Chapter 4 Starting As You

796 Words
DK Muli kong nakaharap ang pamilya ni Jamie during dinner. Halatang excited si Mr. del Mar habang nagkukwento tungkol sa buhay nila habang nasa New York si Jamie or should I say ako dahil ako na si Jamie ngayon sa harap ng mga nakakakilala sa pamilyang ito. Patango-tango at pangiti-ngiti lamang ako sa bawat kuwento niya habang pasulyap-sulyap sa mag-ina sa harapan ko. Lihim akong napapangiti tuwing napapaismid si Jane habang nagkukuwento si Mr. del Mar tungkol sa kabalbalan niya. Napatingin ako pabalik kay Mr. del Mar nang marinig ko ang huling sinabi niya. "Magpa-welcome party tayo para kay Jamie." nakatingin siya sa'kin habang sinasabi iyon. Gusto kong magprotesta nang malakas ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Si Jamie ka. Si Jamie ka. I chanted inside my head. Pa-demure akong ngumiti, the infamous Jamie's smile. "Uhh, dad. I don't really like parties." Dahan-dahan ako sa pagbitaw ng mga salita. Again, its Jamie's style. Hay, sa 8 years naming pagiging best friends ay kopyang-kopya ko na siya. Mula galaw ng mga mata, bibig, ngiti, simangot, lakad, galaw ng kamay at pati pananalita. Kahit nga mannerisms niya ay kopyang-kopya ko. Iyan ang isa sa dahilan kung bakit napakaimportante ko sa organisasyon. Iilan lang sa libong members namin sa buong mundo ang may kakayahang meron ako. Muli akong napasulyap kay Jane na halos umabot na sa bumbunan ang isang kilay. Nakakatawa talaga ito kapag nagpaiba-iba ng facial expression. Mala-anghel ang mukha but with just a blink of an eye, ang mukha niya ay nagiging pagmamay-ari na ng demonyo. Sabagay, demonyita naman talaga ito kung ang mga kuwento ni Jamie ang pagbabasehan ko. After another blink, balik na naman siya sa kanyang maamong mukha na kung aksidente mong masasaksihan ang transformation ay pagduduhan mo kung nakita mo nga. Cartoon character ata ito at hindi demonyita. LOL. But I know better. Alam kong ginawa niya iyon ngayon-ngayon lang. Wow, magaling din siyang magpanggap sa pamamagitan ng mukha ah. I-recruit ko kaya sa Phoenix? "Aw c'mon sis, sa tinagal-tagal mo sa States don't tell us na 'di ka nasanay sa parties, boys and drugs?" at tumawa pa talaga ang demonyita. "Baka mamaya nyan sabihin mo ring 'di mo pa naranasan ang S-word?" Mahina lang ang pagkasasabi niya ngunit may malisiya na sa tawa niya ngayon habang tinititigan ang mukha ko pababa sa dibdib ko. WTF! Nangangati ang mga kamay ko na hilahin ang kanyang buhok at ingudngod ang pagmumukha niya sa kinakain niya. Kitang-kita ko pa ang ngisi niya sakin. "Jane!" bulyaw ni Dad. Kailangan ko nang sanayin ang sarili ko sa pagtawag sa kanya nito. "I'm just asking Dad." she said. Patawa-tawa pa ang bruha. "I know your sister is not like you and your friends na party, boys at kung anu-ano pa ang inaatupag imbes na pag-aaral." nasupalpal ang demonyita dahil sa sinabi ng ama. Kumislap ang mga mata niya nang may dumaan na emosyon na pinaghalong sakit at galit sa mga ito. Mas lalo tuloy akong na-amaze sa kanya. Ngunit gaya kanina, saglit na saglit lang iyon. Bumalik ulit ang ngisi niya. "Ano? 'Di ka na sumagot?" baling niya sakin. "I don't do those things, Jane." I said with again a Jamie-smile and eyes. Naman! Gusto kong ilabas ang DK-smile or should I say smirk na hindi pumapalyang magpa-goosebumps sa mga makakakita ngunit pinigilan kong muli ang aking sarili. "See, Jane? So don't ask stupid questions anymore." Dad frowned at her. "Now going back to the welcome party, I want you to invite your schoolmates to the party. Ilang araw na lang at pasukan na so magandang opportunity ito para makilala ng mga taga-Calrix University ang kapatid mo." diretso nitong sabi na nagpanganga sa aming dalawa ni Jane. Wow, mag-aaral ako?! Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Dapat kay Jamie lahat ng opportunities na mararanasan ng bawat student na magkokolehiyo. Muli akong binagabag ng aking konsensya. I'm sorry, Jaime. Sana ikaw ang makakaranas ng mga mararanasan ko pero... Damn! Wala na ba akong ibang sasabihin sa'yo kundi sorry, Jaime? Nasa loob na ako ng aking silid nang maramdaman ko ang tingin ni Ana sakin. "You know I don't have to explain anything to you." I sternly told her. "You have to tell Master David about it, Lady." she said. "Wag mo akong pangunahan, Ana." bulyaw ko na sa kanya. Nakita ko kung paano siya yumuko sabay haplos sa braso niyang tinayuan ng mga balahibo dahil sa pagbulyaw ko. "Sorry, my Lady." mahina niyang sagot na ubod pa rin ng galang. "s**t! Go back to your quarters." mahina ngunit madiin kong utos sa kanya. "Yes, my Lady." at mabilis na siyang lumabas sa kuwarto ko pagkasambit niya niyon. Damn! Tumunganga ako ng halos kalahating oras na nakatingin sa kawalan upang magmuni-muni. Wala naman akong magagawa pa dahil andito na ako. Matatakot ba ako? Mae-excite? Haay! Dami kong firsts dito sa Pilipinas ah. Nang matapos na ako sa pagmumuni-muni ay inabot ko na ang aking cellphone at nag-dial ng numero. "Dave.. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD