bc

Let's Stop, I'm Falling in Love

book_age16+
596
FOLLOW
2.2K
READ
friends to lovers
drama
sweet
bxb
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

Ross Isaac Villa Roman is already contented to what he have. Given to his past, mas gugustuhin niyang maging Single na lang. Kung kaya kailangang humanap niyang humanap ng matinding valid reason upang wag matuloy ang engagement niya sa babaeng hindi nya mahal. Dito papasok si Herald Joseph Magpantay. Isang probinsyanong aalukin nyang mag panggap na boyfriend nya upang palabasing bading si Ross nang sa ganun matigil na ang kagustuhan ng kanyang mga magulang na makasal. Papanu kung sa pag papanggap na ito ay unti-unting mahulog ang loob ni Herald sakanya? Kaya pakaya nilang magpanggap kung may nasasaktan nang puso. Magpapatuloy pa rin ba sila o ititigil na? Kaya bang tumbasan Ross ang pag-ibig na nabubuo sa puso ni Herald...

chap-preview
Free preview
Chapter One: One Valid Reason
Ross POV "Ma! Bakit ba ganon na lang kung ipilit mong ma engage sa anak ni Mr. Smith!?". Inis kong anas kay Mama. Hindi naman sa bastos akong klase ng anak. Napuno na siguro ako sa walang sawa nitong pamimilit na ma engage ako kay Jessa. Jessa is the only  daughter of Mr. Smith. Isa siya sa mga kasosyo ng aming pamilya sa negosyo. U.S base ang company namin. Nakilala ni Mama si Jessa sa isang party sa New York nang minsang umatend ito soon. Since then ayaw na akong tantanan ni Mama. "Anak naman, anu paba ang hahanapin mo." Tuloy ni Mama. "All-in-one package na si Jessa at talagang bagay kayo aside for the fact na gustong gusto ko talaga siya for you." Kasalukuyan kaming nasa office nya dahil pinayawag ako nito. Akala ko naman ay kung anu na ang pag-uusapan yung engagement thing lang pala sa babaeng yun. Nainis tuloy ako bigla. Don't get me wrong. I like girls. Halos di na mabilang ang mga babaeng naikama at na ka fling ko dito sa pinas o kahit sa states. Maganda si Jessa sa totoo lang. We met before sa California nang magbakasyon ako don last year. Sexy, at masasabing matalino ang naturang babae. Katuwang siya ng kanyang ama sa negosyo nila. Pero di ko rin alam kung anung problema kung bakit ayaw ko. Siguro hindi pa ako handa na magpamilya at lumagay sa tahimik. Aba sarap kaya ng buhay binata. At saka ayaw ko ng commitment. Nadala na ako. "Ma, please lng po. Itigil nyo na yang kapipilit nyo sa akin. Masyado pa akong bata para mag asawa." Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit ka Mama. Tinignan ko sya sa mata at ngumiti.Naaaninag sa mata nito ang pagkadismaya. "I love you Ma, you know that but hindi kita mapagbibigyan sa kagustuhan mo." humalik ako sa kanyang pisngi at nag paalam na aalis na. Bubuksan ko na sana ang pinto nang magsalita si mama. "Give me one valid reason kung bakit ayaw mong maengage kay Jessa?" lumingon ako sa kanya. Nakatayo na ito at nakaharap sa akin. "Ma, please..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita sya kagad. "One valid reason Ross Isaac. At hindi na kita kukulitin pa." huminga siya nang malalim. "Pero kung hindi mo ako  mabibigyan ng kahit isang rason, makikipag engage ka sa anak ni Mr. Smith. Sa ayaw mo o sa gusto." Natigilan ako sa sinabi ni mama. Makikitang disididong disidido siya sa kanyang tinuran. Napailing nalang ako at nagmadaling lumabas. Ayoko mang aminin, pero sa totoo lng nag pupuyos ang kalooban ko kay mama. Mula noon ay ngayun palang nya ginawa ito. Yung nagbibigay ng ultimatum para sa bagay na gusto nyang manyari. Alam nya naman ang ugali ko na kung ayaw ko hindi ako mapipilit. Anu ba kasi ang dahilan at gusto ako ni mama na maengage kagad? Ni wala nga akong nararamdaman sa babaeng yun eh. Agad kong tinungo ang kotse ko at pinaharorot ito. ***** Pagkalabas ni Ross ay saktong tumunog ang phone ng mama ni Ross. Agad niyang sinagot ang tawag nang makita kung sino ang tumatawag. "I'm doing my best na mapa oo ang anak ko. Nagmumukha na akong masamang ina sa mata niya. Bakit mo ba ipinagpipilitan ang anak ko sa babaeng iyon? Can we just let Ross do what ever he like?" Reklamo nito. "Hindi na bata ang anak mo, Franchesca. Hindi na din masama kung mapupunta siya sa anak ni Hector. Mas makatulong pa nga iyon." Mariing sagot ng tao sa kabilang linya. "Makakatulong? Kanino? Sa kanya? Ang sabihin mo ginagamit mo ulit ang anak ko sa pansarili mong kagustuhan. Anu ba ang hawak sayo ni Hector, at ganoon nalang ang pagpupursiging maikasal ang anak ko sa anak niya?" Kilala niya ang taong kausap. Alam niyang may itinatago itong rason. Dahil kung siya masusunod ay hindi niya kaylan man hahayaang manipulahin ang mga buhay ng kanyang mga anak. Lalo na si Ross. "Anak ko din siya, Franchesca!" Sigaw ng nasa kabilang linya. "Exactly. Anak mo siya Leon! Hindi ka pa ba nadadala? Is Rochelle not enough?  Hindi na niya hinintay makasagot ang kausap dahil agad na niyang binagsak ang teleponong hawak.  Bumaling siya sa glass wall at bumuntong hininga na lamang. ***** Ross POV Nasa bar ako ngayun na pag aari ng barkada kong si Excel. Sarado pa ito pero nandidito na ako kasama ang may ari pati na ang isa panaming barkadang si Jake. Sinusubokan kong gumaan ang loob ko. Di talaga kasi ako mapakali kung anu ba talaga ang dahilan ng mama ko para pwersahin akong maengage. "Baka atat na si titang magka apo!" si Excel. Naikwento ko na kasi sakanya ang nanyari. "Hindi pre eh. Pakiramdam ko may dahilan si mama." sabi ko naman. "So panu? May naisip kana bang idadahilan sa mama mo? " tanong ni Jake, isa din sa barkada ko. "Yun nga e, wala akong maisip." Pakiramdam ko naman kasi kahit magdahilan ako ay itutuloy parin ang planu nito. "Ang hirap naman nang sitwasyon mo pre, hehehe"  Ayoko pang matali sa isang babae. For crying out loud I'm only 25 years old. Masyado pa akong bata para tapusin ang kasiyahan na dulot ng pagiging single. Kailangan ko talagang makaisip ng magandang idadahilan kay mama. "Kaya ba ayay mo eh, dahil may hinihintay ka?" Si Jake. Alam ko ang tinutukoy nito. Nagkunwari akong walang narinig. Inubos ko ang laman namg aking basa at muling omurder pa ng isa pang serve ng alak. Gusto kong mag pakalasing ngayun. Masama ang loob ko kay mama. "Pare, hinay hinay lng sa pag inum ha, magdadrive ka pa dba." Paalala ni Excel. At tumango lng ako. "Pare suggestion lng ha. Kasi alam naman nating lahat na disidido talaga ang mama mong matali ka, what if," Si Jake habang nakatingin sa akin na seryosong seryoso. "What if anu?" tanung ko dahil tila binibitin pa nya ang sasabihin. "What if lng naman ha, kung sakaling pwede tong naisip ko" "Anakanang! Dalian mo na nga pa suspense ka pa jan eh, bangasan kita jan." aniko. "Chill lng oy! Ikaw na nga tinutulongan eh." Sagot ni Jake. "Sabihin mo na kasi para matapos na. Dami mo pang arte e" tugon naman ni Exel. Huminga naman si Jake nang malalim at ako namay nakatingin lng sa kanya. Pero sa likod ng isip ko ay nananalanging sanay may sense ang isasuggest niya. "ok." lumunok pa sya ng laway. "What if sabihin mo sa mama mong BADING KA? At hindi ka sang ayon sa gusto nya dahil may boyfriend ka na mahal na mahal mo." Halos tumigil ang mundo ko sa sinabi niya. Sa isip ki ni di ko ma imagine ang sarili ko na bading. "Nagpapatawa ka ba? Seriosly Jake? As in ako magpapanggap na Bading? I mean me as Gay? Are you out of your mind!" Singhal ko sa kanya. "Suggestion nga diba? Hindi ko sinabing sundin mo. Wala kanang maiisip na dahilan pa at yun nalang ang sa tingin kong kakagatin ng mama mong valid reason." "Hell no! Ayoko. Parang di ko kaya yun. Maghahanap nalang ako nang ibang reason wag lng mag panggap na bading." Tumayo ako sa kinauupoan ko. " I'm Ross Isaac Villa Roman. Masisira ako pag ginawa ko amg suggestion mo." Tugon ko sa kanila. Tahimik lng si Excel. Si jake namay kibit balikat lng. At sumunod ang katahimikan sa aming tatlo. "Wala naman akong nakikutang masama kung susubokan mo yung suggestion ni Jake, pre!" pagbasag ni Exel nang katahimikan. Akoy nakatayo parin. Tiningnan ko siya. At tumalikod upang iwan sila. Alam kong nakabusangot ang mukha ko habang binabaybay ang parking lot papunta sa aking sadakyan. "Never in my wildest dream na magpapanggap akong bading and to think na hindi lang basta bading kundi may lover pa." wika ko sa sarili.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
455.9K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

OSCAR

read
227.5K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
454.9K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.7K
bc

Unexpected Romance

read
38.6K
bc

NINONG II

read
619.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook