Chapter 2:
(Kit Point of view)
"Nasaan na ba yun? Dito ko lang inisingit yun ehh! "
"Ano ba kasing hinahanap mo? "
Tanong ni Amy sakin, kanina pa ako balisa kakahanap ng ticket ko para sa school activity next week. Mahalaga yung ticket na yun, dadaluhan kasi yun ng mga sikat na banda at ilang mga artista. At ang pinaka paborito kong music hero. Na si Edmark Borja. Minsan lang yun kaya nagkaubusan agad ng ticket mabuti na nga lang at nakahabol pa ako. Pero mukhang mapupurnada pa yata.
"Yung ticket ko Amy nawawala. Pano nato. "
Mangiyak-ngiyak na sabi ko habang hinahalungkat lahat ng libro ko maging lahat ng gamit sa bag ko ay nakal-kal ko na. Pero wala pa rin ang hinahanap ko.
"Ano? Teka pano naman nawala? Saan mo ba kasi isinuksok? Sabi ko naman kasi sayo ako na hahawak eh"
Himutok na sabi ni Amy
"Alam ko dito lang sa libro ko pero wala ehh. Pano na yan ?"
Naiiyak na sabi ko.
"Hanapin na lang natin baka kung saan mo lang nailapag."
"Hindi ako pwedeng magkamali eh dito sa mga libro ko lang nailagay yun. Huhu Dinko na makikita si Edmark baby nyan!! "
Pagdadabog ko.
"Drama neto. Isipin mo na lang mabuti kung saan mo nailapag para mahanap natin. "
Habang hinahalukay namin lahat ng pwede kong paglagyan ng nawawala kong ticket ,inisip ko ng mabuti kung saan ko ito pwede pang naiwan o nailapag.
"Yung lalaki kanina... "
Biglang sabi ko ng maalala ko yung nakabangga ko kanina sa may sakayan. Tumapon mga gamit ko. Maaari kayang...
"Kit naman nawawala na nga yung ticket mo nagawa mo pang isingit yung lalaking kasama mo kanina!? "
Binatukan ko nga sya sa sinabi nya. Baliw talaga to kahit kailan.
"Aray ko naman, nang-aano ka ah. "
Sabat pa nito.
"Ano ba naman kasing pinagsasabi mo dyan. Naalala ko lang yung lalaki kanina kasi naalala kong nagkabungo kami kanina. Tapos tumilapon lahat ng gamit na hawak ko at pwedeng... "
Putol ko sa sasabihin ko at napatingin ako sa kanya...
"Nasa kanya yung ticket! "
Sabay naming sabi. Tama, baka nga napunta sa kanya noong pulutin din nya ang mga gamit nya.
"So paano natin makukuha yun sa kanya? "
Tanong ni Amy .
Napa-isip naman ako bigla. Oo nga, paano ko makukuha yun? Nasa kanya nga kaya? Saan ko naman syang lupalop hahanapin kung sakali ngang nasa kanya.? Pano na to. Baka nga hindi ko na makita pa si Edmark!! Huhu.
"Ganito na lang, bukas sa katulad na oras, punta tayo sa sakayan. Malay mo naman makita natin sya ulit doon. "
Suhestyon ni Amy habang inililigpit ang nagkalat ng mga gamit ko.
Oo, tama, pwedeng doon ulit siya dumaan kung sakali man.
"Magandang ideya, minsan talaga gumaganda din yang utak mo no. Buti nakisama ngayon. "
Pabirong sabi ko sabay tawa.
"Wow ha, nahiya talaga ako sayo, sabihin mo na lang kase magaling talaga ako, wala na ngang pasalamat nang-asar pa. "
Pagsusungit naman nya.
"Nagbibiro lang naman, seryoso mo, pero salamat. Basta samahan mo ko ah. "
Sana naitabi na lang talaga nya.
***
"Hoy Faithlyn Kit Salvador!! Nasaan ka na bang babae ka! "
Muntik ko nang mabitawan ang telepono dahil sa sigaw ni Amy sa kabilang linya, Papunta pa lang kasi ako sa napag-usapan naming lugar. Kaya ayan naghihimutok sya say galit.
"Sorry na po Ma. Amiechell Mercado, tinapos ko pa kasi mga school paper para sa project ng group namin, pero parating nako malapit na promise hintayin mo ko dyan ahh. "
Tuloy-tuloy na sabi ko,
"Hoy Kit ilang beses ko bang sasabihin sayong mo kong ta---"
Naputol ang sasabihin nya ng pinatay ko na ang tawag. Alam ko na kasi ang sasabihin nya ayaw nyang tintawag sya sa buong pangalan nya. Ewan ko ba dun. Bahala sya.
Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad hanggang sa matanaw ko na sya na nakaupo sa isang upuan malapit sakayan.
"Amy!! "
Tawag ko sa kanya nakita naman niya ako agad. Linapitan ko agad siya. Busangot ang bruha.
"Uuwi na sana ako eh, akala ko di mo maiisip na dumating pa. Bakit ba ang tagal-tagal mo? Paano kung dumaan na pala hinahanap natin tapos di na natin sya ulit makita p--"
Drama naman neto. OA pa sakin.
"Ano bang dinadrama mo dyan? Dinaig mo pa ako sa pag-aalala kung mahahanap natin yun o hindi eh. "
Sabi ko sa kanya.
" haler di ako nagdadrama no, iniisip ko lang kasi. Ano ng gagawin ko sa event na yun kung yung nagyaya eh wala. Isipin mo naman, gumastos ako para lang samahan ka doon tapos.. TAPOS MAWAWALA TICKET MO?! "
sarcastic na pagkakasabi nya. Oo nga naman, ako lang naman pala nagpumilit na dumalo kami kahit ang mahal ng ticket na yun tapos mawawala lang. Kailangan ko talagang makagawa ng paraan. Kailangan kong mahanap yun.
"Oo na! Sorry na kase, so ano napansin mona ba syang dumaan? "
Tanong ko na lang.
"Ayy wow te ah lakas mo rin ni hindi ko nga maalala kung ano eksato ang mukha nun eh. Malay ko ba. "
"Natatanong lang ako, kagalit mo. Saka ako din naman ehh di ko gaano maalala, pero sure ako sa BU din nag-aaral. "
"Ay jusmiyo pano na yan? Anong gagawin natin? Ang laki ng BU te! Tayo-tayo na nga lang nagkakandaligaw pa rin doon ehh. Pano nyan? "
"Wait ka lang ok nag-iisip din ako. "
Natahimik kami bigla kaya ingay labg ng mga sasakyan ang naririnig namin. Hanggang sa nahigalap ng mata ko ang pamilyar na mukha.. Teka. Sya ba yun?
"S-sya! SIYA yun Amy! Tignan mo dali!! "
Gulat na sigaw ko kaya nagulat din sya.
"Nasaan? Ayy oo nga sya na yata yun ano tara na habulin na natin te dalian mo! "