bc

A Ticket Trip to Love

book_age16+
2
FOLLOW
1K
READ
drama
like
intro-logo
Blurb

Prologue:

Sa byahe ng buhay madalas hindi natin alam kung saan sasakay, kung sinong ating makakasabay at kung saan tayo tunay na dadalhin ng ating buhay.

Mahirap sa una lalo na kung ang pinili mong direksyon ay taliwas ka kung anong gusto ng puso mo.

Hanggang sa makatagpo ka ng makakasabay. Patungo din sa kung saan ka paroroon.

At hinhingi mo na lang na sana sa pagkakataong to, siya na ang makakasama mo hanggang marating mo na ang patutunguhan mo.

chap-preview
Free preview
A Ticket Trip to Love
CHAPTER 1: Nakakabagot,nakakainip, nakakaantok! Lahat na lang yata ng katamaran sa mundo ang naramdaman ko ng bumabalot sa araw na to. Minsan tuloy naisip ko, bakit pa ba ako nagpapakapagod bumangon ng maaga, para lang pumasok ng eskuwela. Wala namang nangyayari. Para lang akong nagsasayang ng pera. "Lutang ka na naman, problema mo?." Nagulat ako at bumalik sa katinuan ng sikuhin ako ni Anton na nasa tabing upuan. "Wala. Tinatamad lang ako. Dapat nagcutting na lang tayo eh. " Sagot ko na nalang bago ko isinubsob ang mukha ko sa upuan. "Kailan ka ba dinapuan ng sipag?." Sabat naman nya sabay tumawa ng mahina. "Mr. Santiago. May problema ba? " Napabalikwas ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang Surename ko. "Po, maam? Ah w-wala po." Kinakabahang sagot ko. Ngayon lang ako nahuli ng guro na nakayuko sa klase. At kay Mrs. Domingo pa. Sabihin na nating may pagkamasungit at nakakairitang ugali pa naman tong guro naming ito. "Mr. Ivan Ellison Santiago, hindi mo ba alam na ayoko sa lahat ang tinutulugan ang klase ko? If you want to sleep then the door is widely open for you to go.! " Galit na galit na sabi nito. "Sorry Maam. " Sagot ko na lang, sabay yuko. Halos na sakin na kasi ang atensyon sa buong klase. Nakakahiya. "Sabi ko naman kasi sayo bro. Wag mo ngayon pairalin ang katamaran. " "Alam ko naman, di ko lang mapigilan. " Bulong ko naman sabay ayos ng upo. Bwisit talaga. *** "Bro, pasok ka bukas may report tayo kay Sir Chavez. " Pahabol na sabi ni Anton bago humiwalay sa akin sa pag-uwi. Tinatamad pa naman ako. "Oo na. Papasok ako. " Sagot ko na lang. Wala talaga ako sa sarili ko ngayong araw na to. Teka kailan ba ako... Hay di bale na nga lang. Naglakad-lakad na lang ako papuntang sakayan. Isa pa to sa bwisit at panira sa araw ko. Mausok na. Ang haba-haba pa ng pila. Papadyak-padyak kong inilalakad ang mga paa ko. Halos ikaladkad ko na nga ang sapatos na suot-suot ko nang biglang may bumungo sakin. Nabitawan ko tuloy ang mga librong hawak ko at ganun din ang mga gamit na hawak ng nakabungo sakin. Kahit sobrang inis hindi na lang ako nagsalita at pinulot na lang ang nagkalat naming gamit. Wala akong panahong makipagtalo sa mga lampa na hindi marunong tumingin sa dinadaanan. Masyado akong bagot at wala sa mood para sa kahit anong klase ng pakikipagusap. "Hindi ka ba magsosorry?." Napataas ang kilay ko sa narinig ko mula sa babaeng pumupulot din ng gamit nya sa sementadong lupa. Teka ako? Ako pa talaga ang dapat magsorry? "Ano? Bakit ako magsosorry sayo, eh ikaw tong bumangga sakin. " Sagot ko at tumayo ng makuha ko na gamit ko. "Ako? Teka nga ..." Naputol ang sasabihin niya ng may lumapit sa kinaroroonan namin. "Kit, tara na daw sabi ni Pres. , baka daw mahuli pa tayo para mamaya. " Sabi nito habang palinga-linga ang tingin sa aming dalawa. "Pasalamat ka busy akong tao eh, che. Tara na. " Sabi nito bago pa man tuluyang humarap at sumama sa tumawag sa kanya. Sa sarili ko para, hindi ako makapinawala sa nakita at narinig ko. Sino ba yun, ibang klase. *** "Umayos ka nga. Elly ahh naiirita nako sayo. Palagi na lang ba yang katamaram mo paiiralin mo. Ayusin mo naman buhay mo hindi habambuhay nandyan kami sa tabi mo para paalalahanin ka. " Heto na naman kami. Wala na naman akong ibang maririnig kundi ang kapuputak nila. Tumayo na lang ako at dumeretyo sa kwarto ko. Bago pa man ako makalayo, ang sermon na ni ate Ellyn ang narinig ko. Hanggang sa makarating ako ng kwarto. Humiga ako sa kama at inunan ang ulo sa braso ko. Tinitigan ko lang ang puting kisame hanggang sa naalala ko ang babaeng yun. "Kit." ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.5K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.1K
bc

His Obsession

read
104.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook