. "Oo! 'Yon kasi ang gusto ni Mommy. Saka para malapit lang dito sa shop." "Sa bagay! God bless, Ma'am Eunice!" magalang na wika ni Melay. Napasimangot naman ako. "Eunice pa rin ang itawag ninyo sa akin. Ako pa rin naman ito! Walang nagbago!" nakangiting wika ko. "Parehas talaga kayo ni Ma'am Eula. Ang babait!" nakangiting wika ni Dan. "Nambola pa kayo! Back to work na! Pupunta lang ako sa office ni Mommy. Huwag kalimutan ang meeting!" wika ko bago naglakad papunta sa office ni Mommy. "Okay po! / Noted!" sabay-sabay na sagot nila. Napangiti na lang ako. Pagkapasok ko sa office ni Mommy ay muling bumalik sa akin ang mga alaala namin noong magkasama pa kami rito. Mapait akong napangiti. Alam ko namang binabantayan pa rin nila ako. Kakayanin ko 'to. Fighting! Hindi naman siguro magagalit si Mommy kung ipapabago ko ng kaunti ang office niya. Babaunin ko lahat ng memories namin ng magkasama kasabay noon ang pagtanggap namin sa pagkawala niya. Uusad kami gaya ng gusto niya. Mabubuhay kami ng masaya katulad ng gusto niya. Umupo ako sa dating upuan ni Mommy at sinimulan ko na ang mga trabahong naiwan niya. Mabuti na lang ay alam ko ang mga dapat gawin. Nagagamit ko na lahat ng tinuro ni Mommy at tinuturo sa school. Pagkatapos ng dalawang oras ay natapos na rin ako sa mga ginagawa ko. Tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa dingding. Malapit ng mag-alas-onse. Lumabas ako ng office para tingnan kung maayos lang sila. Marami-rami din ang mga tao kahit magtatanghalian na. Halos may mga ka-meeting ang mga nandito. Lumapit ako kay Dan na siyang namumuno sa kanila. "Dan!" Napatingin siya sa akin ng tawagin ko. "Eunice, may kailangan ka ba?" tanong niya habang inaayos ang kanyang apron. "Magpapa-deliver ako ng lunch natin. Bago mag-12 ay magsasara na tayo. Wala naman sigurong tao ng mga oras na 'yon?" "Kaunti lang dahil kumakain sila ng lunch sa mga restaurant. Kalimitang customer natin ay mga kabataang tumatambay, may mga ka-meeting at ka-date. Ako na ang bahala!" masiglang wika niya. "Yeah, napansin ko nga iyon. Tulungan ko na kayo. Tapos na naman ako sa mga ginagawa ko," alok ko sa kanila. "Sure!" Nakita naming may bagong pasok na magkasintahan. Nagsuot muna ako ng apron at hairnet bago ko sila nilapitan. "Good morning, Ma'am and Sir! Can I take your order?" masiglang wika ko sa kanila. "Later na lang! Tatawagin ka na lang namin!" mataray na wika ng babae. "Okay po!" nakangiting wika ko bago umalis. "Ano raw pong order nila, Ate Eunice?" tanong ni Melay na naka-assign sa cashier. "Wala pa. Tatawagin na lang daw ako. Baka mag-iisip pa." "Naku! Tatambay lang 'yang mga iyan!" wika ni Liza na nakikinig pala sa usapan namin. "Marami nga pong ganiyan. Nagpapalamig lang dito!" dagdag pa ni Melay. "Anong ginawa ninyo?" "Kapag may mauupuan pa ang mga customer ay hinahayaan lang namin sila pero kapag wala na ay nakikiusap na si Ma'am Eula sa kanila," sagot ni Dan. Napatango-tango naman ako. Marami pa talaga akong hindi alam. Mukhang kailangan kong pag-aralan lahat dahil ako na ang masasandalan nila ngayon. "I see." Pagkatapos ng isang oras ay halos paubos na rin ang mga tao sa shop. Inayos na ni Dan ang sign sa pinto para wala ng pumasok. Nang lumabas na ang dalawa pang natitirang customer ay ni-lock na ni Mhel ang pinto. Pinagtulungan na naming linisin ang shop bago kami kumain at mag-meeting. Kasalukuyan na kaming kumakain ng lunch habang nagkukuwentuhan. "Ate Eunice, hindi mo na kaklase si Sir Ezekiel! Sayang naman po!" wika ni Liza. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Bakit mo naman nasabing sayang?" "Bagay po kasi kayong dalawa!" kinikilig na sagot niya. Sumang-ayon naman sina Melay, Mhel, at Dan. Bagay na inilingan ko. "Wala akong panahon sa mga ganiyang bagay. Masyado na akong maraming responsibilidad ngayon." Napasimangot naman sila sa sinabi ko. "Oo nga po pala. Sino na po ang kasama mo sa inyo?" nag-aalalang tanong ni Dan. "Kasama ko sina Nanay Karen, Liezel, at Mat-mat. Minsan naman ay bumibisita si Tita Allyson. Maraming binigay si Lord na makakatuwang ko kahit wala na si Mommy. Nandito rin kayo para tulungan ako," nakangiting tugon ko. "Mabuti naman. Nandito lang kami para sa'yo!" nakangiting wika ni Dan. "Thank you!" "Nakita na po namin sina Nanay Karen at Liezel noon. Iyong Mat-mat lang ang hindi. Sino po ba 'yon?" curious na tanong ni Melay. Naging curious din ang iba. Napabuntong hininga naman ako. "Pinagkakatiwalaan ko kayo kaya sasabihin ko sa inyo. Si Mat-mat ay anak ko." Nanlaki naman ang mga mata nila at napanganga sa sinabi ko. "M-May anak ka na po?" hindi makapaniwalang tanong ni Liza. "Yes. Ang totoo ay ampon namin siya ni Mommy. Hanggang ngayon ay pinoproseso pa ang mga papeles. Iniwan siya sa tapat ng bahay namin. Hinanap namin ang tunay niyang mga magulang kaya lang ay hindi namin sila nahanap. Napalapit na rin sa amin si Mat-mat kaya nagpasya si Mommy na ampunin siya. Nalaman kong ako pala ang nirehistrong ina kay Mat-mat ni Mommy." "Grabe! Hindi po ako makapaniwala!" gulat pa ring wika ni Liza. "Hindi mo po talaga anak si Mat-mat. Walang puso ang mga magulang niya! Basta na lang siyang iniwan!" galit na wika ni Melay. "Tinuloy mo ang pag-aampon?" seryosong tanong ni Dan. "Noong una ay nagdalawang isip ako dahil baka husgahan ako ng mga tao pero naisip ko na kawawa si Mat-mat. Minsan na siyang iniwan at inabandona ng mga magulang niya. Ayokong maulit iyon at ayokong maging katulad ng magulang niya. Tinatagan ko ang loob ko. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba," seryosong tugon ko. "Napakatapang at napakabuti ng puso mo. Parehas na parehas talaga kayo ni Ma'am Eula," nakangiting wika ni Mhel. "Sabihin mo na lang po sa mga manghuhusga na ampon mo lang siya," wika naman ni Melay. Umiling ako sa sinabi niya. "Bata pa si Mat-mat at ayokong siya naman ang husgahan ng iba. Okay lang na masaktan ako pero huwag lang ang anak ko. Hindi ko kailangang magpaliwanag sa kanila dahil hindi ko responsibilidad iyon. Hindi deserve ni Mat-mat na tawaging ampon." "Tama si Ate Eunice, napakainosente pa ni Mat-mat at deserve niya ang magkaroon ng magulang na magmamahal at tatanggap sa kaniya," mangiyak-ngiyak na wika ni Liza. "Huwag kang mag-alala, Ate! Ipagtatanggol namin kayo ni Mat-mat!" maangas na wika ni Mhel. "We are one!" sigaw ni Melay. Nagtawanan naman kami. "Maraming salamat sa inyong lahat!" Tinapos na namin ang pagkain pagkatapos ay nag-meeting na kami. "May mga pinili si Mommy na magiging manager ng bawat branch. Sa branch na ito ang pinili niya ay si... Dan." Nagpalakpakan at nagsigawan naman sila. "Wala kaming reklamo! Responsable talaga siya!" wika ni Mhel habang tinatapik ang balikat ni Dan. "Tatanggapin mo ba, Dan?" Tumayo namab siya at yumuko sa akin. "Buong puso kong tinatanggap. Salamat sa pagtitiwala ninyo sa akin," nakangiting wika niya. Nakikita ko naman ang saya sa mga mata niya. "Salamat naman kung ganoon. Lahat ng mangyayari at gagawin na para sa coffee shop ay ire-report mo sa akin." "Copy!" wika niya habang nakasaludo. Natawa na lang ako. Umupo na rin siya pagkatapos. "Magbabago ang schedule ninyo. Kung dati ay 5 am to 7 pm, ngayon ay 6 am to 5 pm. Hindi na rin kayo Monday to Sunday kung 'di Monday to Saturday na lang. Every Saturday ay half day lang. Maliwanag? May tanong?" Tumaas naman ng kamay si Melay. Tinanguan ko naman siya. "Bakit po mas pinaikli ang schedule ngayon?" "Natutunan ko kasi na mas mahalaga ang kalusugan kaysa sa kikitain natin. Mas mahalaga kayo. Alam kong may mga nag-aaral sa inyo sa gabi. Ayokong mahirapan kayo. Mas mahalaga na mahaba ang pahinga ninyo." Tumango-tango naman sila sa sinabi ko. "Simula bukas ay susundin na natin ang bagong schedule. Ibig sabihin ay wala kayong pasok bukas. Dan, dumaan ka rito mamaya o kaya bukas at i-post mo sa pinto ang bagong schedule natin. Ako na ang bahalang mag-update sa f*******: page natin." "Copy!" masiglang wika niya. "Ipo-post na rin po namin para mas marami ang makaalam," wika ni Melay. "Yes! Yes! Thank you!" "Marami pa akong plano para sa shop pero sa ngayon ay mas gusto kong baguhin ang office ni Mommy." Natahimik naman sila sa sinabi ko. "Mas makatutulong sa ating maka-move-on agad kung hindi na natin makikita ang mga bagay na nagpapaalala sa kaniya. Hindi natin siya kalilimutan ng tuluyan. Hihilumin lang natin ang sakit sa mga puso natin." "Naiintindihan ko po, Ate," mangiyak-ngiyak na wika ni Liza. Tahimik lang ang tatlo. Alam kong masyado na ring napalapit si Mommy sa kanila. Siya na ang tumayong nanay nila rito sa coffee shop. "Cheer up! Kaya natin 'to!" wika ko sa kanila. Ngumiti naman sila pero alam kong masakit pa rin para sa kanila ang lahat. "So, iyon lang muna! See you on Monday! Ite-text ko si Dan kung anong oras ako pupunta rito. Hindi ko pa kasi alam ang schedule ko. Sasabihin pa lang ni Tita mamaya. Kukunin ko ang number ninyong lahat. I-text ninyo lang ako. Anytime!" Binigay ko sa kanila ang number ko at kinuha ko rin ang mga number nila. Sinabay ko na sila sa kotse hanggang sa sakayan. Nang masiguradong nakasakay na silang lahat ay saka ako umalis. Uuwi na rin ako dahil nami-miss ko na si Mat-mat at pupunta si Tita ngayon. Binili ko muna ng bagong laruan si Mat-mat bago dumiretso pauwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD