Herald's POV Dahil sa wala naman akong kasama sa buomg araw ay sinamahan ako ni Mickey. Kasama din namin si Casper the dog. Magaan sa pakiramdam si Mickey. Yung parang alam kong kahit ngayon lang kami nag kakilala ay pakiramdam kong mapagkakatiwalaan siya. Nilibot namin ang buong resort. Pumunta sa mga tiangge at botique. Nakakapagod man pero masaya. Tila hindi naman kami maubusan nang mapag uusapan dahil sa pagiging kwela makausap. Mula sa mga simpleng mga bagay hanggang sa mga personal na bagay. Ngayon lang kami nag kakilala pero halos naikukwento na namin lahat sa buhay namin sa isat isa. Bukod sa pagiging kwela nito galante din itong si Mickey. Paano ba naman eh, halos siya ang nagbayad nang mga kinain namin. Mag-aambag sana ako pero nag insist siyang siya nalang daw ang ma

