Jane
Nanginginig ako sa galit. Gusto kong magwala tuwing naaalala ko ang nangyari kanina habang kumakain kami. Hindi ito maaari. Ayoko na nga siyang makasama dito sa bahay kung saan alam kong unti-unti niya nang naaagaw ang atensiyon ng daddy ko, pati ba naman sa school araw-araw ko rin siyang makikita?! Walang nagawa ang pagproprotesta ko pati na rin ang protesta ni mommy dahil batas ang salita ni daddy. At ang babaeng yun, hindi man lang umangal sa pagiging schoolmates namin. Mukhang nagustuhan pa niya.
Damn! Damn! Damn!
Paulit-ulit kong mura. Hindi ako makasigaw at kahit gusto kong magwala at magbasag ay hindi ko rin magawa. Katabi ko lang ang kuwarto ng parents ko at alam kong maririnig nila kung sakaling magsisisigaw at magbababasag ako.
AHHH! Pinagsusuntok ko ang mga unan ko habang kagat ko ang ibabang labi ko. Ini-imagine ko na lang na kay Jamie ko ginagawa ang pagsuntok ko sa mga unan.
I hate her. I so damn hate her.
And what I hated most ay ang pag-invite sa mga schoolmates ko para sa party ng kontrabida ng buhay ko. Iilan pa naman ang nakakaalam sa school na may kapatid ako sa labas. Yeah, sa labas. Si mommy ang legal wife ni daddy. At ang mommy ni Jamie ang kanyang first love. Hindi alam ni dad na nabuntis niya ito nang magpakasal siya kay mommy. Arranged marriage ang nangyari sa parents ko. Nagulat na lamang kami noong 7 years old ako nang iuwi ni dad ang anak niya sa labas dahil namatay sa cancer ang ina nito. Unang kita ko pa lang sa kanya, alam ko nang malas siya sa buhay ko. Nakita ko nung magwala si mom at halos saktan si Jamie noon. Ayaw namin sa kanya ngunit wala kaming nagawa dahil sa bahay ay si dad ang batas gaya nga ng sinabi ko kanina.
Nangako ang mommy ko na hindi niya sasaktan ang anak ni dad sa labas nang makapag-ayos na sila ni Dad. Ngunit si mommy iyong nangako. Ako? Wala akong ipinangako kay dad. Kaya tuwing may pagkakataon sa bahay at sa school ay pinapahiya ko si Jamie, ginagawang katatawanan at sinasaktan. Pero kahit anong gawin ko sa kanya, siya pa rin ang lumalabas na mas maganda, mas mabait, at mas matalino sa mga mata ni dad, sa mga relatives namin at mga kakilala. At pati na rin kay Luke.
Lucas Valderrama.
Ang aking first crush. Ang aking forever love. Matagal ko na siyang gusto pero hindi niya ako pinapansin. Ngunit mula noong iuwi ng dad si Jamie ay lagi na siya sa bahay at nakikipaglaro sa kanya. At ako nama'y naging itsapwera.
Siya ang pinakadahilan kung bakit ko nagawang itulak si Jamie sa hagdan noon na muntik na nitong ikamatay. Galit na galit si Dad sa'kin noon. Mag-asawang sampal ang inabot ko ngunit 'di ako nagsisi kahit kelan sa aking ginawa. Nang gumaling siya ay nagpasya si Dad na patirahin si Jamie sa New York kung saan naroon ang kapatid ni Dad na matandang dalaga. Sayang nga lamang at nabuhay pa s'ya, 'di sana wala na akong problema ngayon. Si Jamie ang chilhood bestfriend at childhood love ni Luke. At hanggang ngayon, alam kong si Jamie pa rin ang nasa puso niya dahil wala akong nabalitaan na nakarelasyon niya mula noon hanggang ngayon.
Don't get it wrong, hindi pangit si Luke. Magugustuhan ko ba siya kung pangit siya? Six footer at macho. Napakatikas niyang maglakad. Unang tingin pa lamang sa kanya ay alam mo nang hindi siya basta-basta lalaking gwapo lang. There's more than the eyes can see. May malalim siyang character. Siguro kasing lalim ng biloy niya sa babang gilid ng kanyang kanang labi. Nangunguna siya sa kanyang batch. Alam kong every girl at our school would kill just to be his girl. At alam ko rin na hanggang ngayon, may galit pa rin siya akin dahil sa ginawa ko kay Jamie dahilan upang magkahiwalay sila. Nitong taon lang na ito lamang ako kinakausap ni Luke dahil sa mga paraan na ginagawa ko para mapansin nito.
Bigla akong may naalala. Pareho kami ng pinapasukang school ni Luke at doon na rin papasok si Jamie. Magkikita sila!
Lalo akong nagngitngit.
Kailangang may gawin ako. Hindi ko hahayaang mangyari ulit ang nangyari noon kung saan ako lang ang 2nd runner up kay Jamie. I won't let it happen. This is a matter of life, death and ...
Luke.