-MONICA EUNICE- Kararating lang namin sa bahay at binubuksan na ni Mhel ang gate. Napansin ko rin na nasa labas ng gate ang motor at kotse nila. Pinasok ko na ang kotse sa gate at tumigil ako sa tapat ni Mhel. Binuksan ko ang bintana para marinig niya ang sasabihin ko. "Mhel, ipasok ninyo ang motor at kotse. Huwag ninyong iwan sa labas ng gate," utos k okay Mhel. "Sige, sasabihin ko kay Dan at Sir Ezekiel," sagot niya bago sumaludo. "Thank you!" wika ko bago ko muling paandarin ang kotse papunta sa garahe. Nang maayos ko ng mai-park ay saka kami bumaba. "Ate Eunice, ang laki po pala ng bahay ninyo. Sino po ang kasama mo rito?" tanong ni Liza. Ngayon nga lang pala sila nakapunta rito. Todo ikot naman siya ng paningin niya sa paligid. "Sina Mat-mat, Nanay Karen, Nina, at Liezel," wa

